NAKATULALA sa harap ng computer nito si Maze. Kanina pa siya sa ganoong ayos simula ng dumating siya sa opisina. Tatlong araw na rin simula ng malaman niya na ikakasal na ang binata. Buti na lang at akala ng mga empleyado kaya siya umiyak noong isang araw ay dahil sa nasaktan siya sa pagkaka-upo sa sahig. Naka-iwas siya sa tsismis at masamang usapan mula sa mga ito. Pinilit niyang pumasok kahit na nasasaktan siya sa bawat pagpasok niya sa opisina.Tumatawag pa rin si Shilo sa gabi ngunit hindi niya sinasagot at tinetext na lang ito na maaga siyang n[akakatulog. She also silent her phone so that she can't answer his call during office hours. Hindi niya pa kanyang maka-usap ang binata. Sa tuwina ay tinetext na lang niya ito at sanasabing hindi napapansin ang tawag nito sa sobrang raming ginagawa. Mukha naman naniwala sa kanya ang binata dahil hindi na ito tumawag ngayong araw.
Buti nga at hindi na siya naiiyak kapag naiisip ang nangyari. Halos dalawang gabi din niyang iniyakan ang katotohanan na ikakasal na ito. Nagbabalak na nga siya magresign ng mga sandaling iyon. Hindi na niya kayang magtrabaho sa MDH habang nasasaktan at nadudurog ang kanyang puso. Gusto niya pang-isalba ang sugatang puso kahit pa hindi na iyon buo ng dahil sa pagmamahal niya kay Shilo. At sa pagbabalik ng kanyang boss ay balak na niyang magpasa ng resignation letter. Hindi na siya magpapapigil pa. Alam niyang mahirap maghanap ng trabaho na kagaya ng trabaho niya ngayon pero kailangan niyang isalba ang sarili. Patuloy lang siyang masasaktan kung mananatili siya.
He is getting married. Napakasadista niya kung patuloy pa rin siyang magtatrabaho sa mga Wang pagkatapos ng lahat. Hindi naman ganoon kalakas ang puso niya. She can't endure the pain anymore. Siguradong may mga sandaling makikita niyang magkasama ang dalawa at lalo lang noon papatayin ang puso niya. Tama na ang pagiging martir niya. She needs to be strong and move on. Ito na ang tamang oras para hanapin niya ang sarili niyang kaligayahan. Hindi pwedeng ikulong nalang niya ang sarili sa nararamdaman kay Shilo. Marami pa naman siyang makilalang ibang lalaki. She is young. She will find her right man.
Napakurap si Maze at napaayos ng upo ng makitang naglalakad si Shilo kasama ang isang babae. Pamilyar ito sa kanya, ito ang kasama ng ama ni Shilo noong nakaraang linggo. Si Tita Aliya Lu na business partner ng ama ni Shilo. Agad siyang tumayo at magalang na yumuko.
"Follow us, Maze. And bring one coffee and two glass of pineapple juice." Sabi ni Shilo bago tuluyan pumasok sa opisina nito.
Yumuko ulit siya. Bakit napakaseryuso naman nito ngayon? At kailan pa ito bumalik galing Paris? Hindi ba dapat ay isang linggo ito doon. Nakaka-limang araw pa lang ito. Mukhang maaga siyang makakaalis sa kompanya. Akala niya ay magtatagal pa ito sa Paris lalo na at kasama nito si Andria doon.
Napatingin siya sa babaeng kasama ni Shilo kanina. Mataman itong nakatitig sa kanya. Meron din siyang nakitang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Ngumiti siya kay Tita Aliya at yumuko ng bahagya. Nakita niya na may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito pero agad din itong nag-iwas ng tingin. Pumasok ito ng opisina ni Shilo at naiwan siyang nagtataka. Ang weird naman ni Tita Aliya ngayon. Sinunod niya ang utos ni Shilo.
Kumatok siya muna bago pumasok. Nakita niya ang dalawa sa mahabang sofa na nag-uusap ng pumasok siya. Yumuko siya at marahang lumapit sa mga ito. Inilapag niya ang dalang inumin.
"May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir?"
