webnovel

Wrong Bride

[R-18+] Mature Content Kiona Ty Story.

ydren_ylgu · Urbain
Pas assez d’évaluations
21 Chs

Kabanata 1

KAPAG may gustong hindi nakuha ay nagkukunwang hindi makahinga. Palibhasa'y ini-spoil ng daddy niya. Ngunit hindi siya papayag na magpakasal kay Kiona.

"She's beautiful...more than beautiful, but I don't love her. I can't and will not marry her." Paulit-ulit niya itong sinasabi.

Hindi ang pag-aasawa ang pangunahin sa isip ni Lyndon sa kasalukuyan. Bata pa siya ay fascinated na siya sa computers at sa ibat-ibang gadgets.

Lingid sa mga magulang ay nagpadala siya ng application sa isang kompanya sa Estados Unidos na gumagawa ng mga computer chips at nito lamang makalawa ay natanggap niya ang tugon na nasabing kompanya.

Alam niyang malayo ang mararating niya kapag pinursige niya ang pangarap na iyon. May kung ilang sandali pa sa ganoong posisyon si Lyndon, pinipiga ang isip sa pag-iisip ng paraan kung paano tatakasan ang lahat.

Hindi naman pwedeng basta na lamang siyang mawawala. Ipapahanap siya ng mga magulang niya at baka maghinanakit pa ang mga Ty sa mga magulang niya.

Kailangang malusutan niya iyon ng walang masasabing masama sa kanyang pamilya, sa kanyang mga magulang na sa particular.

Nahiga ang binata sa kama, nakatitig sa kisame na animo'y doon makikita ang kasagutan sa problema niya. Dinig niya ang halakhakan sa labas.

Pinakamalakas na halakhak ng pinsang si Cassius.

"Tama!" Biglang bumalikwas si Lyndon. Sorry, pinsan desperado na talaga ako." Anito. Nakakrus ang dalawang daliri. Sana'y magtagumpay ang naisip ko.

Walang nakapansin kay Lyndon nang magtungo ito sa klinika ng ama sa tabi ng garahe. General practitioner si Dr. Perdro Gregorio na ngayon ay bibihira na lang ang pasyente pagkat natuto na ang mga tao kumunsulta sa mga espesyalista.

Okay lang naman sa kanila iyon dahil nakapagpundar na ang mga ito ng husto. Isang tablet ang kinuha ni Lyndon. Lorazepam. Lalong kilala sa tawag na Atiban. Wala ring nakapansin nang lumabas ang binata.

Tinungo ang buffet table at nagsalin ng punch sa baso. Sa sala ay nakita niya si Kiona kausap ang mommy niya.

"Lyndon, saan ka ba nanggaling? Here, ikaw na muna ang bahala kay Kiona." Tumayo si Mrs. Gregorio upang asikasuhin ang iba pang bisita.

Naupo si Lyndon sa tabi ni Kiona at kaswal na iniabot ang inumin. Agad namang ininom iyon ng dalaga.

"Tired?" Kaswal din na tanong ni Lyndon.

Galing pang Tacloban, Leyte ang mga Ty at sa kanilang bahay titigil pansamantala ang mga iyon, sa paanyaya siyempre ng mga Gregorio.

Kayang-kaya naman ng mga magulang ni Kiona na mag-check-in sa kahit saang five star hotel dahil sa business nilang page-export ng mga baby dresses. At mga paupahang gusali at apartments sa probinsiya nila.

"Right. I feel so tired. I think I should rest now. Inaantok na ako, e." Ani Kiona na namimigat ang mga talukap ng mga mata.

"Marami ka sigurong nainom na punch. Ang mabuti pa ay ihahatid na kita sa silid mo."

"Mabuti pa nga. Balak pang mag-shopping ni Mommy bukas, e. I need all the rest I can get."

Pagkahigang-pagkahiga ni Kiona ay nakatulog na ito. Ang uri ng tulog na walang anumang ingay ang magpapagising, kahit paulanan ng atomic bombs ang buong Meadow Lane Subdivision na iyon.

"O, INSAN, akala ko'y hindi ka na babalik. Binata ka pa naman, puwede ka pang uminom." Biro ni Cassius nang magbalik si Lyndon sa grupo. Itinaas nito ang hawak na baso.

