Habang pumapasok si Zhao Feng sa yungib, nanlamig siya bigla.
Habang pumupunta siya sa kailaliman, mas lalong lumuluwag ang yungib. Mayroong mga nakamamatay na halimaw at mga mabangis na halimaw sa loob ng yungib, subalit lahat sila ay mahina. Habang nakikita niya sila sa kalayuan, ginagamit niya ang kaniyang silver bow para patumbahin sila.
Nang sila'y makalapit na, ginagamit niya ang kaniyang bagong curved blade. Madaling nahihiwa ng blade ang katawan ng mga nakamamatay na halimaw.
'Di kalaunan, may lumitaw na kulay-dugong pulang batong pader at sa ilalim ng pulang batong pader na iyon, mayroong kulay-dugong pulang lawa roon. Sa oras-oras, mayroong mga bulang pumuputok sa ibabaw ng lawa. Hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang mga pulang tubig na iyon, subalit naramdaman niya na ang aura nito ay katulad ng sa isang python.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com