webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Général
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Chapter 22: Friendly Date? Part 2

Chapter 22

Belle

Seeing these different fishes around is so relaxing. You can see them swimming around like it's their ultimate job every day. Rhonin choose this place because he never went in any place like this.

Seeing his glorious smile makes my heart smile too. Amusement is in his eyes. He looks like a kid who is happy by having his first toy.

Marahan lamang kaming naglalakad habang hawak ang kamay ng isa't-isa. I don't know that it will be this comfortable holding his hand, it's like I'm safe with it.

Maraming mga bata sa harapan at iyong iba ay napapalingon sa amin, lalo na iyong mga kabataang babae. It's more like they're fantasizing over Rhonin. Sino ba ang hindi makakapansin dito? Sa tangkad nito ay mapapalingon ka talaga. Litaw na litaw siya sa mga batang nasa harapan namin.

"Kuya, kuya. Ang tangkad mo po."

Kapwa kami napatingin sa isang batang lalake na tumigil sa harap namin. Nakatingala ito kay Rhonin habang hawak ang laylayan ng suot na polo ng binata.

Napatingin ako dito at nakita ko ang nahihiyang ngiti sa labi nito. "Tatangkad ka rin katulad ko, basta lagi ka lang iinom ng gatas at matutulog ng maaga."

Tumango-tango ang bata kay Rhonin na parang napaniwala niya, na sa simpleng pag-inom ng gatas at pagtulog ng maaga ay tatangkad ito. Neknek niya! Eh, 'Nung bata ako halos papakin ko na yung gatas at matulog ng sobra pa sa sobra, hindi naman ako tumangkad! Kaya hindi totoo 'yun.

Ginulo muna ni Rhonin ang buhok ng batang makulit bago ito umalis sa harap namin. Napatingin ito sa akin pagkatapos.

"Bakit nakabusangot ka diyan?" He laughed joyously. Napairap ako rito.

"It's bad lying, you know?" I replied.

"Tama naman na dapat lagi silang uminom ng gatas at matulog ng maaga 'di ba? Kailangan nila 'yon kasi mga bata pa sila." Napakunot ang noo nito.

"Anong tingin mo sa akin? Hindi pinainom ng gatas noong bata?" Tanong ko na tinawanan niya lang. Sige, tawanan mo height ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa mapagod ako at magreklamo sa sakit na natamo ng paa ko. Leche! Bakit kasi ako napapayag ni Rosè na magsuot nitong heels na 'to.

"Dito ka lang, bibili ako ng maiinom natin." Sabi niya habang inaalalayan ako sa pag-upo sa isang metal bench dito sa loob ng aquarium.

Binitawan niya ang kamay ko at nakangiting kumakaway sa akin palayo. Napailing na lang ako sa ginawa nito.

Bakit pakiramdam ko talaga nagda-date kaming dalawa? Friendly-date ganoon? Well, alam ko naman na may feelings siya sa akin pero nilinaw na namin sa isa't-isa 'yon. Malinaw na malinaw.

Napabuntong-hininga na lang ako at marahang itinaas ang kanang paa ko dahil medyo mahapdi 'to. I bowed my head to take off my sandals and saw that I had a blister on my right foot, kaya pala masakit. Lalagyan ko na lang siguro ito ng band-aid mamaya para hindi lalong magsugat.

Sinusuri ko ang kaliwa ko pa na paa kung may paltos din, mabuti na lang at wala. Dahil panigurado na mahihirapan akong maglakad nito kapag nagkataon. I should really wear my flats next time and not this hell of a heels.

Natigilan ako sa pagrereklamo sa suot ko nang may makita akong isang pares ng paa na nakatayo sa harapan ko. Imposible na si Rhonin ito dahil maliliit ang paa ng bata na ito at may kulay pink na sandals.

Nag-angat ako ng tingin para makita ang isang batang babae na nakatingin sa akin. Napangiti ito at para bang kuminang ang mata ng makita ang mukha ko.

"You're so pretty!" She exclaimed. Pull me and hugged her small arms around my neck.

Napataas ang kilay ko sa ginawa nito. Kailan pa ako nagkaroon ng kakilala na batang babae? Sa pagkakaalala ko ay hindi ako mahilig sa mga bata.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan naman ang magkabilang pisngi ko na agad ko ring tinanggal ng marahan. Nakangiti pa rin ito sa akin at sa ayos nito ay mukha itong anak-mayaman.

Tumitingkad ang kaputian nito sa suot na pink dress at may malaki pa itong pink ribbon sa ulo. Mahaba ang itim nitong buhok na straight na staight. Sa tantsa ko ay mga nasa lima o pitong na taong gulang ito. Nasaan ang mga magulang nito? Nawawala ba siya?

"Ano bang ginagawa mo dito, bata?" I asked annoyingly. Nakakunot lang ang noo nito sa akin na para bang hindi nito naintindihan ang sinabi ko.

