webnovel

YG University | JenLisa (Book 1)

Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back"

_krislily · LGBT+
Pas assez d’évaluations
31 Chs

Chapter 11: Past Newbies

Jennie's Point of View

 Nakasunod kami kay Supremo na banayad lang na naglalakad.  Nasa gilid ko ang lalaking nanginginig pa rin hanggang ngayon, kasama rin namin sina Jimin at Yeji na hindi rin kumikibo.

Kung tutuosin ay maliit na bagay lamang para sa atin ang matapunan ng juice, I mean magagalit tayo pero hindi naman hahantong sa ganito. Hindi ko pa nakikita ang Dark Hell Jail or DHJ, pero hindi ko pinapangarap na mapasok doon. I am sure na kamatayan ang hatid noon sa kahit na sino.

"Ayoko pang mamatay..." Ang paulit-ulit na katagang lumabas sa bibig ng lalaking katabi ko na si Seok-jin o Jin, ayon sa sinabi nya kanina.

Nakaramdam ako ng awa pero hindi ko kayang magsalita at sumalungat kay Lisa. Hindi ngayon na nag-aapoy sya sa galit. Nakita ko na naman ang demonyong nagkukubli sa kanya. Nakakakilabot.

Habang palayo nang palayo ang nilalakaran namin ay palayo kami ng palayo sa YGU, I mean parang likod ito ng YGU. Mga nagtataasang puno lang ang narito at mga talahib. Mabuti na lang at tanghali pa lang kaya hindi mahirap lakarin.

"Ayoko pang mamatay..." Muling sambit nito sa sarili na halatang kahit na anong oras ay iiyak na.

Tumingin ako kay Jimin na kanina pa buntong ng buntong-hininga.

"Once she said it, no more question. That's who Lisa Manoban is." Sambit ni Jimin.

"Kung ako sa'yo Jen, bitawan mo na ang pwesto. Hindi mo gugustuhing makita ang buong demonyo na nakakubli sa loob nya." Pananakot ni Yeji na nakangisi.

"I am not scared." Matigas kong sambit na mahinang ikinatawa nya.

"Really? Pero ako, oo. Nakita ko na minsan kung gaano siya magalit. Silent but deadly." Bulong nitong muli na hindi ko na pinansin.

Yes. Alam ko na hindi ko pa nakikita ang buong Lisa at inaamin kong nakakaramdam din ako ng takot sa kanya. She is the President of this Hell for pete's sake. She is a devil with an evil mind.

Huminto kami sa nag-iisang kulungan sa gitna ng parang gubat na ito.

Sementado ang kabuuan nito. Tanging nag-iisang pinto lang ang meron ito at malakas na klase ng bakal ito na hindi basta-basta nasisira. Wala akong makitang kahit na ano sa loob dahil madilim. Ano kayang meron sa loob? Kamatayan.

May kinuha si Lisa sa kanyang bulsa. Isang susi, ang susi ng DHJ. Binuksan nya ito at masangsang na amoy ang nasingot namin na ikinaatras namin ni Jimin at Yeji.

Ang bakal na pinto ay may bahid ng mga natuyong dugo. Shit! Anong kaparusahan ito?

"Don't let me push you inside." Walang emosyon na sambit ni Lisa na seryosong nakatingin sa lalaking tahimik na lang at parang tanggap na ang katapusan nya.

Kinilabutan kami nang lumawak ang ngisi sa labi ng lalaking mahinang tumatawa na ngayon.

"Kilala kita Supremo. Alam ko ang sikreto mo."

Unti-unting ngumisi rin si Lisa nangayon ay lumapit na sa lalaki.

"I know, kaya nga kita dinala rito eh. Alam ko rin ang sikreto mo." Sagot ni Lisa na ikinakunot ng noo ng lalaki.

Anong sikreto ang sinasabi nila? May mga sikreto pa bang nakakubli?

"P-Paano mo nalaman?" Tanong nito.

"Hindi ako ganon kababaw para lang sa natapon na juice ay parusahan ka ng ganito. Alam ko ang ginawa mo, ikaw ang pumatay kay Yeri." Sagot ni Lisa. "Alam mong hindi ito magugustuhan ni Sana kapag sinabi ko ito sa kanya."

"Si Yeri ang babaeng nasaksihan mong pinatay Jennie."

Lumunok ako nang mapagtanto ang sinabi ni Jimin. Siya ang gunawa non? Isa ba syang myembro ng HA?

"Huwag, please?" Lumuhod ito sa harap ni Lisa na ikinatawa nito.

Is this how evil Lisa is? Pero demonyo rin naman ang lalaking ito para pumatay ng isang tao.

"I won't tell her unless you'll go inside of the DHJ, now!"

Mabilis na tumakbo ito sa loob kasabay ng paglock ni Supremo sa pinto. Wala kaming narinig na kahit na anong ingay. Anong nangyari?

