[Jillian's POV]
"Anong ginawa niya sa'yo... Psyche?"
What the hell.
Psyche? Tinawag niyang Psyche si Enid? Ibig sabihin siya ang asawa ni Cupid?
Paano nangyari yun?! At bakit magkakilala sila ni Ayesha?!
Tinabing ni Enid ang kamay ni Cupid, "excuse me sir, pero hindi po kita kilala at hindi po Psyche ang pangalan ko."
"H-hindi! Ikaw si Psyche! Hindi mo ba ako nakikila? Si Cupid 'to!"
Oh no.
Nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga ka-opisina ko habang weird na weird silang nakatingin kay Cupid.
"Psyche, hindi mo ba ako nakikilala?" nilapitan niya ulit si Enid at amba niyang hahawakan ang mukha nito nang bigla siyang kinuwelyuhan ni Edgar, isa sa mga ka-opisina ko.
"Okay pre, ayos ka rin dumamoves ah! May pa Cupid and Psyche ka pang nalalaman diyan. Pero hands-off pare. Respeto naman sa babae."
Hindi pinansin ni Cupid si Edgar at ang tingin niya ay na kay Enid pa rin.
"Psyche, hindi mo ba talaga ako nakikilala?"
"Hindi nga yun ang pangalan ko sir!"
"Si Ayesha ba ang may kagagawan nito?!" giit niya kay Enid at hinawakan niya ang kamay nito.
"Ano ba pre!" hinila ulit siya ni Edgar palayo kay Enid at sinuntok siya nito.
Oh my goodness! Sinuntok ni Edgar ang God of Love! Hala siya! Mamaya tanggalan siya ni Cupid ng love life!
Agad akong pumagitna sa kanila, "Edgar! T-teka tama na!"
"Jillian, what the heck is wrong with your cousin?!"
"Sorry!"
Tinignan ko si Cupid at inalalayan patayo.
"Psyche.."
Hinila ko si Cupid palabas ng opisina habang nag pupumiglas siya.
"Ano ba! Kailangan ko siyang kausapin! Kailangan kong kausapin ang asawa ko!"
"Cupid, calm down!"
"Si Psyche! Si Psyche 'yun! Yung mahal ko yun!"
"Teka, sigurado ka ba?"
"Asawa ko siya at kilalang-kilala ko siya!" nakita ko ang galit sa mga mata ni Cupid. "Si Ayesha. Siya ang may kagagawan nito. Hindi ko siya mapapatawad."
Tinalikuran ako ni Cupid at alam kong aalis siya.
"Cupid, saglit lang!"
Hinawakan ko ang braso ni Cupid at nagulat ako nang biglang may nakakasilaw na liwanag ang pumalibot sa aming dalawa.
"W-what's happening?!"
"Wag kang bibitiw sa akin," sabi niya kaya naman napahigpit ang hawak ko sa braso niya.
Naramdaman ko ang pag lutang namin sa ere. Hindi ko alam kung gaano kami kataas ngayon. Hindi ko rin nakikita ang kapaligiran dahil sa nakakasilaw na liwanag na pumapalibot sa amin.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang unti-unti naming pagbaba hanggang sa maramdaman na ng mga paa ko ang lupa. Unti-unti ring nawala ang nakakasilaw na liwanag hanggang sa nagging visible na sa paningin ko ang kapaligiran.
"Ay tinola," bulong ko sa sarili ko nang ma-realized kong wala na kami ni Cupid sa opisina ko kundi nasa gitna kami ng gubat.
Tumingin ako sa paligid. Puro puno at mga halaman lang ang nakikita ko-well except doon sa malaking kweba na nasa harapan namin ni Cupid.
"Nasaan na tayo? Saang parte ng Pilipinas 'to? At ba't tayo nandito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Pwede bang bumalik na tayo sa opisina? Considered as AWOL kasi itong ginagawa ko at matatanggal ako sa trabaho."
Hindi ako pinansin ni Cupid, instead dire-diretso siyang nag lakad papasok sa kweba.
