webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Général
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Chapter 24: We'll get there

Continuation...

Chapter 24

Belle

"Are you okay? Anong problema?"

"My brother is missing," I deeply sighed. "I need to go home, Rhonin. But there are no taxi's in the area!"

I am so annoyed right now. Kung kailan mo kailangan ng masasakyan ay siya namang wala.

I frowned when he let go of my hand and put his hands into his chin. Acting like he's thinking.

Parang bigla, gusto kong hawakan niya lang ang mga kamay ko dahil nababawasan niya ang kaba na namumutawi sa dibdib ko.

"Wait here, may kukunin lang ako. I'm coming with you, okay? Wait me here." He said before leaving me to go back inside the shop.

Ilang minuto lang ang lumipas ng makita itong nakangiting naglalakad palapit sa harapan ko. Nakauniform pa ito ng shop at hindi na nagabala pang magpalit.

He grabs my wrist and pulled me towards the parking lot. Hindi na ako nagtanong pa nagpahila na lang sa kanya.

May isang magarang itim na sasakyan doon at sa pagkakaalala ko ay isa itong Rover. Pamilyar ang sasakyan na 'to sa akin, katulad ng kay Fio na nasakyan ko na noon.

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko dahil matagal akong napatingin sa sasakyan na parang kinikilala ko iyon.

"Hindi sa akin 'to, hiniram ko lang kay Fiodore."

Pinagbuksan ako nito ng pinto sa passenger seat at hinintay ako na makasakay bago siya umikot at sumakay sa driver's seat.

"Teka," Pagpigil ko kaya napatingin ito sa akin. "Wala ka pang lisensya, 'di ba?" Nagaalangan kong tanong.

He just grinned at me before pulling his wallet from the back pocket of his pants. He pulled a card from it and waved his driver's license in front of me.

"Sinong nagsabing wala?" He smirked. Napailing na lang ako bago sumandal sa sasakyan.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan at marahan kong ikinabit ang seatbelt ko palibot sa katawan. Ganoon din ang nakita kong ginawa niya habang nagmamaneho.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakipagcommunicate sa mga tao sa bahay. I need to know if they already found Atom.

Buong byahe ay tahimik ang loob ng sasakyan. Hindi naman na ako inistorbo ni Rhonin sa aking ginagawa.

"When did you know how to drive?" Naisipan kong tanong dito. He glanced at me before turning back his attention to the road.

"I drived a truck before when I'm still in our province. Hindi ang pagiging barista ang una kong naging trabaho." Nakangiting sabi nito na para bang inaalala ang mga sinabi.

Matipid akong napangiti. "Do you miss your family there?" He nodded.

"Always, Belle. But I always say to myself that, what I am doing here is for them too." Rhonin said. I can see his genuine smile from here.

Hindi na ako nagsalita at nilibang na lang ang sarili ko sa mga gusaling nararaanan pati na rin ang mga tao na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Itinuro ko ang daan papunta sa amin dahil hindi niya pa masyadong gamay ang Manila. Pagkarating sa Subdivision ay kaagad kaming hinarang ng guard na nagbabantay doon.

Ipinababa ko ang bintana kay Rhonin para makausap ko ang guard. Mukhang bago ito sa trabaho.

"Manong, anak po ako ng mga Hernandez. Here's my ID po." Pinakita ko ang ID ko dahil mahigpit talaga ang security dito.

Nang makumpirma na isa ang mga magulang ko sa home owners dito ay malugod kaming pinapasok nito. Hindi kalayuan ang bahay namin mula sa entrada ng subdivision kaya madali ko iyong naituro kay Rhonin.

Pagkarating sa harap ng bahay ay hindi na ako nag-abalang magpaalam kay Rhonin at nagmamadaling bumaba ng sasakyan.

Kaagad akong pinapasok ng nagaabang na kasambahay sa labas ng bahay. Dire-diretso akong pumasok sa gate habang nagmamasid sa paligid.

Wala pa ring pinagbago sa lugar simula ng umalis ako dito ilang buwan na ang nakakalipas. Nananatiling malinis ang tubig sa fountain na nasa gitna ng buong Garden. At talagang alagang-alaga ang mga bulaklak na nandito.

Nang makarating sa harapan ng pintuan ay hindi na ako nag-abalang kumatok para pumasok. Bumungad sa akin ang sala kung saan matatagpuan ang mga taong nagkakagulo.

"Ma'am Belle!" Napansin ako ng isang katulong namin na si Jen kaya natigilan lahat ng tao sa kanilang ginagawa.

