webnovel

You are the Reason..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Abangan sina James, Nathalie, Tom, River at si Scarlet . Minsan ang pagmamahal ang nagdudulot sa atin ng kasawian, kung minsan pa nga sakit.. Kung ikaw ang nagmahal ng sobra? Tapos nasakan ka din ng sobra sobra maghihiganti ka ba? Makalipas ang isang taon.. "Good morning beautiful lady" ani ni Tom "Good morning Tom" tugon ni Scarlet Sabay dala ng breakfast in bed nilang dalawa. Nasa Paris si Tom, dito pumasok sa buhay niya si Scarlet . Continue reading.....

Loveisjustashow · LGBT+
Pas assez d’évaluations
55 Chs

Chapter 21

Its the night!

Party na ni Scarlet at Birthday party na ni Jasmine. Abalang abala na ang lahat sa pag aayos ng kanilang mga sarili. Samantala si Scarlet ay humanap muli ng ibang damit para sa gabing ito.

"Good! Now you have the new Scarlet" sabay sambit na may ngiti sa sarili.

Nagtungo na ang mag-anak nina James patungo sa Hotel. Habang nasa sasakyan ay nagtanong si Nathalie..

"Babe bakit ibang diresyon ata tayo?" Ani ni Nathalie

"Ibang hotel kasi Babe ang pupuntahan natin, nagkaroon ng aberya doon sa una" tugon ni James

"Ha! Bakit hindi ko alam na ganyan na ang nangyari." Ani ni Nathalie

"Ayaw ko naman kasi mastress ka Babe.. at saka kaya ko naman gawan ng solusyon" tugon ni James

"Gracias babe! Pero saang hotel tayo ngaun pupunta" ani ni Nathalie

"Ah sa J Dela Fuente Hotel malapit lang yon sa napili natin dati, at isa pa bagong renovate pa ito" tugon ni James

"J Dela Fuente.. ngayon ko lang siya narinig.. parang may something.." ani ni Nathalie

Hindi na sumagot si James nagtuon ito ng atensyon sa pagmamaneho ng sasakyan. Ng may ilang minuto pa ay nakarating na din sila. Nagulat sila dahil madami ding mga tao dito at halos naka attire ng black and white.

Pagkapark ng sasakyan ay kaagad bumaba si James at tinawagan si Lucia upang papuntahin sa parking. Ibinaba na ni James ang mga gamit ng mag-ina at may ilang sandali ay dumating na si Lucia

"James!" Ani ni Lucia

"Hola esta es mi novia Nathalie"

(Hello, this is my girlfriend Nathalie) tugon ni James

"Hola. Eres muy hermosa"

(Hello. You are so beautiful) ani ni Lucia

"Gracias Lucia"

(Thank you Lucia) tugon ni Nathalie

"Entonces, ¿qué está pasando ahora? ¿Por qué hay mucha gente afuera?"

(So what's happening now? Why there's a lot of people outside) ani ni James

"No te preocupes James. todo está bajo control, la gente de afuera es la empleada de este hotel."

(Don't worry James. Everything is under control, people from outside are the employees of this hotel.) tugon ni Lucia

Hindi mapakali si James kung kaya't abot ang tanong nito. Firts time niya mag asikaso ng ganitong event kaya gusto niyang maging successful ito.

"¿Qué? entonces no hay tripulación o sirvientes para nosotros?"

(What? So there's no crew or servants for us?) ani ni James

"Relájate ... dije que todo está bajo control. ven y vamos al lugar"

( Relax... i said everything is under control. Come let's go at the venue) ani ni Lucia

Nagtungo na nga sila sa Venue. Makailang sandali ay nakarating na sila. Maganda nag pagkakaset up nito, nandoon na din ang ibang bisita nila, mga dating katrabaho ni Nathalie, at mga kaibigan ni James, maya maya naman ay nakita na sila agad ni Lorena

"Bestie!" Sigaw ni Lorena

Kaagad nagtungo si Lorena upang salubngin ang kanyang kaibigan. Iniwan niya ang kanyang kausap na lalaki.

