Chapter 1624: Hindi Siya Ganoong Klaseng Tao
Sa kabila nila, nagulat rin si Mo Lingtian noong nakita niya sina ning Xi at Ning Tianxin. Lalo na noong nakita niya si Ning Tianxin na nabangga niya, napatitig lang siya nang matagal.
Dahan-dahang tiningnan ni Ning Tianxin si Mo Lingtian at ang babae sa likod nito, at kakaunti lang ang pagbabago sa ekspresyon niya. Walang reaksyon sa mukha niya.
Noong nag-uusap sina Ning Xi at Ning Tianxin, sinadya niyang hindi banggitin si Mo Lingtian dahil nag-aalala siya na baka maalala ni Ning Tianxin ang pangyayari, pero sinong mag-aakala na habang paalis sila, makakasalubong nila ito. At hindi lang ito, sa lahat ng tao, si Guan Ziyao pa ang nasa tabi ni Mo Lingtian!
Sobrang nagalit si Ning Xi. Pinigilan niya na biglang umalis dahil sa itsura ni Mo Lingtian. Malamig ang ekspresyon niya at hinila niya si Ning Tianxin palayo mula sa dalawa para makaalis agad sila.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com