webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
77 Chs

Devil 62: Stormy Night

Zero's Pov

I was running and just entering in our house coz I'm soaking wet of the rain when I heard someone's talking in a balcony. Kakahatid ko lamang kay Ally.

Malakas ang ulan kaya mabilis akong nabasa pagbaba ko sa kotse kanina. Mukhang may bagyo pa yata.

Bahagya akong naglakad papuntang balcony at hindi na inintindi ang ulan. Hindi ko naman ugaling makinig ng usapan ng iba ngunit mukha kasing galit ang nagsasalita at isa pa, madalang lang puntahan ng mga kasama ko sa bahay ang balcony.

"What are talking about? What do you mean? I know what I'm doing..! I did what you said..! Stop it! Just do the same thing as before.. And stop calling me..!" Anang pamilyar na boses na waring may kausap sa phone. Inis siyang napahawak sa ulo at umalis. He didn't saw me dahil sa likod siya dumaan.

Dad? Why is he angry? I never saw him angry before!

Hindi ko maisip kung ano ang nangyari at galit na galit si Dad.

Is it about business?

Napabuntong hininga ako saka napailing nalang.

If it's about business I don't think I can help him with that. He should talk to kuya Eric but he's in the New York now. Umuwi na silang pamilya sa state after naming umuwi galing Zambales. Third insist on living here but he didn't have a choice.

Pagpasok sa loob ay nadatnan kong nasa living room si mom at may kausap sa phone.

Napatingin siya sakin at sinenyasan akong lumapit.

Ngunit sumenyas akong basa ako at aakyat nalang muna upang magpalit ng damit. Agad akong nagshower sandali at nagbihis saka muling bumaba.

Lumapit ako kay Mom at niyakap siya sa likod. I kiss her cheek too at naupo sa sofa. Tuloy parin siya sa pakikipag-usap sa phone. I think it's about business too.

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit galit si Dad ngunit mukhang matatagalan pa ang pakikipag-usap nya sa phone kaya naman sumenyas ako na aakyat nalang muna ulit ako sa kwarto ko. Napangiti naman siya at tumango.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang masalubong ko si Madam.

Bahagya akong natigilan at napatingin sa kanya.

Mukhang hindi pa niya ako napapansin dahil nakatungo siya at kausap si Erhis na waring nasa kwarto pa nito dahil malakas itong nagsasalita upang marinig ni Madam.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ally.

"Have you ever embrace her and kiss her cheeks or have her bless you when you come home? Have you ever look in her eyes when she's talking to you?"

Totoo kaya na dahil lang sa matanda na sya kaya cold ang trato nya sakin at dahil hindi ako ang unang pumapansin sa kanya kaya hindi nya rin ako pinapansin?

Kung lalapitan ko ba sya, hindi ba sya magagalit sakin?

What if hinihintay nya lang din pala ako na unang kumilos upang mabuwag na ang mataas na pader na nakaharang sa pagitan namin.

Bahagya akong kinabahan nang matigilan siya at mapatingin sakin.

Takang tiningnan niya ako.

"What are you doing, Ezequil? You're blocking my way. Is there something you want to say?" Takang tanong niya.

Napalunok ako ngunit hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya.

So, this is her looks when she's talking to me.. She's old yet still beautiful. She looks like Edward. Kaya siguro paborito nya ang isang yun.

"Ezequil!" Bahagyang sigaw niya dahil hindi ako sumagot sa tanong nya.

Bahagya naman akong nagulat dahil para akong natulala kanina.

"Grandma.." Anas ko at marahang lumapit sa kanya at kinuha ang kanyang kamay na sya nyang kinagulat.

"W-what are you doing?" Atubiling tanong niya at bakas ang pagkagulat.

Marahan kong itinaas ang kamay niya at inilapit sa aking noo.

"Mano po, grandma. Kararating ko lang po." Saad ko habang nagmamano sa kanya.

Batid kong nagulat siya sa ginawa ko.

Nang alisin ko ang kamay niya sa noo ko ay bakas parin ang gulat sa mukha niya.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Erhis na waring pababa din.

"B-bunso..!" Atubiling bulalas niya. Ngunit hindi ko siya pinansin.

I'm sure she'll praise me mamaya.

Mas lumapit pa ako kay Madam at marahan siyang niyakap saka hinalikan sa pisngi.

Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Buong buhay ko ay ngayon ko lamang nayakap ng ganito si grandma. Dahil buhat nang maliit pa ako ay never siyang lumapit sakin.

