Pagtapos talunin sina Jiang Yuyan at si Xiao Sun, nakaramdam si Zhao Feng ng pag-iisa.
Sa panahong ito, naramdaman niya na ang kaniyang Silver Wall Technique ay lubhang malapit na sa 10th level at kinakailangan niya na lamang ng 6-15 na araw bago ito tuluyang maka-angat.
Sa loob ng dimenyon ng kaniyang kaliwang mata, ang asul na liwanag ay humaba pa sa 9 foot 9 at tila ba ito ay umabot sa hangganan.
Hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang mangyayari kapag ang liwanag ay lumagpas pa sa 9 foot 9.
Bago pa makapagpahinga si Zhao Feng ng kalahating araw, may dumating na dalawang panauhin.
"Vice Head Guan, Vice Head Zhang, bakit nandirito kayong dalawa?"
Nagulat si Zhao Feng. Ang dalawang Two Vice Heads ay sabay na nagpunta sa kaniyang maliit na patyo.
Mabilis niyang inalalayan papasok ang dalawa at naisip kung sila ba ay 'nagkaayos' na o hindi.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com