webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
77 Chs

Devil 5: Memories

Shane's Pov

"What a bunch of idiots!" Napatigil pa ako ng marinig ang galit na boses na iyon.

Psh..Zero.

Napatingin ako kay Jack na noon ay parang walang narinig habang nag aayos ng helmet niya. Kasalukuyan kaming nasa parking lot at naghahanda upang umuwi na. It's almost sunset at kailangan naming makauwi bago lumubog ang araw dahil nag aalala ako sa kalagayan ni Jack at baka kung ano pa ang mangyari kapag inabot kami ng dilim sa daan.

"Eh boss, totoo namang magaling ang babaeng yun eh. Binugbog nya kaming lahat. At sanay talaga sya sa pakikipaglaban. Hindi sya ordinaryong estudyante." Anang isa pang boses. I guess ako ang pinag uusapan nila.

Psh, talagang sanay na ako at ang mga katulad nyo ay sisiw lang sakin.

"Ano? Para dadalawang babae lang hindi nyo pa kinaya sa dami nyong yan? At sinong babae ang sinasabi nyong sanay makipaglaban? Yung maangas na yun?"

"Eh, pareho naman silang maangas eh. Pero yung babaeng kulay blond ang buhok ang nakalaban namin samantalang wala namang ginawa yung isa at kumain lang habang nakikipabugbugan samin ang kasama nya."

"What!?" Halos di makapaniwala si Zero. Bahagya pa akong natawa sa reaksyon niya kaya napalingon sakin si Jack.

"What so funny?" Aniyang walang emosyon.

"Ah..hehe..wala naman..nakakatawa kasi silang pakinggan." Napangisi lang siya.

"Stop eavesdropping Andy, lets go. It's getting dark." Aniyang sumakay na sa motor nya at pinaandar iyon. Agad naman akong napasakay din sa motor ko at pinaandar yun. Nang lumakad ang motor ni Jack ay nakita ko pang lumabas sa kung saan sina Zero ay kunot noong nakatingin samin.

Psh, anong klasing reaksyon yan? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nakamotor?

Bahagya pa akong napangisi saka sila tinalikuran at sumunod na kay Jack.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay na kasalukuyan naming tirahan ngayon. Pagpasok palang sa loob ay naamoy na agad namin ang niluluto ni Tanda.

Haaist, pasaway talaga..sya na naman ang nagluto. Alam nya namang di kumakain ng luto naming dalawa si Jack.

"What's that smell?" Tanong ni Jack saka deretsong umupo sa sofa.

"Haay, a meat maybe. He cooked again." Napapailing na sabi ko.

"Oh, you're here already?" Nakangiti pang bungad ni Tanda habang hawak pa nito ang sandok.

"What are you cooking?" Iritabling tanong ko.

"Well, its a tocino...it's delicious meat that has a sauce and food color on it. You should try it."

"Jack doesn't eat meat Tanda."

"Eh hindi naman sya eh. Ikaw ang inaalok ko. Para sating dalawa yun." Nakaismid niyang sabi saka tumingin kay Jack.

"Nakaready na ang panligo mo. At ang mga iluluto mo." Aniya rito saka muling bumalik sa kusina.

"He loves you." Nagulat pa akong napatingin kay Jack. At nakangisi lang syang nakatingin sakin.

"What are you saying? He only love his works not me." Tigas na tanggi ko.

"Tss, I know you love him too. Don't deny it. I know you." Aniya saka walang sabing umakyat sa itaas.

Psh, if he loves me he will never put me in danger like this.

****

Jack's Pov

Agad kong hinubad ang aking jacket at blouse ng makita ang bathtub na punong puno ng yelo. Mabilis ko ring inalis ang natitirang saplot sa katawan ko saka sabik na binabad ang katawan sa tub.

Hmmm..it's so refreshing.

Isinandal ko ang aking ulo sa gilid ng tub at kumuha ng dalawang ice cube at inilagay sa mga mata ko. Ngunit hindi ako nakuntento kaya naman humugot ako ng malalim na hininga saka lumubog sa tubig na daig pa ang north ocean sa lamig.

At mula sa pagkakalubog ko ay ipinikit ko ang aking mga mata saka inalala ang lahat ng nangyari sa buong maghapong iyon.

Bahagya pa akong natawa habang inaalala ang sari saring reaksyon ng taong yun.

Ezequil Zeroin Montero. Natsu for short. Tss.