"This is our job Ms. Jennie, kailangan nating patayin lahat ng makasalanan. Kailangan mawala lahat ng dapat mawala."

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila ng ngayon ay pabalik na. Muli kong sinulyapan ang DHJ, hindi ko alam kung ano ang nakita ko pero sigurado ako, may iba pang tao sa loob non.

Kinilabutan ako kaya mabilis na humabol ako sa kanila.

"The President is the one who implemented that punishment." Sabi ni Jimin na ngayon ay nakangiti na, parang wala lang sa kanila ang nangyari.

Si Lisa? Siya ang gumawa ng parusang kamatayan na ito? Pero bakit? God! Nakakakilabot ang isang halimaw na ito. Mas magiging maingat na ako ngayon sa kanya. Ayokong mangyari sa akin kung ano ang nangyari sa lalaking iyon.

"Supremo! Supremo!"

Natigilan kami sa paglalakad nang harangan kami ng isang babae na ngayon ay nakaluhod na sa harap namin.

"Asan na po si Jin? Supremo, please, asan na po siya?" Tanong nito.

Si Jin ay ang lalaking nahatulan kanina.

"He's gone." Matigas na sagot ni Lisa.

Humagulgol ito ng iyak kaya nilapitan ko na ito. Inakay ko siya papunta sa isang bench. Umalis lahat ng nakaupo roon matapos akong makita.

"N-Number 9? Isa ka rin sa kanila!" Sigaw nito!

"Sorry." Ang tanging sagot na nasabi ko.

"S-Sorry?" Tanong nito na halatang nagulat. "Nagso-sorry ka?" Tanong nito.

"Patawad. Hindi ko ginusto ang nangyari kay Jin." Ulit ko.

"Kasama ka sa Highest 10! You shouldn't say sorry! Secretary ka pa! Lahat ng mataas ay hindi humihingi ng tawad!"

Napa buntong-hininga na lang ako. Kagagawam ng isa, apektado kami. Ngayon ay naikukumpara na rin nila ako sa mga demonyo. Psh.

"Anong pangalan mo ay kaano-ano mo ba si Jin?" Pag-iiba ko ng topic.

Pinunasan nito ang kanyang mata bago tumingin sa malayo.

"Ako si Sana at si Jin ang aking boyfriend." Malungkot nitong saad.

Boyfriend nya siya? Ang babaeng ito ba ang tinutukoy ni Lisa? Pero bakit ganon ang naging reaksyon ni Jin nang tinatakot siya ni Lisa na sasabihin kay Sana na pinatay nito si Yeri?

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinatay nila ang nag-iisang bestfriend kong si Yeri, tapos ngayon ang boyfriend ko naman."

SHIT! Bestfriend nya si Yeri na pinatay ni Jin na boyfriend nya? Kaya pala ganoon ang naging reaksyon nya ng tinakot siya ni Lisa? Pero, bakit kaya niya pinatay si Yeri? Anong rason nya?

"Anong pangalan mo binibini?" Tanong sa akin ni Sana.

"Jennie." Sagot ko.

"Kayo ang newbie hindi ba? Sa loob ng limang taon, ngayon lang ulit nagkaroon ng bago rito." Sambit nito.

5 years ago? May mga napadpad na rin dito? Panibago na namang tanong na kailangan kong hanapan ng sagot. "Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko.

"Namatay... lahat." Sagot nito na ikinatayo ng balahibo ko.

Posible kayang sapitin rin namin ang sinapit nila? Nakakatakot.

"Pero sa unang pagkakataon, nagkaroon ng kapayapaan sa YGU. Sa unang pagkakataon ay natigil ang pagdanak ng dugo. Dahil iyon sa kanya." Sambit muli ni Sana.

Sino siya? Isa rin ba siya sa mga bago noon? Anong ginagawa niya? Bakit naging maayos ang lahat noon?

"Pero hindi rin nagtagal ang lahat. Lahat ay may hangganan, nagbalik ang lahat sa dati. Ang mas nakakatakot ay mas bumangis ang mga demonyong nooon ay maamo."

Wala akong maintindihan! Ano ba talagang nangyari noon?

"Ate Jennie, ang babaeng iyon ay matagal mo ng nalamangan." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko. "Naging myembro siya ng Highest 10 dalawang buwan matapos ang pagpasok nila rito, ikaw, wala pang isang buwan. Ang pinagkaiba nyo  lang ay nainlove sa kanya ang Supremo na anak ng dating Headmaster ng YGU. Sige Ate Jennie, mauna na ako."

Pinanuod ko lang kung paano maglahi sa aking paningin si Sana.

Nainlove sa kanya ang dating Supremo na anak ng dating Headmaster? Sino? Sino ang babaeng iyon? Sino ang dating Supremo? Sino ang Headmaster na tinutukoy niya?

Paano silang lahat namatay? Anong nangyari 5 years ago?