webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
77 Chs

Devil 29: Rescuing the Master

Zero's Pov

"Mga bata gulpihin na yan!" Narinig kong utos ng leader sa mga tauhan nya at nagsilapitan sakin ang mga ito.

Hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng lubid sa leeg at mga braso ko.

"Paano ba yan bata. Lantang gulay ka na mamaya. Ang kinis pa naman ng balat mo parang balat ng babae. Haha!" Anang isang tauhan habang pinapasadahan sa braso ko ang hawak niyang balisong na gawa sa bakal. Sa pagdantay palang nito sa balat ko ay ramdam kong mabigat na iyon.

"Sabi ni boss, masyado ka raw mayabang maglaro. Well, tingnan natin kung makapagyabang ka pa pagkatapos ng gagawin namin." Turan ng isa at sinabunutan ako upang mapatingala sa kanya.

"Ang kinis nga ng balat mo bata. Ano kaya kung pasarapin ka muna namin bago ka namin gulpihin, mukhang ang sarap mo kasi eh." Nakangising dagdag pa nito na nagbigay kilabot sa buong pagkatao ko.

Bwisit! Kinikilabutan ako sa mga sinabi nya!

At dahil hindi ko kayang gumalaw o magsalita manlang ay inipon ko ang lakas ko upang duraan ang mukha nya. Ngunit muntik pa akong masuka ng dilaan nya ang laway na dinura ko sa mukha nya.

Ngumisi siya sakin at nagulat pa ako ng ubod lakas niya akong sampalin na halos dumilim ang paningin ko. I can also taste my own bloob at the side of my lips.

"Simulan na!" Sigaw pa niya at napapikit ako ng mariin nang itaas niya ang kanyang sandata at handa na sa pagpalo sakin.

Ngunit bigla silang natigilan nang may magsalita.

"Hoy mga tatang! Hindi ko yan gagawin kung nanaisin ko pang mabuhay sa mundo." Kalmado at parang walang pag aalinlangang wika ng pamilyar na boses.

Draco?

Nakita ko si Draco na nasa itaas at prenting nakaupo sa sirang haligi ng building.

"At sino ka naman?" Tanong sa kanya ng leader. Agad na naging alerto ang iba at muling kinuha ang kanilang mga baril.

Napabuntong hininga si Draco saka tumalon pababa at aaminin kong ang swabe ng pagkakabagsak nya.

Pero bakit sya nandito? Isa ba ito sa mga palabas nya?

At dahil nadivert na ang atensyon ng mga kalaban ko ay mukhang nalimutan na nila ang tungkol sa tali ko dahil naramdaman kong lumuwag ang pagkakatali sa leeg at mga braso ko.

Napaubo pa ako nang makahinga ako ng maluwag.

"Tsk, tsk, tsk!" Rinig kong palatak ni Draco at dahan dahang lumapit sakin ngunit hinarangan siya ng mga kalaban ko.

"Hoy bata! Kung ayaw mong madamay umalis ka nalang. Baka gusto mong maunang magulpi sa inyong dalawa." Wika ng leader sa kanya.

Nginisian lang sila ni Draco at bahagyang sumilip sakin.

"Master, okay ka lang ba? Hayy, bakit mo naman hinayaang saktan ka ng mga kumag na 'to? Pero di bale, utusan mo lang ako kung anong gusto mong gawin ko sa kanila at susundin ko ng buong puso." Aniya na bahagyang yumukod na naman sakin na pinagtaka ko.

Master? Seryoso ba talaga sya?

Natawa ang mga kalaban ko sa tinuran niya.

"Master? Master mo ang batang ito? Haha! Ikaw ang tauhan nya? Wow, nakakatakot ka ha? Magsisisigaw na ba kami sa kaba?" Anang leader kasabay ng pagtawa.

Nakisabay rin ng tawa si Draco sa kanila. Ngunit naging tuso ang kalaban at bigla nalang syang hinampas ng hawak nitong baril subalit naging maliksi si Draco at agad nyang nailagan ito. Inikutan niya ito at mabilis na sinipa ang kasunod nitong kalaban na pasugod din.

Mukhang nagbalik na ang totoong Draco. Pero bakit nya ako tinutulungan?

At dahil naging abala ang lahat sa pakikipaglaban kay Draco ay sinimulan ko na ring kalagin ang mga tali ko ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali sa braso ko.

