webnovel

ANG NAPAGDESISYUNAN NIYANG BAHAY

Editor: LiberReverieGroup

Hindi nila maiwasan na magtaka, anong klaseng websites ba ang binibisita ni Tianxin tuwing may libreng oras siya?

Kahit gaanong paliwanag pa ang gawin ni Tianxin, nagbago na ang tingin sa kanya ng mga tao.

Ang imahe ng kainosentehan at kayumihan na kanyang matagal na inalagaan ay naglaho ng isang kisapmata.

Dahil dito ay nagkulong si Tianxin sa kanyang bahay ng ilang araw at naghihinanakit sa mundo.

Hindi na niya namalayan na nawala din ang kanyang manuscript.

Hindi na inalintana pa ni Xinghe si Tianxin.

Mayroon siyang mas malaking poproblemahin.

Naging mabilis ang paggaling ni Chengwu; ang kondisyon niya ay naging maayos na dalawang araw lamang pagkatapos ng operasyon.

Nakahinga ng maluwag sina Xia Zhi at Xinghe na siyang nag-aalaga sa kanya.

Wala ng panahon si Xinghe na mag-ayos pa ng kanyang hitsura dahil masyado siyang napako sa pag-aalaga sa kanyang tiyuhin.

Naiinis pa din si Xia Zhi kapag naaalala niya kung paano minaliit at hinamak ni Tianxin ang kanyang ate.

Pinayuhan niya si Xinghe, "Ate, maayos na ang kalusugan ni tatay at kaya ko na siyang alagaang mag-isa sa ngayon. Bakit hindi ka kaya pumunta sa tindahan ng mga damit at bumili ng bagong isusuot, bumili ka ng kahit anong gusto mo, may natitira pa namang 100000 RMB sa card ko. Huwag kang matakot na gastusin lahat ng iyon, sisiguraduhin kong kumita ng kaunti paglipas ng ilang araw."

"Makakahintay iyan, ang dapat nating isipin ay ang ating titirahan sa ngayon," tinanggihan ni Xinghe ang alok ni Xia Zhi.

Naliwanagan si Xia Zhi at ito ay sumang-ayon, "Tama ka, hindi na tayo pwedeng bumalik sa apartment na iyon, kailangan natin ng bagong matitirahan. Hahanap ako ng magandang lilipatan natin, kaya gamitin mo ang oras na ito para magpahinga."

"Mayroon na akong napagdesisyunan na lugar – pero kailangan ko itong personal na ayusin. Ikaw ang maiwan dito at magbantay kay tiyo, babalik ako agad," sabi ni Xinghe bago siya umalis.

"Ate, saan ka pupunta?" nagulat si Xia Zhi at tinawag siya pero masyado na siyang malayo.

Hindi man lamang siya lumingon.

Saan kaya siya pupunta?

Hahanap siya ng malilipatan nila at ang lugar na kayang napagdesisyunan ay… ang lumang villa ng Xia Family!

Ilang taon ang nakalipas at ang lugar na iyon ay pinamamahayan ng mga taong walang kinatatakutang batas. Oras na para lumayas ang mga ito.

Nakita ni Xinghe ang sarili na nasa gate ng villa ng Xia Family.

Itinaas niya ang ulo at sinubaybayan ang buong lugar, isang determinadong ngiti ang makikita sa kanyang mukha.

Pinindot ni Xinghe ang doorbell at bumukas ang pintuan.

Ang babaeng nagbukas ng pinto ay ang dating kasambahay ng Xia Family, si Mrs. Chan.

Nagulantang si Mrs. Chan nang makilala ang bisita. "Ikaw, ikaw si Young Lady Xia?"

"Nasa bahay ba si Wu Rong?" deretsong tanong ni Xinghe.

Hindi alam ni Mrs. Chan kung bakit naroon ito kaya sumagot siya ng may alinlangan, "Nasa loob si madam…"

Tinabig siya ni Xinghe sa isang gilid at pumasok sa villa. Si Wu Rong, na nadamit ng maganda dahil may pupuntahang magarbong sosyalan, ay sakto namang pababa ng hagdanan.

"Mrs. Chan, sino iyong dumating?" mabagal na tanong ni Wu Rong. At biglang napako ang tingin niya kay Xinghe na nasa ibaba ng hagdanan.

"Xia Xinghe?" halos hindi makapaniwala si Wu Rong sa nakita.

Kailan ko ba huling nakita ang buwisit na babaeng ito?

Dalawang taon na pala ang lumipas. Ito ay noong oras na may mataas na lagnat si Xia Chengwu. Naubos na nila ang kanilang ipon at nabubuhay na lamang sa pangungutang. Dahil wala ng ibang mapagpilian, bumalik si Xinghe para kuhanin ang kanyang parte ng mana. Itinaboy ko siya at hindi ko binigyan kahit isang kusing.

Pagkatapos ng tahimik na dalawang taon, bumalik na naman si Xia Xinghe.

Ang mga ito ay tumakbo sa isipan ni Wu Rong. Masasabing pinaghahandaan din niya ang pagbabalik ni Xinghe.

Alam niyang babalik din isang araw si Xinghe kapag wala na itong matitirahan.

Bab berikutnya