NAGISING SI Cass na masakit ang kanyang ulo, hindi niya rin kinayang buksan agad ang kanyang mata dahil maliwanag ang paligid. "Ansel..." Tawag niya sa binata. "Ansel? Andyan ka ba? Pakuha naman ako ng tubig..."
Walang sumagot sa kanya at wala rin siyang marinig na taong gumagalaw. Ang naririnig niya lang ay ang aircon at ang paggalaw niya sa kama. "Ansel..." Tawag niya muli, ngunit wala pa ring sumasagot. "Tulog ka pa ba?" Naupo na siya at dahan-dahang inimulat ang mga mata. Wala si Ansel. Siya lang ang naroroon. "Wow naman," tumayo siya at dumiretso sa banyo. Masakit pa rin ang ulo niya at pakiramdam niya naging Sahara Dessert ang lalamunan niya.
Paglabas niya, doon niya lang napansin na may bote pala ng tubig sa lamesa at mayroon ring isang tableta ng aspirin. Agad niyang kinuha ang tubig at ang aspirin. Ilang minuto ang nakalipas bago siya nakahinga nang maluwag.
Ngunit, hindi pa rin siya handang harapin ang mundo kaya ipinasya niyang humiga ulit, sakto namang biglang tumugtog ang isang indie song. May tumatawag sa kanya.
Pinulot niya ang phone mula sa kinaroroonan at sinagot ang tawag ng nawawalang binata.
"Caz," bati nito mula sa kabilang linya. "Gising ka na ba?"
"Oo, gising na. Good morning," sagot niya. She likes how he doesn't speak too loudly, para na nga itong bumubulong sa cellphone nito.
"Morning, nakita mo 'yung aspirin? Atsaka, malapit nang dumating yung breakfast mo, pina-follow up ko na kanina."
Tumango siya kahit hindi niya ito nakikita at inayos ang sarili sa pagkakahiga. "Asan ka?"
Ang inaasahan niya kasi ay magigising siya na mayroon ito. Parehas naman silang lasing kahapon, sadyang mas nauna lang siyang tinamaan. He can't possibly get out of bed feeling like Superman, can he?
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Bakit? Na-miss mo ako?"
Natawa naman siya. "Syempre, hindi ka naman araw araw na magigising na may katabing gwapo," biro niya. "Take advantage nga sabi nila."
"Naman. Ganyan lang ba ang tingin mo sa akin?"
"Of course not," tumikhim siya. "So, asaan ka?"
May narinig siyang iba pang boses sa kabilang linya. Isang babae at dalawang lalaki. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano ang mga sinasabi nila. Ang naririnig niya lang ay ang paghinga ng binata. "Ansel?"
"Caz," mahina pa ring usal nito. "I need to go."
"Kailan ka babalik?"
Saglit na natahimik ito at ang naririnig niya lang ay ang pag-uusap ng ibang naroroon. Tulad ng dati, wala siyang na-pick up na matino sa usapan ng mga kasama ni Ansel. "Mamaya pa ako babalik. But don't worry, at least may day off ka na sa akin. 'Wag mo ako masyadong ma-miss, okay?"
"Che."
"Sige, bye."
"Bye."
Ito na ang naunang nagbaba ng tawag at tinitigan niya lang ang phone. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang siya binigyan ng heads-up ng binata kung saan man ito pupunta. Simula kasi nang samahan siya ng binata sa mga aktibidades nito ay hindi ito ulit nag-solo flight. Kahit pa nga noong unang puro nakaka-boring dito ang mga gusto niyang puntahan.
Huminga na lang siya nang malalim at sinubukang alalahanin kung may nasabi ba siyang masama rito kahapon. Alam niyang lasing siya kaya hindi naman siguro seseryusohin ng binata ang mga pinagsasabi niya. Ngunit, alam niya rin na minsan kung lasing ang isang tao doon lumalabas ang mga bagay na hindi pa nila nasasabi sa iba.
Narinig niya ang doorbell at napailing na lang. Ngunit kahit nang nagsisimula na siyang kumain ay iniisip niya pa rin kung ano ang maaring nasabi niya sa binata. Nang wala siyang maisip, napatingin na siya sa paligid at nang dumako ang kanyang mga mata sa bote ng alak na iniinom nila kahapon, isa isang nag-flash back sa kanyang utak ang mga naganap.
"Oh. Em. Gee," mahinang usal niya. Buti na lang at natapos na niya ang kanyang pagkain dahil kung hindi baka aksidente niyang mailabas iyon. Napahawak siya sa ulo at paulit-ulit na binanggit ang tatlong katagang una niyang sinabi.
