webnovel

Ang Pagsisimula ng Galaw ni Zhao Feng

Editor: LiberReverieGroup

Natalo si Zhao Linlong!

Agad na tumingin ang iba kay Zhao Feng. Ang kaniyang mga kalkulasyon ay tamang muli, ngunit hindi ito ang paraan ng pagkatalo ni Zhao Linlong na kaniyang inaasahan..

"Paano mo nagagawang maging ganito, Zhao Feng? Hindi ka dapat nagsasabi ng masasamang bagay tungkol kay Brother Linlong." Kumunot ang mga kilay ni Zhao Chi.

Silang lahat ay nasa parehong pamilya pa rin at ang pagkatalo ni Zhao Linlong ay kahihiyan para sa lahat ng naroroon.

"Mayabang!" Mabangis na sabi ni Zhao Ling, na para bang natalo si Zhao Linlong nang dahil sa hula ni Zhao Feng.

_Sinisisi niyo ako dahil dito?_

Ngumiti si Zhao Feng habang umiiling at malamig na sinabi, "Nakalimutan mo na ba ang ating pusta na ang matatalo ay kailangan humingi ng tawag sa kabilang tao."

Pusta? Humingi ng tawad?

Ang mukha ni Zhao Ling ay agad na nanigas.

"Kaya kong humingi ng tawad sa'yo dahil sa pagkatalo, ngunit hindi yuyuko sa iyong pagkawalang hiya…" Sabi ni Zhao Ling, nanginginig sa pagkahiya.

"Ang pagkatalo ay pagkatalo." Tumingin si Zhao Feng dahil sa inis.

"Ikaw, Ikaw… kung malakas ka, bakit hindi mo hamunin si Xin Wuheng? Kung kaya mong salagin ang sampu niyang, wala na akong sasabihin pa," Naiinis na sabi ni Zhao Ling.

Dahil si Zhao Linlong ay tumagal ng sampung galaw, hindi niya naisip na kayang humigit ni Zhao Feng.

Sumuri ang mga mata ni Xin Wuheng sa mga nakababatang henerasyon at sa wakas ay napunta ang mga ito kay Zhao Feng. "Gusto mo bang makipaglaban sa akin?"

Ang ibang mga henyo ng Zhao Family ay nagulat. Kahit si Zhao Ling, na nasa gitna ng pakikipagtalo, ay natigilan.

Ngunit nang mapagtanto niyang hinahamon ni Xin Wuheng si Zhao Feng, ang nagulat niyang ekspresyon ay naging malugod.

"Sige! Tulad ng iyong hiling, ipapakita ko sa'yi kung ilang galaw ang kaya kong salagin!" Naglalarong sabi ni Zhao Feng, sumusulyap patungo kay Zhao Ling.

Kahit nagsitayuan ang mga buhok ni Zhao Ling dahil lamang sa pagtingin ni Zhao Feng, tumugon pa rin siya, "Kung magtatagal ka ng higit pa sa sampung galaw, taos-puso akong hihingi ng tawad sa'yo."

Sa pagkakataong ito, hindi niya sinabing magtagal ng sampung galaw, ngunit ang magtagal ng higit pa sa sampung galaw. At saka, ang tawag kay Xin Wuhen ay 'Ten Moves' Xin Wuheng.

"Masyadong kaunti ang sampung galaw, gawin na'ting tatlumpu… hindi, limampung galaw!" Kaswal na sabi ni Zhao Feng, iniiwan ang grupo ng mga natulirong mga disipulo ng Zhao.

Saan nanggaling ang kaniyang kumpiyansa?

"Arogante!" Si Zhao Linlong, na pabalik na, ay narinig ang kaniyang mga salita at nagdilim ang kaniyang ekspresyon. Kung siya, ang numero unong disipulo ng Zhao, ay natalo, sino pa kaya ang may pagkakataon?

Sa gitna ng entablado..

Dahan-dahang naglakad si Zhao Feng patungo kay Xin Wuheng at sinabi, "Narito si Zhao Feng upang makipaglaban sa iyo."

"Ang aking pakiramdam ay hindi maaaring magkamali, naniniwala akong ikaw lamang ang nag-iisang maaari kong maging tunay na kalaban," Kalmadong sabi ni Xin Wuheng.

"Kakatapos mo lang makipaglaban, bibigyab kita ng sampung paghinga upang makapagpahibga," Kalmadong sabi ni Zhao Feng.

Arogante!

Maririnig ang mga talakayan mula sa mga manonood.

"Nakakain ba siya ng maling gamot? Kailangan pa bang magpahinga ni Xin Wuhen upang makalaban lamang siya?"

"Panuoring niyo na lang…!" nagmura ang ibang mga hento.

"Hahaha…" Sa loob ng pabilyon, tumutulo ang mga luha ni Zhao Ling.

Maya-maya, ang atensyon ng mga manonood ay umaasa na nakatingin kay Xin Wuheng. At saka, hindi man lang gumamit ng panghinga si Xin Wuheng pagtapos labanan si Zhao Linlong.