"Grandma, I'm sorry po sa lahat ng mga kasalanan ko. At pasensya narin po kayo kung ngayon ko lang ginawa ang bagay na ito. Sorry po kung hindi ako naging mabuting apo sa inyo. I just wanted you to look at me like the way you look with my brothers and sister. I love you grandma." Saad ko. Ramdam kong nanubig ang gilid ng mga mata ko.

Hindi naman mailarawan ang gulat sa hitsura ni Madam. Halatang hindi niya inasahan ang ginawa ko.

But I hope after what I did. She'll open her heart to me now. I'm her grandson too. I know she loves me and she's just hiding it inside to herself. She often bring up my mistakes for me to correct it.

Grandma.. After this night. I will always do this to you for you to remember that I'm your-!

Pakk!!

Nanlaki ang mga mata ko nang mapabiling ang mukha ko sa lakas ng sampal na natamo ko.

...grandson too..?

"Grandma!" Sigaw ni Erhis at mabilis na lumapit samin.

Parang biglang tumigil ang paligid ko.

Halos hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong natuod at maging ang pagbaling ng mukha ko sa gilid ay di ko magawang ibalik sa harap.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

W-w-whyyy..?

"INSOLENT!! HOW DARE YOU TO TOUCH ME! WHAT AN ILL MANNERED CHILD! HOW DARE YOU!!" Galit na sigaw ni Madam.

"Grandma please calm down. Zero was just paying his respect to you." Ani Erhis.

"Paying respect? He dares to touch me! Is that what you called respect?" Sigaw niya.

What? W-what's wrong with that? Isn't it the way Eric, Eros, Edward, Erhis, even Dad and other people around her pay her respect? But why...why can't I?

Sa wakas ay naigalaw ko ang mukha ko at marahan akong napatingin sa kanya. Ni hindi ko namalayan na nailayo na pala siya ni Erhis sa harap ko. Nasa itaas na sila ng hagdan ngunit sige parin sa pagsigaw si Madam.

She's pointing her fingers at me at halos mabingi ako sa mga sinasabi nya.

"You rude! Napakawalang galang mo! Napakawalang hiya mo! You're nothing but an insolent bastard-!" Nanginginig sa galit na sigaw ni Madam habang nakatingin sakin.

I felt my tears running away from my eyes.

"Mom!" Sigaw ni Dad na agad na napatakbo kasunod si mommy.

Nilapitan ni Dad si Madam habang hinawakan naman ni Mom ang braso ko.

"What happened here?" Gulat na tanong ni Dad habang palipat lipat ng tingin samin ni Madam.

Hindi ako nakasagot. Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa sakit.

"Dad, Zero was just...just...paying respect at grandma." Umiiyak na sambit ni Erhis.

"THAT IMPOLITE CHILD DARE TO TOUCH ME! I TOLD YOU HE'LL BRING DISGRACE IN THIS FAMILY! I TOLD YOU NOT TO RAISE HIM! LOOK WHAT HAVE YOU DONE! LOOK WHAT HE BECOME!!" Namumula sa galit na sigaw niya kay Dad.

"Oh God! Zero anak. Are you alright?" Umiiyak na ring tanong ni Mom at niyakap ako ngunit hindi naalis ang tingin ko kay Madam.

Hindi ko lubos maisip at maintindihan kung ano ang nangyayari.

"Mom please. Just calm down. It's not safe for your health if you get this angry! You have to calm down!" Ani Dad habang pinapakalma si Madam.

"GET HIM OUT OF MY SIGHT! GET HIM OUT OF HERE!!" Sigaw ni Madam habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.

"Grandma..! Bunso..!" Umiiyak na anas ni Erhis habang di malaman ang gagawin.

"Anak halika na muna sa ibaba." Ani mom at marahan akong iginiya.

Ngunit hindi ako nagpatinag.

"Zero anak. Let's go. Hindi makakabuti sa grandma mo kung makikita ka nya." Ani Mom at pilit akong hinihila pababa ng hagdan.

Napansin naman ni Dad na hindi ako tumitinag.

"Zeroin, just go with your mom. I'll talk to you later." Ani Dad at muling inasikaso si Madam na noon ay napaupo na at medyo nanghihina.

"Zeroin! Did you hear me?!" Galit na sigaw na rin ni Dad dahil hindi parin ako tumitinag.

Why? Dad? Why do I have to go? I didn't do anything wrong!

Why do you want me to go??

Gusto ko yung itanong ngunit waring naumid na ang dila ko. I can't even move my feet. And most of all. I can't even shift my eyes from Madam.