"You fucking son of a bitch!" Sigaw ng isa at nanlaki ang mga mata ko nang tutukan niya ng baril si Draco paputukan ito. Ngunit nagulat din ako nang mabilis na nakailag si Draco at parang hindi man lang nag alala na baka mabaril siya.

Napatumba na niya ang dalawa sa sampu.

I never thought na ganito sya kagaling makipaglaban.

Sa nakikita ko kasi ngayon ay mukhang walang takot si Draco sa mga kalaban namin.

Tatlong lalaki ang muling sumugod at nakipagpambuno sa kanya ngunit nakakabilib lang na sobrang bilis ng mga galaw nya at sa ilang iglap lang ay napatumba na niya ang mga ito ng sabay sabay.

Nangunot pa ang noo ko nang bigla niyang kunin ang kanyang cellphone at waring sinagot ang tawag nito.

"Boss..?" Sagot niya rito.

Boss?

What the...boss nya ba ang nag utos na iligtas ako? Pero bakit? Ano ba talaga ang pinaplano nila sakin?

"He's still fine. Don't worry boss, akong bahala sa kanya." Sagot pa niya na bahagyang sumilip sakin habang sinusugod ang isa pang kalaban.

What the...is he really the Draco I used to know?

Minabuti kong makawala sa tali sa braso ko at napahinga ako ng maluwag nang biglang lumuwag iyon at tuluyan ko nang matanggal ang pagkakatali nito.

Mabilis kong pinakawalan ang mga kamay ko at ang nasa leeg ko saka ko sinunod ang nasa paa ko. Ngunit pagkatapos kong matanggal iyon at akmang aalis na sana ako sa pagkakaupo nang magulat ako at mapaigik sa pagtama ng kung anong bagay sa likod ko.

"Ugh!" Daing ko pa at napadapa sa sahig. Sumigid ang sakit sa aking likuran.

"Master!" Rinig kong sigaw ni Draco.

Nang tingnan ko ang taong humampas sakin ay nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nakatutok na sakin ang hawak nitong baril na marahil ay sya nya ring ginamit kaninang panghampas sa likod ko.

"At saan ka pupuntang bata ka? Hindi na sana aabot sa ganito ang lahat kung hindi dumating ang asungot mong alalay!" Sigaw nito sakin at kinasa ang baril sabay walang pag aalinlangan ipinutok iyon sakin.

Napapikit nalang ako at hinintay ang pagtama ng bala nito sa katawan ko.

"Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo tanda!" Rinig kong wika ni Draco na noon ay nasa harap ko na waring sya ang sumalag ng balang para sakin.

"D-draco.." Hindi makapaniwalang bulalas ko.

Hindi ko aakalaing sasaluhin nya ang bala para sakin kahit alam nyang pwede nya iyong ikamatay.

Napabangon ako at mabilis siyang inalalayan dahil baka bigla nalang syang mabuwal.

"Draco? Are you okay? What happen-! What the-!" Gulat at pagkalito ang naramdaman ko nang makitang hawak ni Draco sa kanyang mga kamay ang dulo ng baril na hawak din ng kalaban at ang mas nakakagulat roon ay nakaharang sa butas nito ang hinlalaking daliri niya na animo'y nagsara lang ng tubig sa gripo.

"Master, magpahinga ka na muna at ako na ang bahala sa kanila." Ani Draco na masama ang tingin sa lalaking kaharap na noon ay nanlalaki din ang mga mata sa gulat.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

Nanlilisik ang mga mata niyang humakbang palapit sa lalaking nagtangkang bumaril sakin habang hawak parin ang dulo ng baril.

"Ang lakas ng loob mong hampasin at barilin ang Master ko. Alam mo bang sa ginawa mo ay kamatayan lamang ang pwedeng parusa sayo!" Asik niya rito at lahat kami ay nagimbal sa sumunod niyang ginawa.

Isang malakas na suntok ang binigay niya sa lalaki ngunit ang nakakagulat roon ay bumaon ang kamao niya sa katawan ng lalaki at halos masuka ako nang hugutin niya ang kanyang kamay na hawak ang puso ng lalaki na agad na kinamatay nito.

Napasinghap ang lahat at napaatras sa nasakasihan.

Napahawak naman ako sa ulo ko nang makaramdam ng matinding sakit roon.

Marahil ay dahil sa pagkakapalo sakin kanina ngunit nagtaka pa ako nang parang may kung anong alaala ang biglang lumitaw sa isip ko.

The bloody grounds!

The dead bodies in every corner of the room!

And the monster in front of me who killed those people in the grounds!

