webnovel

Ang Pinakamagandang Babae sa Sun Feather City

Editor: LiberReverieGroup

Ilang sandali lang ay nahabol kaagad ni Zhao Feng si Yufei.

Ngunit tila galit pa rin si Yufei dahil hindi ito sumasagot sa lahat ng kaniyang tanong. Naglalakad lamang ito patungo sa kanilang destinasyon, ngunit ang kaniyang mata na tulad ng kristal ay pasikretong sumusulyap sa batang nasa tabi niya.

Naramdaman ni Zhao Feng na sa wakas ay kumalma ito, kaya't nagsimula siyang magtanong tungkol ulit sa Genius Summit.

"Ang Genius Summit ay taunang paligsahan at lahat ng talentadong bata ay nakatatanggap ng imbitasyon…." ipinaliwanag ni Zhao Yufei ang sitwasyon.

Ito ay isang paligsahan kung saan ang mga kabataan ay naglalaban-laban at pinipili ang apat na magagaling na henyo ng Sun Feather City.

Mamaya-maya ay nakarating na sa pangunahing tarangkahan ng Zhao sect ang dalawa. Sa tarangkahan ay may ialang ataong nakatayo, kasama na sina Zhao Linlong, Zhao Chi, at Zhao Han.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya