webnovel

Chapter 6

Sir Jann Michael POV

Nakakabwisit ang babaeng yun napakaingay at napalakas ng kanyang tawa, sabi ko sa aking sarili habang nakatingign sa katulong na ang lakas ng tawa habang kausap ang aking kapatid na si jeronn sa hardin

Mukhang may gusto si jeronn sa babaeng yun, at mukhang nagpapansin ang kapatid ko sa millary na yun, at itong millary na to, mukhang kilig na kilig na man ito, hindi ba niya alam na may girlfriend na si jeronn, ano ba ang pangalan noon, ah natatandahan ko na rizalyn , maganda, mabait at sexy si rizalyn, galing sa mayaman angkan kaya alam ko hindi ipapagpalit ni jeronn si rizalyn kay millary

O baka nagayuma nitong si millary itong si jeronn pero iilan araw palang ang nakakaraan, paano niya magagawa yun at balita ko pa noong unang araw ni jeronn dito nakita ng lahat na niyakap nitong bigla si millary , naattract ba ito agad kay millary at ng sumunod na araw umalis ang dalawa para magmall at gabi na ng umuwi at ang nakakainis panay ang bulungan nila habang nasa sala , dikit ng dikit itong si jeronn na to kay millary, wala sa angkan nila ang manloloko ng girlfriend o asawa, kaya bakit gingawa ni jeronn to. Napabutung hiniga ako ng malalim, kailangan kong pigilan si jeronn sa kanyang ginagawa , kawawa ang kanyang girlfriend kung nagkataon, mukhang mabait pa naman itong si rizalyn balita ko sa mga kaibigan ko pero personal ndi ko pa ito nakikita

Kasabay ng pag iisip ko doon biglang bumalik ang alala sa akin nakaraan, ang nakaraan na pilit kong nililimot pero hanggang ngayon hindi ko makalimut limutanan.

Mahal na mahal ko parin ang asawa ko na si marjorie , nakilala ko si marjorie noong college ako , naging kaklase ko siya noon sa lahat ng subjects sa business administration major in management at minsan nakagrupo ko siya sa isang subject namin sa business management 2 , doon ko siya nakilala ng lubusan , maliban sa napaganda , napakasexy, maputi, magandang pangangatawan, bilugin pang upo, malaking hinaharap, makinis na kutis , may mga iba pa pla siya katangian na nagusthan ko ang pagiging mabait nito, maalalaanin, mapangkumbaba, masayahin at maunawin , kaya mas lalo ko ito nagustuhan, niligawan ko ito at tumagal ng anim na buwan at makalipas ang anim na buwan sinagot din niya ako.

Naging masaya ang aming pagsasama, minsan may mga tampuhan kami pero kaagad din namin naayos, yung mga tampuhan na ndi namin pinapabukas pa, agad ko na itong nilalambing para agad din maayos ang tampuhan, masasabing napakaswerte ko sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat ng hahanapin ng isang lalaki, hanggang yung pagkagusto ko sa kanya , mas lumalim naging pagmamahal na, pagmamahal na Feeling ko hindi ako makakaahon dahil lumubog ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, pagmamahal na ikakabaliw ko kung mawawala siya sa akin.

Mabilis lumipas ang 3 taon, malapit na kmi magtapos ng pag-aaral, bali tatlong taon ko na din nobya si marjorie , walang araw na ndi ako naging masaya sa kayang tabi, mga araw na sobrang makabuluhan sa akin.

Napag-usapan na din namin kung ano ang plano namin , plano niya siya humawak sa negosyo ng kanyang pamilya , meron silang negosyong restaurant sa buong metro manila, habang ako naman ako ang mamahala sa negosyo na aking pamilya dahil ako ang panganay ako inasahan nilang mamahala dahil ang kasunod kong si jeronn eh nasa ikalawang taon palang sa katulad na kurso, habang ang nakakabatang kapatid ko o ang bunso namin senior high school palang.

Napag-usapan nadin namin na pagkatapos ng dalawang taon namin hawakan ang aming kanya kanyang kumpanya ay magpapakasal kami, mahal na mahal ko siya kaya agad ko na siyang niyayang magkapamilya, alam kong bata palang kami pero ako desidido na akong pakasalan siya kasi nakikita ko ang aking hinaharap sa kanya, siya yung nakikita kong magiging ina ng aking mga anak, magiging masaya ang buhay ko kung siya ang kasama ko habang buhay, lalong magiging makulay ang aking mundo kung ito ang aking kaagapay, gusto kong gumising isang araw na mukha niya una kong makikita at pagkatapos hahalikan ko ang kanyang mapupulang labi at sabay kong sasabihin sa kanya "morning mahal", mga katagang gusto kong sabihin sa kanya araw araw pagkagising ko sa umaga, gusto ko din pagpikit ng mata ko sa gabi, mukha niya ang una ko makikita at sasabihin ko din ang mga katagang " mahal na mahal kita mahal", pangarap ko din na bago ako umalis para pumasok sa trabaho ay yayakapin ko siya at hahalikan para magpaalam ,at gusto ko din pag uwi ko siya ang sasalubong sa akin kasama ang mga anak namin at hahalikan ulit ang kanyang pisngi

Mabilis lumipas ang dalawang taon, ng sumapit ang dalawang taon, yung napag- usapan namin ay matutupad na , ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo kasi malapit ko ng maging misis ang aking kasintahan, ang babaeng aking pinapangarap, ang babaeng nilalaman ng aking puso, ang babaeng pinangakuhan ko ng habanag buhay, ang babaeng nakuwa ang aking puso at kaluluwa ang babaeng lahat lahat sa akin