Naipilig ko ang ulo ko upang mawala sa isip ko ang kung anumang mga bagay na nakita ko at muling tiningnan ang kaganapan sa harap ko.

Matalim ang tingin na hinarap ni Draco ang ilan pang naroon at ngumisi ng nakakatakot.

"Who's next?" Aniya na may ngiting demonyo.

Napalunok ako ng sunod sunod at nakaramdam ng takot kay Draco.

Alam kong sa pagkakataong ito, Hindi na sya ang Dracong kilala ko.

Agad na nagsitakbuhan ang ilang lalaking natitira upang makaalis na sa lugar na iyon.

Nagulat naman ako nang bumaling sakin si Draco.

"Don't worry master, hindi sila makakatakas sakin!" Aniyang nakangisi at isang kisap mata lang ay nawala na sya sa paningin ko.

Puno ng takot at pagtataka ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

I still can't believe what I just saw! Is that really Draco?

Bakit pakiramdam ko ay isang demonyo ang nakita ko.

"I need to get out of here!" I hysterically said at mabilis na hinagilap ang daan palabas ngunit bigla akong natigilan nang makita si Jack na nasa bungad ng pinto.

"J-jack!"

"Natsu!" She worriedly said as she run to me.

Subalit muling sumakit ang ulo ko at waring nag slowmo ang paligid. Ang marahang pagtakbo sakin ni Jack kasabay ng panlalabo ng paningin ko at ang munting pangitain na muling nagpabilis ng tibok ng puso ko.

The field was red. It was bloody red. At may mga taong nakahandusay sa sahig.

And they're all dead. Covering their body of their own blood flowing in every corner of the field.

Nangilabot ako sa nakita. lalo na nang makita ko ang mga pamilyar na tao na mulat pa ang mga mata habang laslas ang kanilang mga leeg.

Napaatras ako ngunit muntik pa akong matalisod nang maatrasan ko ang iba pang bangkay sa aking likuran.

Napatingin ako sa aking kinatatayuan. At dun ko lang napagtanto na tanging ang kinatatayuan ko lang ang walang bahid ng kahit isang patak ng dugo.

"No one dares to hurt my Natsu!"

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon para lang mapanganga nang makita ang pamilyar na babae na hawak hawak sa leeg ang isang may edad nang lalaki. Hindi na sumasayad sa lupa ang paa nito habang angat sya nito gamit ang isang kamay.

At muntik pa akong mapasigaw nang bigla niyang baliin ang leeg nito nang hindi ginagamit ang isa niyang kamay.

Napasinghap ako nang walang buhay na bumagsak sa sahig ang matanda.

Nang muli kong tingnan ang babeae ay nagulat pa ako nang makitang nakatingin narin sya sakin.

Wala akong makitang pagsisi o takot sa mukha nya. As if she intended to kill all of them.

Dagling sumigid ang kaba sa dibdib ko nang maglakad siya palapit sakin.

Mabilis na tumibok ang dibdib ko na waring bigla nalang ding hihinto anumang sandali.

At lalo lang akong kinilabutan nang makitang kulay pula na ang mga mata niya na parang bampira na uhaw sa dugo.

I-is she really a devil? Literally!!!

I want to run. But I can't move my body.

I was stiffened when she touch my cheeks. Napapikit nalang ako nang dahan dahan niyang ilapit ang kanyang mukha sakin.

Is she a vampire? And she's going to bite me!!!

"Natsu."

Salamander!!!

"Natsu!"

Muli akong bumalik sa kasalukuyan nang marinig ang malakas na pagtawag sakin ni Jack.

Nakaluhod na siya sa harap ko habang inaalalayan ako. Noon ko lang naalalang bigla akong natumba matapos sumakit ng ulo ko.

"Jack..!" Nanghihinang sambit ko sa pangalan niya.

Puno ng pag aalala ang mukha niya.

"Hey Natsu, hang in there. I got you okay?" Masuyong saad niya habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Jack.." Muling sambit ko at halos panawan na ako ng ulirat at bago pa man ako lamunin ng dilim nang bigla kong makita ang kakaibang nilalang sa likod ni Jack.

Mukha itong anino na may matutulis na pangil at nanlilisik na kulay pulang mga mata. Meron itong mahahabang kamay at matulis na kuko ngunit ang nakakagulat ay bigla itong lumaki na halos sumakop sa buong lugar habang nakatingin sakin ng masama.

'I WILL KILL YOU!'

--