webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Général
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Chapter 1: Peter

"Wendy"

Sana kasi, kasing ganda ko si Wendy

Para alam ko naman yung feeling na laging pinipili

Yung inaaalagaan palagi,

Yung inaalala ng marami.

---

Chapter 1

Belle

30 minutes.

I've been waiting for him for almost half an hour and he's still not here.

Nakakainis.

Lagi naman Filipino Time si Peter kaya ano pa ba ang bago? Mas babae pa nga kumilos kaysa sa akin 'yon, sobrang bagal pa.

Mauubos na lang itong nag-iisang iced coffee na kanina ko pa ini-order. Naghalo na nga ang natunaw na yelo at ang kape sa lalagyanan nito.

Napailing na lang ako at dinampot ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na lamesang kaharap ko, I openened my mobile data and leave a message for him.

Peter

• Active now

Belle:

Baka pwede mong bilisan ang kilos?

Baka lang naman.

Naiinip na ako.

Peter:

Eto na. Naglalakad na, Madamé.

I just seen his message before placing my phone over the table. Hindi na ako nag-abalang inumin pa ang kape na nasa ibabaw ng lamesa dahil panigurado ay iba na ang lasa nito.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa loob ng Coffee shop para mawala naman yung stress ko sa paghihintay.

Kakaunti lang ang tao ngayon dito dahil kakabukas pa lang. Mamaya pa dadagsa ang tao dito, lalo na ang mga estudyante dahil malapit lamang ito sa University.

Masyadong malawak ang coffee shop na ito para sa dalawang barista lamang. May isang barista sa counter na siyang nakain-charge sa counter at may isang barista na siyang nagpupunas at nagse-served ng mga orders.

In fairness, their both good looking.

Dahil sa pagkaboring ko sa paghihintay ay nagawa kong panoorin ang barista na siyang kanina pa nagpupunas ng mga lamesa.

Sa tangkad nito ay siguro hanggang dibdib niya lang ako, 6ft. maybe? His curly hair looks good on him. Mas mukha pa nga na siya ang may-ari ng coffee shop na ito kaysa maging barista dito

Nakamasid lang ako sa kanyang ginagawa na pagpupunas ng mga lamesa.

Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin at iniikot ang paningin sa loob ng shop hanggang sa lumapag ang mga mata niya sa akin.

Shit! Nahuli niya ako!

Instead of looking away from him, I got mesmerized by his deep eyes. Ilang segundo ang lumipas sa pagitan namin ay sumilay sa mukha niya ang isang ngiting hindi ko inaasahan na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.

Naramdaman kong nag-init ang tenga ko sa ginawa, mabilis kong ibinaba ang tingin ko sa kanya. Legal ba na magexist ang ganoong kay gwapong pagmumukha?

Hala, ang pogi.

Feeling ko, nanuyo ang lalamunan ko kaya naman agad kong dinampot ang iced coffee na nasa ibabaw ng lamesa at agad na ininom iyon.

Then, reality hits me so hard.

Nakalimutan ko 'ata na iba na ang lasa nito kaya pagka-inom ay agad akong nabilaukan, dahilan para magkanda ubo-ubo ako sa lasa.

Hindi pa din ako matigil sa pag-ubo ng may napansin akong huminto sa harap ko at may hawak siyang isang baso ng tubig. Kaagad ko iyong kinuha ng walang pagaalinlangan dahil 'yon ang kailangan ko ngayon.

Parang ilang buwan ako hindi nakainom ng tubig sa paraan nang pagubos ko 'non. Nang maubos ay ibinaba ko ito sa ibabaw ng lamesang kaharap ko, Hinimas-himas ko pa ang lalamunan ko dahil pakiramdam ko ay nauubo pa din ako.

"Are you okay now?"

Biglang akong nag-angat ng tingin ng marinig ang isang malalim na boses sa harapan ko. Laking gulat ko ng makilala na siya pala yung lalaki kanina na naglilinis ng mga lamesa, Iyong lalaking nakipagtitigan ako.

