webnovel

Ang Pagsisimula ng Main Tournament (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang unang tatlong antas ay ang pundasyon ng Metal Wall Technique. Ang bawat antas pagkatapos noon ay magbibigay sa cultivator ng isang napakalaking pag-angat sa kaniyang lakas. Sa sandaling ang body martial art na ito ay nasanay sa ika-apat na antas, ang katawan ng cultivator ay magiging kasing tigas ng isang bakal na pader at imposibleng masira.

Nangangahuluhan ito na kayang labanan ni Zhao Feng si Xin Fei gamit lamang ang kaniyang katawan, at karamihan sa mga cultivators sa ika-apat o ikalimang rank ay hindi magagawang saktan siya. Ang ika-apat na antas ng Metal Wall Technique ay hindi lamang pinapalakas ang balat, pinapalakas rin nito ang mga buti sa pamamagitan ng paghubog sa kanila sa loob, na nangangahulugan na ang lakas ng cultivator ay mas lagpas na sa iba na may parehong rank.

Nadama ni Zhao Feng na ang mga pagbabago sa loob ng kaniyang katawan ay halata. Nang hindi ginagamit ang kaniyang Inner Strength, ang kaniyang bawat galaw at kilos ay naglalaman pa rin ng isang hindi mapipigilang lakas.

"Kaya ko talunin nang walang kahirap-hirap ang mga cultivators ng ika-apat na rank gamit lamang ang aking katawan. Kahit mga cultivators sa ikalimang rank ay kaya kong labanan."

Huminga nang malalim si Zhao Fang at sinuri ang kaniyang katawan. Sa sandaling ito, napagtanto na ni Zhao Feng sa wakas ang kadakilaan ng isang body martial skill.

Kung inuna niyang sanayin ang Metal Wall Technique sa ika-apat na antas, siguro ay hindi siya nahirapan na kalabanin ang tatlong assassins.

_Teng!_

Tumalon si Zhao Feng upang umahon sa lawa at pinagtibay ang kaniyang pundasyon. Pagkatapos ay gumapang siya patungo sa pasukan. Ang pasukan ay ganap na nahaharangan ng nahulog na mga bato. Gayunpaman, nakikita pa rin ni Zhao Feng ang mga tanawin sa labas sa pagitan ng mga puwang nito.

"Hindi pa rin 'yon umaalis?!" nagbanggaan ang mga kilay ni Zhao Feng. Ang Azure Eyed Hyena ay nakahiga sa loob ng canyon, natutulog. Hindi naglakas-loob si Zhao Feng na gumawa ng kahina-hinalang mga kilos. Ang tangi niyang ginawa ay igilid ang ilang maliliit na bato.

_Wu~~~_

Sa sandali lamang na ito, umalulong ang Azure Eyed Hyena. Walang magawa si Zhao Feng habang ito ay naglakad pabalik sa kuweba. Bilang isang high tier na mabagsik na halimaw, ang Azure Eyed Hyena ay may malalakas na pandama. Ang subukan na magtago mula sa kanila ay hindi madali.

"Mayroon pang dalawang araw bago magsimula ang main tournament." Si Zhao Feng ay bahagyang nayayamot habang nagbababad siya sa ilalim ng lawa.

Hindi siya pwedeng puwersahang lumabas. Ang lakas ng Azure Eyed Hyena ay nasa ika-walong rank ng Martial Path. Sinumang cultivators sa ilalim ng ikapitong rank ay mamamatay sa isang iglap.

Bawat tatlong rank ay may malaking pagkakaiba. Halimbawa, isang cultivator sa tuktok ng ika-anim na rank ay madaling matatalo sa isang cultivator na naabot na ang ikapitong rank, kahit na ang lahat ng ibang bagay ay magkakapantay.

Ang Hyena ay isang Martial Master, dahil naabot na nito ang ika-walong rank. Kahit ang ibang Sect Elders ay hindi magagawang matalo ito.

Napagdesisyunan ni Zhao Feng na kung hindi siya makalalabas ay magcucultivate na lamang siya. Habang nakahiga sa lawa, ginamit niyang muli ang Air Crossing Breathing Technique at Metal Wall Technique. Kahit na ang pulang likido ay malaki ang naitutulong sa Metal Wall Technique, ang pag-angat nito ngayon ay higit na mas mabagal na kaysa noon.

Dalawang araw ang lumipas sa isang kisapmata. Ang Metal Wall Technique ni Zhao Feng at umangat nang napakataas, ngunit hindi nito naabot ang ikalimang antas. Sa panahong iyon, kumain siya ng isang five hundred year old blood plant at isang five hundred year old blood bamboo shoot.

Pagkatapos ay kumain si Zhao Feng ng isang blood spirit grass at naramdaman ang paglinis ng kaniyang Inner Strength at naging mas mataas ang kalidad nito.

Sa tulong ng blood plant at ng pulang lawa, ang antas ng kaniyang Inner Strength ay nakaabot na sa tuktok ng ikalimang antas. Hindi na ito mas mahina kay Zhao Han ngayon.

