webnovel

Warrior Five - Redentor

Red is Back. Terrenz thought she had forgotten about him for it has been 5 years. But old sparks rekindle, forgotten memories are brought back to life and the lost love continued... Yet, the old pain comes along... Will it be love to last this time or the long awaited closure?

jaineyjane · Célébrités
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Phase 1:Bring Her To The Paradise

It was not an inhabited island. It's more of a natural beauty na kailangan lang i-preserve rather than i-beautify. Terrenz can't help but to fall in love in it. From the greenery and white sand, everything is mezmerizing.

"You want me to work on this?" sarkastikong turan ni Terrenz kay Red na kasunod niyang bumaba ng yate. Humarap siya dito.

Napalingon din si Red sa kaniya habang inilalapag ang maletang gamit ni Terrenz. "I know it's a lot of hardwork, but I know you can work on it."

"A lot of hardwork?! I have this feeling na parang this is more like demolition kapag ginalaw natin rather than fixing it. This is natural beauty, why are we working on it?" Terrenz sounded like complaining.

Napangiti si Red. Terrenz doesn't held back kapag inaaway siya nito. Masungit pa rin ito sa kaniya and always nagging. But he's more than happy about it. Tila everything is going according to plan.

"Don't get too sure. This may be paradise at first glance, but this is going to be hard work. For one, secluded island 'to. Transportation and delivery might be very difficult. May mga parts na need pa talagang ayusin and it's really complicated," ani Red.

Napatango-tango naman si Terrenz. "But still, I say let's preserve it."

"You're the Architect, you decide," ani Red. "The bungalow cottage is just right there. Comm'on, I'll show you." Nagpatiuna si Red sa paglalakad. Sumunod naman si Terrenz still looking around.

Not so far sa beach area, tanaw ni Terrenz ang tila cottage-like beach house. It was small but not too shabby. It's an open common area. But there are rooms sa paligid. Tantiya ni Terrenz para sa mga trabahador na makakatulong nila sa construction. May isang katandaang lalaki na sumalubong sa kanila. Nilapitan nito si Terrenz.

"Ma'am, kumusta po?" tanong nito kay Terrenz.

"Kuya Sam, anong oras po kayo nakarating?" tanong ni Terrenz.

"Alas singko po ng madaling araw. Naikot na rin po namin yung isla," sagot ni Sam.

Sam was Terrenz' regular foreman sa mga proyekto niya. Kilala nito kung gaano siya ka metikuloso sa mga gawa kaya't madalas ito ang sinasama niya sa mga proyektong hinahawakan niya.

"So ano pong masasabi niyo?" Red asked na tila gustong makasama sa usapan nila.

"Ayos naman po, Boss. Sayang po yung isla kung masyado nating gagalawin pero maganda po. Sobrang exclusive."

"Kilala mo ba siya, Kuya Sam?" tanong ni Terrenz.

"Nasabi lang po sakin ni Ms. Layla. Engineer Tuazon?" nahihiyang turan ni Sam.

Ngumiti ng malapad si Red. "Red na lang, Kuya Sam?" Ani Red tila nanghihingi ng pahintulot na tawagin itong Kuya gawa nang pagtawag ni Terrenz.

"Kagwapo din po ng pangalan niyo. Ok lang po ba magtanong? Tutal tayo-tayo naman po ang magkakasama dito ng mahaba-habang panahon," ani Sam na tila lumalabas ang kakulitan. "Kayo ba Engineer ay may iniirog na? Girlfriend o asawa?"

"Kuya Sam!" apila ni Terrenz na bigla din namang nag-buckle. Bakit ba siya aapila sa tanong ni Sam? Anong reaksiyon yun?

Napatingin sa kaniya ang dalawang lalaki. Red has this teasing grin on his face habang nagsalubong naman ang kilay ni Sam.

"May masama ba sa tanong ko, Architect?" ani Sam.

Inirapan ito ni Terrenz upang itago ang pagkailang sa naging reaksiyon.

"Ayaw ata ni Architect marinig ang isasagot ko, Kuya."

Red is enjoying this. Terrenz was always as transparent as ever. Matalim ang batong ipinukol dito ni Terrenz. As if urging to answer right. Tila nagsasabi ang titig nito na ayusin ang sagot. He choose to be playful.

"Girlfriend, Kuya, wala na. pero malapit na mag-asawa," sagot ni Red na diretsong nakatingin kay Terrenz.

Terrenz got tounge tied. Nalito sa sinagot ni Red. What does he mean na malapit na ito mag-asawa? Does he mean he's engaged?

"R-really?" Terrenz uttered silently. As if in disbelief.

"Hulaan ko, Engineer. Para sa kaniya ang islang ito?" ani Sam tila hindi naramdaman ang tensyon sa sitwasyon nila ni Red.

"It's actually for us with my friends and their future wives."

"Napakaswerte po ng mapapangasawa niyo. How to be you, Engineer?" biro ni Kuya Sam.

