webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
77 Chs

Devil 66: Losing Control

Someone's Pov

"...where is the person, who hurt my Natsu?" Tanong nito.

Nagkatinginan ang lahat. Hindi nila maaring sabihin ang kinaroroonan ni Madam dahil napakadelikado ng taong kaharap nila.

Ngunit natigilan sila nang marahang tumawa si Jack. Sa hitsura nito ngayon ay mukha na itong devil sa mga monster movie na napapanood nila.

"So, it was her? That old hag dare to hurt my love..!" Ani Jack sa tonong nakakatakot. Marahan lang ang kanyang salita subalit nakakapangilabot ito idagdag pa ang kanyang hitsura.

"W-what are you going to do?" Kinakabahang tanong ni Enrique.

Natigilan si Jack at tiningnan ang kaharap habang pumapaling sa kaliwa at kanan ang kanyang ulo.

Lalo lang namang kinabahan ang lahat sa ginawa niya.

"J-jack...h-hindi mo ba kami nakikilala? M-magkaibigan tayo hindi ba..?" Nauutal na wika naman ni Cody habang nagtatago sa likod ni Edward ngunit nakadungaw ang ulo.

"Sean. Of course we're friends. Don't worry I'm not planning to hurt my friends but that's.... if you won't betray me." Ani Jack na mas naging katakot takot ang hitsura.

"Whoever you are. Stop messing around my child! What did you do to my son?" Galit na asik naman ni Erin na waring hindi na natatakot kay Jack.

Napalingon naman sa kanya si Jack at ganun nalang ang sigaw at pagkagimbal ng lahat nang biglang humaba ang mga kamay ni Jack at sinakal ang mommy ni Zero.

"Mommy/Erin/Mom!!" Sigawan ng lahat maliban sa dalawang binatilyo na hindi na nagawang makapagsalita.

Akmang pipigilan naman ni Enrique ang kamay ni Jack nang matusok siya ng matulis na kamay ni Jack sa balikat at idinikit sa pader.

"Aaahh-!!!dad!!" Sigaw ni Erhis maging ng mga kapatid niya.

Sumugod naman sina Edward at Eros subalit mula sa likod ni Jack ay may mga galamay na lumabas na katulad ng kanyang matulis na kamay at tinusok rin ng mga ito ang balikat ng dalawa.

"Kuya..!!" Sigaw ni Erhis na takot na takot.

Napayakap naman sina Cody at Drew kay Erhis nang tangkain din nito lapitan si Jack.

Napaupo sila sa sahig habang pilit na tinatago si Erhis na pumapalahaw sa iyak habang inaabot ng kamay ang pamilyang ngayon ay hawak ni Jack.

Galit namang bumaling ang tingin ni Jack kay Erin.

Sakal nya parin ito sa leeg at walang sabing hinila ito palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Erin!!" Sigaw ni Enrique habang pilit na kumakawala sa kamay ni Jack.

"Mom!!" Sigaw din ng dalawang lalaki na nakadikit na din sa pader at walang magawa.

"You!!" Ani Jack habang nakatingin ng masama kay Erin.

"Why did you do it? Why did you hurt him?" Asik ni Jack dito.

"Wala akong alam sa sinasabi mo? I would never hurt my son!" Sigaw naman ni Erin sa kanya.

Natawa ng pagak si Jack sa sinabi nito.

"Jack, she's Zero's mother. She would never hurt him!" Sigaw ni Eros.

"I know. But she was the reason why that old hag hate my Natsu!" Ani Jack na nagpalito sa kanila.

"W-what are you trying to say?" Gulat ding tanong ni Erin.

Napangisi si Jack.

"Because you are the one who killed your husband's brother. Am I right?"

Nanlaki ang mga mata ng lahat sa narinig. Walang nakaimik kahit isa man sa kanila. Naghalo halo na ang kanilang mga nararamdaman. Takot, pangamba, lito, naguguluhan, at pagkagimbal sa sinabi ni Jack.

"Jack..!!!" Sigaw ng kung sinong dumating mula sa pinto.

"James?!/Jace?!/Shane?!" Gulat din na bulalas nina Erhis, Cody at Drew nang makilala ang mga ito. Ngunit ang mas kinagulat nila ay ang duguang katawan ng mga ito.

"Oh my God!" Nausal ni Erhis nang makita ang hitsura ng mga bagong dating.

Parang alam na nila kung bakit ganoon ang hitsura ng mga ito. Marahil ay nauna na itong nakalaban ni Jack kanina bago ito dumating sa ospital.

Muli silang binalot ng kilabot sa isiping iyon.

"Jack, please! Let go of them!" Ani James na marahang lumapit sa kanila.

Marahas na napatingin naman sa kanya si Jack.