"Sige." Tumitig si Xin Wuheng kay Zhao Feng at umupo nang naka-de kwatro upang ibalik ang kaniyang enerhiya.

Ano?!

Ang mga nanonood ay nagulat. Ang ngiti sa mukha ni Zhao Ling ay nanigas. Nagdilim ang mukha ni Zhao Linlong.

Bakit napakaimportante ng tingin ni Xin Wuheng kay Zhao Feng? Halata namang lalabanan ni Xin Wuheng si Zhao Feng sa kaniyang pinakamagandang kalagayan.

Isang hinga...dalawang hinga...tatlong hinga...

Tahimik na tahimik habang nagpapahinga si Xin Wuheng. Sa wakas, sampung hinga na ang lumipas.

Dahan-dahang tumayo si Xin Wuheng, at halata naman na siya ay nasa kaniyang pinakamagandang kalagayan na.

"Sampung hinga! Hindi ka nga talaga normal…" Sabi ni Xin Wuheng, tumititig kay Zhao Feng.

Kanina, si Xin Wuhen ay laging nasa kaswal na kalagayan, at hindi siya gumamit ng maraming enerhiya hanggang sa makalaban niya si Zhao Linlong. Dahil sa nakalaban niya ang isang higher rank, nagamit niya ang mas higit na enerhiya. Naintindihan ni Xin Wuheng na kailangan niya ng sampung hinga upang maabot ang kaniyang pinakamagandang kalagayan at nagkataong...ito ang saktong bilang ng oras na ibinigay sa kaniya ni Zhao Feng.

Ang pagkasakto ay nagpahanga kay Xin Wuheng, at wala siyang magawa kundi ang maging serysoso.

"Nagsimula na." Hindi kinakabahan si Zhao Feng. Sa halip, siya ay nasasabik.

Lightly Micro Step!

Ginamit niya ang kaniyang bilis at siya ang naunang umatake. Ang Lightly Micro Step ay isang peak high ranked martial art, ngunit kapag ginamit kasama ang Lightly Floating Ferry, ito ay kapantan ng isang peak ranked martial arts.

Ang bawat hakbang ni Zhao Feng ay magaan at mabilis na para bang nakipagsanib siya sa hangin.

Angry Dragon Fists!

Hindi na nagpakitang gilas si Zhao Fing at bumato na lamang ng simpleng suntok. Alam niya na ang mga pandama ni Xin Wuhen ay mas higit pa sa mga kapareho niyang henerasyon, ang mapanlokong galaw ay walang nagagawa sa kaniya.

Angry Dragon Fists, middle ranked martial art, peak level!

Gumamit rin si Xin Wuheng ng isang skill na naabot na ang peak level at silang dalawa ay matinding nagbanggaa.

_Hong!_

Ang banggaan ng mga kamao ay nagsanhi ng pagyanig. Kaharap ang kamao ni Zhao Feng, nanginig lamang si Xin Wuheng, ngunit hindi siya umatras.

_Ceng!_

Ginamit ni Zhao Feng ang enerhiya upang umikot sa hangin at muli siyang umatake.

Breaking Wind Finger! Small Cloud Acupunture Point!

Matatalim ang mga mata ni Xin Wuheng nang gamitin niya ang dalawang middle ranked martial arts ng peak level. Ginamit pa rin ni Zhao Feng ang Angry Deagon Fist upang macounter siya.

_Tong! Tong…!_

Nang tanggapin ang mga ataking ito, naramdaman ni Zhao Feng ang pagmanhid ng kaniyang braso. Ito ay dahil sa dalawang skill na ginamit ni Xin Wuheng na sinusuportahan ang isa't isa, at nang ilipat niya ang kaniyang skill mula sa Breaaking Wind Finger patungo sa Small Cloud Acupuncture Point, nagulat dito si Zhao Feng. Partikular na tinamaan ng Small Cloud Acupuncture Point ang mga lugar ng ugat at nagsanhi ng countering effect sa mga body strengthening techniques.

Angry Dragon Fists!

Imbis na umatras, umatake si Zhao Feng. Nagulat si Xin Wuheng, hindi niya inaasahan na napakalakas ng Metal Wall Technique na ang kaniyang Small Cloud Acupunture ay halos walang epekto.

Cloud Chess Step!

Agad na umatras si Xin Wuheng, na nagsahi ng pagbuka ng mga bunganga ng mga nanonood sa takot. Mayroong sariling rason si Xin Wuhen kung bakit siya umatras.

Una, si Zhao Feng ay hindi masyadong naapektuhan ng kaniyang Small Cloud Hand. Pangalawa, ang auwa at lakas ng kamao ni Zhao Feng ay humihigit sa kaniyang inaasahan.

Angry Dragon Fist!

Ang kamao ni Zhao Feng ay tila isang fire dragon na pumunta sa kaniya. Ang level ng kamao na ito ay lumagpas na sa peak level!

