Napansin ni Xia Zhi na napapawi ang ngiti ni Xinghe basta nababanggit si Xi Mubai kaya iniba niya ang usapan, "Ang computer ni Chu Tianxin ay walang ibang laman na importante… Hmm, ano ito, isang book manuscript?"
"Siguro nga. Isang kilalang may-akda si Tianxin, nakapaglimbag na siya ng ilang mga libro," paliwanag ni Xinghe.
Hindi makapaniwala na napakunot-noo si Xia Zhi, "Ang babaeng tulad niya ay isang may-akda ng libro? Natatakot na ako para sa kinabukasan ng panitikan natin."
Binuksan ni Xinghe ang manuscript at natagpuan na kasalukuyan pa itong tinatapos.
"Ate, sa tingin mo, mayroon ba siyang back-up file nito? Kung wala…" napabungisngis si Xia Zhi.
Kahit na nangatwiran si Xinghe na, "May ilang importanteng files sa kanyang computer. Hindi maganda na i-crash natin ito."
Akala ni Xia Zhi ay umaayaw na si Xinghe, kaya sinabi niya na, "Dahil nga may mga mahalaga siyang files kaya mas dapat nating i-crash ito. Ate, ang pagiging mabait ay ibinibigay lamang doon sa mga karapat-dapat at ang babaeng ito ay hindi nararapat pagbigyan. Kailangang maturuan siya ng leksyon dahil hindi ako makakatulog ng mahimbing kung hindi natin ito itutuloy."
"Hindi mo naintindihan ang ibig kong sabihin. Halika dito, hayaan mo ako ang gumawa."
Umusog siya at iniabot kay Xinghe ang laptop. Masasabing sabik siyang malaman kung ano ang pinaplano ng kapatid.
Inilapag ni Xinghe ang laptop sa harap niya at pagkatapos ng ilang click, nagpadala siya ng mga malalaswang gif ng isang mag-asawa na "nag-eehersisyo" sa lahat ng online contacts ni Tianxin.
Habang nangyayari ito, si Tianxin naman ay nagpapahinga mula sa pakikipag-usap at kumuha ng maiinom. Bilang nabuhay ang kanyang computer dahil sa mga nagdatingang message alerts.
Tianxin, ano ang iyong ipinadala sa akin???????? Hindi makapaniwala ang kaibigan niyang kakakausap lamang niya.
Maski si Tianxin ay nalito sa gumagalaw na larawan na automatic na ipinapadala ng kanyang account.
Ano ang nangyari?
Nahindik siyang bigla ng maalala ang kanyang contact list. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap niyon.
Pati ang mga contact niyang may pormal siyang relasyon ay nadamay, at ang pinakaiingatan niyang imahe ay bigla na lamang nasira!
Pinilit ni Tianxin na pigilan ang pagpapadala ng mga larawan o magpaliwanag man lang ng biglang mamatay ang kanyang screen.
Sinubukan niyang buhaying muli ang computer pero hindi ito gumagana.
Sa tabi ni Xinghe, pulang-pula ang mukha ni Xia Zhi sa kakapigil ng kanyang tawa.
Hindi siya makatawa ng malakas sa takot na maistorbo ang pamamahinga ng kanyang ama.
Si Xinghe, ang may pakana ng lahat, ay may pormal na ekspresyon.
"Ate, ang galing mo! Paano mo naisip ang ideya na iyon," nakahiga na si Xia Zhi sa kakatawa, "Tulungan mo ako, masakit na ang tiyan ko kakatawa…" at itinaas ni Xia Zhi ang hinlalaki sa kanya.
Hindi niya akalaing isang evil genius ang kanyang ate.
Mahalaga kay Tianxin ang kanyang imahe, mas mahalaga pa sa buhay niya at iyon ang pinuntiryang sirain ng kanyang ate. Tumawa siyang muli ng maalala ang nakasimangot na hitsura ni Tianxin.
"Buti nga sa kanya! Sis, medyo nakakatakot ka, alam mo ba iyon?"
Sumagot si Xinghe sa mahinahong tono, "Dapat lang sa kanya iyon, tingin mo?"
"Oo naman! Sa tingin mo ba nakatanggap din si Mubai ng larawang iyon?"
Kinindatan siya ni Xinghe bilang sagot sa tanong niya.
Hindi lamang pala si Mubai ang nakatanggap niyon sa contacts ni Tianxin, maging sina Ginoong Xi at Ginang Xi din…
Nagtatrabaho si Mubai sa kanyang study nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Tianxin. Kumibit ang gilid ng kanyang mata ng mabuksan niya ito.
Nagulat ang lahat ng nakatanggap ng mensahe, lalo na ang mga magulang ni Mubai.
Bakit magpapadala ng ganoong klaseng mensahe si Tianxin sa kanila?
Ang hula ng iba ay napasukan ng virus ang computer ni Tianxin, pero saan at paano nga ba nito nakuha ang computer virus na iyon? Nakakakuha lamang ng ganoong virus ang computer kapag nagpupunta sila sa mga adult websites, hindi ba?