Namumutla ang may-edad na babae at may namumuong pawis sa noo nito. Pinagmasdan niya ang may-edad at glamorosang babae.
Tiningnan ni Karissa ang pulso nito at mukhang ayos pa naman 'Buhay pa si Mother Goose!'. Sa palagay ni Karissa, na highblood ang may-edad na babae o kaya naman ay nahilo sa init ng panahon.
Alam naman niya ang gagawin para sa paunang lunas dahil naranasan niya na ang mag-alaga ng na-stroke. Iyon nga lang, isang linggo lang dumaan sa kamay niya ang inalagaan niya na iyon. Bakit? Namatay na kasi si Ser!
Nasa babae ang buong atensyon niya. Kapag namatay ang babaeng ito, sigurado na mapagkakamalan siyang may peklat sa puwitan na tanda ng pagkamalas.
Dahil nakasuot ito ng cheongsam o chinese dress, binuksan ni Karissa ang butones nito para makahinga ng maayos ang babae. Pinulsuhan niya muli ito, nag-sign of the cross at lakas-loob na binigyan ng mouth to mouth resuscitation ang may-edad na babae.
May mga nagsilapitan na mga tao at nakiki-usisa. Bwisit na bwisit naman si Karissa sa mga ito.
"Magsilayo kayo! Kailangan ni mam ng hangin!" singhal niya.
"Alis daw tayo" Mukhang naintindihan naman ng iba pa ang sinabi niya kaya lumayo ito ng dalawang metro mula sa kanila. Ilang saglit pa, nagdilat ang mata ng may-edad na babe kaya nakahinga ng maluwag si Karissa.
'Yes! Hindi ako malas!'
"pahiram naman ng pamaypay" inikot niya ang paningin sa mga nanonood na akala mo ay may 'show ' sila ng babae sa lugar na iyon. May nag-abot naman sa kanya ng pamaypay kaya ginamit niya iyon para mas makahiga pa ang may-edad na babae.
Ilang saglit pa, hinipo nito ang noo at mukhang nakabalik na sa huwisyo.
"Mam, ayos lang po ba kayo? Kailangan niyo pong magpunta sa doktor para makasiguro." nag-aalalang sabi niya dito saka ito pinaupo at inabot ang tubig na binili sa babae para inumin nito iyon.
Uminom naman ito ng kaunti saka siya nito hinawakan sa braso. "Okay lang ba kung ikaw na ang magdala sa akin sa ospital?"
Karissa "..."
Sinilip niya ang relo. Bigla niyang naalala ang kape na inuutos sa kanya. Napakamot si Karissa sa ulo. Nilingon niya ang pintuan ng Scraper building at ibinalik ang paningin sa may-edad na babae. Nakikiusap ang mata nito.
"Pero, may trabaho pa po ako."
Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "I'll guarantee na hindi ka mapapahamak. I'll give you a reward." sabi nito.
Nagdadalawang-isip si Karissa habang nakatitig sa mga mata nito na patuloy na nakikiusap.
"Ahh sige, saglit lang po." sabi niya dito. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Tinakbo niya ang reception na bitbit ang card ni Assistant Wei saka ang kape na inutos sa kanya.
Nagpasalamat siya at naroon pa si Kakai. Eksakto rin na nakabalik and dalawa pa niyang kasama.
"Kakai, may ipasusuyo lang sana ako. Ayos lang ba kung ikaw na ang mag-akyat nito kay Assistant Wei. May emergency kasi."
Nagtatanong ang mga mata nito pero pumayag pa rin naman ito sa pakiusap niya. Hindi katulad ng dalawa na umikot ang mga mata na akala mo ay parte ng Ferris Wheel sa loob niyon. Akala siguro ay nagdadahilan lang siya.
Hindi naman niya pinansin ang attitude ng mga ito at lumabas na lang para balikan ang babae. Pasalamat na nga lang si Karissa dahil sakto na oras niya ng lunch break.
Iyon nga lang. Baka mauna pa siya kay Mam dahil wala pa siyang kain!
====
Sa ospital dinala ni Karissa ang may-edad na babae. Pinatawagan nito sa kanya ang tagapag-alaga nito na Mumay ang pangalan.
Hindi naman nagtagal at may dumating din na bente anyos na babae.
"Nako, Madam! Ano ga ang nangyari? Nakuuuu, kapag nalaman ni Ser na narito kayo pagagalitan na naman ako noon at baka sabihin pa na kinukunsinti ko ga kayo sa pagkain ng kung anu-ano"
Pansin ni Karissa na may punto ito.
"Hmp! Hayaan mo siya! Hindi na nga niya ako dinadalaw sa bahay. Mas importante pa sa kanya ang trabaho kaysa sa nanay niya na nag-iisa sa bahay. Ako na nga itong dumadalaw sa kanya kahit may-edad na ako." nagtatampo na sabi nito.
May mga hinaing pa itong mga sinabi na hindi na niya inintindi pa dahil usapang-pamilya na ang mga binanggit nito.