"Here's to a fruitful union of my cousin and Ms. Ty." Nagkalansingan ang mga baso sa toast na ginawa ni Cassius.

"Ikaw, pinsan, kailan ka ba magpapatali? Liyebo tres ka na, baka ma-expired ang pampadami mo ng lahi." Sagot ni Lyndon.

Hindi napansin ni Cassius ang pilyong ngiti ng mga mata ng pinsan. "Bukas na, masama daw magpakasal sa gabi."

"Baka magdilang-anghel ka." At ibinaba ni Lyndon sa mesa ang isa pang J&B jet(Black).

Hindi nagtagal ay kalahati na ang laman ng bote. Sigurado si Lyndon na lasing na lasing na pinsan. Malakas na ang boses nito ngunit hindi naman marinig ang mga pinag-uusapan nila.

Gin-bulag at gin-bingi ang tawag nila ng mga brod niya doon noong college sa State U. Iyon nga lang, hindi Gin ang tinitira ni Cassius ngayon, ngunit mas matindi siguro ang tama.

Ni hindi na napapansin ni Cassius na halos siya na lamang ang umiinom. Sige naman ang tagay ni Lyndon sa pinsan. Nang tumayo si Cassius upang magpunta daw ng comfort room ay muntik na itong matumba.

Maagap na inaalalayan ni Lyndon ang pinsan. "Magpahinga ka na sa itaas. Hindi mo na kayang magmaneho, bukas ka na umuwi." Ani Lyndon.

"Si Katerin, tawagin mo." Ungol ni Cassius. Talagang lasing na. Ni hindi na namalayan na nakaalis na ang gynecologist at ang kasama nito.

Samantalang iniwan pa ni Katerin sa kanya ang calling card nito.

"Oo, ba." Hindi sa banyo ipinasok ni Lyndon ang pinsan, kung hindi sa silid kung saan naroon si Kion.

"Uyy, anghel..." Ungol ni Cassius nang magsalita ang nakahigang si Kiona.

"Ingatan mo ang anghel na iyan, insan." Ani Lyndon at pagkuwa'y lumabas ng silid.

"Iho, si Kiona?" Muntik nang mapasigaw sa gulat si Lyndon nang makasalubong ang mommy ni Kiona.

"T-tulog na po, Tita. She's so tired."

"Oh. Can I see her? I'll say goodnight."

"Tulog na nga po." Diin ni Lyndon. May pagkamakulit ang mommy ni Kiona, palibhasa'y intsik. "Naka-lock po ang pinto."

"Ganoon ba?" Dumiretso na ito patungo sa isa pang guestroom. Hindi umaalis sa labas ng pinto si Lyndon,animo'y security guard na may binabantayan sa loob.

Talagang dapat niyang bantayan ang kanyang ex-wife to be at ever dearest pinsan. Kung hindi lagot ang mga adhikain niya sa buhay.

——

SAMANTALA sa saradong silid. Heto ang Cassius, sige sa paghalik sa walang kamalay-malay na si Kiona. Sa leeg, sa tenga, sa labi. Buong akala ay regalo sa kanya ni Lyndon ang babae.

"Ang bango mo, honey. Ang puti pa. Parang manikang ibinababad sa gata. Let...me...love you..."

Sa kabila ng matinding kalasingan ay nagawa pa nitong hubarin ang polo at pantalon at walang pakundangang dinaganan si Kiona. Habang sinisiil ng halik ang labi nito ay ipinasok sa t-shirt ng dalaga ang isang kamay.

"Honey, you should experience...you must...but I like'em big, I like'em small." Anito ng makapa ang hindi naman kalakihang dibdib ni Kiona.

"Wag kang mag-alala, pakakasalan kita bukas na bukas din, kapag natuwa ako sa iyo."

At muling pinaliguan ng halik ang tenga at ni Kiona. Kung ano man ang nais pang gawin ni Cassius kay Kiona, sa panaginip na lamang nito naituloy pagkat, eto ang Cassius, naghihilik na nakasubsob sa pagitan ng leeg at balikat ni Kiona.

Habang nasa loob pa rin ng T-shirt ng dalaga ang isang kamay.