"I don't speak your language, pretty." She beamed. Napangiwi ako sa sinabi nito. Sabi ko na nga ba.

"I don't care, don't call me pretty." Masungit kong sabi, para lubayan na ako nito. Baka kapag nagsungit ako rito ay layuan ako nito.

Nagkamali ako.

Imbis na umalis ito ay lumundag ito ng upo sa tabi ko at abot-tenga pa rin ang ngiti na nasa labi nito. Mukhang kailangan kong ilabas ang baon ko na english at baka duguin ako kapag kinausap ko 'tong bata na ito.

Dahil may kadiliman sa loob ng aquarius, ngayon ko lang napansin ang kulay berde nitong mata nang matagal ko itong titigan. Namangha ako sa kulay noon. It's one of me and Peter's favorite color!

"Are you lost?" Hindi ko napigilang tanong. Bahagya akong tumapat dito at ganoon din siya.

Tumango ito. "Yes, I don't know this place so I got lost. Then, I found you sitting here. You have a very beautiful dress like mine! You are pretty too!" Inirapan ko ang sinabi nito.

"I'm not, so don't call me that. Besides, you should noy talk to me, I'm a stranger, right? Don't you know that you shouldn't talk to strangers?" Mabagal kong sabi dito para maintindihan niya ang gusto kong iparating. She nooded and lend me her small hand.

"What?"

"I'm Princess Fiona but Fiona will do!" She exclaimed happily.

Siya na ang kumuha ng kamay ko at nakipag-shake hands. Hindi maganda sa bata na ito na makipag-usap sa kahit na kanino. Baka mamaya makidnap ito sa pagiging inosente nito sa mundo. Napailing na lang ako, bakit ko ba inaalala 'to?

And Fiona? Yung asawa ni Shrek? Nakakatawa naman ang pinangalan dito sa batang 'to. Well, she has green eyes though.

"Belle!"

Naalis ang tingin ko sa bata at agad na napantingin sa lalakeng sumigaw. Nakangiti nitong winawagayway sa ere ang dalawang bote ng tubig at marahan na nagmartsa papunta sa akin. Pagkalapit nito sa akin ay napatingin siya sa batang hanggang ngayon ag hawak pa rin ang kamay ko na agad ko ring kinuha pabalik.

"Kakilala mo?" Bungad sa akin ni Rhonin pagkatapos iabot sa akin ang bote.

Nabalik ang tingin ko sa batang babae na ngayon ay nakakunot na ang noong nakatingin kay Rhonin. Napataas ako ng kilay ng tabihan ito ni Rhonin at ngayon ay napapagitnaan na namin ang bata na may pangalan ng asawa ni Shrek.

"Hi, little girl." Bati ni Rhonin kay Fiona. I saw her smile rose while looking at Rhonin dreamily.

Bata pa lang lumalandi na ang mata.

Napairap ako. "Nawawala raw siya, ako ang nilapitan. Mukha ba akong Lost and Found?" Naiirita kong sabi. Natawa lang si Rhonin sa sinabi ko bago ibinalik ang tingin sa bata.

"Nasaan ang mga magulang mo?" He asked smiling.

"I don't understand." Napairap na naman ako. Englishera nga pala itong batang 'to.

"Where were your parents? Do you have any guardian with you before you lost?" He said softly.

"I let go of my Daddy's hand because of the fish I saw. When I turned around, he's not there anymore." Lumungkot ang boses nito sa sinabi.

Nagtagal kami doon ng ilang minuto para makapagpahinga dahil nananakit pa ang mga paa ko sa ginawang paglalakad. Wala namang reklamo na pumayag si Rhonin.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay naguusap na ng kung anu-ano. Nakikita ko ang masasayang ngiti sa labi ni Rhonin at ang masarap sa tenga nitong pagtawa. I felt my heart melting by just watching them. It looks like they know each other so well.

Minsan na rin nasabi sa akin ni Rhonin na mahilig siya sa mga bata, dahil din sa mga kapatid niya na inaalagaan. I'll bet that Rhonin will be a good a Father to his children someday.

Nagugutom na ako pero hindi ko naman masabi at baka maistorbo ko sila sa ginagawang kwentuhan. Nakakahiya naman sa batang 'to, and I'm being a sarcastic here.

Umuunti na ang tao sa paligid dahil sa lunch time na. Hula ko na nasa labas na ang ibang tao para kumain ng kani-kanilang lunch.

"Belle?" He noticed me at last! Akala ko nakalimutan na niyang may kasama siya.

"What?" Pilit akong ngumiti sa kanya pero bigla iyong napalitan ng totoong ngiti nang makita ang nakangiti nitong mukha sa akin.

Leche! Dapat ay naiinis ako ngayon!

"Yes?" I uttered.

