webnovel

Work Of Fiction

I thought only names, places, and events can only be a fiction. But when I met a poem writer, I just realized that love can be also a fiction. I'm a novelist who loves tragic ending. He's a poem writer who loves to write romantic words. Both of us are a writer. Our pen will suddenly meet as it lead us to a love story. That even reality will turn to an imagination. And our love story will suddenly be just a WORK OF FICTION.

Ichieesera · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
7 Chs

Prologue

Prologue

Panay ang iyak ng isang dalaga sa kaniyang kwarto. Nagkalat ang mga papel na punit na punit na. Ang mga libro ay kung saan-saan na nakalagay. Ang tinta ng ballpen ay nagkalat na rin sa kaniyang mesa.

Gaya ng paligid ay gano'n din ang nararamdaman ng dalaga. Magulo.

Patuloy lang siya sa pagtangis habang inaalala ang nangyari sa kaniya kanina. Bakit kailangan kong maging sawi sa pag-ibig?

Biglang may kumatok sa kaniyang pinto. Hindi niya iyon sinagot. Kusang bumukas ang kaniyang pinto hanggang sa iluwa nito ang matandang babae.

Nasapo ng matanda ang kaniyang noo habang umiiling.

"Apo, tumahan ka na. Hindi masosolusyunan ng pagtangis ang iyong problema" lumapit ang matanda sa kaniyang apo at hinaplos nito ang likod upang pagaanin ang loob nito.

"Wala pong nagmamahal sa akin, lola. Lahat nila ako pinagtatabuyan. Hindi nila ako gusto." Bulyaw ng dalaga na sinasabayan ng paghagulhol.

Umarko ang kilay ng matanda.

"Umayos ka, apo. Halika at may ipapagawa ako sa 'yo" anang matanda. Umiling-iling naman ang dalaga na nanatiling nakasubsob ang mukha sa mesa.

"Gusto mo ba ng lalaking iibig sa 'yo? Tumigil ka riyan at harapin mo ako!" Nakapamewang na sambit ng matanda.

Nag-angat ng tingin ang dalaga habang pinupunasan ang kaniyang luha.

"Ano n-naman iyon, lola?" Nagtatakang tanong ng dalaga bagaman sabik na siya na may magkagusto sa kaniya.

Inilahad ng matanda ang isang ballpen. Aakalain ng iba na hindi ito pangkaraniwan ngunit naiiba ito sa lahat.

"Ano pa ang g-gagawin ko sa panulat na i-iyan?" Nagtatakang tanong ng dalaga na ngayon ay nahimasmasan na. Ngumiti nang nakakaloko ang matanda saka ibinigay ang panulat sa kaniyang apo.

"Isulat mo ang gusto mo sa isang lalaki at gusto rin nito" tugon ng matanda sabay kuha ng blankong papel at iniharap iyon sa dalaga.

"Paano ko po iyon gagawin?" Muling tanong ng dalaga.

"Isa ka 'di bang manunula? Gawin mo iyon sa pagtugma" patango-tangong sambit ng matanda. "At itago mo ang panulat na iyan." Naguguluhan man ay tumango na lang ang dalaga.

"Ano naman ang mapapala ko rito, lola?" Napairap na lamang ang matanda sa maraming tanong ng dalaga.

"Aral" maikling sagot ng matanda.

Tumango na lamang ang dalaga kahit na naguguluhan siya. Hinarap niya ang kaniyang sarili sa blankong papel at ilang tapik-tapik lamang ng panulat sa mesa ay nakaisip siya ng tula.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay natapos niya iyon saka inilahad ang papel sa kaniyang lola. Binasa iyon ng matanda hanggang sa pumorma ang ngiti sa kaniyang labi.

Tumingin siya nang masinsinan sa dalaga saka binigyan ito ng makahulugang ngiti. Huminga muna ito nang maluwag bago magsalita. At ang mga iniwan niyang salita ay bumuhay ng pag-asa sa puso ng dalaga na nananabik sa pag-ibig.

"Pagsapit ng tamang panahon. Isang ginoo ang babangon sa tunay na mundo. Iyong asahan na ang kathang isip ay magiging reyalidad. Kung saan ang pag-ibig sa lalaking binuo ng salita ay susubukan ang tatag ng isang manunulat."

____

Ichieesera