Nagtagpo ang tingin naming ni Shilo. "Seat here, Maze."
Nagtataka siya sa sinabi at sa nakitang pormal na mukha nito. May bumundol na kaba sa dibdib niya. Nagtataka man ay lumapit siya at umupo sa tabi nito.
"Ano pong meron, Sir?" tanong niya rito.
Kinuha nito ang isang brown envelop na nasa mesa at ibinigay sa kanya. Lalo siyang naguluhan sa nangyayari. Tinanggap niya ang brown envelop na ibinigay nito.
"Ano po ito?"
"Basahin mo ang nakasulat sa loob, Maze."
Binuksan niya ang envelop at binasa ang nakasulat doon. Nagtaka siya dahil DNA result iyon at positive ang result. It is 99% match. Napatingin siya kay Shilo, wala pa rin emosyon ang mukha at mga mata nito.
"Kaninong DNA test po ito? At bakit niyo sa akin pinapabasa?"
Nagkatinginan si Tita Aliya at si Shilo. Tumungo si Shilo kay Tita Aliya bago siya naman ang hinarap.
"Tita Aliya wants to tell you something."
Lalo siyang nagtaka sa sinabi ng kanyang boss. Napatingin siya kay Tita Aliya at nakita niyang pumatak ang mga luha nito. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Muli niyang tumingin kay Shilo na puno ng katanungan. Kanina pa siya nalilito sa kinikilos ng dalawa. Bahagya lang tumungo si Shilo ng magtagpo ang kanilang paningin, waring sinasabi sa kanya na pakinggan niya kung anuman ang sasabihin ng babae.
"Mazelyn Reyes ang buong pangalan mo, di ba?"
Tumungo siya bilang sagot. Nagulat siya ng bigla siya nitong niyakap. Sobrang higpit ng yakap nito na para bang kay tagal siya nitong hindi nakita.
"Tita Aliya...."
"Kaze Alexa Lu, iyan ang totoo mong pangalan." Sabi nito ng marahang inilayo ang sarili sa kanya.
"HA?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Oo, hija..." Hinawakan nitong muli ang kamay niya. "Ikaw... Ikaw ang nawawala kong anak."
Parang may sumabog na bomba sa harap niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung paano ba ang magrere-act sa sinabi nito. Her mind totally when blank. Ayaw pangtanggapin ng kanyang isipan ang sinabi ni Tita Aliya.
"Hija, matagal na kitang hinahanap at ng makita kita sa coffee shop--"
"Joke po ba ito?" tanong niya ng makabawi sa pagkagulat. Tumawa siya ng mapait. "Grabe, sumasali po kayo sa ganitong prank." Binawi niya ang kamay na hawak nito. Tumingin siya kay Shilo.
Kitang-kita sa mukha nito ang lungkot at simpatya sa kanya. Muli siyang tumingin sa babaeng nasa harap niya. Patuloy sa pagpatak ang mga luha nito at nakita niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman.
"Hija." Sinubukan siya nitong muling hawakan sa kamay ngunit agad siyang umiwas.
"Wag po kayong magbibiro ng ganoon." Tumayo siya at galit na hinarap ito. May namumuong galit sa puso niya. "Hindi po ako ang nawawala niyong anak. Ang nanay at tatay ko ay matagal ng patay. Wag niyo naman po silang babuyin ng ganito. Matagal ng nanahimik ang mga magulang ko."
"Maze, makinig ka muna kay Tita Aliya." Tumayo na rin si Shilo at hinawakan siya sa balikat.
Ngunit pumiksi siya sa pagkakahawak nito at galit itong tiningnan. Unti-unting pumatak ang mga luha niya. Nasasaktan siya ng mga sandaling iyon ng hindi niya nalalaman kung bakit. Hindi naman siya naniniwala sa sinasabi ni Tita Aliya. Pawang mga kasinungalingan lang iyon. Hindi dapat siya naniniwala sa mga sinasabi ng mga ito. She had parents and they both already died. They been too good to her to be threaten like this. Ngunit hindi niya alam kung bakit kay bigat ng kanyang pakiramdam at may kumukurot sa puso niya.