Bakit ang gwapo niya lalo sa malapitan? Nakalimutan ko atang magsalita kaya napatango na lamang ako sa kanya. Agad siyang ngumiti at nagsalita.

"Pwede ko na ba itong kunin, Ma'am?" Sabi niya sa mababang boses, Tinutukoy ang kapeng na nasa harapan ko.

"O-oo, sige."

Agad niyang kinuha ang lalagyanan ng kape ko. Naglabas siya ng pamunas at pinunasan ang basang lamesa. Habang pinupunasan niya ang lamesa ay nakatingin lang ako sa kanya.

Bago pa matapos ang pagpupunas niya dito ay iniwas ko na ang tingin ko, baka mahuli na naman niya ako. Humarap siya sa akin at ngumiti ng maliit.

Ang hilig naman niya ngumiti.

"Enjoy your stay here, Ma'am." Sabi niya sabay alis sa harapan ko. Pagka-alis niya ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

Ayan kasi! Ang hilig sa gwapo, kakainis.

Napatingin ako sa pintuan ng Café ng bumukas ito. Nakita ko na pumasok ang isang matangkad na lalake, messy hair, may maputing balat at masasabi mo na may itsura. Nakasuot ito ng ripped denim jeans na binagayan ng black long sleeves polo.

Wala kang makikitang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Poker-face, kumbaga. Pwede kong masabi na ang sungit niya kung hindi ko pa siya kilala.

Napansin ko ang iilang babae na nakapwesto sa kabilang lamesa 'di kalayuan sa akin na naghahagikgikan habang pinagmamasdan siya.

Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa umabot ito sa akin. Doon pa lamang siya ngumiti na agad ko namang sinuklian ng pag-irap. Agad akong humalukipkip para damang-dama yung pagsusungit ko sa kanya.

Ilang hakbang lang ay natagpuan ko siya na nasa harapan ko at hinila ang upuang nasa harap ko.

"Stop." Pigil ko.

Bakas naman sa mukha niya ang pagtataka dahil sa naudlot ang kanyang pag-upo. Tinignan ko muna ang pambisig kong orasan at binilang kung ilang minuto na siyang late sa usapan naming oras.

"You're 45 minutes late, Mr. Pan." Banggit ko sa apelyido niya na ayaw na ayaw niyang itinatawag sa kanya.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang simpleng pagirap niya sa akin.

"Okay. What do you want?" Tamad na tamad niyang sabi na siya namang nagpangiti sa akin.

Ililibre niya ako!

"Chicken pot pie and a Caffè misto." Diretsa kong sabi na siya namang nagpabuntong hininga sa kanya.

"Napapagastos talaga ako when I'm with you." Sabi nito bago niya ibinalik sa pagkakaayos ang upuan at umalis sa harapan ko.

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa makapunta siya ng counter para maka-order.

Tumingin pa siya sa akin bago mag-order sa lalaking kanina pa naghahalo ng kape. Ibinigay niya ang order niya at maya maya din ay naibigay na ito sa kanya. I like the fast service here.

Abot-tenga naman ang ngiti ko ng matanggap niya ang ini-order niya. Kinuha niya ang tray at naglakad papunta ulit sa pwesto ko.

Parang bigla na lang naglaho iyong inis na nararamdaman ko sa kanya kanina. Parang hindi ako kalahating oras naghintay sa kanya dahil lang sa suhol na inutos ko pa.

Hindi pa din nawawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko hanggang sa mailapag niya ang pagkain sa harap ko. Nagorder pala siya ng French toast para sa kanya at isa ding kape na katulad ng akin.

Inihiwalay niya ang mga kape at pagkain sa tray bago ito ilagay sa kabilang table na katabi lang din namin.

Pagkalapag na pagkalapag ay agad ko din itong kinain. Unang subo pa lang ay pakiramdam ko busog na ako sa sobrang sarap nito. Aaminin ko, minsan lang ako nakakakain nito kapag libre.

May lasa lahat ng kinakain ko kapag libre, e.

"You happy?" Sabi niya matapos ang ilang subo ko sa kinakain ko. Ininom ko muna ang kape na nasa harapan ko bago siya sagutin.

