webnovel

Wild Imaginations

It's just an Imaginations after all~ Anonymous

PenNameError · Urbain
Pas assez d’évaluations
6 Chs

Chapter One Is this the End?

Time check-- 12: 05 Midnight.

Shit!

Mahinang napamura sa isipan si Annym nang makita kung anong oras na. Paulit-ulit na nagpalakad-lakad siya sa loob ng kanyang kwarto habang nakasabunot ang dalawang kamay sa gabalikat na magulong buhok.

"Uuhhh!" Mahinang daing niya matapos ihilamos ang dalawang kamay sa mukha at namaywang.

Kanina pa siya balisa at hindi alam ang gagawin. Matiim na nakatitig sa kwadernong nasa lapag ng kanyang kama katabi ang kanyang laptop at panulat.

Sandaling ipinikit niya ang mga mata upang mag-isip ng magagandang eksena ngunit iisa lang ang tumatakbo sa isipan niya. Kahit nakapikit ay iisa lang ang nakikita.

Kanina pa niya pinipilit ang sarili na magsulat para tapusin ang nobela na kanyang ginagawa ngunit wala siyang maisip na magandang ideya sa kadahilanang sakop ng isang tao lamang ang kanyang imahinasyon.

At ang taong iyon ay walang iba kundi ang lalaking nakita niya lamang isang oras ang nakakalipas sa mga oras na iyon.

That man! Mura niya sa isipan at muling naghari sa kanyang balintataw ang nangyari kanina.

Mula sa entrada ng isang night club, tahimik na pumasok sa loob si Annym habang maiging pinapakinggan ang kantang umiibabaw sa buong lugar.

Nakuha kaagad ng kanta ang kanyang atensyon. It's Invisible by Hunter Hayes. Ang paborito niyang kanta!

Mas lumapit pa siya sa entablado kung saan ang kumakanta na pinagkakaguluhan ng lahat. Halos ang karamihan ng tao sa lugar na iyon ay nasa harap ng entablado at matamang nakikinig sa kanta.

Dahil curious siya sa nangyayari, nagpumilit siyang makalapit sa gitna para makita ang nasa entablado. Hindi naman siya nabigo dahil nakalusot siya hanggang sa marating niya ang unahan.

Duon ay nakita niya ang lalaking nakatayo sa pinaka-gitna ng entablado habang nakahawak sa stand ng mic. Siya siguro ang vocalist ng banda dahil ito lang ang natatanging walang hawak na instrumento at nakahawak lang sa mikropono.

Ang iba sa mga kasamahan nito ay nakahilera sa likuran nito habang nakikipagsabayan sa kanta ang mga galaw gamit ang bawat instrumento. May drummer, pianist, at guitarists. Over all, lima ang miyembro ng grupo kasali ang kumakanta.

Napansin din niyang kakaiba ang presinsya ng lalaking nasa gitna na kumakanta. Nagtataglay din ito ng kagwapuhan at kakisigan. He's the definition of a perfect man for her. Hindi na siya magtataka bakit maganda rin ang boses nito. Talagang pinagpala ito.

'Crowded hallways

are the loneliest places

for outcasts and rebels

or anyone who just dares to be different'

'And you've been trying for so long

to find out where you place is

but in their narrow mind

there's no room for anyone who dares to do something different'

'Ooh~ but listen for a minute'

'Trust the one

who's been where you are wishing all it

was, was sticks and stones

those words cut deep but they don't mean

your all alone and your not invisible

hear me out, there's so much more to this life than what your feeling now

someday you look back on all this days

and all this pain is gonna be

Invisible

It'll be Invisible'

Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga manunuod at nag-toast ng baso ng alak sa lalaki bilang pagbati dito dahil sa matagumpay na pagtatapos ng kanta.

"Everyone, thank you for coming here. Once again this is Slumber Band." anang lalaking vocalist at umalis na ng entablado kasama ang mga ka-band nito.

Si Annym naman ay nanatiling nakatayo lamang sa kinatatayuan kahit na wala na ang banda. Lutang ang isip niya at pandaliang nawala sa sarili.

Nasa balintataw parin niya ang imahe ng lalaking kumanta. Shit! Mukhang na-love at first sight ata siya sa lalaking iyon.