"Hayaan mo akong ipaliwanag sa iyo, anak." Tumayo si Tita Aliya at balak sana siyang hawakan ng muli siyang umiwas.
"Ayaw ko! Walang katotohanan ang mga sinabi niyo. Pakana mo ba ito? Ikaw ba ang naka-isip na gawin ang kalukuhan na ito ?" galit niyang tanong sa binata.
Ilang segundong natigilan si Shilo sa sinabi niya. "Hindi ito isang kalukuhan, Maze. Tita been looking for you since you were ten. Makinig ka muna sa kanya, hayaan mo siyang magpaliwanag."
Umiling siya rito at umatras ng bahagya. Walang katutuhan ang sinabi nito patungkol sa pagkatao niya. Hindi siya ampon ng kanyang mga magulang. Nagkakamali ang mga ito. Hindi siya ang nawawalang anak ni Tita Aliya. Ngunit habang nakatingin sa mukha ni Shilo na walang bahid ng kasinungalingan ay nanghihina siya. Dinudurog ang puso niya sa kaalaman na maaring totoo ang sinabi ng mga ito. Mabigat na mabigat na ang puso niya at anuman sandali ay maari na siyang umiyak sa harapan nito.
"NO! NO! NO! Hindi totoo ang sinasabi mo, Sir Shilo." Napatingin siya kay Tita Aliya "Isa kayong sinungaling." Sabi niya rito bago tumakbo palabas ng opisina ni Shilo.
Narinig niya ang malakas na pagtawag sa kanya ni Shilo ngunit hindi siya lumingon. Hindi niya kayang marinig ang mga sinasabi nilang puro kasinungalingan. Kinuha niya ang kanyang bag na nakapatong sa swivel chair bago tumakbo papunta sa elevator. Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya ng pumasok siya ng elevator. Napaupo siya sa sahig ng elevator habang malakas na umiyak. Sobrang bigat at sakit ng puso niya. Hindi totoong ampon siya. Ayaw niyang tanggapin na hindi siya totoong anak ng kinikilalang mga magulang. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa mga ito na hindi siya totoong anak. Mahal na mahal siya ng mga ito simula pagkabata. Nagsisinungaling si Tita Aliya sa sinabi nitong siya ang nawawala nitong anak. Dahil kung totoong magulang niya ito bakit umabot ng labintatlong taon bago siya nito nakita at sa hindi pa inaasahang pagkakataon.
DALAWANG ARAW na siyang hindi pumapasok sa opisina. Buong araw lang siyang nasa bahay at nakakulong sa kanyang kwarto. Nakailang tawag at text na sa kanya si Shilo ngunit hindi ito sinasagot. Ganoon din sina Anniza, Joshua at Carila. Kahit si China ay hindi din niya kinakausap at wala din siyang ganang kumain. Hinahatiran siya ni China ng pagkain ngunit hindi niya pinapansin. Ayaw gumalaw ng katawan at ganoon din ng kanyang isipan. Wala siyang lakas para maging normal ulit. Para bang gumunaw ang mundo niya ng malaman na ampon lang pala siya. Ngayon ay pakiramdam niya ay may kulang sa pagkatao niya dahil sa nalaman.
Nais man niyang isipin na hindi totoo ang sinabi ni Tita Aliya ngunit hindi niya magawa. Wari bang nakatatak na sa isip niya ang sinabi nito. Ilang beses niya bang sinasabi sa sarili na isang kasinungalingan lang ang sinabi ng mga ito ngunit may bahagi ng isip niya na nagsasabing paniwalaan niya ang sinabi mga nito. Naguguluhan siya na kahit ang sarili niya ay pinagdududahan niya.
Walang buhay na umupo siya sa kama ng may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Ate?" tawag ni China mula sa labas.
Hindi siya sumagot. Alam niyang nag-aalala na ito ngunit wala talaga siyang lakas na harapin o ka-usapin ang mga tao sa paligid niya. Nahihiya siyang sabihin dito na hindi sila magkapatid at naniniwala siya sa sinabi ni Tita Aliya. Na nawalan siya ng tiwala sa kanilang mga magulang.
