webnovel

Warrior Five - Redentor

Red is Back. Terrenz thought she had forgotten about him for it has been 5 years. But old sparks rekindle, forgotten memories are brought back to life and the lost love continued... Yet, the old pain comes along... Will it be love to last this time or the long awaited closure?

jaineyjane · Célébrités
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Let the Sparks Rekindle

Seryoso si Terrenz sa pag-analisa ng planong nakalatag sa harap niya. Sinisigurong maayos ang pagkakalapat ng bawat plano. The blue print is widely spread on the table. She is double checking every detail sa blue print. Sa di kaluyuan, Red was talking to the workers. Ito naman ang nagmamando ng mga bagay na dapat gawin. Mayamaya lumapit sa kaniya si Sam.

"Archi, ang gwapo talaga ni Engineer 'no? Nakaka-insecure." The foreman said out of nowhere. Dahan-dahang pumaling ang ulo ni Terrenz kay Sam with a disgust look. Sam grinned at her with full teeth exposed. "Nasabi ko lang. Hindi niyo po kailangang sumang-ayon."

Terrenz smirked at napailing-iling na lang. Pasimpleng sinulyapan niya ang direksyon ni Red. He was busy pointing out sa mga trabahador ang mga dapat na ayusin. Muli niyang binalik ang atensyon sa ginagawa.

"Pero, kidding aside, Archi. Napakaswerte ng mapapangasawa ni Engineer Tuazon. Gwapo, mayaman at mabait," turan ni Sam.

"Kuya, magtatayo ka ba ng fans club niya? Kung makapuri ka parang napakaperpekto ng taong yan. Minsan hindi rin maganda ang sobrang perpektong pagkatao. Kumbaga sa alcohol nga walang 100% germ free. 99.9% lang," sabad ni Terrenz.

"Mataas pa rin na rate ang 99.9% Archi. Kung tutuusin, wala pa sa kalahati ni Engineer yung puntos ko. Kumbaga sa ratings, wala pa ko sa listahan," ani Sam na puring-puri kay Red.

Hindi na napigilan ni Terrenz ang matawa. "Kuya, wag mong saktan yung sarili mo. Talaga bang ikokompara mo pa kay Red yung level mo? Alam mo kuya isipin mo na lang, magkakaiba talaga tayo ng kapalaran kaya hindi natin dapat kinokompara ang sarili natin sa ibang tao." Iiling-iling na komento ni Terrenz.

"Yan ang gusto ko sayo Archi eh. Hindi ka mapanghusga. Alam mo kung wala lang nobya si Engineer, bagay kayo," nauwi na sa panunukso ang tema ng usapan nila.

Matalim ang binatong tingin ni Terrenz sa kaibigang foreman. "Kuya Sam, utang na loob! Ang dami nating trabaho. Talagang inabala mo pa yung sarili mo sa pagpuri kay Red. Isa pa, wag ho tayong nag-iisip ng ganyan. We are professionals. We are here to work!" She sounded defensive. Pasimpleng nilingon niya si Red. Nahuli niyang nakatingin din ito sa kanila. Inirapan niya ito.

Tatawa-tawa naman si Sam sa pagbubunga nga niya. Inirapan ulit ito ni Terrenz at binalik ang atensyon sa ginagawa. Ngunit di na siya makapag-concentrate lalo pa't natanawan niyang papalapit sa kanila si Red.

"Mukhang kinukulit ka ni Kuya Sam ah. Dinig na dinig doon yung pagna-nag mo," ani Red nang makalapit ito.

Inirapan lang ito ni Terrenz.

Hinarap ni Red si Sam. "Kuya naman, ba't niyo ba ginugulo si Terrenz? Pati sakin naggagalit na tuloy."

Tatawa-tawa lang si Sam. "Wala naman akong sinabing masama Engineer. Masyadong defensive lang 'to si Archi."

Napangiti si Red. "Ano po bang sinabi niyo?"

Bago pa sumagot si Sam. Harabas na bumuntong hininga si Terrenz. Hinablot ang ibang gamit na nasa mesa saka paangil na nagsalita.

"Hay naku! Ewan ko sa inyo! Madami pa kong gagawin!" saka ito nagmartsa palayo sa kanila. Naiwang tatawa-tawa lang ang dalawa.