"Who are you to say what I do?" Galit na wika ni Jack.

Bumalatay ang konsensya sa mukha ni James. Alam niyang trinaydor niya si Jack at iyon ang pinaka-ayaw nito. Kukunti lang silang taong pinagkakatiwalaan nito subalit sinira niya pa iyon.

"Jack, pakiusap. Hindi gugustuhin ni Zero na makita kang sinasaktan mo ang pamilya nya." Umiiyak na wika ni Shane.

"They're not his family!" Asik ni Jack.

Nagulat ang tatlo sa narinig maging sina Cody at Drew na walang alam sa nangyari. Narinig na nila ang sinabi ni Zero kanina nang magising ito ngunit hindi iyon masyadong nagregister sa utak nila dahil mas nagulat sila sa biglang paggising nito.

"They're just an imposter parents and siblings to him. They're nothing but bunches of liars just like what YOU DID!!" Mariing asik ni Jack sa kanya.

Batid niyang galit parin si Jack sa ginawa niyang pagsisinungaling dito.

At dahil doon ay nabaling na sa kanya ang tingin ni Jack.

"If you hadn't lie to me! I would've rescued him! I would've been there for him! He shouldn't get into an accident and experienced his death again! If you didn't lie to me I could've go to him and calm him and hug him for him to get better! If you hadn't lie, those beast would never woke up and beat you to death! This is all happening because you lied to me! You betrayed me!! FOR ALL PEOPLE YOU'RE THE ONE WHO BETRAYED ME!!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ni Jack sa kanya.

Napapikit siya at naramdaman ang mainit na likidong kumawala sa kanyang mga mata.

"I'm sorry... You're right! I shouldn't lied to you. I'm sorry Jack... I will do anything for you. If you want to take my life just take it. I deserve it! Just please don't....don't hurt other people. Don't let those beast control you. I just did what I did because I want you to get better. I want you to experienced a normal life that we have always wished for you. I'm sorry Jack...please release them. And take me instead." Aniyang di narin napigilang mapaluha.

"T-tanda..." Ani Shane na hindi sang-ayon sa sinabi.

Natulala naman si Erhis habang nakatingin kay James. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito ngunit hindi rin siya sang-ayon sa gusto nitong mangyari.

Marahang lumapit si Shane kay Jack. Balak pa sana siyang pigilan ni James subalit hindi niya ito pinansin.

"Jack..." Ani Shane saka tumingin ng deretso kay Jack.

"My brother and I... risked our lives to save you. James lied to you because he just wanted you to have a normal life. Yun naman ang palagi naming ginagawa para sayo, diba? Gusto ka naming magkaroon ng maayos at normal na buhay dahil simula nang magkaisip kami ay palagi ka nalang naming nakikita na nahihirapan habang eneeksperimento ng kung sino sinong scientist. Sumama kami sayo upang pangalagaan ka at iyon din ang bilin ng aming ama." Aniya habang nagtutubig ang mga mata.

Natigilan si Jack.

"I never blamed you when I saw you...killed my father, Jack." Tuluyang napaiyak na turan niya. Napanganga naman sa gulat ang mga naroon.

Lalo na si Drew. Hindi niya akalain na may ganoong karanasan si Shane.

"I never resent you when you killed him in front of my eyes. Because I know and I believe na hindi ikaw ang gumawa nun kundi ang mga halimaw na namamahay sa katawan mo. Hindi kita sinisi dahil alam kong higit sa lahat ikaw ang mas nahihirapan. At alam ko rin na may kasalanan din ang ama ko dahil hinayaan nyang makontrol ka ng wargon nang mga panahong yun." Hilam sa luhang turan ni Shane.

"Pero ang ginawang pagsisinungaling ni Tanda ay hindi nangangahulugan na tumalikod na sya sayo. Zero was dead on arrival and it's been two hours since Tanda knew about it kaya mas pinili nyang wag nang ipaalam sayo dahil alam nyang mas masasaktan ka lang. We never want anything harm to you and you know that. For all the people who cared about you, my brother and I was the one who's been through a lot of pain for you. Because we considered you as our family. We are in this together, remember? Wether you're Allyna or Jack or the wargon. We are always here for you. We were ready to die for you. So, please trust us. That's all I want you to give us." Napahikbi siya nang matapos magsalita.

Bumagsak sa lapag sina Mr. Montero, Eros at Edward matapos matanggal ang nakatusok na mga galamay ni Jack. Mabilis namang napasugod si Erhis sa kanyang ina nang mabitiwan din ito ni Jack. Napatakbo din dito ang iba pang Montero upang yakapin si Erin.

Tulala namang nakatitig lamang si Jack kay Shane.

Bumalik sa dati ang hitsura ni Jack. Parang natauhan ito sa mga narinig na sinabi ni Shane.

