webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Général
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Chapter 5: Iced Coffee

Chapter 5

Belle

"ANO?!"

"Please low your voices, baka magalit yung tao sa kabilang kwarto."

Awat ko sa kanila matapos ko i-kwento ang nangyari sa akin buong maghapon. Shock is all over their faces. Dapat ay natutulog na kami pero dahil nga sa mga chismosa sila ay pinagkwento pa nila ako.

Wala nagsalita sa kanila, ilang minuto pa ang lumipas bago nagsalita si Rosè.

"So, transferee siya here? and from province? but she's so handsome! I can't believe that he's from a province." Nakapalumbabang sabi ni Rosè. I just shrugged.

"That's exactly what's on my mind when I found about that ."

"Ang daya mo, Ro-ro! gusto ko din makita!" Pagmamaktol ni Dawn. Tamad na inirapan siya ni Rosè.

"Yeah. Gusto ko din makita." Biglang sabat ni Silvia na kanina pa tahimik simula ng magkwento ako.

Napatingin ako sa kanya. "Well, bukas naman siguro ay makikita niyo siya." I said.

"Sa Tiana's Coffee Shop diba?"

Biglang tumayo si Dawn kaya napatingin kami sa kanya. Nginisihan niya lang kami.

"24/7 bukas ang coffee shop na yun diba?" dagdag niya pa.

Oh no.

"No, Dawn. I know that face of yours. No, we can't do that." Naiiling ko pang sabi. Ngiting aso lang ang gumuhit sa mukha niya.

"Bakit hindi? Magmamasid lang naman tayo at hindi tayo papasok sa shop. Kasalanan mo 'to kaya nacurious ako." Sabi niya sa akin habang naglalakad papuntang pintuan at agad na nagsuot ng rubber shoes niya. Napatayo naman kaming tatlo.

"What? My fault? Dawn, don't you remember my curfew tayo?" Kinakabahan kong sabi.

Kahit kailan talaga ito si Dawn. Kapag nacurious siya asahan mo na aalamin niya iyon, whatever it takes.

Napatingin naman ako kay Silvia nang tumayo ito sa sofa na kinauupuan at sumunod ito kay Dawn na magsuot ng sandals.

Nagkatinginan naman kami ni Rosè bago ko ibinalik ang tingin sa dalawa na nakapwesto malapit sa pinto.

Napatingin si Silvia sa amin. "What? I'm curious too." She just shrugged and continue wearing her sandals. Napabuntong hininga na lang ako nang akbayan ako ni Rosè.

"Hayaan mo na sila. You know naman curiousity kills the stubborn cats."

Inirapan ko na lang iyong sinabi niya. Inalis niyo iyong pagkakaakbay sa akin at nagtungo siya sa cabinet niya. May inilabas siya doong isang yellow na box, kinuha niya iyon bago lumapit sa amin.

"Girls, we'll be needing these. Baka mahuli tayo sa labas." Ibinaba ni Rosè ang box sa mini table namin sa sala. Lumapit iyong dalawa sa amin para tignan kung ano iyon.

Face mask.

She's right we'll be needing these.

PAWIS NA PAWIS na ako dahil kanina pa kami tumatakbo. Nakita kami ng mga rumoronda na guards every night kaya naman tumakbo na kami. Muntik pang mapigtas iyong slippers ko ng magsimula kaming tumakbo.

Mabuti na lang at nakatawid agad kami sa pedestrian lane at hindi na naabutan ng mga guards. Narinig ko naman ang reklamo ni Dawn.

"Kasi sabi ko doon tayo dumaan sa likod, e! Edi, sana hindi tayo nakita at tumakbo." Pagmamaktol nito pagkatapos niyang habulin ang paghinga niya.

"Dawn, I already told you. The pathway there are already closed. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?" Masungit namang sabi ni Rosè kay Dawn.

"Paano mo naman nalaman? Ginagamit mo siguro 'yun ano? Kapag gabi, madalas kang nawawala. Akala mo ba hindi ko napapansin?" Nakapameywang na sabi ni Dawn.

Humarap naman sa kanya si Rosè. Mukhang mag-aaway pa silang dalawa.

"It's none of your business, Dawn."

Inirapan lang naman siya ni Dawn at hindi na sumagot pa.