Natawa na lang si Red sa tinuran nito. He's more elated to see how Terrenz is reacting. She's giving him quite a confirmation. Hindi niya inaalis ang tingin dito. Kung pwede lang, he'll record in his camera as proof that he want to keep forever.

Terrenz on the otherhand, tila panandaliang nawala sa sarili. She"s reacting undeniably jealous. She forced herself to snap out of it. Inirapan niya si Red and changed the topic.

"Since you're enjoying each other's company, I will leave you two alone. Saan ba ang kwarto ko?" ani Terrenz in a maldita way.

"Akin na po mga gamit niyo, hatid na po namin kayo sa cottage niyo," agaw ni Sam sa mga dalahin ni Red. "Inayos na nga po pala namin yung tutuluyan niyo. May mga need lang po kasi ng higpit pero maliliit lang," sabi pa ni Sam na nagpatiuna na sa paglalakad.

"Ah talaga? Inaalala ko nga baka pagalitan ako ni Architect kasi hindi ko naman nacheck yung cottage kung safe pa ba pagtuluyan."

"Safe na safe po. Mukha nga pong bago pa eh. Akala ko nga ireretain yun. Pansamantala lang pala kasi wala sa plano."

Nilagpasan nila ang barracks na unang natanaw ni Terrenz kanina. Sa likod nun natanaw ni Terrenz ang magarang cottage. Kung maganda ang view sa unang nakita niya she was even more mezmerized sa view sa parteng iyon. The area was more secluded. More intimate. More Private.

Kung everything around is a natural beauty, this part is like have been modernized. It's cozier but still exudes beauty of nature. May stoned floor pathway patungo sa cottage house. The cottage house was fashionably modern look with 6 steps stair heading towards the porch. It's wood and brick in texture. Sa gilid ng cottage is a small pool with jacuzzi. Tila it has been constructed already.

"We have this cottage 3 years ago. So far eto pa lang yung nagawa namin sa Island na 'to. It's kind of hindi masyadong naaasikaso but we have it prepared last week," ani Red na tila nababasa ang pagtataka niya why there was a modern cottage there.

"3 years ago?" she asked.

"We bought this island after we graduated college. Supposedly regalo namin sa isa't-isa," kwento ni Red. "We have so many plans for it, hindi lang matuloy-tuloy."

"Napakayaman niyo po pala talaga, Boss. Ma'am, ingat po kayo ng kunti, baka mainlove po kayo kay Boss Red," birong bulong ni Sam kay Terrenz. Nanlaki ang mata ni Terrenz. Namula ng bahagya.

"Wag niyong udyakan, Kuya Sam. Baka magalit ang boyfriend ng ma'am mo," natatawang turan ni Red na narinig ang bulong ni Sam.

"Naku si Archi, may boyfriend? apat na taon na po ako sa kumpanya. Halos sabay ho kaming dumating marami na kong nakitang nagtangkang lumapit diyan kay Architect. Wala hong nagtatagal."

"Kuya Sam, close kayo?" sarkastikong turan ni Terrenz. "Kung makakwento kayo para namang alam niyo ang talambuhay ko," pagmamaldita ni Terrenz. She hates the fact that Red gets inside details about her over the last five years. Isa pa, ano na lang iisipin nito. That she never had any lover nung naghiwalay sila?

Red smiles widen. Matalim ang tingin niya rito. Gusto niya ng kulumpungusin ang mukha nitong nakangisi.

"Don't flatter yourself. We're here to work hindi magkwentuhan," ani Terrenz na nagpatiuna na sa paglalakad patungo sa cottage. Napasunod na lang ng tingin dito si Red na nakangisi pa rin.

"Kita niyo na ang sungit," ani Sam. "Ingat po kayo, Engineer. Maldita lang po yan si Architect pero mabait po talaga yan. Hindi din po mahirap magustuhan yan."

Nailing-iling si Red. He knows it more than anyone else.

"Kuya Sam, I do have a favor to ask," ani Red na balak aminin kay Sam ang balak niya. "Honestly, Terrenz and I are old lovers."

Nanlaki ang mata ni Sam. Natutop pa nito ang bibig.

"And I am still inlove with her and I am plan to win her back. That's why I'll be needing your little help. Just give us a little privacy. Alam niyo na, make sure lang na walang aabala samin if I am with her unless its really work.

Biglang tumayo ng tuwid si Sam at parang sundalong sumaludo sa kaniya. "Yes, sir!" Mas excited pa ito sa kaniya. "I checheer ko kayo sa di kalayuan, Engineer."

"Salamat, Kuya. Siya sige na. Parating yung materyales mamaya, makisuyo sana na macheck bago nila alisan," utos ni Red.

"Ako na pong bahala dun. Kayang-kaya na po namin yun. Engineer, goodluck ha? If kailangan mo ng backer andun lang ang cottage namin," makulit na sabi ni Sam. Saka ito pasayaw sayaw na umatras pabalik sa barracks nito.

Natatawa na lang si Red sa makulit na kumento ng foreman. He looked back at where Terrenz was, nakita niya itong paakyat na sa porch ng cottage. He looked at her with admiration then walk towards her.

'Phase 1: completed.'