Maraming mga bumabagabag sa isip ni Jack. Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao sa mga taong nagmalasakit sa kanya.

"I...I'm sorry." Tanging nasabi niya sa kaharap at napayuko habang nakatingin sa mga kamay na duguan.

Lumingon siya sa pamilya Montero na halata ang takot at sindak sa kanya.

"I'm sorry.." Aniya at bahagyang lumapit sa mga ito.

Napaatras naman ang mga ito sa takot na may gawin na naman siyang masama.

Subalit nagulat pa sila nang hawakan ni Jack ang dibdib ni Eros at may kung anong liwanag na umilaw sa dibdib nito.

Nagulat naman si Eros dahil nawala ang sakit na nadarama niya. Napatitig siya kay Jack na noon ay malungkot ang hitsura.

Sinunod niya sina Edward at Enrique maging si Erin.

"I'm sorry if I hurt you. I know how much you love Natsu. I was just lost a moment ago. I don't want anyone to hurt him. I love him more than my life." Aniya sa tumayong ina ng taong mahal niya.

"I never want to hurt...the people he loves. I'm sorry." Aniya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

Wala namang nakaimik sa kanila.

Napalingon siya kay Zero na nasa hospital bed. Dahan dahan siyang lumapit rito at naupo sa tabi nito.

"Natsu..." Aniya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.

"I'm sorry..." Anas niya at yumakap rito.

Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

---

Sa kailaliman ng gabi dalawang pares ng mga mata ang nakita ang buong pangyayari sa bahay na tinitirhan nina Jack. Kita ng nilalang na ito kung paano naging Wargon si Jack at anong dahilan kung bakit nagising ang Wargon na matagal nang natutulog sa loob niya.

At dahil sa chaos na nangyari ay walang nakapansin sa kanya nang pumuslit siya sa lab ni James.

Naglakad siya sa loob nito habang naririnig ang pag-aaway ng dating magkakaibigan na nagturingan nang isang pamilya.

Natigilan ang nilalang nang makita ang sealed door na syang kinalalagyan ng business tycon na si Jillian. Hindi na ito pinakawalan nina James dahil nawawala ito sa katinuan. Minsan ay nakakalimutan nitong tao ito at bumabalik ang pagiging Shadow hunter nito. Kaya naman nagpasya na sina James at Jack na ikulong na lamang ito sa lab upang pag-aralan kung paano ito ibabalik sa dati.

Napangiti ang nilalang nang makita si Jillian.

"Heh! I thought you're dead?" Aniya saka pumasok sa selda at kinalagan ang natutulog na si Jillian.

"One more to go." Anang nilalang sa sarili saka tahimik na lumabas sa selda habang bitbit si Jillian. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay sinira muna niya ang lahat ng devices and machines na ginagamit ni James para sa kanyang technology equipment to heal Jack.

"Soon, the Wargon will rise and wipe out all these worthless humans!" Aniya saka napahalakhak.

"Let's see if you'll be able to save your love again, Jack Ryder!" Aniyang nanlilisik ang mga matang napatingin sa monitor kung saan makikita ang muling pagbuhay ni Jack sa mga kaibigan.

Napangiti siya nang makitang paalis narin ang mga kaibigan ni Jack na hindi man lang nag-abalang i-check ang kanilang laboratory.

Agad niyang pinindot ang ear piece ng suot niyang helmet at kinonek sa kanyang boss.

"Master, I got one of our allies. There's only one left. I'm on the way there now. Snyder will be here soon."

"Very good! We'll have to get Jack Ryder before we're too late. I know he'll have a half of her power by now." Anang lalaki sa kabilang linya.

"I got it. I will bring these two shadow hunters and Jack Ryder soon, Master." Aniya sa kausap.

"Very well then, I'll meet you at the boarder. Don't get caught. We've been waiting for this moment to come."

"Aye, Master."

Matapos ang kanilang pag-uusap sumakay na siya sa kanyang motorbike habang nasa likod niya si Jillian na natutulog parin.

Ilang sandali pa at nakarating siya sa isa pang bahay at kinuha ang kotse roon at inilipat roon si Jillian. Mabilis din siyang nagbihis at pinaandar ang kotse.

Ilang minuto pa ang lumipas nang marating ang isa pa niyang destination.

Napangiti siya ng makita ang malaking bahay sa harap.

Bago bumaba ay mabilis niyang ini-scan ang sarili at isang iglap lamang ay nagpalit siya ng anyo.

Nang makita siya ng guard ng bahay ay ngumiti pa ito sa kanya at tumungo. Pinapasok rin siya ng mga katulong at sinabing tatawagin lamang ang may-ari nito.

Ilang sandali pa ay bumaba na ang taong hinahanap niya at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

"Z-zeck?!"

--