"Kanina ka pa ba?" Ani ni Nathalie

"Hindi ok lang nalilibang naman ako sa kausap ko." Tugon ni Lorena

"Sino?" Tanong ni Nathalie

Itinuro ni Lorena ang lalaki at namukhaan ito ni Nathalie.. kumaway naman ito sa kanila.

"Ah si River..." ani ni Nathalie

"Kilala mo siya? Bestie bet ko... May girlfriend na ba siya?" Ani ni Lorena

"Kaibigan namin ni James yan.. wala akong alam sa buhay niya sige na bestie bumalik ka na sa kanya at hahanapin ko si James" ani ni Nathalie

Nagtaka si Lorena at tila iba ang dating ng salita ni Nathalie pagdating kay River. Pinagwalang bahala na lamang niya ito at binalikan si River.

"So guapo nasan na nga tayo?" Ani ni Lorena

"Haha.. nandito pa din sa venue" pabirong tugon ni River

Ang lahat ay naayon sa plano ni River. Alam niya kung sino ang gagamitin upang makakuha ng sagot sa kanyang katanungan. Ipinagpatuloy lamang niya ang pakikipag close kay Lorena.

Magsisimula na ang ball ni Scarlet  subalit wala pa din ito, nakapasok na ang iba at siya na lamang halos ang kulang. Nag iintay naman sa kanya sa labas si Monica.

Maya maya ay may dumating na puting kotse. Tumigil ito sa tapat ng hotel at binuksan ng driver ang pinto. Nakatingin si Monica habang lumalabas ang sakay nito.

Nagulat siya sa lumabas dito, isang napaka daring at fabulous na Scarlet ang nakita niya. Namangha ang ibang nakakita at pinag piyestahan siya ng picture dahil sa agaw pansin niyang suot.

Nakaramdam ng kaba at takot si Monica, batid niyang tila may kadilimang unti unting bumabalot sa kanyang kaibigan. Lumakad na si Scarlet sa red carpet at huminto sa tabi ng kaibigan.

"Hello there!..." ani ni Scarlet

Ibang iba ang aura ni Scarlet.. nauutal sa kaba si Monica kaya...

" si..siisssy... hello you looked stunning!" Sambit na lamang ni Monica

"Thanks.." tugon ni Scarlet

Ngumiti si Scarlet, at nauna ng pumasok si Monica upang ibigay ang hudyat na darating na si Scarlet. Pagkapasok ni Scarlet, walang ibang narinig sa kanya kundi ang papuri sa kanyang taglay na ganda. Tinawag siya ng host at kaagad naman sigang Dumeretso sa unahan at nagsalita sa microphone.

"Hola a todos .. Gracias por venir esta noche. disfrutemos la fiesta !!

Y bienvenido a mi hotel

Bienvenido al Hotel J Dela Fuente!"

(Hello everyone .. Thanks for coming tonight. let's enjoy the party !!

And welcome to my hotel

Welcome to the Hotel J Dela Fuente) ani ni Scarlet

Tingin-tingin sa bawat kilos ni Scarlet si Monica. Binabasa niya ito subalit hindi na niya makita ang ang anggulo ng dating Scarlet. Tama nga kutob niya iba na ang Scarlet na kinakaharap niya ngayon.

Napailing na lamang siya sa kanyang sarili, dahil hindi siya nagtagumpay na pigilan ang plano ni Scarlet. Batid sa kanyang mukha ang lungkot, kaya nagbaka sakali pa din siyang kausapin ang kaibigan.

"Sissy.." ani ni Monica

"Monica... may problema ba?" Tugon ni Scarlet

"Wala naman sissy.." ani ni Monica

"Naninibago ka sa akin? Pasensya na madami lang kasing manloloko sa tabi-tabi" tugon ni Scarlet

"Ano ibig mong sabihin?" Ani ni Monica

"Alam kong alam mo ang kwento ni Tom at Scarlet" ani ni Scarlet

Kinompronta ni Scarlet si Monica patungkol sa kanyang nalaman mula sa secret room ni Tom. Idinetalye lahat ni Scarlet kay Monica. Hindi makasagot si Monica sa sinabing iyon ni Scarlet sapagkat alam din niya ang katotohanan.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Loveisjustashowcreators' thoughts