Terrenz headed towards the construction site kung saan nag-uumpisa na ang ilang trabahador sa pagbubuild ng itatayong rest house. Kasalukuyang nagsesemento na ang mga ito ng pader para iporma ang lugar base sa plano. Terrenz focus herself sa pagchecheck ng ginagawa ng mga trabahador. Ayaw niyang isipin ang panunukso sa kaniya ni Sam. Pinipilit niyang iwasiwas sa isip ang sinabi ng makulit na foreman.

'For Pete's sake, Katrenza! Wag kang kiligin sa panunukso sayo. He's getting married, wala na kayong babalikan sa isa't-isa!' kastigo niya sa sarili.

She shook her head to sway off the thought saka pinilit ibalik ang konsentrasyon sa pagchecheck. She had her focus sa sinisipat na blueprint kaya't di niya napansin ang one step elevation na nilalakaran niya. Pagtapak niya dumulas ang isang paa niya padausdos sa elevation at na out of balance siya. To support herself from the fall, napakapit siya sa magaspang na hamba. But it made it worst, dumulas lang ang kamay niya sa pagkakapit that scorched her hand dahilan para magasgasan iyon. To add to the injury, magaspang na sahig ang binagsakan niya ending her with more bruises. She screamed as she fall.

Naalarma si Red nang marinig ang malakas na tili ni Terrenz. Nakita nitong nakasalampak sa lupa ang Architekto sa di kalayuan.

"Terrenz!" Mabilis ito napatakbo sa kinaroroonan niya. Red was so worried as she stoop down para lapitan si Terrenz. Terrenz was flinching in pain. Her hands are bleeding from scrapes and wounds. Red held it. Tila hindi rin ito makatayo as she had twisted her ankle from the fall. Napaigik si Terrenz sa sakit.

Red examined her for a moment. His face showed how worried he is. Without hesitation, Red placed her arm around his shoulder and scooped her up. Kinarga niya ito at mabilis na dinala sa cottage nila. He slowly put her down sa sofa saka mabilis na tinungo ang kusina. He also tooked a first aid kit sa drawer. Pagbalik nito sa kaniya, may dala na itong, maliit na basin na may tubig at tuwalya. He placed it in front of Terrenz kasabay ng first aid kit and sat beside Terrenz.

"You should've looked at where you're walking. Kaya nga tayo naka-safety gear sa construction site," turan ni Red as he started cleaning up her wounds.

"Hindi ko napansin na elevated pala yung tinatapakan ko. Natisod ako," pairap na sagot niya.

"Does your feet hurt?" tanong ni Red.

"It twisted pero hindi naman ganun kasakit. Baka magbruise lang," sagot niya.

Inangat ni Red ang paa niya and kinalas ang pagkakasintas ng rubber shoes na suot niya. Ito na ang naghubad ng sapatos niya. Nang mahubad nito iyon, sinipat nito kung tila ba may posibilidad na mamaga iyon. Her feet was somewhat ok. Red softly massage it.

"Does it hurt?" he asked.

"N-no," sagot niya. Mas nailang siya sa pagmasahe ni Red sa paa niya.

Tila naman nakahinga ng maluwag si Red. "Atleast you didn't sprained it." Bumaling ulit ito sa mga kamay niyang nagagasgasan. He cleaned it with the towel drenched from the basin. Medyo mahapdi iyon para kay Terrenz. Kaya't napapaigik ito kapag nadadampian ni Red ng basang towel. To lessen her pain, hinihipan ni Red ang sugat niya para pawiin ang hapdi.

Terrenz felt hotness in her cheeks. They were so closed to each other na natatakot siyang marinig ni Red ang kalabog ng dibdib niya. Palihim niyang sinusulyapan ang dating nobyo habang hinihipan nito ang sugat niya. What Red had done was a familiar feeling for her. It has been 5years nang huli niyang maramdaman ang pag-alala nito sa kaniya. She never thought that she will feel it again. Tila walang nagbago. That familiar feeling of security and care had sparked up again.

Gusto sana niyang pigilan si Red sa ginagawa but she can't muster the strength na awatin ito. Pinagbigyan niya ang sarili na maramdaman ulit iyon sa dating nobyo. Gayunpaman, pilit niyang wag iyon ipahalata kay Red. Iniwas niya ang tingin sa ginagawa ni Red. Ipinaling niya iyon sa first aid kit na nakabulatlat sa mesa. Nakita niya ang alcohol na kasama sa pouch ng first aid kit.