Kakaiba ang taong yun. Kahit alam kong madalas syang makaramdam ng kaba sa harap ko ay palagi parin siyang nagkakaroon ng lakas ng loob na harapin ako.

Maybe because he doesn't know me yet. But what will he do the moment he found out who truly I am?

At napangisi ako sa bagay na iyon ngunit agad ding nawala nang may maalala akong pangyayari which is twenty years ago.

Kamusta na kaya sya? Does he still thinking of me? Or he already forget about me. Did he thought that I'm already dead? Well, it's been twenty years what do I have to expect? That he's still waiting for me? Tss. Stupid! Maybe he have his own family now Ally. Stop bothering him anymore.

Sa ilang taon na pananatili ko rito ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mahanap sya but I can't find him. Even if I used my bead I still can't figure out where he is.

Whenever you are. I hope you're in a safe place, my love.

And a quick memories flash in my head just by thinking of him.

"Please don't do this to me love, please!" He cried out as he held my hand while fighting not to let me go.

We're at the cliff of the mountain and he's trying to save me from falling.

He grip my hand and trying his best to lift me up.

My tears falls down as I saw his tears.

"We never make it out. Please love.. just let go of my hand. Save yourself." I said in despair.

"No! No please! Don't let go. I don't want you to let go. Please, I can do this. I can save us all. Just trust me okay?" He said with full of hope.

"I always trust you and you know that. But this time...you have to trust me, love. You have to live. Live your life and never wait for me anymore. Find a girl who will fullfil the love that I couldn't give to you. Promise me."

Pains written on his face.

"Why are saying this to me? Why are you pushing me to find someone else when you know that you're the only one for me..." He said in tears as he continue his saying.

"...remember the day that I told you that our hearts belongs to each other? That's true. If you die right now as well as my heart. And don't ever pair me up wih someone else coz it's not gonna happen. Just hang on. I can lift you up. Just hang on, please."

I know he can't make it. There's a rope encircling my body which connected to a cage at the bottom. If he tries to pull me up tha cage will only pull me down. And there's a possibility that he may pulled down also, so I have to make a decision.

It's me or us.

But I don't want him to die wih me. He has so many dreams that he wants to achieve. I want him to reach that dream.

"Always remember that I love you. And no matter what happen. I will always love you."

"No! Please!! Say it when we save ourselves first." He exclaimed.

"And if I live again. I promise I will find you. But please don't wait for me. Just be happy and don't let our memories take your happines for the near future."

"Ally please!! Don't say that! Please!"

"Good bye my love..." I said as I smiled to him.

"Allyna!! Don't!!! Allyna!!!"

That moment was being slow as if I was pulling down below in a slow motion. I smiled at him while he's still trying to reach my hand.

I have to let him go. I have to make a sacrifies to save him. Because I love him.

Good bye my love!

I closed my eyes as I'm about to reach the ground.

Napabangon ako sa alaalang iyon at habol ang hiningang napatitig sa kawalan.

I thought I was dead.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at wala sa sariling napahawak sa dibdib ko. Ngunit kahit isang tibok ay wala akong maramdaman doon.

Or maybe I did die that day. But those people revive me again.

Just to be a monster.

Napabuntong hininga nalang ako saka umalis na sa tub at mabilis na nagshower.

"Shane, niluto ko yan para sayo kaya kainin mo naman."

"Ayoko nga eh. Ba't ba ang kulet mo? Yung iluluto nalang ni Jack ang kakainin ko."

Tss. Here we go again. Napailing nalang ako habang nagbibihis. Habang naririnig ang pagtatalo ng dalawa sa kusina.

Agad akong bumaba at inabutan ang dalawa na waring may nakaharang na pader sa pagitan nila.

"Oh, Jack..magluluto kana ba?" Agad na bungad ni Andy.

"Mm." Sagot ko saka kumuha ng apron at sinuot.

"Okay, tawagin mo ako pag tapos kana ha? Sasabay nalang ako sa iyo." Aniyang inirapan pa si Tanda. Napangisi naman ako saka tiningnan ang nakangusong si James. Ngunit agad ding akong natigilan.

"Jack, are you okay?" May pag aalalang tanong ni James kaya naman napalingon din si Andy.

"They're coming for us" Saad ko.

"Who?" Kunot noong tanong ni James.

"Who do you think I'm talking about?"

"What? They found us?" Takang tanong ni James.

"This can't be happening." Kinakabahang bulalas ni Andy.