"Zeroin anak, let's go na please. Lalong lalala ang sitwasyon kapag nagmatigas ka pa." Ani Mom na umiiyak na.

"Bunso, let's go. Dun muna tayo sa baba okay?" Masuyong saad naman ni Erhis na lumapit narin sakin.

"Why?" I finally said.

Natigilan sila sa narinig.

"WHAT DID YOU SAY??" Hindi makapaniwalang bulalas ni Madam while glaring at me.

"Why do I have to go? I didn't do anything wrong. Why are you so angry with me grandma. I'm your grandson too. Why can't I pay you respect with that. My brothers and sister are always doing that to you. Why can't I?" Tanong ko habang nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.

"Hah! Did you see Enrique? Did you see and hear that insolent child!!" Asik ni Madam kay Dad.

Napapikit naman ng mariin si Dad at bumaling sakin.

"Zeroin, please go with your mom and sister. I'll take your grandma in her room." Ani Dad na bahagyang huminahon.

Napalunok ako at akmang aalis nang muling magsalita si Madam.

"How rude! I told you not to bring him here! I told you not raise him! You never cared for what I told you. He'll bring bad luck in this family!"

"Mom please stop it! It's just a simple touch and he just did that for respecting you! Why do you have to be enraged about it?!" Galit na saad ni Dad.

Nanlaki naman ang mga mata ni Madam.

"Look at you! You're talking back to me now because of him! All of you are turning your back on me because of him!" Ani Madam at nagsimulang umiyak.

Hinila siya ni Dad upang dalhin sa kwarto ngunit hindi siya nagpatinag bagkus ay hinarap ako.

"Did you see what you did to this family, you insolent child!? How can you be so naive and ignorant for not noticing that I don't like you! I don't even think of you as my-!"

"Mom! Enough!" Awat sa kanya ni Dad.

She don't like me? So, it's not just my hunch? It's true that she didn't ever like me?

"ZEROIN! GET THE HELL OUT OF HERE NOW!" Galit na baling sakin ni Dad.

"WHY??" Ganting sigaw ko sa kanya. Punong puno ng sama ng loob ang puso ko. Bakit kailangan kong umalis.

Bakit kailangan kong umalis ng walang paliwanag? Hindi nya ba narinig ang sinabi ni Madam?

"ZEROIN!" Galit na singhal ni Dad. He's being furious now.

"WHY DO I HAVE TO GO? Why don't you like me grandma? What did I ever do to you for you to treat me like this? Why do you always ignoring and neglecting me? Why? Why-!"

"Zeroin enough!" Sigaw narin ni Mom sakin.

"YOU'RE ASKING ME WHY? BECAUSE YOU'RE A DISGRACE WITH THIS FAMILY!" Sigaw ni Madam.

Para akong sinampal ng paulit ulit sa sinabi nya.

"Mom, please enough! Let's go to your room! Erin, get Zeroin out of here." Ani Dad kay Mom.

Akmang hihilain ulit nila ako ni Erhis nang magsalita ako.

"Grandma, how? How am I a disgrace to this family?"

"Zero please stop it now." Awat sakin ni Erhis.

"Why are you always saying that? Don't you know that every word that comes in your mouth against me stabbing my heart into a million pieces? So, why are you always saying that-!"

"ZEROIN!" Asik ni Dad at hindi na nakatiis na lumapit sakin at marahas akong hinila sa braso.

"Take mom to her room!" Utos ni Dad kay Mom.

Ngunit wala pa man ako nakakakilos nang sumagot si Madam.

"BECAUSE YOU'RE NOT A PART OF THIS FAMILY! YOU'RE NOT A MONTERO AND YOU'RE NOTHING BUT A MERE CHILD ABADONED BY YOUR PARENTS! YOU'RE THE REASON WHY MY OTHER CHILD DIED!!" Sigaw ni Madam na syang muling nagpatigil sa mundo ko.

"MOM!/GRANDMA!!" Bulalas nina Mom, Dad and Erhis.

YOU'RE NOT A PART OF THIS FAMILY!

YOU'RE NOT A MONTERO!!

YOU'RE NOTHING BUT A MERE CHILD ABADONED BY YOUR PARENTS!

YOU'RE THE REASON WHY MY OTHER CHILD DIED!!

Para iyong bombang paulit ulit na sumasabog sa isip at damdamin ko.

"Zeroin, don't listen to your grandma. She's just angry right now!" Tarantang saad ni Dad.

"Zeroin anak, please don't listen with that. It's not true. You're my son." Umiiyak na niyakap ako ni Mom.