Silvia snapped that's why we turned our attention to her.

"Since nandito naman na tayo, how about we go to the coffee shop? That's our plan, right?"

Napailing ako. Desidido talaga silang makita si Rhonin.

Nauna nang naglakad si Silvia at sumunod ako. Iniwan ko yung dalawang nag-aaway na naman pero maya-maya ay naramdaman ko naman na sumunod din sila. Napailing na lang ako. Sinabayan ko sa paglalakad si Silvia.

May iilang tao ang napapatingin sa amin, sa mga suot namin. Paano ba naman, nakapajama kaming lahat at pantulog.

Kaunting lakaran lang ang ginawa namin bago makarating sa tapat ng Coffee shop. May iilang tao ang nasa loob na nagkakape, siguro mga night shift workers din sila.

Paano ko nalaman na gabi ang pasok ngayon ni Rhonin? Well, dahil sa madaldal siya kanina, Pati iyon naikwento niya sa akin ng itanong ko sa kanya kung anong shift ang madalas niyang kunin.

Bakit night shift kung may pasok kami ng umaga? kapag daw kasi gabi ay salitan sila ng pinsan niya para makatulog. Saka technique rin daw niya iyon para makapag-aral sa gabi. Until three a.m. ang shift niya at matutulog siya ng four hours bago pumasok sa school. Well, he had his schedule with him kaya nakita ko din iyon kanina. Yeah, ganoon siya kakomportable i-kwento iyon sa akin.

"Well? Siya ba yan?" Naiinip na sabi ni Dawn.

Napatingin ako sa kanila na nakapwesto lang sa magkabilang gilid ko. Kinakamot niya iyong braso niya dahil nakasleeveless siya at kinakagat na 'ata siya ng lamok. Ganon din ang ginagawa ni Rosè at Silvia dahil pare-parehas silang nakasleeve less, samantalang ako ay nakaover-sized shirt.

Once again, Tinignan ko na naman ang loob ng coffee shop para i-check kung nandoon ba si Rhonin. Pero iyong pinsan niya lang na moreno at may hikaw sa tainga ang tao sa counter habang may hawak itong isang libro.

"Is that a pocketbook am I seeing? Interesting." Narinig kong sabi ni Rosè kaya napatingin ako sa kanya.

"What? Pocketbook?" Nagtataka kong tanong.

"That man's holding a pocketbook. A romance pocketbook, you don't know that, Belle?" Umiling lang ako sa kanya kaya naman napabuntong hininga siya na para bang nakakafrustrate yung sinabi ko.

Well, I don't know what pocketbook is.

"That his cousin, by the way. I guess he's not here." Sabi ko sa kanila. Narinig ko naman yung reklamo ni Dawn.

"What?! What do you mean he's not there?" Napangiti naman ako ng magenglish si Dawn. Naiinis na siya.

"Well, sabi niya kanina kapag wala daw siya sa counter ay tulog siya. So baka tulog nga siya." Tumayo naman ako sa pinagtataguan kong bushes. Ganoon din naman ang ginawa nila. Panay pa din ang kamot ni Dawn sa braso niya kaya naman ibinigay ko sa kanya iyong jacket ko.

"Here, suotin mo. Kanina ka pa kamot ng kamot. Mukha kang may rashes." natatawa kong sabi sa kanya. Naawa na din ako sa balat niya baka magsugat ang harsh pa naman ng pagkaka-kamot niya hindi katulad kila Rosè at Silvia na malumanay lang ang pagkakamot.

"Balik na tayo sa dorm? Saan tayo dadaan?" Tanong naman ni Silvia.

"Maybe we can try the pathway in the back of the school? Pero iikot pa tayo." Nanghihinayang naman na sabi ni Rosè.

"Arghh! Ayaw ko na makita yang Rhonin na yan. Dahil sa kanya ako pa ang naging hapunan ng mga lamok dito." Maktol pa ni Dawn kaya naman tinawanan namin siya.

Napatigil kami sa pagtawa ng makarinig kami ng pagsipol. Naging alerto kami. Nakalimutan namin, mapanganib pala ang labas ng university kapag gabi. Shit!