"Kain na tayo, nagugutom na raw si Fiona, eh. Pagkatapos ay ihatid na rin natin siya sa Lost and Found, baka hinahanap na siya ng Daddy niya." Napatango ako pero lihim din na napairap. Kung hindi pa magugutom itong bata na 'to ay hindi kami kakain. Great, just great.

Nagulat ako ng hawakan ni Fiona ang kamay ko pagkatayo namin. Napatingin ako rito at bumungad sa akin ang matipid ngunit cute nitong ngiti sa labi. Kaagad akong nabighani sa kulay ng mga mata nito.

"Can I hold your hand? I'm afraid that I will be lost again." She softly said. Nakaramdam naman ako ng kaunting awa sa bata. Sige na nga, pagbibigyan ko na.

Hindi na ako nagreklamo ng hilahin ako nito para maglakad na. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Rhonin. Nang mapatingin ako dito ay may malaki itong ngiti sa labi.

"What are you smiling at?" I asked,  irritated.

"You look like a responsible Mother." Natatawa nitong sabi kaya nakatanggap siya sa akin ng hampas sa balikat.

"Ikaw tumahimik ka diyan, gutom ako. H'wag mo sabayan." I said gritting my teeth. Mangaasar pa, eh.

Tinawanan lang ako nito hanggang sa makalabas kami sa tunnel. Nang makarating sa mall kung saan matatagpuan ang shopping at food center ay nalula ako sa dami ng tao na nandito.

The big fountain in the center got my attention where a lot of people can be found. Looks like something is happening there. Napatingin ako doon pero agad ding napaiwas. Nagpadesisyunan naming kumain sa nakita kong BBQ House sa second floor.

Paakyat na kami sa escalator ng matigilan ako. I heard a familiar voice yelling coming from the crowd, but I can't see who is it. Sumigaw ito na halos nagpatigil sa mga tao at  dumagundong sa loob ng mall.

"Find her or else, all of you will be fired!"

Nataranta ako nang walang sabing binitawan ni Fiona ang kamay ko at tumakbo palayo sa akin. Hindi ko na nagawang lingunin si Rhonin na tumatawag ng pangalan ko nang simulan kong habulin ang bata. Kaya siya nawawala, Bitaw ng bitaw!

I saw her pink ribbon that's why I know that it was her. May nakakabangga pa akong ilang tao at ang ilan ay nagagalit pa sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Ang mahalaga ngayon ay mahabol ko ang pasaway na bata na 'yon!

Hanggang sa tumama ako sa isang likod ng lalake at nawala na sa paningin ko si Fiona. Nasa fountain na pala ako kung saan maraming tao ang nakikiusyuso. Kaagad akong sumiksik sa kumpol ng tao para makarating sa gitna.

Bago pa ako makarating sa harapan ay may humila na sa kamay ko. Napatingin ako dito at nakita si Rhonin na humihingal at pawisan ang noo. Hindi na ako nagsalita at hinila na lang siya sa loob ng kumpulan.

Hindi pwedeng mawala sa paningin ko ang pasaway na batang iyon, dudukutin ko talaga ang berde niyang mata kapag nakita ko siya!

"Excuse me! Excuse!" Pilit kong pagsumiksik. Ang ilan ay natatapakan ko ang paa kaya kaagad akong humihingi ng tawad.

Nang makarating sa gitna ay nakita ko ang mga nakahilerang guards at staff ng Aquarius. Kapwa itong nakayuko lahat sa isang lalakeng nakatalikod sa gawi namin. He's wearing a white longsleeves with a printed dragon on the back and a worn out jeans.

Kaagad kong nakita si Fiona na ngayon ay pumapalahaw ng iyak. Nakayakap ito sa bewang ng lalake habang hinahaplos nito ang ulo ni Fiona upang patahanin. Nakamasid lang kami ni Rhonin sa kanila hanggang sa lumuhod ang lalake na katapat ni Fiona, na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak.

"I thought-- I thought I lost you, Daddy." She sobbed. Napairap ako sa sinabi nito. Ang hilig mo kasi bumitaw kaya ka nawawala!

"It's never gonna happen, baby. See? You found me instead." Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. He sounds familiar.

Maya-maya ay nahagip kami ng tingin ni Fiona at ngumiti ito, wala na ang malungkot nitong mukha. May binulong ito sa 'Daddy' niya bago kami itinuro. Dahan-dahang humarap sa amin ang lalake at pare-parehas kaming nagulat nang makita ang isa't-isa.

I looked at Rhonin who's looking at me also, shocked is written on our faces. Parehas kaming napalaki ang mata at napanganga sa narealize.

"Ikaw ang Dadd niya?!" Parehas naming sigaw ni Rhonin kay Fio na bakas pa rin ang gulat sa mukha.

It make sense, Fiodore and Fiona, he is her fucking Father!

