webnovel

Ysla Paraiso Part 52

"Ysla Paraiso" Part 52.

Napakaganda ng kapitan ng aming barko, nakasuot ito ng itim na sumbrero ng kapitan at puting uniporme ng kapitn na nagpapakita ng nakalitaw at magandang cleavage ng maganda niyang mga dibdib.

"Magandang hapon sainyo, ako si Captain Fiña Dumagat ang kapitan ng inyong sinasakyang barko. Nais kong malaman ng lahat na nagkaroon ng kaunting problema at kinakailangan nating pansamantalang dumaong sa isang kalapit na Isla, para na rin sa ating kaligtasan. Pinaalahanan ang lahat na bumalik sa kani-kanilang mga silid at huwag mag-panic, ihanda ang mga kagamitan at sarili para sa ating gaganaping pagdaong. Iyon lang, at maraming salamat." Pagtatapos ni Captain Fiña sa kanyang sinasabi.

"Siya ba yung tinutukoy mong kaibigan, Ysla?" Usisa ko.

"Sino pa ba?" Masungit na tanong niya habang nag-aayos ng kaniyang mga kagamitan sa loob ng aking kwarto.

"Teka nga, bakit pala naisipan mong lumipat dito?" Tanong kong muli.

"Bukod sa kapitana, ikaw lang naman kakilala kong mapagkakatiwalaan ko dito. Hindi ko siya pwedeng puntahan sa ngayon, kaya pagpasensyahan mo na munang nandito ako." Ani Ysla.

"Hindi, ayos lang naman sakin na nandito ka. Mas mabuti nang may kasama sa mga ganitong sitwasyon." Aking saad bago tumingin sa balingkinitan niyang katawan.

Nakasuot lamang kasi si Ysla ng itim niyang sando at jogging pants, nakapuyod rin ang buhok niya na mas lalo pa niyang ikinaganda. Ganito ang ayos niya sa tuwing may pelikula siya bilang aksyon star.

"At isa pa..." Lumapit ako sa likuran ni Ysla at hinawakan siya sa kaniyang manipis na bewang. "Mas masaya lalo na kung ikaw ang kasama." Pang-aakit ko sa seryosong si Ysla.

"May nangyayari ngayon, talaga bang naiisip mo pa rin yan?" Mukhang wala ito sa mood.

Ngunit tinaas ko lamang ang sando nito at hinawakan ang seksi niyang bewang sa loob.

"Saglit lang naman Ysla~ wala namang gagambala sa atin~" Inumpisahan kong halik-halikan ang maputi niyang leeg.