"Yeah. Thanks sa breakfast. Wala ka ng kasalanan sa akin." Ngisi ko sa kanya na siya namang nagpairap sa kanya.

"Next time hindi na ako mala-late para hindi kita nalilibre. Nababawasan allowance ko sayo, e." Sabi niya sabay subo ng kinakain. Ako naman ang napairap sa sinabi niya.

"Wow. Ikaw? Mababawasan ang allowance? Imposible." Sabi ko sabay inom sa kape ko.

"By the way, bakit ka nga pala nakipagkita sa akin ngayon? Ano yung sasabihin mo, bakit hindi mo na lang itinawag at nakipagkita ka pa? Is this a serious matter?" Pag-iiba ko ng usapan.

Tumingin ako sa kanya dahil medyo naging uneasy ang kilos niya. Sinubukan kong hulihin ang tingin niya pero umiiwas lang siya ng tingin sa akin.

Maya-maya ay napabuntong hininga siya at diretsahan akong tumingin sa mga mata niya.

"I need your help, Belle."

Isinandal ko ang likod ko sa upuan at umayos ng upo bago siya sagutin.

"Oh? What is it this time?" Pinilit ko na huwag palamyain ang boses ko.

Akala ko pa naman kinita niya ako dahil sa nami-miss na niya ako, pero hindi pala.

Galing siya ng Australia last month at isang linggo pagkatapos noon ay hindi na siya dumadaan sa bahay. Tapos ngayon na lang ulit kami nagkita ay bubungad sa akin ang 'I need your help' niya?

"I want to court Wendee. Hindi ko iyon magagawa mag-isa, that's why I need your help. You're friends with her right?" Kinagat ko ang pangibabang labi ko dahil nawalan ako ng sasabihin.

Tila nawalan ako ng dila at hindi ako nakasagot sa kanya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya.

Sa lahat ng babae ay bakit si Dee pa?

"S-sure." I uttered and I seen his billion-dollar smile.

Minsan lang ngumiti si Peter. Once in a bluemoon, they say. He always had this porker face and cold eyes with him. Well, sanay naman na ako. Ibang-iba nga lang sa dating si Peter.

We've been together since I was 5 years old. Kakalipat pa lang namin noon sa bagong bahay na itinayo katapat ng bahay nila ni Peter. I am spending my time walking alone in the sideways, until I found myself in a playground inside the Villa. He was the first kid who talked to me that time.

This kid had this natural brown hair and brown eyes too. Nakasuot siya ng green na shirt at green shorts.

In short, Taong green.

Noong una ay hindi ko siya pinapansin kaya naman panay ang kulit niya sa akin. Hindi talaga ako kumakausap sa kahit na sinong tao, kahit pa noon sa dati naming lugar ay wala akong maituturing na kaibigan dahil hindi ako palakaibigan.

Kahit saan ako magpunta ay panay ang sunod niya sa akin. Kwento siya ng kwento about sa lalaking nagngangalang 'Peter Pan'. Hanggang sa hindi ko siya matiis ay sinigawan ko siya.

"Get away from me!" Sigaw ko na siyang nagpagulat sa kanya.

Tumakbo ako pero mas lalo akong nainis ng makitang nakasunod siya sa akin. Tumatawa pa siya habang tumatakbo.

"Malapit na ako, mahahabol na kita!" Sinundan niya iyon ng malakas na tawa.

Akala niya 'ata ay nakikipaghabulan ako sa kanya!

Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa may marinig akong malakas na busina ng sasakyan. Nakita ko ang papalapit na sasakyan sa kinatatayuan ko.

Nanigas ako at hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Napapikit na lang ako at niyakap ang sarili ko.

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pares ng braso na yumakap sa akin. Hinawakan nito ang ulo ko isinandal ito sa balikat niya.

Nakapikit ako noong mga panahong iyon kaya hindi ko mapagsino ang taong yumakap sa akin. Hanggang sa marinig ko na lang ang busina ng sasakyan at sigaw ng isang matandang lalake.