Hindi ko na sila nagawang pansinin at dumiretso kay Manang Olie na ngayon ay nakaupo na sa sofa namin habang nakahawak sa kanyang dibdib.

"Manang, nahanap na po ba si Atom?" Bungad ko rito. Umiling lang ito sa akin kaya naman umusbong na naman ang matinding kaba sa dibdib ko.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tumawag sa Security House ng Subdivision. Pina-check ko sa kanila ang bawat CCTV na pwedeng madaanan ni Atom at bibigyan na lamang nila ako ng update kapag may nakita na sila.

Even though the Security is acting on this situation, I can't have a peace of mind knowing that my brother is still out there. Maghahapon na and sooner or later it will be dark outside.

Tinalikuran ko sila at narinig ko pa na tinawag ni Manang Olie ang pangalan ko pero hindi ko sila magawang bigyan ng pansin. Walang lingon akong lumabas ng bahay.

My mind is occupied of where my brother is. He can't be lost, matalino 'yon. Maybe he's somewhere here. Hindi lang namin napansin.

Nag-isip ako sa pwedeng puntahan ng bata na 'yon. Pumasok sa isip ko ang isang lugar na madalas naming puntahan kapag naitatakas ko ito sa bahay.

When I got out of the house, I saw Rhonin leaning against the hood of the car. Both of his hands are in his pockets. He smiled when he saw me.

"How are you?" He greeted and stood in front of me.

Sa tinanong niya pa lang na 'yon ay gusto ng sumabog ng dibdib ko sa kaba at umiyak, but I needed to be strong right now. Crying can't make things right.

"I'm okay," I forced a smile to assure him that I'm fine.

"Everything going to be okay, Belle."

I nodded. "Can you come with me? May pupuntahan lang ako." Hindi ko na hinintay na sumagot ito at basta ko na lang siyang hinila paalis sa harap ng bahay.

Naglakad na lamang kami dahil malapit lang naman ang park ng subdivision mula sa bahay.

Dito sa park na ito una kong nakilala si Peter. Naalala ko pa ang kakulitan nito noon.

Pagkarating sa nag-iisang park ng subdivision ay binitawan ko na rin ang kamay niya. Humarap ako sa binata na may nagtatakang tingin sa mukha.

"Anong gagawin natin dito? May emergency 'di ba?"

"I need you to help me find my brother. I think he's somewhere here. Ganito lang siya kaliit," sinukat ko ng kamay ko kung gaano kaliit ang kapatid ko. "He has a shoulder length hair."

Tumango-tango siya sa sinabi ko bago napangiti. Itinaas niya ang kamay niya at ipinatong sa ibabaw ng ulo ko para guluhin 'yon.

"You're a great sister, mahahanap din natin siya. Everything's going to be fine. Cheer up." Matipid na lamang akong napangiti bago tumango sa kanya.

"Kapag nahanap mo siya, please. Hanapin mo ko kaagad." I begged.

Tumango siya bago umalis sa harapan ko at nagpunta sa kanang bahagi ng park. Kakaunti lamang ang taong nandito dahil hindi na ito madalas bisitahin ng mga mga nakatira sa subdivision.

May iilang bata ang nasa playground kung saan ako unang naghanap pero wala akong naabutang Atom doon.

Pabagsak akong umupo sa isang bench na nadaanan ko. Wala na akong maisipan na lugar kung nasan ang kapatid ko.

Atom is home-schooled. Hindi siya pinayagan ng parents namin na mag-aral sa mga normal na paaralan dahil naaksidente na ito dati. Mommy didn't want that to happen again so they decide to not let Atom go outside.

He always said that he's jealous of me, because I can see the world with my own eyes. Naaawa ako sa kapatid ko dahil masyado siyang kinulong ng parents ko. I know that it's for his safety pero sobra na rin.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makabalik sa entrada ng park kung saan kami naghiwalay ni Rhonin. Bawat taong nakikita ko ay matagal kong sinusuri at baka mawala sa paningin ko si Atom.

Nakita na kaya ni Rhonin si Atom?

Pinilit kong maglakad habang naglilibot ang mata sa paligid. Pumasok sa isip ko na may isa pa palang playground sa kanang parte ng park.

Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating doon sa pagbabaka-sakaling nandoon ang kapatid ko.

At hindi nga ako nagkakamali.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa namumuon luha sa mga mata ko sa nakikita. Nakaupo si Atom sa isa sa mga swings doon habang katabi si Rhonin sa kabilang swing.

Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila nakikita ang paglapit ko. Ilang hakbang na lang at malapit na ako sa kinauupuan nila ng marinig ang tinanong ni Rhonin kay Atom.