"Not yet. But they're near to us. And sooner or later they will find us here." Saad ko.

"We have to do something before they found us James." Hysteria ni Andy.

"I know. Don't worry, I'll make sure they won't find us." Wari namang napipilitang sagot ni James.

Napabuntong hininga ako.

"I have an idea." Sabay silang napalingon sakin.

"What is it?" Sabay din nilang tanong.

"They only tracking me because I'm the only one they want. And they can only track me because of my beads. If I don't have it they'll never tracked me and they will never find us."

"What do you mean Jack!" Naguguluhang tanong ni Andy. Pero mababasa sa mga mata niya na alam na niya ang ibig kong sabihin.

"You can't do that Jack!" Tigas na tanggi ni James.

"I still can live without it James."

"This is ridiculous!"

"I can handle it. I promise." Nagkatinginan nalang silang dalawa ngunit bakas parin sa mga mukha nila ang pagtutol.

But it's the only way to save them.

*****

Zero's Pov

Hindi parin ako makapaniwala na sila ang may ari ng dalawang motor na iyon.

Nadagdagan na naman tuloy ang angas ng babaeng yun na animo'y sanay na sanay sa motor. Nakadagdag din kasi sa angas niya ang naiibang klase ng motor niya.

At nakadagdag din yun ng asar ko sa kanya.

Damn it. Bakit marunong syang magmotor? Inis pang asik ko.

Ilang sandali pa akong nakatingin sa nilabasan ng dalawa. Nang mamataan ko sina Drew at Dy. Mabilis kong senenyasan sina Renz na umalis na at agad naman silang tumalima.

"Hey dude, ba't nandito ka pa? Nasan ang Heart mo." Bungad ni Dy. Napaismid ako nang maalala si Heart.

"May pinuntahan sya. Kasama sina Ashley."

"Ows, sigurado kang si Ashley ang kasama?" Sinamaan ko sya ng tingin.

"Wag mo nga akong simulan." Asik ko.

"Haha..binibiro ka lang eh. So, ibig sabihin pwede kang sumama samin?"

"Saan na naman?"

"Bibisita sa bar ni Jude. Matagal na rin tayong di nakakapunta dun eh."

"Sasama ka?" Tanong ko kay Drew.

"Jude is my friend also, why not." Sagot naman niya.

"Okay. Let's go." Nakangiting saad ko saka agad na lumapit sa kotse ko.

Habang nasa sasakyan ay di ko mapigilang isipin ang mga nangyari kanina. Ang nakakabwisit na angas ng babaeng yun. Ang pagsipa nya sakin. Ang mga mata nyang kakaiba, maging ang kulay. Ang walang emosyong mukha nya at ang kagaspangan ng ugali nya. Kung pagsasamahin ang lahat ng yun ay total package talaga. Devil.

Tsh, tingnan natin kung sinong mas devil sating dalawa. Humanda ka sa revenge ko devil girl.

Inis na binuksan ko ang music player ko saka nagfocus sa pagdadrive.

♪♪ she's a monster...beautiful monster..but I don't mind...and I need her..say I need her..and I don't mind..♪♪

"What the hell?" Lalo lang nadagdagan ang inis ko sa narinig na kanta.

"Yes, she's a monster but not a beautiful monster. Monster lang sya!" Inis pang sabi ko habang nakatingin sa music player.

Jezz, what am I doing?

Pinalitan ko nalang ang kanta saka nagpatuloy sa pagdadrive.

Nang makarating sa bar ay sabay sabay pa kaming pumasok tatlo. Kukunti palang ang tao roon dahil masyado pang maaga. Agad kaming pumunta sa favorite spot namin.

"Mm...mukhang wala pa si Jude ah." Ani Dy saka nagpalinga linga.

"Baka nasa loob lang." Sagot ni Drew.

"Ano? Oorder na ba tayo?" Tanong ni Dy.

"Okay lang sakin." Sagot ko.

"Tawagan mo nalang si Jude." Ani Drew.

"Okay, wait lang ha?" Nakangiting wika naman ni Dy saka kinuha ang cp.

"Okay ka lang ba?" Napatingin pa ako kay Drew nang tanungin nya ako.

"Of course. Why did you ask?" Takang tanong ko din.

"I'm just asking. Ang tahimik mo kasi."

"Tsh, I'm always like this Drew."

"Yeah, you're always like that when something's bothering you."