"Hoy mga bata! Hindi palaruan ang daan! Gumilid kayo!" Panay ang sigaw nito na siyang nakapagpadilat sa akin.

May isang lalaking berde na nakayakap sa akin at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya habang nakayakap sa akin.

Napalayo ako ng yakap sa kanya nang maramdaman kong may tumutulong tubig sa paanan namin. Pagkatingin ko sa baba namin ay may tubig na akala mo ay ibinuhos doon.

Umihi siya?

Lumabas sa bibig ko ang mahinang pagtawa kaya naman napatingin siya sa akin.

Siya iyong lalaking makulit sa playground.

Panay pa din ang busina ng matandang lalake kaya naman hinawakan ko na siya sa kamay at hinila sa gilid ng kalsada.

Pagkagilid namin ay doon na siya pumalahaw ng iyak. Bigla naman akong narindi sa ingay niya kaya naman hindi na ako nakapagtimpi.

"Tahimik. Ayoko ng umiiyak na bata." Masungit na sabi ko na siya din namang paghinto niya sa iyak niya.

Rinig ko pa din ang pagsinghot niya at pigil na iyak. Hinarap ko siya at hinugot mula sa likod ko ang towel na laging inilalagay ni Daddy sa likod ko. Pinunasan ko ang mga mata niya at pinunasan ko din ang iilang sipon na nagkalat sa mukha niya.

"Thank you for saving me." Sabi ko ng matapos ko siyang mapunasan sa mukha. Lumabas naman mula sa mukha niya ang isang matamis na ngiti na siyang nakapagpahawa sa akin kaya naman napangiti na din ako.

Naibalik ako sa realidad ng tumayo siya sa upuan niya.

"Oh, saan ka pupunta?" Taranta kong tanong. Tinaasan niya lang naman ako ng kilay.

"I've been telling you that we should go but it looks like you're spacing out." Sabi niya pa bago umalis sa harap ko. Hindi man lang ako hinintay!

Agad kong iniayos ang gamit ko at tumayo na din mula sa kinauupuan ko. Nadaanan ko pa si kuyang pogi kanina.

"Come back again, Ma'am." Sabi niya na sinuklian ko lang din ng ngiti bago lumabas ng café. Naabutan ko na nakatayo hindi malayo sa akin si Peter kaya naman sumunod na din ako sa kanya.

"Walang hiya ka, hindi mo man lang ako hinintay." Sabi ko pagkaabot ko sa kanya. Nginisihan niya lang ako bago inakbayan.

"You know, between us two, ikaw talaga ang kulang sa pasensya." Puna niya sa akin na ikinasimangot ko na lang.

Tumawid na kami nang magpula ang ilaw ng stoplight para tumawid. Kaunting lakaran ang ginawa namin para makarating sa loob ng university.

Magkaiba ang daan ng dormitory ng mga lalake sa babae kaya naman bago pa makarating sa arch ay hinarap na niya ako.

"Belle, yung favor ko. Don't forget about it. Okay?" Tinanguan ko lang siya sa sinabi niya.

"I guess we're good. I will chat you later." Sabi niya pa bago guluhin ang buhok ko na madalas niyang ginagawa kapag nagpapaalaman kami.

Inirapan ko lang siya na nagpatawa sa kanya. Umatras na siya ng paunti-unti na lagi niya ding ginagawa.

Pilyo talaga.

Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko ay nandoon pa din ako sa gilid ng arch. Inaalala ang mga nangyari. Napabuntong hininga na lang ako bago umalis doon at nagtungo sa loob ng girls dormitory.

Pagpasok sa loob ay nakikita ko pa ang iilang maleta na nakalagay sa lobby na unti-unting inaalis ng iilang kababaihan. Katatapos lang kasi ng bakasyon kaya naman ang iilang nagdo-dorm ay andito na para naman bukas ay hindi na sila mahassle sa byahe.

Kahapon pa ako naglipat ng mga gamit ko sa kwarto kaya naman wala na akong problema sa ngayon.