Ang gamit ng blood bamboo shot ay higit na mas nakatutulong. Tumutulong ito na tanggalin ang mga lason sa katawan. Ang paggamit ng napakaraming pinakakaingat-ingatan na mga kayamanan ay nagdala ng ilang lason sa loob ng kaniyang katawan at nagkaroon siya ng ilang maliliit na panloob na pinsala. Ngunit matapos gamitin ang blood bamboo shoot, naramdaman niya ang kaniyang sarili na naglalabas ng malapot na itim na likido nang maraming beses, na tumulong sa kaniya na alisin ang mga lason at gamutin ang kaniyang panloob na mga pinsala.

Sa sandaling ito, ang Inner Strength ni Zhao Feng ay nasa tuktok ng ikalimang rank, at ang kaniyang cultivation ay lumalapit na rin sa tuktok ng ikalimang rank. Ang kaniyang Metal Wall Technique ay halos na tuktok na ng ika-apat na antas.

Ngunit hindi siya nakakadama ng kasiyahan.

"Ngayon na ang simula ng main tournament." Malungkot na umiling si Zhao Feng. Siya ay nakakulong pa rin sa loob ng kuweba at hindi pa rin makalabas.

*********************

_Sa mga oras na ito..._

_Sa Sun Feather City, Zhao sect._

Ang lahat ng mga Elite Inner Disciples ay dumating na. Unang karangalan, Zhao Linlong, Ikalawang Karangalan, Zhao Chi, Ikatlong Karangalan, Zhao Han…

Ang lahat ng mga henyo ay dumating na.

"Bakit wala pa siya rito?" Sinuri ng nakabibighaning mga mata ni Zhao Yufei ang kapaligaran, ngunit hind niya makita si Zhao Feng. Naabot na rin sa wakas ni Zhao Feng ang ika-apat na rank ng Martial Path matapos ang kalahating buwan. Kasama ito ang tulong ng Air Crossing Breathing Technique at ng mga pinakaiingat-ingatan na mga kayamanan…

Sa entablado, mayroong limampung upuan na naka-ayos sa limang hanay. Sa mga upuan ay nakaupo ang limampung inner disciples. Ang limampung upuan ay kumakatawan sa limampung lugar ng mga inner disciples.

Ang unang tatlong nagmamay-ari ng upuan ay ang nangungunang tatlong disipulo ng Zhao sect. Lahat sila ay nakaabot na sa ikalimang rank ng Martial Path. Sa pagtingin lamang sa kanilang mga aura, makikita na sina Zhao Chi at Zhao Han ay kakaabot pa lamang sa ikalimang rank.

Para naman sa numero unong disipulo na si Zhao Linlong, hindi niya kailanman inimulat ang kaniyang mga mata simula pa lang noong una, na pinagmumukha siyang mas misteryoso. Hindi niya kailanman inimulat ang kaniyang mga mata upang manood ng anumang laban.

"Bakit wala rito ang nangungunang outer disciple na si Zhao Feng?"

"Oo nga, nabalitaan ko na natalo niya ang isang cultivator sa ika-apat na rank gamit lamang ang lakas ng isang half-step Martial Artist," daldal ng mga sect disiples. Kaunting tao lamang mula sa mga nakatataas sa Zhao Sects ang napagtanto na wala rito si Zhao Feng.

_Sa entablado..._

"Kung narito siya at nasa ika-apat na rank na ng Martial Path, siguradong maaabot niya ang nangungunang lima nang walang problema…" bulong ng isang matandang lalaki na may puting balbas sa kaniyang sarili. Ang matandang lalaki na may puting balbas na ito ay ang main judge ng labanan ng mga outer disciple, ang taong hinarangan ang atake ni Zhao Tianjian.

Ngayong araw, isa rin siya sa dalawang main judge ng main tournament.

"Hmph. Kung makakarating siya, eh 'di ang araw ay sumisikat mula sa timog." Ang mga mata ni Zhao Tianjian ay kumislap nang matindin, ngunit kahina-hinala niyang sinabi, _Ngunit bakit si Grey Eagle, ang taong kumuha sa misyon, ay hindi pa nagbabalita?_

*******************

_Sa loob ng Sky Cloud Forest, sa kuweba..._

Si Zhao Feng ay kumakapit sa katiting na pag-asang mayroon siya. Mabagal na lumipas ang oras. Sigurado siya na nagsimula na ang main tournament. Dahil sa pagbabantay sa labas ng Azure Eyed Hyena, hindi naglakas-loob si Zhao Feng na kumilos nang padalus-dalos.

Ang tangi niyang magagawa ay nararapat na icultivate ang Metal Wall Technique at ang Air Crossing Breathing Technique.

Isang araw na naman ang lumipas sa isang kisapmata. Ang Metal Wall Technique ni Zhao Feng ay umabot na sa tuktok ng ika-apat na antas. Kahit pati ang kaniyang cultivation ay unti-unting tumutungo sa tuktok ng ikalimang rank.