Ay anak ng--!!
Dali-dali akong sumunod sa kanya.
"Ayesha!" sigaw ni Cupid habang nag lalakad kami papasok ng kweba.
"C-Cupid, nandito ba talaga si Ayesha?"
Hindi pa rin ako sinagot ni Cupid instead tuloy-tuloy lang siyang nag-lakad papasok.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Nakakaramdam kasi ako ng matinding kaba sa lugar na 'to. At isa pa, ang dilim masyado sa loob. Wala akong makita. Kung hindi ko hahawakan si Cupid, alam kong hindi ako makakagalaw sa kinatatayuan ko.
"Cupid, a-ano bang nasa loob ng kwebang 'to?" bulong ko ulit sa kanya.
"Hindi ko alam," sabi naman niya sa akin.
Mas dumoble ang kaba ko. Paano kung may lumabas na halimaw diyan o wild animal? Paano kung biglang may umatake sa amin? Paano kung may inilagay na kung anu-anong patibong si Ayesha sa lugar na 'to?
Ayoko pang mamatay.
"Wag kang matakot," dinig kong sabi ni Cupid. And this time, mas kalmado na siya.
Inalis ni Cupid ang pagkakahawak ko sa braso niya and instead ay hinawakan niya ang kamay ko.
Kahit papaano ay nawala ang pangambang nararamdaman ko.
Well, I'm with a god. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kaya niyang gawin pag wala ang pana niya, pero siguro naman ay kaya niya kaming protektahan 'di ba?
Habang nag-lalakad kami ni Cupid, nakarinig ako ng mga patak ng tubig na nagmumula sa itaas ng kweba. Sa 'di kalayuan ay nakatanaw ako ng liwanag.
"Tara dali!" sabi ni Cupid at magka-hawak kamay kaming tumakbo patungo sa liwanag na natatanaw namin.
Nang makarating na kami sa kinalulugaran ng liwanag, nagulat ako nang makita kung saan nagmumula ang liwanag ito. Sa paligid ng bahaging ito ng kweba ay may mga hugis bola ng liwanag ang nakalutang dito. Parang mga enchanted lights-mga ilaw na likha ng mahika.
Pero ang mas nakakagulat ay sa gitnang bahagi ay may isang malaking pond. At sa gitna ng pond ay may nakalutang na pana na kulay ginto.
Ang pana ni Cupid!
"Cupid! Yung pana mo! Ayan yun 'di ba? Dito pala niya tinatago ang pana mo!"
Dali-dali akong lumapit sa pond kaya lang bigla akong hinila ni Cupid.
"Wag kang basta-basta lalapit. Hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa'yo kung padalos-dalos ka ng kilos."
Tinignan ko siya at pinanliitan ng mata. Talaga naman ako pa ang sinabihan niyang padalos-dalos? Samantalang siya ang sumugod sa loob ng kwebang 'to!
Dumampot si Cupid ng bato at tinignan ako.
"Si Ayesha ay apprentice ni Hecate kaya hindi natin siya pwedeng maliitin."
Bago ko pa ma-itanong kay Cupid kung sino si Hecate dahil mahina ako sa Greek mythology, ibinato niya ang hawak-hawak niyang bato doon sa pond. Gumalaw bigla ang kaninang tahimik na tubig. Hanggang sa biglang nagkaroon ng isang malaking whirlpool sa gitna nito.
Tinignan ako ni Cupid, "kung sumulong ka doon, malamang nalamon ka na ng tubig na 'yan."
Napalunok na lang ako. Tama nga siya, hindi dapat ako basta gumagawa ng kahit ano rito.
"Ayesha!" tawag ulit ni Cupid. "Alam kong nandito ka! Magpakita ka sa akin!"
Bigla akong nakarinig ng tawa ng isang babae. Napakapit ako sa braso ni Cupid at tumingin sa paligid.
"Nandito ka ba upang tanungin ako kung ano ang nangyari sa pinakamamahal mong si Psyche?"