"Ate, alam kung gising ka. May taong gustong kuma-usap sayo." Hindi siya muling sumagot. Instead she picks up her pillow and put it on her face.
She doesn't want to see and talk to anyone. Bakit ba hindi na lang siya hayaan ng mga ito? She wants to clear her mind. Naguguluhan siya at pakiramdaman niya ay mababaliw siya. She can't take everything now. She feels so lost and fragile.
"Ate!!!" sigaw ni China. Halata nasa boses nito ang inis. "Ay! Bahala ka na nga. Pumasok ka nalang."
Narinig niya na may mga yapag na papalayo, kaya alam niyang wala na sa pinto ng kanyang kwarto si China. Tinanggal niya ang unan sa pagkakatakip sa kanyang mukha. Napalingon siya ng bumukas bigla ang pinto ng kanyang kwarto. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang pumasok ang seryusong mukha ni Shilo.
"Can I talk to you?" tanong nito sa kanya.
Dahil sa pagkagulat ay hindi agad siya nakapagsalita. Lumapit pa lalo sa kanya si Shilo. Tumayo ito sa may paanan ng kanyang kama. Hindi nito tinatanggal ang pagkakatitig sa kanyang mga mata.
"Maze, I want to talk to you about your mom."
Pagkarinig niya sa sinabi nito ay napakurap siya at tumalikod dito. Ayaw niyang marinig kung anuman ang sasabihin nito patungkol sa sinasabi nitong ina niya. Para sa kanya ang tanging ina niya ay ang kanyang kinagisnang magulang. Narinig niyang bumungtong hininga si Shilo.Naramdaman niyang gumalaw ang kanyang kama tanda na umupo ito.
"Alam kong ayaw mong marinig ang mga sasabihin ko pero sasabihin ko pa rin ang lahat sa'yo. At narito ako para samahan ka sa anuman malaman mo."
Kinuha niya ang isang unan at niyakap iyon. Marahang hinawakan ni Shilo ang isang kamay niya. Naghatid naman ng kakaibang damdamin sa kanya ang ginawa nito. Pakiramdam niya ay magiging okay ang lahat dahil sa paghawak nito.
"Maze, I know Tita Aliya since I was a teen. Nakita ko kung paano niya dinamdam ang pagkawala mo. Kaya nga naging malapit ako sa kanya. Para ko na siyang pangalawang ina. Nasaktan ang ina mo sa iyong pagkawala. At mas lalo siyang nasaktan ng may nakapagsabing namatay ka na daw. Nasaktan din ang ama mong si Tito Franz na hanggang kamatayan ay ginawa nito ang lahat para mabalik ka sa piling nila."
Natigilan siya ng marinig ang huling sinabi nito. Piniga ang puso niya sa sinabi nitong namatay ang tunay niyang ama. Napayakap siya ng mahigpit sa kanyang unan. Unti-unting pumatak ang mga luha niya.
"Your father, Tita Franz is a good man. Ng may nakapagsabi sa kanya na may taong nakakita sa iyo sa Laguna ay agad siyang pumunta para puntahan ka. Nagkataon na nasa China si Tita Aliya para sa isang business trip. Tito Franz meet an accident when he about to come to you. Nawalan ng preno ang kotse nito na bumangga sa isang malaking bato. Sa sobrang lakas ng impact ay nawasak ang unahan ng kotse pero nakuha ng mga rescuer si Tito mula sa pagkakaipit sa manibela ngunit malaki ang naging pinsala ng aksidente sa ibabang bahagi ng katawan ni Tito. He was comatose for three days before he gone. Hinintay niya lang maka-uwi si Tita mula China bago siya tuluyang namaalam.
"Sobrang nasaktan si Tita sa nangyari sa asawa niya tapos nawawala pa ang nag-iisang anak niya. Halos mabaliw siya sa nangyari, Maze. Nakita ko kung paano gumuho ang mundo ni Tita. Kung paano muntik na itong magpakamatay dahil sa hindi na niya kaya ang sakit. Kung paano siya naki-usap sa amin na hayaan na siyang sumunod kay Tito Franz dahil sa wala na daw siyang dahilan para mabuhay. Nasaktan si Tita Aliya sa lahat ng...."