"Isang araw na ang nakalipas mula sa simula ng main tournament." Wala nang natitirang pag-asa si Zhao Feng. Kahit na importante ang inner disciple tournament, hindi ito kasing importante ng sarili niyang buhay.

At saka, kung mayroon siyang sapat na lakas, hindi na niya kakailangan pa na katakutan ang sinuman kapag bumalik na siya sa sect.

_Roar--_

Nanggaling sa loob ng canyon ang isang alulong.

_Hm?_

Agad na tumalon si Zhao Feng mula sa lawa. Ang tunog na iyon ay malinaw na nanggagaling mula sa Azure Eyed Hyena.

"Titingnan ko nga." Ginamit ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry at mabilis na dumating sa pasukan ng kuweba. Sa gitna ng mga puwang, lumitaw ang ilang mga tao.

Mga tao!

Noong una ay natutuwa si Zhao Feng, ngunit ang kaniyang kalooban ay nalungkot muli. Tanging mga Martial Masters ang may kayang kalabanin ang mga high tier na mababagsik na mga halimaw. Ang kaliwang mata ni Zhao Fang ay kayang makakita hanggang limang kilometro ang layo mula sa kuweba, mayroong dalawang lalaki at isang babae. Ang kanilang mga edad ay nasa labing-pito o labing-walo, ang pinakamatanda sa kanila ay nasa dalawampu.

Sa kanilang mga edad, halos imposible sa kanila na maging isang Martial Master. Sa isip ni Zhao Feng, ang lahat ng mga elder ng sect ay nakaabot na ng pitumpu o walumpu.

Ngunit ang Hyena ay tila alam na naroroon ang mga tao. Ang lahat ng tatlong tao ay nakasuot ng parehong damit, kaya parang sila ay galing sa parehong pangkat. Dahil sila ay limang kilometro ang layo, hindi marinig ni Zhao Feng ang kanilang mga tinig dahil ang kaniyang tainga ay hindi kasing lakas ng kaniyang mata.

Sa oras na ito, ang bata sa harap ay mahinang sinabi, "Ang g**o na ito ay mukhang may katalinuhan."

"Hindi man lang maituturing na hamon." naiinis na sabi ng isa pang bata.

"Ako bahala rito," sabi ng babae.

"Sige ba, little sister Yuan. Ang tunay mong combat skills ay masyadong mahina, malamang ay hindi mo ito magagawang patayin gamit lamang ang isang kilos," sabi ng bata sa harapan.

Kung naririnig ni Zhao Feng ang kanilang mga sinasabi ay siguradong magugulat siya. Maya-maya, pinagmasdan niya ang babae na papalapit sa high tier na mabagsik na halimaw.

_Wu~~~_

Sumunggab patungo sa babae ang Azure Eyed Hyena.

_Diyos ko!_

Si Zhao Feng ay natigilan. Ang babaeng iyon ay mamamatay!

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nanlaki nang todo. Ang buong mundo ay bumagal nang sampung beses.

"Sira!"

Lumutang pataas ang babae. Ang kaniyang makinis na kamay ay bahagyang pumalo sa hangin at isang kulay-azure na ilang ang nabuo sa kaniyang mga kamay, pagkatapos ay tumalsik ang ulo ng Hyena.

_Ssss--_

Ang mas matigas pa sa metal na balat ng Azure Eyed Hyena ay madaling nahiwa. Sumigaw ang Hyena nang ang ulo nito ay sumabog.

_Hong--_

Ang bangkay ay bumagsak sa lupa.

Si Zhao Feng ay nagulat. Ang kaniyang kaliwang mata nakamulat pa rin. Sa loob ng isang napakadilim na dimensyon sa kaniyang mata, ang berdeng ilaw ay nahati sa dalawang anyo. Ang isa sa mga ito ay ang Hyena, habang ang isa naman ay ang babae.

Ang dalawang anyo ay lumapit sa isa't isa. Ikinaway lang ng babae ang kaniyang kamay. Ang kaniyang atake ay naglalaman ng mga kaalaman na masyadong malalim para maintindihan ni Zhao Feng at pinatay ang Hyena gamit ang isang galaw.

Ang eksena sa kaniyang isip ay paulit-ulit na nangyayari, si Zhao Feng ay natuliro lamang doon na tila siya ay nananaginip. Siya ay nakatuon nang todo na hindi man lang niya napansin na ang tatlong tao ay paalis na.

"Little Sister Yuan, kahit na ang iyong kalaban ay napakahina, ang lakas ng galaw na iyon ay hindi masama," puri sa kaniya ng bata sa harap.

Nang imulat ni Zhao Feng ang kaniyang mata, wala nang sinuman ang nasa loob ng canyon, tanging ang bangkay lamang ng Azure Eyed Hyena. Lahat ng nangyari ay tila isang panaginip.

Ngunit kung isasara niya ang kaniyang kaliwang mata, ang eksena ng pagpatay ng babae sa high tier na mabagsik na halimaw ay pauli-ulit na mangyayari.

Bab berikutnya