**"Bakit nandito ka na naman?" kitang kita ko sa mga mata ang galit niya sakin.
"Napakatigas talaga ng ulo mo diba sabi ko naman sayo na wag kang lalabas ng room mo hangga't hindi ko sinasabi" hinila niya ako papunta sa kwarto ko.
"Sa susunod kapag di ka kailangan wag kang magpapakita sakin" saka niya ako tinulak papasok ng kwarto.
Dahil sa maliit na katawan kahit mahina lang ay parang malakas kaya naman nasubsob ako sa sahig dahil sa pagtulak sakin ni mama.
Hindi ko alam kung anong oras na pero sobrang nagugutom na ako nakalimutan na naman ni mommy na pakainin ako. Dahan daan kong binuksan ang pintuan ko tiningnan ko ng maigi kung gising pa ba si mama ng matiyak ko na walang tao ay nagmamadali akong lumabas. Nang makarating ako sa kusina naghanap ako kaagad ng pagkain pero kahit anong hanap ko walang makain.
Narinig kong bumukas ang pintuan.
"Hindi mo na ba talaga akong pwedeng balikan?" pagmamakaawa ni mama sa kausap niya.
"I can get rid of her!" desperadang sabi ni mama.
"Kung yun lang ang paraan para balikan mo ko" pagmamakakaawa niya ulit.
"No No plea---AHHHHHH FUCK!" sigaw ni mama.
Narinig kong may mga nababasag natakot ako kaya naman nagtago ako sa ilalim ng lamesa. Nanginginig ako sa takot naiiyak ako pero baka marinig ako ni mama.**
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagising na lang ako nasa ospital na ako.
"Thank god at gising ka na!" pagpapasalamat na sabi ni Capt.
"Bakit ako nasa ospital" nagtatakang tanong ko.
"Bigla ka kasing nahimatay habang binubugbog ka ng isang estudyante" kwento niya.
"Oo nga pala" bigla kong naalala ung nangyari bago ako mawalan ng malay.
"Pinapabayaan mo ba ung sarili mo?" nagaalalang tanong niya.
Naalala ko na hindi pa nga pala ako kumain ng kahit ano simula kahapon. "Hindi"
"Really? Then bakit sabi ng doctor over fatigue daw ang dahilan kung bakit ka nahimatay and they think you haven't eating anything since morning" sabi niya.
"Hindi yan totoo" pagtanggi ko.
"Pero may nakapagsabi sakin na kahit ung sandwich na binigay ko sayo ay hindi mo kinain" ani niya.
Naalala ko naman ung lalaking nandun. "Busog pa ako kaya hindi ko kinain"
"Iniwan lang kita saglit pero ito na agad nangyari sayo and still you want me out of you life" puno ng hinanakit niyang sabi.
Bigla naman akong napakunot ng noo dahil sa sinabi niya. "Alam mo sa totoo lang kasalanan mo naman ang lahat ng ito. Sinugod ako ng babae na yun dahil akala niya binasted kita kaya sobrang galit na galit siya sakin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Bago ka dumating sa buhay ko sobrang tahimik naman eh hindi ako napapansin ng ibang tao wala silang pake sakin pero simula ng pinansin mo ako lahat na lang sila parang ginawan ko ng masama na parang bang inagaw kita sa kanila pero hindi naman ikaw ung lapit ng lapit sakin kahit na pilit na kitang pinapalayo. Alam ko naman na dapat ko to nararanasan pero napapagod din ako hanggang kailan ko ba dapat pagbayaran ang lahat ng kasalanan na hindi naman ako ng gumawa. Biktima lang din ako pero parang kasalanan ko kung bakit buhay ako. Sobrang hirap na hirap na ako pinipilit ko na lang lumaban dahil alam kong hindi ako dapat sumusuko dahil pagsubok lang naman to pero sobrang nakakapagod na. Ang hirap lumalaban lalo na kung nagiisa ka lang walang kakampi na parang lahat kaaway mo kahit wala naman akong ginagawa" paglalabas ko ng hinanakit ko.
