webnovel

Wilderness Inside

"Lucky" is the word that people use to describe Luna Fabella. They think that she had it all-looks, brain, and money. Little did they know that she's the opposite of it. Sure, she may have all the material things in the world but not her freedom. Her life is being controlled by her parents and so far she can bear it all. Until one day, her dad told her that she's meeting her fiancé in a week. Hearing her dad say it like its nothing makes her smile bitterly. She knew she can't do anything about it. One thing is for sure though, if she can't choose her own husband, she would definitely choose whom to give her virginity.

Abogoddess · Général
Pas assez d’évaluations
15 Chs

CHAPTER 15

Bago siya pumasok ng pintuan ng hospital ay bumuntong-hininga muna siya ng malalim para isantabi ang personal niyang buhay para hindi niya dalhin sa duty.

"Hi Luna!" bati sa kanya ni Marcus pagdating niya sa Intern's Lounge. Naabutan niya itong naglalagay ng bag sa locker nito at mukhan kadarating din.

Lahat silang mga incoming at out going duty ay doon nag-iiwan ng gamit at kung minsan naman ay doon tumatambay kapag nakabreak o naghihintay ng oras sa duty para maglog-in sa log book nila. May 40 minutes pa bago mag 8 o'clock kaya ang mga incoming duty ay doon muna tumatambay o kaya sa canteen kapag napaaga ng dating.

"Hello," balik-bati niya dito. Binuksan niya ang locker niya at kinuha lang ang cellphone, ballpen at wallet saka niya nilagay ang bag at nilock.

"Kumain ka na?" tanong nito.

"Oo eh pero bibili akong kape, may ipapabili ka?" tanong niya dito. Must have before duty niya ang kape kaya lagi siyang nagpupuntang canteen para bumili. Masarap ang kape doon dahil brewed talaga, iyon nga lang at hindi pangmasa ang presyo. Ang kwento sa kanila ay nirequest daw ng mga doctors kaya merong brewed coffee na tinitinda sa hospital canteen.

"Di pa ako kumakain kaya sabay na tayo," sabi nito kaya tumango siya. Ngayon niya lang ito nakasabay na pumuntang canteen ng before duty dahil usually ay sakto-sakto lang ito dumating bago ang start ng duty. Minsan pa ay late ito kaya sa pagkakaalam niya ay isa ito sa may pinakamaraming demerits sa grupo nila.

Sabay silang lumabas at napansin niya ang mga kaintern nilang nakaduty at mga nakakasalubong na napapatingin at napapangiti sa kanila. Iniissue sila ng mga ito pero di nalang niya pinapansin kase wala naman talagang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Hooooy! Saan kayo pupunta!?" tanong ni Yna nang makasalubong nila ito sa hagdan. Nakangisi ito at nangingislap ang mga mata at alam na niyang umiiral na naman ang pagkatsismosa nito.

"Sa canteen, sama ka?" tanong niya dito.

"I think I'll pass so that you two could have a privacy," nakakalokang tanggi nito at kumindat-kindat pa. Narinig niyang tumawa si Marcus kaya napailing-iling nalang siya. Kahit kailan talaga numero-uno nilang shipper tong si Yna.

"Are you sure?" paninigurado niya dahil alam niyang lagi din itong nagkakape tulad niya bago magduty.

"Yep, I'll just wait for Hannah," sagot nito at nagpaalam na ito sa kanila habang nakangisi pa din.

"She's cute," natatawang sambit ni Marcus kaya napangiti siya dito. "No, that's not what I meant," agap nito nang marealize kung ano ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito. "What I meant was that-"

"You don't have to explain Marcus," natatawang putol niya sa agpapaliwanag nito.

"I like someone else so you better get rid of that idea," pagpapaliwanag pa din nito kaya mas lalo siyang nacurious.

"I bet it's Hannah," hula niyang sabi. Maganda si Hannah kaya di nakapagtatakang magustuhan ito ni Marcus. Alam din niyang close ang dalawa dahil parehas ang mga ito ng circle of friends kaya hindi din malabo na magkagustuhan ang mga ito. Ang ipinagtataka niya lang ay bakit tinutukso silang dalawa ni Hannah.

"It's you," diretsahang sagot nito kaya muntikan na siyang matapilok sa gulat. Hindi niya alam kung anong isasagot niya dito o kaya paano magrereact. Hindi niya inexpect na ganito ito kaprangka. Napatingin siya bigla dito nang marinig niya itong tumawa. "Don't feel awkward," natatawang sabi nito at pabirong siniko pa siya nito. Naappreciate niya ito sa attempt nitong pagaanin ang sitwasyon nila.

"Sorry I wasn't expecting that," pag-amin niya.

"It's okay," nakangiting sabi nito. Nakahinga siyang maluwag nang makarating sila ng canteen. Agad siyang nag-order ng iced americano gaya ng lagi niyang inoorder. Pagdating sa cashier ay inunahan na siya ni Marcus sa pagbabayad ng binili niya dahil mas nauna ito sa pila.

"It's on me," kindat nito kaya hinayaan niya nalang. Naisip niyang if ever man magkasabay sila ulit ay siya naman ang magbabayd ng bibilhin nito para patas sila.

"Thanks," pasalamat niya dito nang iabot nito ang kape niya.

"In exchange of that coffee, will you join me while I eat?" nakangising tanong nito kaya natawa siya.