Mula sa dilim ay naaninag ko si Ayesha na papalapit sa amin. Nakababa ngayon ang belo niya kaya naman kitang-kita ko ang nakakakilabot na ngiti sa gumuguhit sa labi niya.
"Anong ginawa mo kay Psyche?!"
"Ang pagtanggal ng alaala at pagpapalit ng panibago ay napakadaling bagay lang na gawin ng isang tulad ko, Cupid. Kahit anong pilit ang gawin mong ipaalala sa kanya kung sino ka, hindi ka niya maalala. Ang kanyang alaala ay kontrolado ko na."
"Bakit kailangan mo siyang idamay? Wala siyang kinalaman sa gulong ito!"
"Sabi ko naman sa'yo, gagawin ko ang lahat Cupid."
"Hindi kita mapapatawad!"
Bigla-bigla ay sinugod ni Cupid si Ayesha. Kaya lang, bago pa siya makalapit sa kanya ay tatlo sa mga hugis bola na liwanag ang tumama kay Cupid kaya naman napatilapon siya pabalik.
"Cupid!" agad ko siyang nilapitan at nakita ko na nagtamo siya ng malalaking sugat sa braso, tagiliran at tuhod.
Tinignan ko ng masama si Ayesha.
"Bakit mo ginagawa ang mga bagay na 'to? Bakit kailangan mong guluhin ang lahat?! Ano bang problema mo?!"
"Marami ka pang bagay na hindi naiintindihan, Jillian. Katulad ng compass na 'yan."
Napakapit ako bigla ng mahigpit sa compass ko.
"Wag kang mag-alala, babawiin kita kay Cupid---sa tamang panahon."
"A-anong ibig mong sabihin?"
Hinawakan ni Cupid ang braso ko kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.
"W-wag kang makinig sa kanya. M-magtiwala ka sa akin."
"Cupid.."
"Makinig kayo!"
Napatingin kami bigla kay Ayesha. Bigla niyang itinaas ang kanang kamay niya at kasabay ng pagtaas niya nito ay ang pagtaas din ng tubig mula sa pond na nasa likuran niya.
"Isang beses ko lang sasabihin ito," pagpapatuloy niya.
Hinawakan ko sa braso si Cupid at inalalayan ko siyang tumayo.
Masama ang kutob ko rito.
"Ang isipan ay madaling palitan. Ang alaala ay madaling burahin. Ngunit pagdating sa puso, mahabang panahon ang kailangang gugulin."
Unti-unting naglakad papalapit si Ayesha sa amin ni Cupid habang kami naman ay unti-unti ring umaatras palayo.
"Ang bagay na nagbuklod sa inyo noong umpisa, ay siyang magiging susi upang maibalik ang nawala."
"Ano ba ang sinasabi mo? Ano ang ibig mong sabihin?!" tanong ko sa kanya.
Pero hindi niya pinansin ang tanong ko dahil tuloy-tuloy pa rin siya.
"Gawin ito agad. Dahil kapag natakpan na ng dilim ang liwanag, tuluyan nang mabubura ang lahat."
Pagkasabi niya noon ay itinuro niya kami gamit ang kanang kamay niya. Bigla-bigla ay naging isang malaking-maliking alon ang tubig na nagmula sa pond at lalamunin kami nito.
"Takbo!"
Bigla akong hinila ni Cupid palayo. Dinig na dinig ko ang rumaragasang tubig na papalapit sa amin pero hindi na ako lumingon. Ni-hindi ko na ininda ang dilim ng dinaraanan namin. Basta tumakbo lang kami ng tumakbo at nang maaninag ko ang liwanag, bigla akong hinila ni Cupid papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa napapaligiran na naman kami ng liwanag. Naramdaman ko na naman ang paglutang namin sa ere. At nang makalapag ako sa sahig, nakita kong wala na kami sa gubat o sa kweba kundi nandito na kaming dalawa sa loob ng apartment ko.