Sa susunod na dalawang galaw, si Xin Wuheng ay ganao na nagpipigil. Gayunman, suwerte na mayroon siyang Cloud Chess Step, na lubhang kakaiba at hindi inaasahan, nagpapahintulot sa kaniya na mabilis na makatakas.

Cloud Chess Step! Lightly Micro Step!

Ang isa sa kanila ay hindi inaasahan, habang ang isa ay mabilis. Ang dalawang anyo ay nagpalitan pa ng mas maraming atake.

Kung bilis at liksi ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay mas lamang, ngunit ang Cloud Chess Step ni Xin Wuheng ay masyadong hindi inaasahan, na para bang hindi ito isang skill kundi isang patibong.

Sumulong nang ilang hakbang si Xin Wuheng, maaaring siya ay lugi. Ngunit maaari rin itong isang patibong para patago siyang makaatake

Ang ika-anim na galaw...ang ikapitong galaw...

Nagsimulang lumamang si Xin Wuheng. Sinasadyang hindi gamitin ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata dahil dito, natamaan siya nang ilang beses. Ngunit dahil ang kaniyang Metal Wall Technique ay nasa fifth level imbis na peak fourth level, naharangan nito ang lahat ng pinsala.

Naramdaman rin ni Xin Wuheng na ang kaniyang ay mahirap, ang kaniyang mga pakiramdam ay kapantay ng mga Martial Masters, ngunit napagtanto niya na hindi niya magawang saktan ang kaniyang kalaban. Nang isa o dalawang beses na matamaan ni Xin Wuheng ang katawan ni Zhao Feng, ito ay tila parang pagsuntok sa isang pader na gawa sa bakal na simento.

Ito ay lubhang nakagugulat para sa kaniya. Talaga ngang mahirap si Zhao Feng. Una, si Zhao Feng ay may lubos na mabilis na reaksyon at pakiramdam sa pakikipaglaban. Pangalawa ang kaniyang bilis at lahat ng fist defense skills ay napakalakas.

Maliban na lang kung matamaan ni Xin Wuheng ang mga mahahalagang punto ni Zhao Feng, hindi tunay na mapipinsala si Zhao Feng. At saka, si Zhao Feng ay mabilis. Noong makipaglaban siya kay Qiu Changyi kanina, napatunayan na agad niya na ang kaniyang bilis ay top tier at hindi lamang iyon, naramdaman ni Xin Wuheng na hindi pa ito ang pinakamabilis ni Zhao Feng.

Ang paherong mga rason na nagpapaatras rin minsan kay Zhao Feng.

Ang ika-walong galaw...ang ika-siyam na galaw...

Ang lahat ng mga nanonood ay natuliro, mula noong simula hanggang ngayon, kailanman ay walang sinuman ang nakapagpalitan kay Xin Wuheng ng higit pa sa sampung atake.

Si Zhao Chi ay nakipagpalitan ng anim na atake at si Qiu Changyi ay nakipagpalitan ng pitong galaw. Kahit ang may pinakamataas na cultivation, si Zhao Linlong, ay natalo sa sampung galaw.

Sa sandaling ito, nakipagpalitan ni si Zhao Feng ng siyam na atake. Ito ay papalapit na sa ika-sampung galaw.

Ang mga mata ni Xin Wuheng ay tila parang isang kidlat nang maglabas ito ng kagustuhang makipaglaban at agad na ginamit ang Cloud Chess Step at ilan pang mga skill. Ang middle ranked skills ng peak level ay may hindi mailalawaran na kapangyarihan kapag pinagsama-sama.

Star Finger!

Agad na nilagay ni Zhao Feng ang kaniyang chi sa kaniyang daliri at humampas ng ilang beses.

_Tong! Tong! Tong!_

Ang bawat daliri ay kayang bumutas ng metal na mga tabla. Sa ilalim ng mga mata ni Zhao Feng, ang bawat daliri ay mabilis, accure, at makapangyarihan.

Ang ika-siyam na galaw...ang ika-sampung galaw!

Maliban sa tunog ng paglalaban ng dalawa, wala nang iba pang maririnig.

"Sweeping the Could and Winds!"

Pinagalaw ni Xin Wuheng ang kaniyang robe at isang patong ng mga bato sa ilalim ng kaniyang paa ay tumalsik sa lahat ng direksyon. Ito ang galaw na tumalo kay Zhao Linlong!

"Third Stance Star Finger!"

Tumagos ang daliri ni Zhao Feng sa hangis, nag-iiwan ng asul na linyo sa likod na parang isang bulalakaw.

"Imposible! Paano naging third level ang kaniyang Star Finger?" Sigaw ni Zhao Linlong.

_Suuu---_

Ang matalim na daliri ay tumama sa robe ni Xin Wuheng.

_Hoooongggggggg----_

Unti-unting nawala ang mga alikabok.

Tapos na ang ika-sampung galaw.

Dalawang anyo ang magkatabi, wala sa kanila ang gumagalaw....

Bab berikutnya