Habang naghihintay ako sa harapan ng altar, naiimagine ko na malapit ng matupad ang pangarap ko , ang pangarap na maiharap ito sa altar at pagbubuklurin kami ng pari na magkakasal sa amin, na sa mata ng Dios at sa mata ng taong nandito ngayon na masasaksihan ang aming tunay na pagmamahalan

Habang naglalakad siya palapit sa akin , umiiyak ako sa saya , sa wakas maitatali ko na ito sa pangalan ko, magiging misis dela munoz na ito at magiging kabiyak ko na ito, magiging ilaw ito ng aming magiging tahanan, simula ng nakapagtapos ako sa pag-aaral nagpagawa na ako ng tirahan namin, mansyon ang titirhan namin, yung tahanan namin, siya ang inspirasyon ko sa konseptong yun, kung ano gusto niya na makikita sa bahay , tulad ng ilang kwarto ba ang gusto niya sabi niya sa akin gusto niya siyam na kwarto, yung unang kwarto daw yun ang kwarto namin mag-asawa , tapos ang pangalawang kwarto-kwarto niya na meron gamit sa pagpipinta, mahilig kasi si marjorie magpinta ng iba't ibang konsepto, minsan nga pininta ako ni marjorie, ako ang kanyang subject sa pagppinta na lubos ko naman kinasisiya, noon bago kami hindi ko pa noon alam na magaling siya sa pagguhit, ang nakakatawa ang una niyang niregalo sa akin ng kaarawan koyung pininta niya na lubos kong kinasiya, ,yung ikatlong hangagng ika anim na kwarto sabi niya laan daw iyon sa aming mga anak at yung natitira yun daw ang magiging guestroom, mahilig din siya sa hardin, kaya yung bahay na pinagawa meron hardin at yung mga paborito nitong bulaklak ang mga nakatanim doon, ang mga rose daw ang simbolo ng pagmamahal, walang hanggang pagmamahal, gusto din niya ng swimming pool kaya nagpalagay din ako ng ganoon kasi gusto lagi itong masaya , at alam ko kasing hilig nito ang paglanggoy sa tubig, mahilig din ito sa piano kaya bumili din ako noon at nasa sala yun, mahilig din itong magbake ng mga cookies , kaya pinasadya ko ang aming kusina para paggusto niya magbake, makakapagbake ito ng maayos, kinumpleto ko ang mga gamit doon.palapit na siya ng palapit habang nakadantay ang kamay niya sa kanyang ama, matanda ang kanya ama pero mababakas mo parin dito ang kgwapohan taglay nito noong kabataan nito , masaya ang kanyang ama , nakangiti itong nakatingin sa akin, habang anak nito kamukha kong lumuluha, lumuluha sa sobrang saya, dahil sa wakas magiging isa na kami, magiging mag-asawa na kami, ilang oras mula ngayon

Ng iabot ng kanyang ama ang kanyang kamay, nagwika ang kanyang ama" ingatan mo ang aking nag-iisang anak, itinuring ko yan na prinsesa , sana ikaw ituring mo siyang reyna mo, maliban sa mundo mo" habang binibigkas niya ang mga salitang yun, nakangiti ito sa akin, alam ko kahit hindi ito lumuha, alam kong masaya ito para sa amin, Nagwika ako sa kanya" opo daddy, maasahan niyo po ako doon, salamat po sa pagmamahal niyo sa akin reyna" ganting wika ko habang nakagiti pero may mga luha sa akin mga mata at sabay wika din na" alam niyo naman , gaano ko kamahal ang inyong anak ninyo, siya ang mundo ko at ikakabaliw ko , kung mawala siya sa akin" at tinignan ko ang aking reyna napaganda nito sa suot nito , lutang na lutang kanyang ganda sa suot nitong damit pangkasal, napaka elegante nitong tignan , kahit may mga luha ang kanyang mga mata mababakas ang kanyang saya at hindi man nabawasan ang kanyang taglay na ganda, kaya niyaya ko na ito" mahal tara na" sabay yaya ko sa kanya papunta sa altar para mabasbasan na kmi ng pari na magkakasal sa amin.

Ng nasa harap na kami ng altar nagsalita ang namumuno

"Isang maganda umaga po sa lahat Tayo ngayo'y nagkakatipon bilang isang Kristyano sa ating komunidad, upang masaksihan itong mahalagang yugto sa buhay nina jann michael at marjorie Sama-sama nating pasalamatan ang Panginoon sa pagsasama sa kanila sa pag-ibig at ating idalangin na nawa'y basbasan at pabanalin ang kanilang magiging buhay mag-asawa Magsitayo po tayong lahat" sabi ng namumuno

PAGBATI

PARI: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo +.

Mga tao sa simbahan : Amen.

PARI: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Dios Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa'y sumainyong lahat.

Mga tao sa simbahan: At sumaiyo rin.

PARI: jann michael at marjorie , ang Dios ay pag- ibig at sa kanyang dakilang kapangyarihan at pagmamahal ay pinagsama niya kayo sa pag-ibig. Binigyan niya kayo ng kalayaan upang palaguin ang pag-ibig na ito. Ang Dios din ang tutulong sa inyo upang pagtibayin ang kinabukasan ng inyong pag-ibig kung inyong ibabahagi at kusang-loob kayong magmamahalan at gumagalang sa isa't-isa sa kaginhawahan at kahirapan, sa karamdaman at kalusugan, sa panahon ng mabuti at masama sa isang tipan na sa ilang sandali ay inyong tatanggapin.

At ng matapos ang kasal binati kami ng lahat ng nasa loob ng simbahan . at sabay sabay na kming pumunta sa reception ng kasala para kumain .