webnovel

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the authors imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Stories are not mine. There might be based from true stories or is completely fictional. You can send me your stories if you wanted tp share. Just message me.

great_sage00 · Lainnya
Peringkat tidak cukup
20 Chs

A MISTRESS' POV

—zyrr.lcst

"Sa'kin ka ba uuwi mamaya?" tanong ko habang inaayos ang necktie ni Lincoln.

"Hmm... I'm not sure, tingnan ko lang."

Napanguso ako dahil sa sagot niya.

"Okay, naiintindihan ko naman," malungkot na tugon ko.

Napahagikhik ako nang hapitin niya ang bewang ko. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko na siyang nagbigay ng kiliti sa akin.

"Huwag ka nang magtampo, tart. Babawi ako sa'yo, promise," aniya.

Pinatakan niya ng mumunting halik ang leeg ko hanggang sa dahan-dahan itong umakyat patungo sa labi ko. He kissed me torridly. Napaawang ang aking bibig nang kagatin niya ang ibabang labi ko at ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Ramdam kong unti-unti nang lumalalim ang paghahalikan namin kaya't itinulak ko siya.

"Oops, tama na. Baka kung saan na naman 'to mapunta."

Marahang natawa siya at inayos ang polo niya.

"Okay, aalis na 'ko."

Inihatid ko siya sa kotse niya na nakaparada sa parking lot ng condominium na tinitirahan ko.

"Drive safely, 'kay?" paalala ko.

Mabilis na hinalikan niya ako sa labi 'tsaka pumasok sa sasakyan niya.

"Yes, tart. Love you."

"I love you too." Nakangiting kumaway ako sa kanya habang pinapanood ang pag-alis niya.

Pabalik na sana ako sa unit ko nang makasalubong ko si ate Mila, kapitbahay ko. Napakunot-noo ako nang mapansing kakaiba ang tingin niya sa'kin.

"Ate Mila, anong prob—" napatigil ako sa pagsasalita nang sumabad siya.

"Alam mong mali 'yang ginagawa mo," usal niya.

Nabigla ako nang marinig kung gaano kaseryoso ang boses niya. Kilala ko siya bilang isang masiyahin at mapagbirong tao kaya't hindi ko inaasahan 'to. Ilang beses na niya kaming nakikitang magkasama ni Lincoln pero binabalewala niya lang naman 'yon.

Kumunot ang aking noo nang sumenyas siya, animo'y pinapasunod ako sa kanya. Tahimik na pumasok ako sa condo unit niya at naupo sa sofa. Ipinagtimpla niya muna ako ng kape bago siya maupo sa tabi ko.

"Ayan, uminom ka ng mainit na kape. Baka sakaling magising ka na diyan sa kahibangan mo," aniya.

Walang imik na hinipan ko muna ang kape bago ito hinigop. Napapikit ako nang maramdaman ang init na dala nito sa aking kalamnan.

"Sa mata ng Diyos at sa ilalim ng batas, kasalanan iyang ginagawa mo."

Napayuko ako at napalunok dahil sa sinabi niya.

"Kasalanan bang magmahal? Wala naman akong ginagawang masama eh, sadyang mahal ko lang talaga siya," mahinang wika ko.

"Eh ikaw, mahal ka ba niya? Kung totoong mahal ka niya, bakit pangalawa ka lang? Bakit kabit ka lang? Hindi ba dapat ikaw ang una kasi ikaw ang mahal?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Oo nga't mahal mo siya pero siya, totoong pagmamahal ba talaga ang nararamdaman niya para sa'yo? Love is different from lust, Callie."

Hinawakan niya ng marahan ang kamay ko 'tsaka ako tinitigan sa mata.

"Parang kapatid na ang turing ko sa'yo, Callie. Pinagsasabihan kita dahil ayaw kong masaktan ka," wika niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko. "Alam mong sa bandang huli, ang asawa niya pa rin ang uuwian niya dahil 'yon ang totoong mahal niya."

"Please don't be selfish, Callie. Huwag mo siyang ipagkait sa asawa niya... at mas lalong 'wag mong ipagkakait sa sarili mo ang totoong pagmamahal na karapat-dapat sa'yo."

"Being a mistress isn't worth it. You deserve more than that, Callie. You deserve a man who will love you with his whole heart, iyong wala kang kahati. You deserve a man who will let his whole world revolve around you solely."

"Please wake up, Callie. He doesn't deserve your love. He doesn't deserve you. And you don't deserve to be a mistress 'coz you are worth more than that."

Her words served as an eye-opener for me.

She's right. A woman with self-worth and dignity wouldn't allow herself just to be an option, an escape, or a plaything to a married man. She wouldn't settle for less because she deserves the best.

𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘣𝘦 𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘵𝘢𝘨𝘰𝘯𝘪𝘴𝘵 𝘵𝘰 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘰𝘯𝘦 𝘦𝘭𝘴𝘦'𝘴 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺, 𝘪𝘯𝘴𝘵𝘦𝘢𝘥 𝘤𝘳𝘦𝘢𝘵𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘰𝘸𝘯 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘣𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘢𝘨𝘰𝘯𝘪𝘴𝘵 𝘰𝘧 𝘪𝘵.