"Sorry kung dahil sakin kung bakit ka nasaktan. Hindi ko ginus---"
"Oo nga't hindi mo ginusto pero kilala ka sa buong school hinahangaan ka ng mga tao kaya kapag nasaktan ka sila ang gaganti para sayo" singit ko.
"I'm really sorry. Hindi mo naman kasi kailangan lumaban mag-isa nandito ako sasamahan kita sa laban mo" makikisimpatya niya.
"Hindi mo ba naiintindihan ikaw nga ung dahilan" pagpapaintindi ko sa kanya.
"Oo nga ako ang dahilan kaya gamiti mo ako para wala na mananakit sayo" suggestion niya.
"Paano mo masisigurong wala na mananakit sakin?" tanong ko sa kanya.
"Magtiwala ka sakin hindi ko hahayaan na masaktan ka paulit. Just trust me" pagkukumbinsi niya sakin.
"Sa tingin mo mapapahinto mo talaga sila?" pagsisiguro ko.
"Basta magtiwala ka sakin. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila ulit" pagpilit niya sakin para pumayag ako sa gusto niya.
"Pagiisipan ko muna" wala sa sarili kong sabi.
"Sige kung anong gusto mo. Magpahinga ka na ikukuha lang kita ng pagkain" sabi niya.
Lumabas na siya para bumili ng pagkain. Napatingin naman ako sa kisame ng ospital. Napapaisip ako sa sinasabi ni Capt. dati pa lang hindi na maganda ang nangyayari sakin kahit naman bago pa siya dumating sa buhay ko marami nag alit sakin dahil daw malandi ako. Kahit wala naman katotohanan ang mga sinasabi nila pero madami pa din gustong manakit sakin. Pero hindi tamang gumamit ng tao para sa pansarili lang ayoko siyang gamitin. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.
Biglang bumukas nagpinto. "Iha!"
"Tita!" gulat kong sabi dahil hindi ko inaasahan na pupunta si tita.
"Anong nangyari sayo? Hinimatay ka daw sabi ng school? Tinawagan nila ako" nagaalalang sunod sunod na tanong ni tita.
"Okay na po ako siguro po masyado lang po akong napagod medyo madaming pong ginagawa sa school" pagsisinungaling ko.
"Magpapahinga ka naman kasi iha. Paano kaya kung umalis ka na lang dun sa library? Bibigyan na lang kita ng pera kapag kailangan mo" suhesyon ni tita.
"Hindi naman po ganun kabigat ung trabaho sa library tita. Saka nakakahiya na po sa inyo" nahihiyang sabi ko.
"Ano ka ba wag kang mahiya responsibilidad kita hangga't hindi ka pa nakakagraduate responsibilidad kita" pangangaral niya sakin.
"Umalis ka na sa library pagtuunan mo na lang ng pansin ang pagaaral mo. Wag mo na isipin ang pera. Bukas sasamahan kita sa school para masiguro ko na aalis ka na sa library" pinal na sabi ni tita.
"Wag na po tita makaabala pa po—"
"Hindi ko kasi alam kung anong pagkain ang gusto mo kaya kinuha ko na lang kung anu-ano--- ahm magandang araw po" gulat na sabi ni Capt.
Napatingin naman sakin si tita. "Schoolmate ko po siya yung nagdala sakin dito"
"Pasensya na po nakaistorbo po ata ako lalabas na lang po ulit ako" nahihiyang sabi ni Capt.
"No iho okay lang. You are?" tanong tita.
"JK Jimenez po" pagpapakilala niya sa sarili niya.
"Nice to meet you iho. I want to talk to you" sabi ni tita.
Lumabas silang dalawa hindi ko alam kung anong pwede nilang pagusapan bakit kailangan pa nilang lumabas para lang magusap pwede naman dito na lang.
** - means flash back
thank you so much for reading i hope you enjoy
sorry for not updating always but im trying.