Isang pusta?
Ang ekspresyon ng mukha ni Zhao Feng ay biglang sumaya nang labis. "Anong gusto mong ipusta?"
Ang pagtatalo ng dalawang ito ay naging dahilan upang masama silang tignan sila ng ibang pamilya. Ngunit marami sa mga taong ito ay alam na hinahangaan ni Zhao Ling Si Zhao Linlong, at si Zhao Linlong ang nagbigay ng imbistasyon kay Zhao Feng papunta kina Zhao Ling. Samakatuwid, hindi lang hinahangaan ni Zhao Ling si Zhao Linlin, bagkus ay malaki rin ang pasasalamat niya rito.
"Zhao Ling, kayong dalawa ay disipulo ng iisang sect. Bakit hindi kayo mamuhay nang mapayapa?" Sabi ni Zhao Qin.
"Hindi!" Ang mukha ni Zhao Ling ay namumutla ngunit ang kanyang mga mata ay nakatitig pa rin kay Zhao Feng.
"Pumupusta akong mananalo si Brother Linlong! May lakas ka ba ng loob na pumusta?"
Halata naman na si Zhao Ling ay may malaking tiwala kay Zhao Linlong.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com