"Bakit ka ba umalis sa inyo? For sure, there's people who are worrying about you right now."

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang tinanong nito. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at gusto kong marinig ang magiging sagot ng kapatid ko sa tanong ng binata.

"There's no one worrying about me. Kung mayroon man, dapat 'di nila ako iniiwan sa bahay ng mag-isa. Kung talagang nag-aalala sila sa akin dapat hindi nila ako pinapabayaan." I can clearly hear the sadness from Atom's voice.

It's clenching my heart in every word he said. Parang ako 'yung nasasaktan sa mga sinabi niya.

"My parents had left me, my Sister too. They don't love me, It's isn't true that me is their baby. Kasi kung baby nila ako hindi nila hahayaang malungkot."

Hindi na ako nakapagpigil at lumapit na sa kanila. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko nang makalapit ako sa harap ng kapatid ko. Mukhang nagulat pa ito nang makita ako.

"A-Ate Be---"

Hindi ko na 'to pinatapos at lumuhod na ako sa harapan nito para mayakap siya. Walang tigil sa pag-agos ang luha mula sa mga mata ko ng gumanti ito ng yakap.

"I'm sorry, Atom. I'm sorry." Pag-iyak ko rito. Hinahaplos ko ang malambot at mahabang buhok nito nang maramdaman ang mahinang paghikbi nito.

"Akala ko hindi niyo 'ko hahanapin. I thought--I thought, you d-didn't care about me. I thought---"

"Shhh. It's okay, baby. Nandito naman na si Ate 'di ba?" Lumayo ako rito para mahawakan ang mukha nito.

"H'wag mo na ulit gagawin 'yun please? Nag-alala si ate ng sobra sa 'yo. Please, Atom? Paano kapag naaksidente ka na naman? Paano na lang kami?! Don't do this again, please." I'm in a verge of shouting when I heard his sobs.

I deeply sighed. Go easy on him, Belle.

Mahina itong sumisinghot bago tumango sa akin. Namumula ang maputi nitong ilong dahil sa pag-iyak. Basang-basa ang mukha nito ng luha.

Kaagad ko iyong pinunasan gamit ang suot kong blouse. Sumilay ang cute nitong ngiti sa labi.

Atom is an exception when it comes to my hate in kids. Well, he's my brother.

Sa edad na pito ay makikita mo na ang kagwapuhan nito. Maputi ang balat nito na nakuha kay Mommy at ang patangos na nitong ilong na kay Daddy nagmana. Mahaba ang buhok nito na ayaw niyang pagupitan dahil daw sa gusto niya lang.

Tumayo ako sa harapan nito para sakupin ang mahabang buhok niya. Kaagad naman niyang ibinaon ang mukha sa tiyan ko kaya napangiti ako.

"I'm sorry po, Ate. Hindi na po ako lalabas ng bahay ng walang paalam kay Manang Olie." Mahinang sabi nito pero rinig na rinig ko ang paglalambing sa boses nito.

"Okay, apology accepted. H'wag mo na lang uulitin, Atom." I said, while combing his hair.

Humiwalay ito ng pagkakayakap sa akin at tumingin sa gilid niya kaya napatingin na rin ako roon. Nawala sa isipan ko nandito pala si Rhonin at kasama namin.

When our eyes met, I felt that there's a race inside my chest. It's beating fast and I can't stop myself from having this feeling. He gives me his sweetest smile before nodding.

"Kuya, nahanap na po ako ng ate ko kaya pwede na po kayo umalis."

Napanganga ako sa sinabi ni Atom kay Rhonin. Mabilis akong napatingin sa bata na hanggang ngayon ay nakayakap sa bewang ko.

Piningot ko tuloy ang tainga nito.

"Ganyan ba ang itinuro ko kung paano makipag-usap sa matanda, Atomio Benydict?" Magkasalubong ang kilay kong tanong dito.

"Sorry na po! Aray!"

Napahawak ito sa kamay kong nakapingot sa tainga niya at pilit na tinatanggal ito.

"Belle, tama na. Hindi naman niya siguro sinasadya." Rhonin said. Tumayo ito sa swing at lumapit sa amin.

Hinawakan nito ang kamay ko dahilan para mapabitaw kaagad ako sa tenga ni Atom.

"Friend mo po ang Ate ko?" Nakangiting tumango si Rhonin kay Atom.

"Yeah, parang ganoon na nga. Friend. Friendzone."