Sinilip ni Karissa muli ang relo niya. Sobrang late na siya para makabalik sa trabaho. Unang araw pa lang niya sa trabaho pero minalas-malas na siya ng todo-todo.
Nasira ang pantyhose niya, nagkita muli sila ng Snatcher niya na akalain mong Boss pala nila, nalate siya ng ilang minuto, wala pa siyang lunch at naka-engkwentro niya pa ang may-edad na babae para dalhin doon sa ospital.
Kumbaga sa meal ay may appetizers, main course, salad at desserts ang maghapon niya.
Napansin naman ng ginang ang pag-aalala sa anyo ni Karissa habang panay ang tingin sa relo nito.
"Pwede ka nang umalis iha. Ibigay mo sa akin ang number mo. okay lang ba?"
Napangiwi si Karissa. Aayaw na sana siya o sasabihin na wala siyang telepono pero mabait naman sa kanya ang ginang at mukhang gusto lang siya nitong kaibigan-in. Naisip niya rin ang mga hinaing nito sa buhay na mga binanggit nito kaya ibinigay niya dito ang numero ng cellphone niya.
Matapos masiguro ni Karissa na ayos lang ang may-edad na babae. Nagpaalam na siya dito.
"Kung ganon, uuna na po ako." paalam niya saka nagmamadaling bumalik sa opisina.
=====
Alas kwatro na ng hapon at talagang sobrang late na siya para makabalik mula sa lunch break. Sana pala naghalf day na lang siya.
'Inday! First day mo sa trabaho, half day agad?'
Isang galit na galit na Assistant Wei ang sumalubong kay Karissa na naghihintay sa front desk nang makabalik siya ng opisina. Katabi nito si Mam Mona na mukhang napagalitan din nito.
'Naku, yari ako' kinakabahan siya habang papalapit sa mga ito.
"H-Hello... po" hindi niya alam kung saan siya magtatago para lang huwag salubungin ang naniningkit nitong mga mata.
Ay sorry , singkit pala talaga si Wei Chan kasi isa siyang chinese!
"Karissa, saan ka nanggaling? Nag-aalala kami sa iyo" tanong ni Mam Mona.
Isang kamot sa ulo ang sinagot niya dito. "Pinapatawag ka ni Boss kanina pa. Ngunit wala ka dito. Akala ko nga ay nag-quit ka sa trabaho pero naiwan mo pa daw ang gamit mo sa locker"
"May nangyari po kasi" dahilan niya.
"Miss Karissa, follow me" matigas at mahina, ngunit sakto lang sa pandinig niya na utos ni Assistant Wei. Base sa tono nito, halatang hindi talaga nito nagustuhan ang ginawa niya. Maybe he thought she abandoned her job.
Nag-aalala si Kakai at Mam Mona sa kanya, abot hanggang tenga naman ang pagkakangiti ni Aria at Becca.
"Haaay, pustahan. Sigurado na bukas wala na iyan dito sa opisina"
"Hay know right." Katono pa nito si Ruffa Mae Quinto, mga bulungan ng dalawa
Nagdadasal si Karissa para sa kinabukasan niya. Kumakabog ang dibdib niya na para bang hahatulan at bibitayin siya sa araw na iyon. Panay ang himas niya sa mga palad habang sumunod kay Assistant Wei.
Tinungo nila ang elevator at nakita niya na pinindot nito ang buton sa 32.
"The Boss wanted to see you" simpleng sabi nito.
Lalong nakaramdam ng takot si Karissa dahil sigurado na hahatulan siya ng 'Boss' nila. Huminga siya ng malalim.
"Halika na!" Narinig niyang sabi ng kasama nang huminto ang elevator sa 32nd floor.
Nakayuko na sumunod siya dito. Kumatok lang ito sa pintuan ng Boss nito
"Come in!" Narinig nila mula sa loob. Sinenyasan siya ng kasama na pumasok.
Natagpuan ng mga mata niya ang lalaki sa likod ng malapad na office table. Nakayuko ito at may nirereview na mga kung ano sa papel na hawak.
"Iwan mo na kami" sabi nito nang hindi inaangat ang paningin sa kanila.
Humigpit ang kapit niya kay Assistant Wei at panay ang iling. Hindi alam ni Karissa pero matapos talaga na malaman niya na ang lalaki ang boss niya ay parang nilipad ng hangin ang lahat ng tapang niya sa katawan para harapin ito.
Mas lalong tumalim ang mga mata ng Boss nang makita na hawak niya ang braso ni Assistant Wei.
"Iiwan mo pa ba siya?" paninigurado nito kay Wei Chan.
Nanlalambot na ang mga tuhod niya sa paraan pa lang ng pagtingin nito sa gawi ni Assistant Wei.
"Y-Yes Boss!" Nagbabanta na ang mata ni Assistant Wei na binawi ang braso nito at iniwan na siya doon sa kwarto ni Bruce Wang.
'Assistant Wei, Don't go!'
Hello po sa mga new Readers ng Workplace Romantic,
Follow niyo na lang po ang storya sa Dreame App same title po ang i-search niyo.