"Ah kaya pala nanlibre dahil may kapalit," natatawang sabi niya dito. Di naman pala ito awkward kasama kahit na umamin bigla ito sa kanya kani-kanina lang. Mukhang masarap itong maging kaibigan at no wonder halos lahat ay nakikita niyang kinakausap nito. "Fine," sagot niya dito kaya napangiti nang maluwag.

Umupo sila sa dulong lamesa. Madaming mga PGI o mga post-grad intern na nakatambay din sa canteen. Ito ay mga graduate na sa medicine at nagiintern sa hospital para makagain din ng experience bago magboard exam for licensure.

"Anong duty mo bukas?" tanong nito nang makaupo sila.

"It's my off," sagot niya dito at napansin niyang nag-pout ito. "What?" nagtatakang tanong niya dito.

"Wala lang, duty ako," sagot nito. Napatingin ito sa likod niya at biglang yumuko na para bang nagtatago sa kanya

"Okay lang yan, mag-o-off ka din," nakatawang pang-aalo niya dito pero mejo nalilito siya sa biglaang pagyuko nito.

"Yow wazzup!" masayang bati ni Hannah na nakapagpalingon sa kanya. Ang nakaharap sa entrance ng canteen ay si Marcus kaya di niya agad napansin. Kaya pala biglang yumuko ang kaharap niya dahil gustong magtago.

"Hi Hannah! Hi Yna!" bati niya sa mga ito dahil magkasama ang mga ito. Humila ng upuan ang mga ito dahil pang-apatan ang lamesang inupuan nilang dalawa ni Marcus. Magkaharap sila ni Marcus kaya ang dalawa ay parehas na nasa sides nila at maglaharap naman sa isa't-isa.

"Good morning sa inyo lalong-lalo na tong si Marcus," kumindat pa si Hannah kay Marcus na nakapagpatawa sa lalaki.

"I was trying to hide from you coz I know you'd do this," pag-amin ni Marcus na ikinatawa nina Hannah at Yna.

"Do what," painosenteng tanong ni Hannah pero alam nilang lahat kung anong tinutukoy ni Marcus.

"Tease them of course," si Yna na ang sumagot at tumayo ulit. "Papabili ka ba Hannah ng iced coffee?" baling nito kay Hannah.

"Yes please, I'll just have a lot of questions to Luna," sagot ni Hannah at tumango naman si Yna at umalis para bumili.

"About what?" nagtatakang tanong niya kay Hannah nang makaalis si Yna.

"About Saga Araujo of course," sagot nito at napasulyap kay Marcus. Napaayos naman siya ng upo sa pagkabanggit ng pangalan ng taong ayaw niyang isingit sa isip niya sa araw na iyon. Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang napadiretso din ng upo si Marcus at parang curious madinig ang sasabihin niya.

Inisip niya kung ililihim ba niya kung anong meron sila o sasabihin ang totoo. As much as possible kase ay ayaw niyang kumalat na engaged na siya kaya lang ay itinuturing niyang kaibigan si Hannah kaya ayaw niya ding magsinungaling dito.

"It's a long story Hannah but he's my fiance," matapat na sagot niya. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Hannah at ang pagkalungkot sa mukha ni Marcus pero iyon ang totoo. Ngayong sinabi nitong may gusto ito sa kanya ay mas dapat lang na malaman din nito na engaged na siya para hindi ito umasa.

"Oh my," naninimbang na sambit ni Hannah. Kitang-kita niyang naeexcite ito sa balita niya pero nananantiya din dahil ang kaibigan nitong si Marcus ay halatang di nagustuhan ang narinig. "I'm a little surprised pero congrats Luna!" yakap nito sa kanya. Kung alam lang nitong wala itong dapat icongratulate sa kanya ay baka maawa pa ito.

"Congrats Luna," kahit kita ang disappointment sa mga mata ni Marcus ay nagawa pa din siyang batiin. Mejo nalungkot siya para dito dahil sa maling tao pa ito nagkagusto pero ganon talaga, kahit hindi siya engaged ay hindi niya alam kung ready din siya sa relasyon kung liligawan siya nito. Never niyang inisip dati na magkarelasyon habang di pa siya graduate kaya never niyang ikinonsidera ang kahit sino man na magiging karelasyon niya. Totoo at gwapo ang lalaki pero iba kase ang focus niya dati pa.

"Salamat," pilit ang mga ngiti niyang sinabi sa mga ito. "Can you two keep it as a secret though?" pakiusap niya. Nagkatinginan ang dalawa sa isa't-isa nang may pagtataka bago tumango.

"Sure," ngumiti si Marcus sa kanya.

"I'll zip my mouth," sabi naman ni Hannah at umaksyon pa itong parang zinipper ang bibig.

"Here's your coffee ma'am," biglang dating ni Yna at inilapag sa harap ni Hannah ang iced coffee. Napatingin ito sa kanila nang may pagtataka dahil siguro napansin ang pag-iba ng ambiance sa kanilang tatlo.

"What's wrong?" tanong nito.

"Secret," masaya na ulit na sabi ni Hannah at nagtawanan silang tatlo nang mapasimangot si Yna. Nagpapasalamat siya sa loob-loob niya dahil gumaan na ulit ang sitwasyon.

Poor Marcus ;(

Abogoddesscreators' thoughts