Mabuti at malapit lamang ito sa akin kaya mabilis kong nasapak ang braso nito. Mahina itong napaaray at nakangising napatingin sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mata.

"Tumahimik ka diyan, kung ano-ano sinasabi mo sa bata" Saway ko rito na tinawanan niya lang.

Tumingin ito sa bata bago lumuhod para magpantay ang mukha nila. Nilagay nito ang kamay sa ulo ni Atom bago iyon marahang hinaplos.

"Don't make your Sister worry again, okay? Hindi totoo na hindi ka nila love, okay?" Napangiti ako sa sinabi nito sa bata.

Marahan namang tumango si Atom sa sinabi niya bago tumingin sa akin. He pouted and he showed me his puppy eyes. He always uses that to me whenever he wants something.

"Ate? Pwede po ba na maglaro muna ako bago tayo umuwi? Please, Ate?" Tututol na sana ako ng naunang magsalita si Rhonin.

"Of course! Papayag si Ate mo, 'di ba?" Pinandilatan ko ito ng mata sa sinabi.

He just shows me his grin before pulling Atom away from me. I sighed when they run towards the slides near from us.

Later on, I heard Atom's loud laugh and it makes my heart flew in glee. It's not bad after all, I can use this time for Atom to enjoy his childhood.

I pulled my phone from my side pocket and dialed Manang Olie's number. After the second ring, I heard Manang's worried voice over the phone.

"Belle, iha? Kumusta? Nahanap mo ba ang bata?"

"Yes po, Manang."

"Kung ganoon ay umuwi na kayo rito. Nagaalala na ako." I heaved a sigh.

"Manang, iuuwi ko rin po si Atom mamaya. Just don't tell this to my Mommy, paniguradong mag-aalala 'yon."

"Sige, mag-iingat kayo, ha? Hindi ko 'to sasabihin sa Mommy mo, h'wag kang mag-alala. Ako ang bahala." Napangiti ako sa sagot nito.

"Sige po, Manang. Bye."

I drop the call and put my phone into my pocket before turning my attention on those two people playing.

Smile rose from my lips when I saw Rhonin chasing Atom. He caught Atom and lift the kid up in his shoulder. They run around before he puts Atom in a chair.

Hinihingal na si Rhonin at pawis na pawis na ito sa suot na long sleeves na nakatupi hanggang siko. Mukhang nakalimutan niyang nakauniform pa siya ng coffee shop nang makipaglaro kay Atom.

Nagpunas ito ng noo at napatingin sa gawi ko. Namutawi ang isang ngiti sa labi nito bago ako kawayan. Inismiran  ko ito at nag-iwas ng mukha para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.

I feel the sudden banging in my chest because of his simple gestures. Nakakagulat. Pangalawang beses na para sa araw na 'to.

Kapag pinagpatuloy niya pa iyang kangingiti at pagiging mabait niya sa akin ay baka mahulog na nga talaga ako.

But, I think...

I think I like him too.

---

"Ate, uuwi na po tayo?"

Atom held both of my hands and pouted in front of me. Nope, his tactics won't change my mind. Kailangan na namin umuwi.

Kanina pa kami naglalaro at pawis na pawis na ito, wala kaming dalang pamalit. Baka magkasakit siya.

"Yes, Atom. Papagabi na, kanina ka pa naglalaro. Tingnan mo nga, pawis na pawis ka na!" Singhal ko.

"Sige na nga," he pouted. "Will you stay in our house, Ate? Miss na po kita."

"Atom," I caress his cheeks.

"You know naman na I'm studying, 'di ba? I can't stay here,"

"Okay po." Napabuntong-hininga ito.

Ngumiti ako ng may maalala ako.

"But in my break, you're coming with me to Minnesota. Pupunta tayo kay Mommy at Daddy." Ang nakasimangot nitong mukha ngayon ay nakangiti na.

"Yey! Thank you po, Ate!" Napangiti na rin ako.

He's just a child. He needed love more than anything. Naparanas sa akin nila Mommy 'yun kaya gusto kong iyong iparanas kay Atom. I don't want him to grow knowing that he isn't loved by his own family.

Tumayo na ito sa swing at hinila na ang kamay ko patayo. Napatingin ako kay Rhonin na nakasandal sa swing habang nakamasid sa amin.

He's smiling at me like he's so proud of what I do. I smiled back and his smile grew wider.

Gosh, hindi ko na alam ang gagawin sa lalake na 'to.

"Ate, buhat mo 'ko." Napatingin ako rito.

"Ang laki-laki mo na papabuhat ka pa?" I laugh when he pouted.