Kinunutan ko naman sya ng nuo.

"What are you trying to say?"

Bahagya siyang natawa. "Nothing, it's been a long day. And there's a lot of things happened today."

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

"I thought so too."

"Sorry for what I've said. I'm just concerned for you. I know about the rules, kasama ako sa nagtatag niyon but..we have no idea who we are dealing with. Kaya nag aalala lang ako sa kung anong pwedeng mangyari." Seryosong wika niya.

"Beside, the way that Mr. Rider said those things to us. I know he's serious about it." Dagdag nya pa.

"I get your point Drew, pero kilala mo ako at hinding hindi ko mapapalampas ang ginawa sakin ng babaeng yun. You have no idea what I felt when she kicked me and healed me. I felt like I'm the most pathetic person in the world. And I hate it. You know I hate it." Hindi ko na naman napigilang magtaas ng boses.

"Okay, I know. That's why I'm sorry." Matagal ko siyang tinitigan at ganun din naman siya sakin. I know he's just concerned about me at naiintindihan ko yun. Pero minsan kasi ay parang naawa lang sya sakin.

And I hate that. I hate being pathetic.

"Baka mainlove na kayo sa isa't isa nyan." Sabay pa kaming napalingon kay Dy na noon ay tatawa tawang nakatingin samin.

"Shut up!" Si Drew.

"Fuck off!" Ako.

"Hahaha! Ang sweet nyong dalawa eh. Kulang nalang langgamin kayo dyan sa lagkit ng titigan nyo. Hahaha!"

Nagkatinginan kami ni Drew at bahagyang napangiti dahil sa parehong idea na pumasok sa utak naming dalawa.

"Uy, uy...teka, mukhang kinakabahan ako sa tinginan nyong yan ha?" Bahagya pang lumalayo na wika ni Dy.

"You gonna love it dre." Nakangising saad ko saka tumayo habang palapit sa kanya.

"And it's so quick so don't worry." Nakangisi ring saad ni Drew na noon ay tumayo na rin.

"Uy mga dude, friends tayo diba?" Nahihintakutan pang bulalas ni Dy.

"Yes we are." Sabay pa naming sagot at sinimulan na ang plano.

"Aaaaaaaaahhhhhhhh!!" Sigaw ni Dy habang kumakaripas ng takbo habang habol naman namin sya ni Drew.

"Hoy Cody bumalik ka dito!" Natatawang sigaw ko habang hinaharangan ang daanan nya.

"You can't run from us Dy!" Sigaw din ni Drew habang hinahabol si Dy. Tawa naman ng tawa ang mga naroon sa ginagawa namin.

"HOY! Ginawa nyo na namang playground ang bar ko!" Nahinto kami sa lakas ng boses na iyon ni Jude.

"Jude! Pare tulungan mo ako hinahabol ako ng dalawa!" Hinihingal pang pakiusap ni Dy saka mabilis na lumapit kay Jude.

"Kita ko nga eh. At ginawa mo pang maze ang mga mesa ko."

"Jude, help me. Hide me!" Sigaw nya saka pilit na isinisiksik ang sarili sa maluwang na damit ni Jude.

Abnormal talaga!

"Hoy Cody ano ba! Hindi yan taguan!" Singhal naman sa kanya ni Jude habang pilit na binabawi ang nahawing laylayan ng kanyang t-shirt.

"Ah..haha, sorry pare akala ko kasi duster ng mommy ko eh." Natatawang biro pa ni Dy saka tumakbo palayo dito.

"Loko ka talagang bubwit ka!" Sigaw naman ni Jude. Matabang tao kasi si Jude at halos kalahati nya lang si Cody. He's older than us. Halos kaedad na nya si Edward pero malapit namin syang kaibigan. May asawa na rin sya at kambal na anak.

Matapos ang nakakapagod na habulan ay naupo na ulet kami sa VIP room namin. Exclusive lang yun para saming apat. At kahit wala kami ay di yun pinapagamit ni Jude sa iba. Ganun kami ka special sa kanya. Para nya narin kaming mga nakakabatang kapatid.

"Anong atin at ngayon lang ulet kayo naligaw dito?" Tanong nya habang nagbubukas ng beer.

"Namis ka namin tsong eh. Namis namin ang makakapal mong pata at tatlong leeg." Natatawa pang biro ni Dy.

"Gago talaga 'tong bubwit na to. Tirisin kita dyan eh." Natatawa ring sagot ni Jude.