"TAMA NA!" sigaw niya rito. Hindi na niya kayang marinig ang iba pa nitong sasabihin. Dinudurog ng mga salita ni Shilo ang puso niya. Iniisip niya palang kung paano umiyak dahil sa pagkawala niya ang sinsabi nitong totoo niyang ina ay nasasaktan at dinudurog na ang puso niya.
Pakiramdam niya ay nakikita niya ang pag-iyak ng ina at pagkawala ng ama. Alam niya ang pakiramdam ng taong nawalan ng minamahal sa buhay. Masakit at nakakapanghina ng loob, na parang ayaw mo na rin mabuhay sa mundo.
"Maze..." Humigpit ang hawak ni Shilo sa kamay niya.
"Tama na, Please!" mahina at pagod na paki-usap niya rito. "Masakit na Shilo. Masakit sariwaan ang nakaraan. Alam ko ang pakiramdam ng taong nawalan. Kaya tama na. Ayaw ko ng bumalik sa nakaraan. "
"Ngunit kailangan mong malaman ang totoo mong pagkatao."
Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha at bumangon. Hinarap niya si Shilo at tinitigan sa mga mata.
"Sa tingin mo gusto kong malaman ang totoo kong pagkatao, Shilo? Ang totoong ako ay iyong nakilala mo noon. Isang simpleng tao na ang nais lang ay mabigyan nang maayos na buhay ang kapatid. At sa mga sinasabi mo ginugulo mo ang pagkatao at buhay ko. Bakit ba ayaw niyong magkaroon ako ng tahimik na buhay, ha?" nasasaktang sigaw niya.
"Maze..."
Kumawala siya sa pagkakahawak nito. "Hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Kung sino ang paniniwalaan ko. Shilo, Masaya naman ako sa buhay ko noon ng wala ang Tita mo. Bakit kailangan niyong guluhin ngayon? Maawa naman kayo sa akin, wag niya naman sirain ang buhay ko kung isang kasinungalingan lang din naman ang sasabihin mo?" nagmamakawaang sabi niya.
Nabahiran ng sakit ang mga mata ni Shilo. Para bang nasasaktan din ito sa nangyayari sa kanya. "Maze, gusto kang makasama ni Tita Aliya. Noon pa man ay nais ka na niyang makita at mayakap. Gusto niyang ibigay sa'yo ang mga bagay na dapat ay nasa iyo."
Umiling siya. "Hindi ko kailangan ng mga bagay na kaya niyang ibigay sa akin. Simple lang ang buhay ko at iyon ang nais ko. Hindi ko kailangan ng magulong mundo na kasama siya. Hindi ko siya--"
"Namatay ang ama mo ng dahil sa paghahanap sa iyo!" sigaw ni Shilo.
Napatigil siya at napayuko.
"Tito Franz was dead because he wants to see you. Tanging gusto lang ng ama mo ay maibalik ka sa kanila pero anong ginawa ng kinilala mong magulang..." may bahid ng galit na sabi ni Shilo. "...inilayo ka nila. Nang malaman nilang alam na ni Tito Franz ang kinaruroonan mo ay itinakas ka nila ulit. Alam mo ba kung paano ka nawala sa poder ni Tita Aliya?"
"Wag mong siraan ang mga magulang ko, Please!" Umiiling siya at pinilit ang sariling wag makinig sa anumang sabihin ni Shilo.
Tinakpan niya ang dalawang tainga ng kanyang mga kamay ngunit agad na hinawakan iyon ni Shilo. He is forcing her to listen. Ayaw niyang makinig at baliwalain ang sinasabi nito ngunit kahit anong gawin niya ay nasasaktan pa rin siya. At bawat salita nito ay tumatak sa kanyang isipan. Ayaw niyang paniwalaan dahil ayaw niyang mabahiran ng pangit na alaala ang magandang imahi ng kinilalang magulang.
"They stole you when you were ten, Maze."