Rhonin walk towards us and kneel backward in front of Atom. Napailing ako sa gusto nitong mangyari.

"No, Rhonin. Mabigat ang batang 'yan"

"It's okay, I don't mind." He smirked.

Napapalakpak naman si Atom bago sumampa sa malapad na likod ni Rhonin. Napapailing na lang ako habang inaaalalayan ito para hindi malaglag.

Tumayo ito at inayos ang pagdadala kay Atom. Naglakad na kami papalabas ng park na kitang-kita ang mga magagandang ilaw sa paligid.

Pagkalabas ng park ay napansin ko ang mukha ni Rhonin na nahihirapan sa pagbubuhat kay Atom. Pinagpapawisan ito habang nakakagat sa pangilalim na labi.

"I told you, he's heavy." He laughed.

"Okay lang naman, 'tsaka mukhang pagod na rin siya sa kakalaro."

We both laughed when we hear Atom's snoring. Sobra nga siguro itong napagod ngayong araw.

"Thank you for finding and playing with him, Rhonin." I said, sincerely.

"I just did what is right. So don't thank me."

"Well, I just did. Don't give it back to me." I hear his murmur.

"What? Anong sabi mo?" Umiling ito.

"Wala, sabi ko nagugutom na ako." Natawa na lang ako sa sinabi nito.

Pati tuloy ako ay nagutom bigla sa sinabi niya. Kanina pa pala kami hindi kumakain.

Kaunting lakaran lamang ang ginawa namin bago makarating sa tapat ng bahay. Kaagad kong pinagbuksan ng pintuan si Rhonin at pinaayos na ang higaan ni Atom kay Jen.

"Ibaba mo na lang siya sa kama, Rhonin. Ako na ang bahala sa kanya."

Kaagad naman niyang ginawa ang sinabi ko at dahan-dahan na ibinaba ang bata sa higaan. Nagiwan lamang ako ng habilin kay Manang Olie na h'wag na ulit hahayaang mawala sa paningin si Atom. Nagsabi rin ako na babalik ako sa susunod na linggo para bisitahin ang bata.

Kailangan na namin umalis dahil sa hinahanap na rin ni Fio ang sasakyan niya. Nagiwan ako ng sulat para kay Atom kapag nagising ito ay mababasa niya.

"Hindi ka nakapagpaalam sa bata." Narinig kong sabi ni Rhonin habang nagmamaneho.

"Mas mahirap magpaalam kapag nagising 'yun, kung alam mo lang."

Natahimik ito sandali at binagalan ang pagmamaneho.

"You're leaving?" He whispered, but I can still hear his voice.

"Yeah, we're going to visit our Parents in America this Semestral break." Nakita ko ang paglunok at ang pagkagat ng  pangilalim na kabi nito pero hindi na ito nagsalita pa.

Bumalik na sa normal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan at nakarating kami sa harapan ng Asterin ng walang nagsasakita ni isa sa amin.

Tinanggal ko na ang seat belt ko at humarap dito na nakamasid sa akin.

"Thank you, Rhonin." I said, grinning.

"Hanggang thank you na lang ba?" He whispered. Nagkunwari akong hindi ko narinig ang sinabi nito at napakunot ang noo.

"W-what?"

Umiling ito. "Bumaba ka na, ingat ka. Kumain ka kaagad ng hapunan at matulog ka ng maaga. We have a presentation tomorrow." Dire-diretsong sabi nito pero hindi nakatingin sa akin.

"A-Are we okay?" I stuttered.

"Yeah," he sighed. "Ako lang naman ang hindi."

Napapikit ako ng mariin sa sinabi nito bago napabuntong hininga. Humarap ako dito para hawakan ang braso niya.

"Rhonin, napag-usapan naman na natin 'to, 'di ba?" He sighed before he turned to me.

"Yeah, but I am still hoping, Belle." He pleaded.

"Rhonin, it's so unfair for you to wait like this." I uttered.

"I will not go anywhere for you to realize what you lost, but I'm staying here to make you realize that you're worth the wait."

My heart just melt because of what he said. Leche, pakiramdam ko lahat ng laman ko ay natunaw sa sinabi niya.

Kailangan pakiligin ako?!

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng ngumiti siya sa akin.

Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at nagmadaling bumaba doon. Hindi ko kinakaya na malapit pa sa kanya. My heart might explode because of the mixed emotion I'm feeling whenever I'm with him.

Bago ko pa maisara ang pintuan ay humarap ako sa kanya.

"Malapit na, Rhonin."

I smiled and winked at him before shutting the door closed.

Gosh, what did I just say?

---