Gusto na niyang kainin siya ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Naalala niya na ikwinento niya rito kung ano ang nangyari apat na taon nang pinunit nito ang love letter niya dahil nagtanong ito kung bakit siya nagka-crush rito noon. Naalala niya ang sinabi nito, pati na ang ibig sabihin ng nickname niya at ang pagtangka niyang paghalik rito na pinigil naman agad ng binata. "Ang gaga mo talaga," naiinis na sabi niya sa sarili. "Bakit mo naman siya t-ri-ny i-kiss? Baliw ka ba?"
Nang maalala niya naman ang sinabi nito bago niya pinasyang matulog na lang ay namula siya. Not when you're drunk, iyon ang sinabi nito base sa pagkakaalala niya. Wait, does that mean he wants me to kiss him when I'm sober? What?
Kinuha niya ang unan at napasigaw siya roon. What?
TANGHALI NA NANG makarating si Cass sa Isolation Camp. Tinawagan niya ang isang staff tungkol roon at nag-offer naman itong samahan siya sa camping ground at tinulungan rin siya nitong mag-set up ng tent. Matapos kasi niyang magmukmok sa kwarto at isipin ang ibig sabihin ng binata ay naisip niyang mag-camping on a whim.
Wala lang. Gusto niya lang mag-isip. At hindi siya makakapag-isip kung naroroon siya sa cabin dahil maraming sinyales ng presensya ng binata kaya kung mag-i-isip man siya, mas gusto niyang wala muna siyang makikitang kahit anong magpapaalala sa kanya rito.
Nang maka-settle down na siya, doon niya lang na-realize na baka iyon ang ginawa rin ng binata. Baka nagalsa-balutan ito para pag-isipan naman ang kagagahang ginawa niya.
Four years ago. She promised to herself na hindi na siya magkakagusto pa ng patago. She will tell the special guy what she felt. Four years later, hindi niya na-meet ang special guy dahil nagpakasubsob siya sa trabaho at hindi siya nag-effort na maghanap. She didn't think much of it dahil bata pa naman siya.
Then, nakita niya ulit si Ansel.
Kung pwede niya lang sipain ang sarili ay baka ginawa na niya. Alam niya naman na low tolerance siya pagdating sa alak, ngunit ayun pa rin siya at tumagay pa rin. Iyon tuloy napahiya siya kay Ansel. Maalala niya pa lang ang tangka niyang paghalik dito at ang pagpigil nito ay gusto na niyang sumigaw. Ano bang ka-OA-an 'yan? Tanong ng lohikal na parte ng kanyang utak. Ano ngayon? E lasing ka nga and he's handsome, you can't help yourself.
Hindi pa rin tama e, lalo na kapag... Napatulala siya sa tent at napatingin sa kanyang mga kamay. Lalo na kapag tinutubuan ka na ng feelings. Paano na 'yan? Lumayo na naman tuloy.
Inamin na niya sa sarili. Imposible namang hindi siya tubuan ng feelings. Hindi niya na kinaya at bumigay na rin siya. Hindi naman imposibleng hindi siya bumigay matapos nang makita niya ang isang side ng binata na hindi pa niya nakikita. At ang makita niya iyon nang hindi niya ni-ro-romanticize.
Nung bata pa siyang nagkagusto rito, lahat na lang nang ginagawa nito ay tama. Kahit seryoso ang mukha nito at halatang iba ang iniisip, iba ang iisipin niya. Lahat ng maliliit na bagay na ginagawa nito ay binibigyan niya ng kahulugan.
Ngayon na four years wiser na siya, hindi niya ginawa iyon. She saw him as himself. At ang nakita niya ay ang isang lalaking marunong makisama, palabiro, risk taker, at supportive. Higit sa lahat, hindi siya pinagtawanan nang umiiyak siya sa simpleng movie.
Nakita niya ang lahat ng iyon sa ilang araw lang na mas nakilala niya ang binata. At kahit idiin niyang magiging best friends lang sila, she was falling for him, hard.
Nung mga oras na kinakabahan siya sa tuwing malapit ito ay ang mga oras na hindi niya pinansin ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nang mga oras na tinatanggap niya ang kamay nito at ang yakap nito na hindi niya binibigyan ng malisya ay ang oras na hindi niya pinapakinggan ang warnings ng lohikal na parte ng kanyang utak.
At ngayon na bigla itong umalis dahil sa mga nangyari kagabi at kahit pa tinawagan siya nito, doon lang niya nakayanang maging honest sa sarili niyang nararamdaman. Ngunit, kahalo naman non ay ang kaba na baka maulit muli ang nangyari apat na taon na ang nakakalipas.