Hindi siya nakagalaw sa pagkakaupo sa kama dahil sa sinabi nito. Ayaw niyang makinig, ayaw niyang paniwalaan ang sinabi nito. Hindi iyon kayang gawin ng kinikilalang magulang. "NO!!! Hindi totoo ang sinabi mo! Bawiin mo ang sinabi mo!" Malakas na kumawala siya sa pagkakahawak nito at hinampas niya ng kanyang unan si Shilo.
Hindi naman umiwas si Shilo bugkos ay hinawakan nitong muli ang kanyang mga braso. "Totoo ang sinabi ko, Maze. Kahit tanongin mo pa si Kuya Shan. Nakita niya kung paano ka tinakas ng gabing iyon."
Umiling siya. Hinila niya ang kanyang braso na hawak nito. Tatayo na sana siya ng muling hinawakan ni Shilo ang kamay niya at niyakap siya nang mahigpit. "I'm sorry kung kailangan maging ganito ang buhay mo, Maze. I'm sorry kung nasasaktan ka ngayon. Pero nandito ako para sayo."
Pilit niyang tinutulak si Shilo palayo sa kanya ngunit mahigpit pa rin siya nitong niyakap. Kahit pa hinahampas niya ang likuran nito ay hindi pa rin siya nito pinapakawalan. "I hate you. Hindi totoo ang sinabi mo. Nagsisinungaling ka lang." Sigaw niya rito.
"I'm sorry." Sabi ni Shilo ng paulit-ulit sa kanya.
Patuloy naman siya sa pagsigaw, at paghampas sa likuran ito habang umiiyak ngunit binaliwala lang ni Shilo ang kanyang ginagawa. Patuloy lang ito sa pagyakap sa kanya at paghingi ng tawad.
NASA sala ng bahay nila si Maze. Nakatitig lang siya sa juice na nakalapag sa mesang nasa harap niya. Pagkatapos niyang hampasin ang likuran ni Shilo ay nakatulog siya habang yakap nito. Tinawagan ni Shilo ang family doctor ng mga Wang ng bigla daw siyang nawalan ng malay at ang sabi ng doctor ay dahil sa sobrang stress, walang tamang kain at emosyonal kaya siya nakatulog. Pagkagising niya kanina ay nagulat pa siya ng makitang naka-upo sa may gilid ng kama niya si Shilo at hawak -hawak nito ang kamay niya.
Iiwas nasana siya rito ng hindi nito pinakawalan ang kamay niya. Sabi pa nito ay kung okay na daw ang pakiramdam niya ay uuwi muna daw ito ngunit ng plano nasana nitong umalis ay agad niya itong pinigilan. Sinabi niyang hintayin siya nito sa sala dahil may pag-uusapan sila. Ngayon nga ay nasa sala silang dalawa at pilit niyang nilalabanan ang emosyon na namumuno na naman sa loob niya.
"Maze..." tawag sa kanya ni Shilo. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Alam kong hindi ka pa ready sa katutuhanan. At kung iyon talaga ang nais mo, ang wag marinig ang katotohanan sa pagkatao mo ay okay lang. Hindi ko na ipipilit pa." Ngumiti ng malungkot si Shilo. "Pero hindi ibig sabihin noon ay sumusuko na kaming ipaalam sa'yo na ikaw si Kaze Alexa. Kapag ready ka na, lapitan mo lang ako. Handa ko naman sabihin sa iyo ang--"
"Paano ako ninakaw ng mga magulang ko?" walang emosyong tanong niya dito.
Hindi agad umimik si Shilo. Mukhang hindi nito inaasahan na magtatanong siya rito.
"Sa tingin ko, si Tita Aliya ang--"
Tumingin siya rito at binigyan ito ng masamang tingin. "Sinabi mo na kanina kaya ipaliwanag mo ngayon sa akin. Hindi ko pa kayang harapin ang Tita mo, kaya ikaw na ang magsabi at sumagot sa mga tanong ko."