"Isama niyo naman kami sa kasayahan niyo, babygirls." Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses at galing iyon sa kabilang eskinita ng coffee shop. Hindi iyong eskinita na pinaglabasan ko kanina noong umalis ako ng coffee shop.

May lumabas doon na limang kalalakihan at unang sa tingin ko ay hindi sila gagawa ng mabuti sa amin. Judgemental na kung judgemental pero iyon ang nakikita ko. Ang isa sa kanila ay may malaking katawan pero maliit. Yung isa naman na katabi niya ay payat pero matangkad. Iyong tatlo naman ay may malalaking katawan at katamtaman lang ang taas. Pare-parehas silang may tattoo sa katawan. Nakikita iyon ng mga mata ko dahil ang tatlo sa kanila ay nakasando at ang dalawa naman ay may tattoo na mula sa braso hanggang sa wrist. Nakita ko pa na medyo namumula ang mata ng lalaking payat ang katawan. Are they using drugs?

Hinila ko si Rosè na malapit sa akin papunta sa likod ko para protektahan, ganoon din ang ginawa ni Dawn kay Silvia. Sa aming apat, kami ni Dawn ang may background pagdating sa self defense.

Both me and Dawn has a black belter degree in taekwondo and judo.

"Hmmm... palaban. Gusto ko yan." sabi ng isa sa tatlong lalaki. Napaatras kami ng naglakad sila palapit sa amin habang may ngisi sa mga mukha nila. Napatingin ako sa paligid at wala ng taong nagsisidaanan para hingan namin ng tulong. No choice kundi lumaban kami.

"Maglalaro lang naman tayo, babygirls. Ayaw niyo ba 'non?" Nakangisi namang sabi ng lalaking maliit. Pakiramdam ko ay nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang tinawag niya sa amin. He's creepy!

"Belle, I'm scared." Narinig kong bulong ni Rosè sa likod ko. Bahagya ko lang siyang tinapunan ng ngiti para kumalma siya. Hindi ko alam kung makakatulong iyon.

"Mga bossing, baka pwede natin pag-usapan 'to?" Napatingin ako kay Dawn ng magsalita siya. Anong naiisip niya?

Panigurado kapag tumakbo kami ay mahahabol nila kami.Hindi kami pwede dumaan sa front gate ng university dahil panigurado ay may mga nakabantay na guard na doon. Kung sa secret pathway naman kami dadaan ay kailangan pa namin lagpasan itong mga lalake na 'to.

"Anong pag-uusapan natin, babygirl?" Sabi ulit ng lalaking payat. Tumigil naman sila sa paglapit sa amin.

"Paano kung pauwiin niyo na kami tapos bumalik kayo sa mga bahay niyo. Tapos matulog kayo, mukhang kailangan niyo iyon." Napairap naman ako sa sinabi ni Dawn. Wala ba siyang magandang sasabihin? Nakita ko naman na nagtagis ang mga panga nila at sinamaan kami ng tingin.

"Anong sabi mo?!" Naging alerto ako at pumwesto na para sipain kung sino man ang unang makakalapit sa amin ng may marinig kaming may sumigaw sa gilid namin. Pare-parehas kaming napatingin sa taong sumigaw.

"Babe!" Napataas ako ng kilay ng makita iyong pinsan ni Rhonin na may makikintab na hikaw sa tainga. Nakatayo ito sa pintuan ng shop at kumakaway pa sa amin. Tinakbo nito ang ilang metro na layo namin sa shop at pagkatigil sa harap namin ay napasinghap kaming tatlo sa sunod na ginawa niya.

Kinabig niya ang batok ni Dawn at walang sabi sabing hinalikan ang kaibigan ko!

Ilang segundo iyon tumagal bago humarap sa akin at kinindatan ako. Napakurap-kurap naman ang mata ko sa ginawa niya. Napatingin ako kay Dawn ng hindi ito gumagalaw at nanatiling nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaki. Sa mga oras na ito ay dapat ay sinisipa niya iyong pinsan ni Rhonin pero wala siyang ginawa at nanatili lang sa kinatatayuan niya with a shock expression on her face.

Humarap ito sa mga lalaking kanina ay papalapit sa amin. Nakita ko naman na unti-unti silang umaatras sa amin habang may alanganing ngiti sa mukha, na siya namang ikinataka ko.

