Someone's Pov
"I won't let anything happen to you okay?" Anang binatilyo sa kasamang babae na nanginginig sa takot.
"I'm scared Jack!" Anang babae na naluluha.
He cupped her face and give her a kiss on her forehead.
"Close your eyes. And think of me only." Aniya rito na agad namang sinunod ng dalagita.
"Can you see me?" Tanong niya rito.
Hindi agad nakasagot ang babae ngunit maya maya lang ay tumigil na ang panginginig nito at kumalma na rin ang paghinga nito. Napangiti siya at bahagyang sinilip ang ilang kalalakihan na kanina pa naghahanap sa kanila. Nagtatago sila sa madamong lugar kung saan hindi sila makikita ng mga ito.
Mahina ang puso ng kasintahan niya at madali rin itong kabahan kaya naman kailangan nya itong mailayo sa lugar na iyon bago pa sila mahuli ng mga taong gustong kumuha sa kanila.
"I love you love.." Masuyong anas niya sa kasintahan at bahagya itong hinalikan sa labi. Napamulat naman ang dalagita at matamis na ngumiti sa kasintahan.
Pakiramdam ng binatilyo ay nawala lahat ng pangamba at takot niya nang masilayan ang ngiti ng babae.
Her innocent look and her sweetest smile gives him a courage to fight for their lives.
Napangiti rin siya rito.
"I love you too love." Anang dalagita habang nakatingin ng deretso sa mga mata ng kasintahan. Kahit anong takot at pangamba ang nararamdaman niya ay palagi itong nawawala basta kasama niya ang kasintahan.
He always calms her. And make her feel always loved and happy.
In her thought, she will never live without him and she will do everything for him.
---
"Stay away from me!" Malakas na sigaw ng binatilyo nang makorner siya ng mga taong naghahanap sa kanila.
He was crying, pain all over his face and the emptiness filled his heart as he watch his lovely girl died in front of him.
His love of his life, now lying in front of him without a life.
"Hello Jack!" Nakangising bati sa kanya ng lalaking nakalab gown. He doesn't know him pero mukhang alam na niya kung bakit siya gustong makuha ng mga ito.
"I'm sorry for your loss." Nakangising turan nito habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa ibaba ng bangin.
"Well, maybe this is just the end of her life. Or maybe, this is her destiny." Dagdag pa nito.
He greeted his teeth at galit na sinugod ang lalaki sa harap niya.
"You're fucking son of b*tch!" Sigaw niya rito.
Ngunit bago pa man niya ito mahawakan ay isang malakas na hampas sa likod ang naramdaman niya.
He stumble down in the ground and ached for the pain he felt. Ngunit wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niyang pangungulila sa nangyari sa kasintahan niya.
'Ally!' He screamed inside.
"Get him and bring to the lab." Narinig niyang utos ng lalaki at naramdaman nalang niya ang pag angat niya sa ground.
'I'll be back love..I'll be back! I promise!' He said while looking at his lovely girl slowly gone in his sight kasabay niyon ang pagtulo ng kanyang mga luha.
--
"He can't take it! He's gonna die!" Sigaw ng doctor sa kasamahan nito.
"Get his vital sign!" Sigaw naman isa pang doctor.
Tarantang sumunod ang lahat lalo na ng marinig nila ang mabilis na pagtunog ng monitor na nakakabit sa katawan nito.
He's losing his life.
At napatigil ang lahat nang gumuhit ang isang linya sa monitor at ang nakakabinging ingay nito.
"Give me the antidote, NOW!" Muling sigaw ng doctor na nagpagising sa lahat.
Matapos ang nakakapagod na experiment ay muling naging maayos ang vital sign ng lalaki.
"He's body is not capable for all the elements that we gave him." Anang isang doctor habang chenicheck ang katawan ng lalaki.
Napatiim bagang ang punong doctor na syang kumuha sa lalaki.
"I thought he's the one. But it turns out that he's just like those idiotic project who failed me." Galit na wika ng doctor habang nakatingin sa binatilyong nakahiga sa hospital bed.
"What are we going to do now?" Tanong ng isang doctor.
"If we can't use him. Just kill him." Walang ganang sagot ng punong doctor at nauna nang umalis ng kwartong iyon.
Ngunit lahat ng iyon ay narinig ng walang malay na lalaki.
'I need to get out of here!' Anang isip niya.
"What are we going to do?" Rinig pa niyang tanong ng isa sa dalawang doctor na naiwan sa kwarto nya.
Napabuntong hininga ang doctor na tinanong.
"I'll handle him." Sagot nito.
--
Zero's Pov
Madilim ang paligid na bumungad sakin nang imulat ko ang aking mga mata.
Wala akong maaninag kahit ano at di ko rin alam kung nasaan ba ako.
"Hello!" Tawag ko sa kung sino man ang makakarinig sakin. Subalit wala akong narinig na sagot.