Umakyat na ako sa ikatlong palapag ng dorm gamit ang elevator sa gilid. May nakasabay pa akong iilan na nagmamadali kaya naman pinili kong pumwesto sa dulo.

Pagkalabas ay dire-diretso lang ako sa RM310 na nasa dulo pa ng hallway. May naabutan pa akong tatlong maleta sa labas ng kwarto kaya naman alam ko na kumpleto na sila sa loob.

Pagpasok ko ay naabutan ko silang nagkakagulo sa pag-aayos ng mga gamit. Nakatayo lang ako 'don at wala namang nakakapansin sa akin. Pinili kong umupo sa sofa na nasa gilid at piniling pagmasdan na lang sila.

Hanggang sa mapatingin sa akin ang isang babaeng may pinaghalong black at blue ang buhok.

"Belle!" Hiyaw niya na siyang nakapagpatigil sa kanilang lahat sa pagaayos.

Ngumiti lang ako sa kanila at itinaas ang dalawang kamay simbolo na nagpapayakap ako. Kanya kanya naman silang tili at naguunahan pang tumakbo papunta sa akin. Halos sabay-sabay silang tumalon sa akin at labis naman ang tawa ko.

"Belle! Na-miss ka namin!"

Tumabi sila sa akin sa pagkakaupo. Hindi pa din kumukupas ang pulang buhok ni Rosé.

Bagay talaga kay sa pangalan niya ang kulay ng buhok nito. Pula. Siya ang babaeng laging palaayos sa aming apat. She's going to be the heiress of the Angeles Clothing so she chose to take a fashion designing course.

"Saan ka ba nanggaling at hindi ka namin macontact? You are always out of reach, parang yung crush ko."

Isinandal naman ni Dawn ang kanyang ulo sa balikat ko. Napansin ko naman ang suot nitong jersey shorts.

Always the boyish one.

Pero may crush na lalake 'yan.

"Siguro may pinagkakaabalahang jowa itong si Belle kaya hindi na tayo nakakausap." May mababakas akong tampo sa tono ng pagkakasabi ni Sil.

Nagtatampo na nga ang nanay namin.

She's like our second mother, at masarap siya magluto.

"Wala akong jowa. Alam niyo naman kung sino ang gusto ko diba?" Binigyan ko sila ng makahulugang ngiti. Sabay-sabay naman silang nagsitanguan senyales na alam nila kung sino ang tinutukoy ko.

Nang may maalala ay napasandal ako sa sandalan ng couch.

"May sasabihin pala ako." Nakatingin lang sila sa akin kaya nagsalita na ako.

"Peter wants to court Wendee and he asked for my help. Bestfriend ko siya kaya pumayag ako."

Namayani ang katahimikan sa aming apat dahil sa sinabi ko, hanggang sa basagin iyon ni Dawn.

"Bakit ka pumayag?! Sa lahat ng tao si Wendee pa!"

Padabog siyang umalis sa gilid ko para tumayo sa harapan ko bago inilagay ang mga kamay sa bewang niya. Papagalitan na naman niya ako.

"I've got no choice. Bestfriend ko siya." Tanging sabi ko.

"You have a choice, Belle." Naiinis na sabi ni Dawn.

"But you can say no to him, Belle naman, e." Umupo si Silvia sa tabi ko para himasin ang buhok ko na madalas niyang ginagawa kapag inaalo niya kami.

"You know naman na, I can't. I can do this." Ngumiti ako kay Dawn. Pero alam kong pilit yon. Ayaw ko umiyak sa harapan nila kasi mas lalo lamang akong papagalitan ni Dawn kaya pinigilan ko ito.

"Wala na tayong magagawa. Pumayag na siya kaya tignan na lang natin ang susunod na mangyari." Bakas naman sa boses ni Rosé ang pagkadismaya.

Inirapan muna ako ni Dawn bago dumiretso sa kama niya at humiga. Hinawakan lang naman ni Rosé ang kamay ko bago umalis sa tabi ko at lumabas ng kwarto. Si Silvia naman ay hinimas lang ang loob ko na nagpagaan sa pakiramdam ko.

----

MsCalibear