Huminga siya nang malalim at kinuha niya ang cellphone niya na kanina niya pa s-in-ilent. Wala siyang nakuhang kahit anong text o tawag sa binata. Bumagsak ulit ang mga balikat niya.
Napailing na lang siya at ang tinawagan na lang niya ay ang kakambal nito. Bayaan mo na kung isipin nitong distorbo na naman siya.
Nakailang ring din bago siya tuluyang sinagot ni Greta.
"Cassie! Kamusta na?" Masiglang bati nito at hindi niya maiwasang mainggit rito. Buti pa ito masaya sa sariling bakasyon. Samantalang andito siya, kinakabahan.
"Eto, okay lang. Kamusta naman kayo ni Gabe?" Pambungad niya sa halip na buksan ang usapan.
Tumawa naman ang kanyang kaibigan. "Okay lang kami, opkors! Musta naman si Ansel? Is he causing any trouble?"
"Hindi naman. Surprisingly, behaved siya." Napangiti siya nang alalahanin ang mga small gestures ng binata.
"Behaved na nga 'yan ngayon," natutuwang sabi nito. "Simula nang pumunta 'yan ng Manila, naging friendly 'yan bigla. Andoon pa rin syempre yung paka-cool effect niya pero minsan na lang naman."
"Oo nga e."
"I'm glad you're taking this well, Cass."
Napakunot noo siya sa sinabi nito. Bigla kasing naging seryoso ang tono ng kaibigan. "What do you mean?"
Marahang tumawa ito. "Alam mo na after nang nangyari noon. Actually, ayaw ko sanang siya ang sasama sa'yo at hindi ko rin alam kung papayag siya, kaso siya lang kasi ang kilala kong pwede kong ma-reach agad. Kakauwi niya nga nung tinanong ko kung pwede siya."
Naramdaman niya na lang ang sariling napapahigpit ang hawak sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung gusto niya bang marinig ang magiging sagot sa tanong niya ngunit napatanong pa rin siya. "Ano namang reaksyon niya? Paano mo siya nasuhulan?"
Saglit na natahimik ito at mas lalo na naman siyang kinabahan. "Deadma lang siya, beshie. Sabi niya gusto niya ring magbakasyon kaya pumayag siya kahit sinabi ko na ikaw ang kasama niya. Ang sabi niya pa nga baka naman nag-grow out ka na sa feelings mo kaya hindi ka na aaktong parang isang lovesick puppy. Binatukan ko nga nang sinabi niya iyon."
"T-Talaga?"
"Yep."
Huminga siya nang malalim. Huwaw lang, huh. "Um... may girlfriend na ba si Ansel?" Naisipan niyang itanong na tinawanan lang naman ng kakambal nito. Mukha namang walang nobya ang binata ngunit mabuti na ring sigurado siya bago niya ito harapin.
"Marami na," sabi nito na para namang ikinasakit agad ng puso niya. "I mean, marami na siyang naging girlfriend. Single siya ngayon pero kaka-break niya lang sa last girlfriend niya last month. Ewan ko ba roon, mabilis siyang ma-bore sa babae. Alam mo 'yung sweet na sweet siya noong una tapos bigla siyang mawawala kung sobrang na-fall na sa kanya ang babae. Tinanong ko kung bakit, tapos sabi niya mas importante raw ang work niya. Napaka-workaholic nun, parang ikaw lang."
Pakiramdam niya ay biglang nanlamig ang paligid sa narinig. Sweet na sweet siya nung una tapos bigla siyang mawawala. Hindi ba iyon na ang nangyayari sa kanila? Pakiramdam tuloy niya mangingilid na ng luha ang kanyang mga mata. Buti na lang wala siyang love letter ngayon at wala rin siyang sinabi rito bukod sa drunken attempt niya na halikan ito.
"Cassie?"
"Hmm?"
"May problema ba?"
"W-Wala," mabilis niyang sagot kahit alam niyang mahihimigan ng kaibigan niya ang hesitation sa boses niya. Sana lang ay hindi ito mangusisa pa dahil mahirap tanggihan si Greta kung ito na mismo ang namilit na kuhanan siya ng impormasyon. Para namang dininig ang hiling niya dahil narinig niyang tinatawag ito ni Gabe mula sa kabilang linya.
"Ay, sorry, Cassie. May pupuntahan kasi kaming film viewing ni Gabe. But don't hesitate to call, okay? Sasagot at sasagot ako."
"Sige."
Nang matapos na ang tawag hindi niya na napigilan ang mga luhang bumaba sa kanyang mga mata. Hindi niya alam bakit hindi pa siya natuto. Nagawa niya pang ma-in-love na naman sa parehas na binatang sinaktan na siya noon pa.