"Bunso..don't take it seriously. We're a family." Ani Erhis na yumakap din sakin.

Subalit kahit gaano pa kadami ang sinasabi nila ay tanging ang mga katagang binitiwan lang ni Madam ang tumanim sa utak ko at paulit ulit na umeeco sa isip ko.

YOU'RE THE REASON WHY MY OTHER CHILD DIED!!

YOU'RE NOT A PART OF THIS FAMILY!

YOU'RE NOT A MONTERO!!

YOU'RE NOTHING BUT A MERE CHILD ABADONED BY YOUR PARENTS!

What? I-I'm just an abandoned child?

I'm not part of this family?

Then what about mom? I look at Mom na umiiyak habang nagsasalita. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya. Wala rin akong naririnig.

What about Dad? I look at dad na noon ay muling lumapit kay Madam at inalalayan itong tumayo. May sinasabi rin siya subalit wala akong naririnig. Tila nag slowmo ang paligid ko at bawat galaw nila ay mabagal.

Then I look at Erhis. What about Erhis?

She's crying really hard. I don't want to see her like that.

I can read her lips while she's talking slowly.

Bunso..! Yes, that's what she calls me.

Bahagya akong natigilan nang marinig ko ang paisa isang tunog na iyon sa gitna ng katahimikan ng paligid ko.

Dug....Dug....Dug...Dug...Dug...Dug...Dug...

Marahan ngunit malakas. Kasabay niyon ang matinding sakit.

Dug....Dug....

Sakit na nanggagaling sa puso ko. Sakit na madalas kong maramdaman noong bata pa ako.

Dug....Dug....

Sakit na palagi kong kahinaan hanggang sa paglaki ko.

Dug....Dug....

What about Kuya Eric? Kuya Eros, Edward, Third? Trisha, Ate Tracy, Ate Denny. Sofia? Aren't they my family?

Dug....Dug....

That's what I know. That's what I knew. That's what I love.

Dug....Dug....

I'm not a Montero?

Dug....Dug....

Then...

Dug....Dug....

Who am I?

Dug....Dug....

Walang humpay sa pagtulo ang luha ko kasabay ng nakamamatay na sakit na nararamdaman ko.

Isa lang ang gusto kong gawin sa mga oras na ito.

Umalis. Umalis sa pamamahay na ito. Umalis at magpakalayo layo. Malayo sa kanila.

Salamander!!

I need to call her. I need her right now!

Sinubukan kong bumaba kahit pa nahihirapan akong kumilos.

"Zeroin, where you going? Anak, please just stay with us. We love you..!" Narinig kong wika ni Mom habang pinipigilan ako.

"Bunso, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay. Malakas ang ulan kaya please stay here..!" Malakas na sigaw ni Erhis habang yakap ako sa braso.

Alam kong sumisigaw sila upang marinig ko ngunit tila nasa malayong lugar sila at ang mahinang Eco lamang ng sigaw nila ang naririnig ko.

Muling sumigid ang sakit sa dibdib ko at napaluhod ako sa sobrang sakit nito.

Bu I need to get out here!

Ally! Jack! Salamander! Naririnig mo ba ako? Pakiusap, I need you!

Love! Please....get me out of here.!

"Haaahhh!!! Haaahhh!!" Malakas na paghinga ang pinakawalan ko matapos mawala ang nakamamatay na sakit sa dibdib ko.

Patuloy sa pagsigaw sina Mom and Erhis at pinipigilan akong lumabas.

"Erhis! Call your brothers this instant!" Narinig kong sigaw ni Mom.

Bigla akong nagtaka nang sumigid ang matinding lamig sa kabuuan ko. Napatingala ako at dun ko lang narealized na malapit na pala ako sa nakabukas na pinto ng Mansion. Malakas at wari mo'y galit na galit ang ulan maging ang kulog at kidlat sa labas. Nakikita ko ang liwanag ng kidlat kapag humahagupit sa kalangitan.

Narinig ko ang nanginginig at malakas na boses ni Erhis habang nasa telepono.

She's calling Kuya Eros!!

Naramdaman kong lumuwag ang hawak sakin ni Mom. Sukat doon ay mabilis akong tumayo at sinugod ang malakas na ulan. Agad akong pinanginigan ng katawan nang suungin ko ang bagyo.

Ally!!

Kailangan kong makita si Ally!!

Sumakay ako ng kotse at agad na nilock ang mga pinto nito. Nakita kong lumabas na din ng bahay sina Erhis at Mom at hinayaang mabasa sila ng ulan.