---

"She's my step-sister." He corrected after sipping on his juice.

Hindi ako nakapagsalita at napatingin lang kay Fiona na ngayon ay nagpapadulas sa isang slide sa playground dito sa Aquarius. Masaya itong nakikipaglaro sa mga bata at naririnig ko pa ang masiglang pagtawa nito.

We're sitting in a four-person chair in front of a wide sea. The whole Aquarius is owned by the Torres' also, this private restaurant owned by them too'. A lot of people are here also, having their lunch peacefully. Kanina pa kami tapos kumain at sagot iyon ni Fio dahil sa kami ang nakasama ng kapatid niya.

Hindi ko magawang tingnan si Fio na ngayon ay kausap na ni Rhonin. I admit, nahusgahan ko agad siya. Alam kong mali iyon. Hindi ako makapagsorry dahil walang balak magsalita ang bibig ko. I just keep it to myself then. He doesn't need to know.

"Bakit pala kayo magkasama? Are you guys dating?" Mapangasar na sabi ni Fio habang may ngisi sa labi. He leaned on his chair as he waits for our answer.

"N---"

"Yes." Rhonin said.

My body froze of what he answered and can't say a thing. Hindi ako makatingin dito dahil alam kong bubungad sa akin ang nakakaloko niyang ngiti. Narinig ko naman ang paghalakhak ni Fio sa harapan ko. Napailing na lamang ako para itago ang mumunting ngiti sa labi ko.

"The dress looks good on you." Fio complemented before giving me a wink.

"Whatever." Napataas ang kilay ko.

"Nagbabasa ka naman ba ng lectures? Mamaya magcram ka before examinations." Nangaasar na sabi nito habang may nakakainis na ngisi sa labi.

I snorted. "Wow! as long as I remember I'm in the Top 10 in our department." Pagmamayabang kong sabi.

"Well, you should aim for the top 3 because you can't beat me." Napanganga ako sa sinabi nito. Mukhang nakalimutan ko na may sapi pala ng kayabangan ang kausap ko!

"Ang yabang, ah! Kapag ikaw natalo ko-- malalagot ka sa'kin." I crossed my arms in front of him.

"We'll see about that. I dare you, Hernandez." He smirked and I just glared at him. Napakayabang!

"Belle, tara na. Ihahatid na kita pauwi." Naputol ang masama kong tingin sa demonyong nasa harapan ko nang tumayo si Rhonin sa tabi ko.

Napakunot ang noo ko at inayos ang suot kong dress bago tumayo. Bahagya akong nagulat ng may biglang humawak sa kamay ko kaya napatingin ako rito.

It's Fiona. "You're leaving?" She said sadly while looking at my eyes. Napabuntong-hininga ako.

"Yes, we're leaving now. Don't you ever let go of your brother's hand when you see a fish again, okay? Take care." Malumanay kong sabi kahit ayaw ko pa rin sa kanya.

Nagulat ako ng yakapin ng maliliit na braso nito ang bewang ko. Nag-alangan pa akong haplusin ang buhok nito pero sa huli, ay ginawa ko rin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumayo na ito sa akin at lumapit na kay Fio na nahuli kong nakangiting nakamasid sa akin. Umiwas ito ng tingin ng mahuli ko. Hinawakan nito ang kamay ni Fiona pagkatapos ay humarap sa amin.

"Gusto niyo bang ihatid ko na kayo?" Offer nito. Tatanggi na sana ako ng marinig ang naunang si Rhonin.

"It's okay, pwede naman kaming magtaxi na lang," Tumingin ang binata sa akin. "Tara na?" Napatango na lang ako.

"I'm going in the Asterin too, maybe I can drop you both there." Pagpupumilit pa nito. Matiim itong nakatingin kay Rhonin na ngayon ay wala ng emosyon ang mukha habang nakikipagpalitan ng tingin kay Fio.

I can sense the tension between their eyes.

Napakunot ang noo ko. Hinawakan ko na sa braso si Rhonin kaya bumaba ang tingin nito sa akin. Nginitian ko ito bago humarap kay Fio.

"It's okay, we can manage naman. May pupuntahan pa kasi kami." Dahilan ko at hinila na si Rhonin paalis sa harap nila. Hindi ko na nilingon si Fio at Fiona at dire-diretso ng umalis sa restaurant na 'yon.

Naramdaman ko naman ang paghila sa akin nito kaya natigilan ako sa paglalakad. Nasa harap na kami ng escalator at pababa na sa second floor. Napakunot ang noo ko ng makita itong makahulugang nakangiti.

"May pupuntahan pa tayo? Saan? Hindi ako nainformed." Ngisi nito. I just rolled my eyes from him before marching away. Bahala siya diyan.

There's a small smile formed on my lips when I heard his voice calling my name from the crowd.

Leche, it's growing.

---