Bumangon ako mula sa pagkakaupo at naglakad sa kadiliman.
"Anybody here?" Muling sigaw ko.
Ngunit tulad kanina ay wala na naman akong narinig na sagot.
Muli akong naglakad sa kadiliman hanggang sa may maaninag akong munting liwanag. Nang akmang pupuntahan ko na ito nang biglang magliwanag ang paligid. Takang napatingin ako sa aking paligid at di ko maintindihan kung bakit at paano ako napunta sa lugar na iyon.
At ang hindi ko maintindihan ay bakit maraming glass tube ang naroon.
Takang lumapit ako sa isa at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Jack na nasa loob ng glass tube habang may tubong nakakonek sa bibig nito at sa oxygen na nasa labas.
"J-Jack?" Tawag ko sa kanya.
"Natsu."
Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang pagtawag na iyon.
Alam kong boses iyon ni Jack subalit wala akong nakitang tao sa likod ko.
Ngunit nagtaka ako nang makita ang isa pang glass tube na may laman ding tao.
Lumingon ako kay Jack ngunit waring mahimbing lang syang natutulog sa glass tube na puno ng tubig.
Muli kong tiningnan ang isa pang glass tube na puno din ng yelo't tubig at tinitigan kung sino ito.
Ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang si Jack ito.
"Jack?!" Takang sambit ko at muling napalingon sa unang glass tube na tiningnan ko at ganun nalang ang gulat nang makitang si Jack talaga ito.
"How did this happen?" Takang anas ko at napatingin sa ilan pang glass tube na naroon.
Agad kong tiningnan ang mga ito at lalo lang akong napaisip at nagtaka kung bakit ang laman ng lahat ng glass tube ay walang iba kundi si Jack.
"What the hell's happening here?" Naguguluhang sambit ko habang nakatingin sa lahat ng glass tube na nasa harap ko.
"Natsu."
"Jack?" Agad akong napatingin sa paligid nang muling marinig ang tinig ni Jack. Parang umeeco sa buong lugar ang boses nya kaya hindi ko matukoy kung nasaan siya.
"Natsu!"
"Jack? Where are you?" Sigaw ko at nagpalinga linga sa paligid.
"Zeroin!"
Natigilan ako dahil boses iyon ni kuya Eros.
Ngunit nasaan sila?
Tumakbo ako habang nagpapalinga linga sa paligid.
"Natsu!"
"Jack!" Sigaw ko. Napagod na ako sa kakatakbo ngunit hindi ko parin alam kung saan nanggagaling ang tinig ni Jack.
"NNaattssuu!"
Natigilan ako nang marinig ang kakaibang tinig na iyon.
Malagim! Malalim! Nakakapangilabot!
Parang boses pa rin iyon ni Jack subalit hindi sya nag iisa. At nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pagtawag nya sakin.
Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran para lang magimbal sa nakita.
Lahat ng babaeng kamukha ni Jack sa glass tube ay nakalabas na. Ngunit lahat sila ay dagling nagbago ng anyo at naging halimaw na may matatalim at kulay pulang mga mata. Mahahabang kamay at matutulis na kuko.
"J-Jack.!?" Nahihintakutang anas ko habang paatras ng paatras.
"I WILL KILL YOU!" Sigaw ng mga ito at ganun nalang ang hilakbot ko nang lahat sila ay sabay sabay na sumugod sakin.
"Aaahhhh!!!" Impit kong sigaw sabay takip ng aking mga mata.
"Natsu!"
"Zeroin! Wake up!"
"Aaarrhhhhh!!!" Impit kong sigaw kasabay ng pagmulat ng aking mga mata.
Unang sumalubong sakin ang nag aalalang mukha ni Kuya Eros.
"Hah! Hah! Hah!" Hingal na hingal na napatitig ako sa kawalan.
What was that?
Napasapo ako sa aking dibdib nang bigla itong sumakit.
I'm sure I had a dream.
"Give me the oxygen!" Rinig kong sigaw ni kuya Eros.
Subalit, ano ba ang napanaginipan ko? At bakit ako natatakot? Bakit pakiramdam ko ay may gustong pumatay sakin? Pero sino? At anong dahilan?
Napapikit ako sa sakit nang waring may kung anong bagay na dumagan sa dibdib ko.
"Aaarrgghhh!" Impit kong daing nang sumigid ang sakit sa buo kong dibdib at ulo. Napapikit ako ng mariin.
"Zeroin!"
"Natsu!"
Jack?
"Natsu!"
Jack! I need you!
"Natsu." Bigla akong napamulat sa tinig na iyon at nabungaran ko ang nag aalang mukha ng taong nasa harap ko at masuyong humahaplos sa pisngi ko.
"J-Jack.." Tanging nasambit ko kasabay ng pagdilim ng paligid.
--