"Zeroin!!!" Sigaw ni Dad na humahangos na sinugod ako. Kinalampag niya ang bintana ng kotse ko at sumisigaw sa labas habang pilit na binubuksan ang pinto ng kotse ko.

Ngunit wala akong naririnig ni isa man sa mga sinasabi niya.

Nang makarating sa gate ay hindi ito binubuksan ng guard. Marahil sinabihan ni Dad ang mga ito na wag akong palabasin.

Bumusina ako ng malakas subalit walang nagbubukas nito.

Nakita ko sa side mirror na humahabol si Dad sakin. Kaya naman wala akong choice.

Hinawakan ko ang kambyo at bahagyang iniatras ang sasakyan saka ko ito pinaharurot sa gate. Nang malapit na ako ay tarantang tumakbo ng guard house ang guard at pinindot ang open button nito.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko pagkalabas ko ng gate. Pakiramdam ko ay masu-suffocate ako kapag nagtagal pa ako sa loob.

Along the way ay nasalubong ko ang kotse ni Kuya Eros kaya mas lalo kong binilisan ang sasakyan. Magaling sa kotse si Kuya kaya malamang na maabutan niya ako. Pagkalampas sa kanya ay agad siyang nag-U-turn upang sundan ako.

Stop! Stop following me!!

Ito naman ang gusto nyo diba? Ang umalis ako!! Now I'm leaving! So stop pretending you want me back to your family!!

Muli kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.

Dug....Dug....

Here it comes again!

Napahawak ako sa dibdib ko nang muling sumigid ang sakit roon.

Naoperahan na ako pero bakit palagi parin syang sumasakit??

O baka naman....hindi talaga nila ako pinaopera dahil hindi naman ako isang Montero?

Napapikit ako sa isiping iyon.

At parang video presentation na nagflash sa utak ko ang lahat ng masasayang alaala ko sa pamilya ko.

Dug....Dug....

Inalala ko rin ang mga panahong madalas akong pagsabihan at kagalitan ni Madam.

Now I know and I understand kung bakit ayaw nya sakin.

YOU'RE THE REASON WHY MY OTHER CHILD DIED!

Si uncle Ezequil?

Ako ang dahilan kung bakit sya nawala? Anong ginawa ko? Ni hindi ko sya nakitang buhay dahil namatay sya ng isilang ako! Pero totoo ba yun? Panu nila malalaman na isinilang ako? Nandun ba sila nung ipanganak ako?

YOU'RE JUST A MERE CHILD ABANDONED BY YOUR PARENTS!!

I'm just an abandoned child! Kung ganun...

Kung ganun.... SINONG WALANG KWENTANG MAGULANG ANG UMIWAN SAKIN SA ERE!!???

I HATE THEM ALL!!! THEY'RE NOTHING BUT BUNCH OF LIARS!!!

Dug....Dug....

Ugh!! Haaah! Haahh!

Dug....Dug....

Naririnig ko ang busina ng sasakyan subalit hindi ko magawang lingunin ito. Masyadong masakit ang dibdib ko at halos hindi ako makahinga.

Nagpreno ako ng sasakyan ay napalugmok ako sa sakit.

Sunod sunod na busina ng sasakyan ang narinig ko.

Baka si Kuya Eros yun.

Ngunit habang papalapit ay parami ng parami ang naririnig ko.

Marahan akong bumangon mula sa pagkakalugmok at nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang nagsisilawang mga ilaw ng sasakyan na papasalubong sakin!

Dug....Dug....

Ally..!

Dug....Dug....

Mabilis kong kinuha ang seatbelt ko ngunit huli na ang lahat!

Salamander!!!

At napapikit nalang ako nang sumalpok sakin ang mga ito.

I'm in the middle of the road so what do I expect?

Waring nag slowmo muli ang paligid ko. Kitang kita ko ang bawat detalye ng mga nangyari. Maging ang pagkabasag ng windshield ko at paglabas ko mula sa basag na salamin ng kotse ko at pagtilapon ko paitaas.

Dug....Dug....

Ally..!

Dug....Dug....

Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid ko nang nasa ere na ako.

Nararamdaman ko ang malakas na patak ng ulan sa mukha at katawan ko.

Napatitig ako sa madilim na kalangitan at kasabay ng paglaganap ng maliwanag na kidlat ay bumulusok ako paibaba.

Is this the end of me?

Dug....Dug....Dug....Dug....Dug....Dug......

Salamander.

I need you. Love.

Kasabay niyon ang pagbagsak ko sa walang hanggang kadiliman.

--