Saka lamang bumalik sa reyalidad ang pag-iisip niya ng marealise sa sarili na nagkakagusto na siya sa lalaking ngayon-ngayon lang niya nakita, worst hindi pa niya ito kilala.

Mukhang kailangan niya itong makilala, mababaliw siya sa kakaisip dito kung patuloy na maglalaro ang imahe nito sa imahinasyon niya. At na awawala siya sa pagsusulat dahil duon. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Tama, siya ang kikilos upang mawala itong nararamdaman niya.

Kinabukasan din, katulad ng oras ng pagpunta niya sa night club na iyon, binalikan niya ito. Ang rason niya, kailangan niyang makilala ang lalaki.

Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya nang makapasok siya sa loob ng night club at sumalubong sa kanya ang tahimik na lugar at tanging mga taong nakikipagkasiyahan at nakikipag-inuman lamang ang kanyang nakikita. Walang pinagkakaguluhan ang mga naruon sa gitna ng entablado.

'Mukhang walang palabas ngayon katulad ng kahapon' aniya sa isipan at lumapit na lamang sa bar counter upang umorder ng maiinom.

"A glass of mojito, please." aniya habang inabala ang sarili sa pag-upo at ipinalibot ang paningin sa buong lugar. Ni hindi man lamang nagawang pasadahan ng tingin ang nagtatakang bartender.

Mayamaya lamang ay nakalapag na sa kanyang harapan ang kanyang inumin. Agad niya iyong dinampot at inisang lagok. Rumagasa ang lasa niyon sa lalamunan niya.

"Another shot please." muling wika niya habang nilalaro ng kamay ang labi ng baso, pinapadulas duon ang hintuturo.

"Here's your drink ma'am." anas ng bartender na nagpatigil kay Annym sa kanyang ginagawa.

Panandaliang nabingi ang pandinig niya at paulit-ulit na nag-play sa utak niya ang boses ng bartender.

Siya lang ba o sadyang magkapareho ang boses ng bartender at ng lalaking hinahangaan?

"Ma'am?" tawag sa kanya ng lalaki at sa puntong iyon ay hindi siya nagkakamali. Magkapareho ang boses ng dalawa!

"Yes?" nakaguhit ang ngiti sa labing baling niya sa bartender. Nang masilayan niya ang mukha ng lalaki ay hindi siya nagkakamali ng hinala. Ito ang vocalist ng banda ng nakaraang gabi!

"Your order," anito at inilapit sa kanya ang baso ng mojito.

"Thanks." saad niya at mas lalong pinakatitigan ang lalaki. Binalewala ang bagay na tinutukoy ng lalaki.

"Hi. What's your name? Anyway I'm Annym." hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Agad niyang inilahad ang kamay sa harap ng lalaki.

"Annym? Nice name, I'm Forth." sagot nito sa kanya at dinaop ng palad ang kamay niyang nakalahad.

Nang magdampi ang mga kamay nila ay nakaramdam ng kiliti si Annym na tumulay sa buong katawan niya. Para siyang kinuryente sa pagdadaop ng palad nila.

"Forth? Nice name too. Our names are made out of numbers." Napahagikhik siya nang marealise ang sinabi.

"Yeah." nakangiting sang-ayon din ng lalaki sa kanya.

"So, are you a full time bartender here? Kahapon kasi nakita kitang kumakanta kaya hindi ko ineexpect na bartender karin." panimula niya. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ito na nakakausap ang lalaki.

"Nope. Minsan bartender, vocalist ng banda namin at minsan nagseserve din ako ng inumin sa bawat table bilang waiter. So, no. I'm not a full time bartender. Sa katunayan niyan, full time ang trabaho ko dito." anito habang natatawa sa huling sinabi.

"In short, all-arounder ang trabaho mo?" amused na tanong niya sa lalaki. Nakakagulat na nagagawa nito ang lahat ng trabaho nito.

"Yep." He said popping the latter letter.

Tumango-tango siya, nauunawaan ang ibig nitong sabihin.

"So, are you a regular customer here? Ngayon kang kasi kita nakita." Balik tanong sa kanya ni Forth, mimicking her tone a while ago.