"B-boss Crim! Hindi mo sinabing mga kaibigan mo pala sila baby--- este sila ate. Akala namin mga nag-gagala lang sila dito sa shop niyo." Sabi ng lalaking matangkad. Ngumiti pa ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Umuwi na kayo. Tigil-tigilan niyo na ang pangmamanyak at pananakot sa mga babae. Sinabihan ko na kayo diba? Ako ang makakalaban niyo sa susunod na hindi niyo ako ulit sinunod." Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko na may hikaw sa mga tainga. Kalmado ang mukha nito habang nagsasalita pero bakas sa boses nito ang pananakot. Nirerespeto siya ng mga lalake na ito? at Boss ang tawag sa kanya?

"Sige, Boss. Alis na kami. Pasensya na ulit mga ate." Nginitian nila kami bago umalis sa harapan namin habang nagaaway at nagsisisihan.

Ilang minuto ang lumipas bago mawala sa paningin namin iyong mga lalake bago siya humarap sa amin at sinamaan kami ng tingin.

"Dis-oras na ng gabi nasa labas pa kayo? Ano na lang ang siguro ang nangyari sa inyo kung wala ako? God, be careful next time." Para itong tatay na sinesermunan kami. Magsasalita na naman ito ng bigla na lang siyang hawakan ni Dawn sa magkabilang balikat at walang pasabing tinuhod nito ang mga bagay na nasa pagitan ng hita niya. Napangisi naman ako ng nagpatalon-talon ito at dumadaing ng sakit. Samantalang si Dawn naman ay masama lang ang tingin sa kanya.

"Serves you right, Asšhole! Why did you kiss me?!" Nanggagalaiting sigaw ni Dawn lumapit siya sa lalake bago ito pinagsisisipa. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi na niya tinanggap ang sipa ni Dawn but he manage to blocked the attacks.

Patuloy lang sa pagsipa si Dawn sa kanya ng may makita akong lalaking papalapit sa amin. Nakakunot pa ang noo nito bago tawagin ang pinsan.

"Crimson! What's happening here?!" Si Rhonin. Hindi naman siya pinansin ng pinsan niya na busy pa sa pagsalag at pagilag sa ginagawang pagsipa ni Dawn.

Nakauniform ito pero gusot gusot pa ito at magulo pa ang buhok niya na parang kakabangon lang sa higaan, idagdag mo pa ang nangangalumata niyang mga mata. Ang pogi.

Napatingin ito sa amin, sa akin.

"Belle? What are you doing here? mapanganib na sa labas ng ganitong oras, bakit nasa labas pa kayo?" sermon nito habang lumalapit sa akin.

"Siya iyong new guy."

"Really? No way."

Naririnig ko na nagbubulungan sila Silvia sa likod ko pero hindi ko iyon pinansin. Natuon ang atensyon ko kay Rhonin ng tumigil ito sa harapan ko. Ngumiti ako ng alanganin sa kanya pero he had this blank stare plasterred on his face.

"umh.. Hi, Rhonin." Nagaalangan kong sabi.

"What are you doing here, Belle? mapanganib na ang manila kapag gabi. Mga kaibigan mo ba sila?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

"Yeah. A-ano... k-kasi---" Malaki ang pasasalamat ko ng si Rosè na ang sumagot para sa akin.

"We plan to have a coffee and we got here. By the way, I'm Rosè and this is Silvia" Itinuro niya si Slivia. "The the tough girl there is Dawn." At itinuro naman niya si Dawn na masama na lang na nakatingin sa pinsan ni Rhonin na tinawag niyang Crimson.

"We are Belle's friend and dorm mate." Pagmamalaki ni Rosè.

"I'm Rhonin. Nice to meet you." Nakangiti siyang nagpakilala sa dalawa kong kaibigan.

"You plan to have a coffee in the middle of the night?" Paninigurado pa ni Rhonin habang sinusuri ako. Nanahimik lang ako at hinayaan si Rosè ang magsalita.

"Yeah. It looks like you are working in Tiana's. Serve as some coffee, will you?" Nakangiti namang tanong ni Rosè bago ako hinila papunta sa loob ng shop na hindi kalayuan sa amin. Si Silvia naman ay hinila na si Dawn para sumunod sa amin.