Tinitigan din siya ni Shilo. Tinatantiya nito kung okay na ba talaga siya na pag-usapan ang totoo niyang pagkatao. Bumuntong-hininga si Shilo at nag-iwas ng tingin. "I was fourteen ng kunin ka ng kinikilala mong mga magulang. Katulong ang nanay mo sa bahay ni Tita Aliya ng halos tatlong taon. Malapit ka talaga sa mga katulong dahil lagi kang naiiwan sa kanila noong bata ka pa. Magkatabi lang ang mga bahay natin noon. Isang gabi, palabas ng bahay si Kuya Shan ng makita niya ang kinikilala mong ina na paalis ng bahay dala ka. Akala ni Kuya Shan ay may pupuntahan lang kayo ng Yaya mo pero hindi niya akalain na itinakas ka na nila. Pinahanap ka ni Tita Aliya, pinalabas pa nila sa diyaryo ang pagkawala mo ngunit hindi ka talaga nila mahanap.
"Akala nga nila ay kusa kang uuwi dahil sampung taon ka na ng kunin sa kanila ngunit hindi nangyari. At ngayon nga ay hindi mo na kilala si Tita Aliya."
Yumuko siya ngunit muli ding tumingin kay Shilo. "I was eleven years old when I lost my memories. Naaksidente kami papuntang Batanggas. Bumangga ang ulo ko sa sasakyan kaya nawala ang mga alala ko. Sinabi sa akin ni Nanay na hindi na importante kung maalala ko ang totoong ako basta ang importante ang kasama ko sila."
Nagulat si Shilo sa sinabi niya. "Eleven years old ka ng ma...." napatayo si Shilo pero umupo din agad. "Twelve years ago. Kung ganoon ay naaksidente kayo ng araw na naaksidente ang ama mo. Tumatakas kayo ng--"
"And my supposes-to-be baby sister died on that accident too."
"HA!!"
Tiningnan niya si Shilo. Unti-unting pumatak ang mga luha niya. "Buntis si nanay noon at hindi namin iyon alam. Tatlong linggo na pala siyang buntis at dahil sa akin kaya ito namatay. Niligtas ako ni Nanay sa aksidenting iyon ngunit hindi niya nailigtas ang kapatid ko. Ako ang may kasalanan kaya nawala sa kanila ang dapat nilang magiging unang anak.Hindi ko matanggap ng sabihin mo na hindi pala ako totoong anak ni Nanay. Dahil kung hindi nila akong totoong anak, hindi dapat ganoon ang trato nila sa akin. Kasalanan ko kung bakit nawalan sila ng anak. Kasalanan ko!!!" sigaw niya rito at umiyak ng malakas.
Naramdaman niyang niyakap siya ni Shilo. "Hindi mo iyon kasalanan. Wala kang kasalanan, Maze. Hindi mo iyon ginusto."
Hinagod ni Shilo ang likuran niya at pilit na pinapakalma. Patuloy pa rin ito sa pagbulong sa kanyang tainga na hindi niya kasalanan ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Kumalas lang si Shilo sa pagkakayakap sa kanya ng lumapit si China. Malungkot at may bahid ng guilt ang mukha nito.
"Ate, I'm sorry." Nilapag ni China ang isang sobre.
Kumalas siya sa yakap ni Shilo at tumingin sa kapatid. Pumatak ang mga luha ni China pero agad din nito iyong pinunasan. Kilala niya si China, ayaw nitong pinapakita sa kanya ang emosyon. May inilapag itong isang pang puting sobre.
"Noon ko pa dapat iyan binigay sa'yo ngunit natakot ako na baka iwan mo din ako kagaya ni Nanay. I'm sorry ate." Basag ang boses na sabi nito.
"Ano ito China?" nagtatakang tanong niya.
"Basahin mo siya. At sana mapatawad mo si Nanay sa mga ginawa niya dahil ako napatawad ko na din siya." Pumatak ang mga luha ni China at humarap itokay Shilo. "Wag mo sanang iwan ang ate ngayong araw."
Tumungo si Shilo kahit nagtataka ito sa sinasabi ng kanyang kapatid.
"I'm sorry ate. Kina Sandra muna ako ngayong gabi, babalik ako bukas." Sabi nito bago umalis at iniwan sila ni Shilo doon.
Nagtatakang napatingin siya sa hawak na sulat. May nakasulat doon na pangalan niya at ang isa naman ay may pangalan ni China. Bigla siyang binundol ng kaba.