Chapter 1625: Nandito Lang Ako Para Samahan Ka
Maraming lalaking nainggit kay Mo Lingtian.
Pero, nasandal lang siya sa upuan niya, at nakabitin ng ang kamay niya sa armrest. Nakatulala siya at parang malayo ang iniisip. Kahit nakaupo siya doon, halatang may sarili siyang mundo.
Syempre napansin ni Guan Ziyao na biglang kakaiba si Mo Lingtian simula noong nakita ito ang babae.
Sa totoo lang, pagkatapos ng pangyayari, naging kakaiba ang kilos ni Mo Lingtian. Dahil ba nabuntis niya ang babaeng yun, kahit hindi naman niya gusto yung babae, hindi na mababalik sa dati?
Kahit hindi niya talaga gusto si Mo Lingtian, noong nakita niya na nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, lalo na noong ganoon siya kinausap nito dahil sa babaeng iyon, hindi magaan ang loob niya.
Simula noong bata pa sila, hindi nagalit sa kanya si Mo Lingtian kahit kailan. Tuwing nakikita siya nito, siya lang ang nasa isip nito pero ngayon...
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com