Nakaraang taon, apat na magagaling na henyo ay nai-rank, kasama si Xin Wuheng na madaling naipuwesto sa unahan. Ang pangalawa ay si Qiu Mengyu, pangatlo ay si Zhao Linlong, at ang pang-apat ay si Qiu Changyi.
Ang una ay nanggaling sa pamilya ng Xin, samantalang ang pangalawa at ang pang-apat ay parehas na pambato ng pamilyang Qiu. Ang pamilya ng Zhao ang madaling naipuwesto sa huli. Ngunit ngayong taon, lahat ito ay nagbago!
Hindi lang nakarating ng sixth rank si Zhao Linlong, sina Zhao Feng at Zhao Yufei ay parehas nakarating sa fifth rank sa batang edad.
Ang mga pamilya ay nagkumpara kung gaano karami sa nakababatang henerasyon ang nakarating sa fifth rank o mas mataas pa.
Sa pamilya ng Zhao ay mayroong lima: Zhao Linlong, Zhao Chi, Zhao Feng, Zhao Han, at Zhao Yufei.
Ang pamilya ng Xin ay mayroon lamang tatlo, kabilang na si Xin Tong na siyang kararating lamang sa fifth rank.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com