Pagkapasok sa loob ng shop ay nanuot agad sa ilong ko iyong mabangong aroma ng kape. Hinila ako ni Rosè sa table na malapit sa counter bago umupo. Nakita ko naman na pumasok si Dawn at Silvia habang nakasunod sa kanila si Rhonin at ang pinsan nito.

Nang tumama ang paningin naming dalawa ay napaiwas ako ng tingin sa kanya at nagkunwaring tumitingin ng order sa menu na nasa counter. Si Rosè naman ay tumitingin ng cakes and pastries.

"Nakakabadtrip!" nagulat ako ng pabalyang umupo si Dawn sa katabu kong upuan bago umupo si Silvia. Napatawa na lang ako ng makita kong namumula ang mukha ni Dawn. Napatingin naman ito sa akin.

"Anong nakakatawa? Ikaw kaya ang walang permiso na halikan dyan at ang paliwanag ay 'gusto ko lang?' Nakakbadtrip!" Natawa ako lalo ng nilakasan nito ang boses niya na para bang nagpaparinig. Masama ang tingin niya sa lalaking nasa counter kaya naman napatingin ako doon. Himas-himas ni Crimson ang mga braso niya na para bang masakit iyon.

Napatingin naman ako kay Rhonin habang kausap siya ni Rosè at may ini-oorder. Pagkatapos siya kausapin ni Rosè ay bumalik na ang kaibigan ko sa upuan namin habang abala naman sa pagready ng order iyong dalawang lalake.

"Kumalma ka na ba, Dawn?" Narinig kong sabi ni Silvia kay Dawn kaya napatingin kami sa kanya. Inirapan naman niya kami.

"Kayo kaya ang halikan ng demonyo na iyon? Tapos tinawag niya pa akong babe! Kami ba? kami ba?!" Humalukipkip naman ito.

"I think ginawa niya lang iyon para hindi tayo guluhin ng mga goons na iyon." Malumanay na sabi ni Rosè habang nakatuon ang tingin sa counter.

"... and I think he's cute." Sabay-sabay kaming napatingin kay Rosè sa sinabi niya bago napatingin sa tinitignan niya.

Seryoso ang mukha ni Crimson habang naghahalo ng kape sa tasa.

Dawn hissed at Rosè. "Anong cute? mukha siyang sunog na adik." Napatawa naman ako sa description ni Dawn kay Crimson. Sunog na adik?

"He's gwapo kaya. Saka bagay lang sa kanya ang tan na skin tone. A perfect Tall, dark and handsome." Napataas naman ang kilay ko na malanding tumatawa si Rosè. Ang landi.

"Ewan ko sayo, Roro. Malabo na ata ang mga mata mo. Magpasalamin ka na kaya kay Mommy? Libre ko na. Para naman malinawan yang mga mata mo." Inirapan lang naman ni Rosè sa sinabi ni Dawn. Napatingin naman ako kay Rhonin na may dalang tray kasunod si Crimson na nasa likod niya.

"Here's your order, ladies." Isa-isang nilapag ni Rhonin ang mga kape namin. Natuwa naman ako dahil iced coffee iyong ini-order sa akin ni Rosè. Kaya agad akong nagpasalamat.

"Roro, thank you sa iced coffee." Nangingiti kong sabi. Napatingin naman sa akin si Rosè na kanina lang ay nakamasid kay Crimson na ibinababa din ang cakes namin.

Nakakunot noo siya napatingin sa akin. "What? I order frappé for all of us. I didn't order that."

"Huh? but---"

"You like iced coffee more, right?" napatingin ako kay Rhonin ng magsalita ito. Halos lahat kami ay natigilan sa sinabi niya.

Awkward silence filled the air.

"ahm.. Rhon, balik na tayo sa counter." Inakbayan ni Crimson si Rhonin bago ito hinila pabalik ng counter. Samantalang kami ay nagkatinginan sa nangyari.

"You like iced coffee more, right?" Rosè said mockingly. Napairap naman ako sa kanya bago simulan kainin iyong tart.

"Iced coffee pala ah." Nakangising sabi ni Dawn pero hindi ko na lang sila pinansin.

Why is Rhonin like that?