* * *
Ten Moves Xin Wuheng!
Ang summit ay nakaabot na sa kasukdulan sa pagdating ni Xin Wuheng. Bilang ang kampeon nakaraang summit, sikat si Xin Wuheng sa buong Sun Feather City.
"Xin Wuheng matagal kong hinintay ang oras na ito." Ang hangarin manalo ay lumitaw sa mga mata ni Zhao Linlong, at ang aura ng kaniyang pagiging sixth rank ay hindi na pinipigilan.
"Zhao Linlong, nabawasan ng kaunti ang iyong enerhiya, makakabuti para sa'yo ang mamahinga muna," Paalala ni Qiu Mengyu.
Lumaban na si Zhao Linlong ng maraming beses kanina at gumamit na ng maraming stamina, lalo na nung kinakalaban niya si qiu Mengyu. Kung nakatapat siya ng isang normal na kalaban hindi na kailangan pang mag-isip ni Zhao Linlong tungkol dito. Subalit, ang kalaban niya ay si 'Ten Moves' Xin Wuheng, ang taong nagpatumba na sakaniya noon.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com