"Nope. Kahapon lang din ako napadpad dito at bumalik lang ako dahil gusto kitang makilala." Walang kaabog-abog na sagot niya sa lalaki.

"Now you know me, pupunta ka parin ba dito?" May kaseryusuhan ang hilatsa ng mukha na tanong nito sa kanya.

"Maybe yes. Maybe not." Walang kasiguraduhang sagot niya.

Pumunta lang naman siya dito ulit dahil gusto nga niyang makilala ang lalaki. Ngayong kilala na niya ito ay siguro naman matatahimik na ang kaluluwa niya.

"Hindi ka sigurado. Bakit naman?" tila kyuryusong usisa sa kanya ng lalaki. Itinutok ang buong atensyon sa kanya at hinayaan ang kasamang umasikaso sa mga order ng costumers.

"Gusto ko lang ng katahimikan kaya ako pumunta dito." simpleng sagot niya sa lalaki.

"Katahimikan? Walang katahimikan dito Annym." ani Forth.

"Alam ko." maiksing sagot niya.

"So, bakit ka nadito kung gusto mo pala ng katahimikan?" muling tanong ng lalaki. Tila hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya.

"Pumunta ako dito para sa katahimikan ng isip at puso ko. Alam mo bang ikaw ang dahilan niyon?" seryuso ang mukhang tanong niya kay Forth na nakakunot ang noo sa kanya.

"What are you talking about?" tila naguguluhang tanong nito. Nasa kanya ang buong atensyon at mataman na nakatitig sa kanya ang kulay tsokolate nitong mata.

"Dahil sayo hindi ako nakakapag-isip ng maayos, hindi ako nakakatulog, hindi ko magawang ipikit ang mata ko dahil ikaw lagi ang nakikita ko. Kahit sa imahinasyon ko ay naruon ka. At ang ayaw ko sa lahat ay pati ang pagsusulat ko ay naaapektuhan mo,"

"What have you done to me?" puno ng sumamong tanong niya.

"Annym hindi kita maintindihan? Bakit naman ako naging dahilan ng mga nararamdaman mong iyan? May ginawa ba akong masama sayo?" naguguluhang tanong nito sa kanya.

"I don't know too, even I can't understand myself why I'm being like this. I just feel like coming to you will be a good option to make this craziness of mine fade away but it's not working. The more that I know you, the more that my feelings for you is getting bigger,"

"Forth, I think I love you." anas niya habang punong-puno ng senseridad ang mga matang tinitigan sa mga mata ang lalaking kaharap.

Umiling-iling ang lalaki sa mga sinabi niya.

"Your just confused kaya mo 'yan nasasabi. You can't just love me in that short split time, Annym. Loving someone takes time for you to realise it,"

"In your case, nasasabi mo lang na mahal mo ako dahil ako ang palaging nandyan sa isip at puso mo. Hindi maglalaon ay mawawala din 'yan at makakalimutan mo rin ako." dugtong pa nito.

"Are you rejecting me Forth?" tanong agad niya matapos marinig ang sinabi ng lalaki.

"Yes," walang kaabog-abog na sagot nito sa kanya at tinalikuran siya.

"In the end, makakalimutan mo rin ako at mawawala rin 'yang nararamdaman mo. Ang nararamdam mong iyan ay hindi matatawag na pagmamahal, isa iyang paghanga. Hinahangaan mo lang ako katulad ng karamihan,"

"And in the end, eewan mo rin ako katulad nila. Kaya ngayon pa lang huwag mo na akong mahalin. Dahil kung talagang mahal mo ako, hindi ka magkakaroon ng dahilan para tanungin ako,"

"Salamat na lang sa pagmamahal. I hope this will be the end, paalam Annym."

Iyon ang huling salitang pikawalan nito bago siya iniwan at naglaho na lang na parang bula. Kahit hinalughog na niya ang buong sulok ng club ay hindi na niya ito nakita pang muli.

Iyon ang unang beses na nagtapat siya ng nararamdaman para sa isang lalaki at mahirap tanggapin na nabigo siya.

Ang lakas ng loob niyang umamin sa lalaki, sa huli siya din pala ang masasaktan.

What do you think of this start?

Share your thoughts in comments section, please!

PenNameErrorcreators' thoughts