"But he's right. Namis ka namin. At saka para kasing ang daming nangyari ngayong araw." Saad naman ni Drew.

"Yeah right. At gusto sana naming magpalamig, nakakainit kasi ng ulo ang mga nangyari." Sabi ko naman.

"Hmmm...let me guess, may nakabangga ka naman ano?" Nakangising tanong niya.

"Sinabi mo pa tsong. Actually, araw araw namang may nakakabangga ang taong nyan sa school eh." Pabida na naman ni Dy.

"Babae yan no?" Waring siguradong sigurado pang hula ni Jude.

"Tumpak tsong. At hindi lang basta babae. Astig at maangas na babae."

"Wow, first time!" At nagtawanan pa sila.

"Talagang first time 'to tsong dahil dehado ang Zero, at talaga naman kung nakita mo kung gaano kaastig si Jack kanina, grabe tsong para syang si project Alice ng Resident Evil. Sobrang angas at sobrang lupet!"

"Hoy Cody! Gusto mong lagyan ko ng busal nyang bibig mo?" Inis pang asik ko sa kanya. Kung makabida naman kasi sa babaeng yun.

"Inano kita? Totoo lang naman ang sinasabi ko ah! Magaling naman talaga sya kaya ka nga nasipa at muntik ng maghingalo kanina eh." Nakanguso pang dagdag niya.

"Anak ng! Baka gusto mo pang ilakas yan nang marinig ng buong mundo." Asik ko pa sa kanya.

"Seryoso Zeroin? Napatumba ka ng isang babae?" Di naman makapaniwalang tanong ni Jude.

"Hindi lang napatumba tsong, tumalsik pa nga sya eh. Buti na lang nga at nasambot sya nung isa pang astig na babae na kaibigan ni Project Alice."

"Cut it off Cody!" Suway naman ni Drew kay Dy nang mapansing di na maipinta ang mukha ko.

"Ah...hehe..I love you dude. Ikaw parin ang idol ko kahit mas magaling at mas astig ang kalaban mo ikaw parin ang hero ko."

"Shut up!" Asik ko lang sa kanya at sinamaan sya ng tingin at tinungga ang laman ng baso ko.

"Pero seryoso bunso ha? Mukhang delikado yang babaeng sinasabi nyo ah. Hinay hinay lang at baka ikaw ang magsisi sa huli." Seryoso namang saad ni Jude habang sakin nakatingin.

"That's what I told him." Agap naman ni Drew. Napaismid lang ako sa kanila.

Nakahanap na naman ng kakampi ang isang 'to.

"I told him na kilalanin muna namin ang dalawang yun dahil mukhang hindi sila basta basta estudyante lang." Dagdag pa ni Drew.

"Totoo yun. Dapat lang talaga na ganun ang gawin nyo. Makipaglapit ka kaya sa kanila? Sabi nga sa kasabihan 'keep your friends close but your enemies closer'."

"I know, nasermunan na ako ni Drew kanina, nasabon pa ni Dean kaya wag mo ng balawan pa." Asik ko sa kanya.

"Ganun ba eh di pag uwi mo isasampay kana ng ate mo?" Pabiro pang saad niya na sinundan pa nila ng tawa.

"Maiba ako. Kamusta naman ang heart mo?" Tanong ni Jude.

"We're fine. May pinuntahan sya kanina kaya hindi ko sya naihatid." Sagot ko naman saka naalalang di pa pala ako tinetext ni Heart.

Sinabi kong itext nya ako eh. Ano na kayang nangyari dun?

"Aba! May nilalakad na palang iba ang heart mo? Haha! Yang puso mo ang tinutukoy ko. Sabi nyo'y nasipa yan kanina? Ano na? Tumitibok pa ba yan?"

"Tsh! Masamang damo 'to at hindi basta bastang namamatay!" Nakangising sagot ko naman sa kanya.

"Mabuti kung ganun. Basta mag iingat ka nalang sa susunod. At saka isa pa kung kailangan nyo ng tulong tawagan nyo lang ako." Aniya.

Alam kong ang mga alaga nyang hudlom ang sinasabi nyang makakatulong samin. Palakaibigan si Jude at alam kong hindi lang kami ang special friend nya dahil ang iba nyang kaibigan ay mga bigatin. At yung iba pa ay may mga dirty works. At pagdating sa bagay na iyon ay wala na kaming karapatang magtanong pa.

--

-itsmejollytheminion