"Lalagyan mo pa ba ng alcohol yan?" she asked out of nowhere.

Napatingin sa kaniya si Red with slight grin in his lips. He knows very well that Terrenz doesn't like the feeling kapag nilalagyan ng alcohol ang sugat nito. Ok na ito sa simpleng hugas lang.

"We need to disinfect it," sagot ni Red.

"Can I just take an antibiotic or something?"

Napangiti si Red. "Wag mong sabihin sakin hanggang ngayon takot ka pa rin sa alcohol?"

"Takot is a strong word. It's more of sensitive ako sa pain rather than I'm fearing it," pagdadahilan ni Terrenz. Napailing-iling lang si Red as he grin sa reasoning nito.

"Basta. Wag mo na lagyan," she insists.

Hindi na sumagot ang binata. He continued cleaning Terrenz' wounds. Medyo naparami ang gasgas na natamo nito but hindi naman ganun kalala. Red slowly and softly wipe the bruises to ensure na hindi iyon maiinfect.

"Tell me," pagkuwa'y sabi nito. "I know I no longer have the right to ask. But for all time sake, gusto ko lang kumustahin ka?"

Napatingin si Terrenz sa mukha ni Red. Sinalubong nito ang seryosong tingin niya. Tila seryoso ang tanong nito.

"W-what do you mean kumustahin ako?" she asked na medyo nauutal.

Red shrugged his shoulder. "Like what have you been doing lately? Or ano yung mga naging plano mo na? I mean, hindi naman ako nakikialam but we can deny the fact that we had our past. And when we broke up, alam ko magbabago yung mga pangarap na sinabi mo sakin dati."

Napayuko si Terrenz. Hindi niya magawang masamain ang tanong ni Red. She will sound defensive kapag sinagot niya ito ng harabas. Napayuko siya and sinabayan ang sincerity ni Red. There's no point telling him lies. Kahit naman papano, naging ok siya nang maghiwalay sila ni Red. She may have been hurt at first pero nakamove on naman siya and she had outgrown the pain. So hindi niya kailangang mag-imbento ng kwento. Besides, she don't want to give the benefit that for 5 years hinintay niya ang pagbabalik nito.

"I guess I've been doing pretty well naman kahit papano. After I graduated, I got the dream job that I looked forward to. And so far, it's going well," aniya na may pagka-proud sa sarili.

Ngumiti si Red. He liked what he heard. Atleast Terrenz have been ok kahit nagdulot siya ng sakit sa nakaraan nito.

"I know I'm too late to say this, but I never get to say sorry sa lahat ng ginawa ko," turan ni Red.

"Please don't," mabilis niyang awat rito. "I never asked for it before and I do not need it now," amin ni Terrenz.

She had moved on sa nakaraan nila with the idea na galit siya dito. Kahit nagdeclare sila ng truce sa isa't-isa hindi niya gustong baguhin ang nararamdamang sama ng loob rito. Mahirap na baka umasa pa siya.

"Leave it as it is. And let's be professional. Once this project is done, we can move on sa kaniya-kaniyang buhay natin." Iniwas ni Terrenz ang tingin sa binata. She don't want Red to see na apektado pa rin siya kapag naalala niya ang pag-iwan nito sa kaniya.

After grumaduate ito, hindi na ito nagparamdam sa kaniya. He's promises had also been gone. Bigla na lang ito nawala. She looked for him, pero umalis ito ng ibang bansa. He didn't contact her once. She remembered how she cried so hard sa paghahanap rito but Red is nowhere to be found. She remember how she became lost dahil halos wala siyang matakbuhan. She was expecting him to atleast explain pero hindi na niya ito mahagilap. Muntik pa siyang hindi makagraduate nun dahil nawala sa focus ang takbo ng buhay niya. She even lost her scholarship pero dahil isang taon na lang siya, kahit papano naigapang naman ang pagtatapos niya sa kolehiyo.

And after 5years, Terrenz can still remember the pain. Sabihin na niyang hindi talaga siya makamove on but she's ok. Tanggap niyang magkaiba na ang mundo nila ni Red at hindi ito bumalik para sa kaniya.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang bigla siyang napasinghap sa sakit nang maramdaman ang hapding dulot ng alcohol na binuhos ni Red sa sugat niya.

"Redentor!" sigaw niya rito habang mabilis na inaalog ang mahapding kamay.

Mabilis na tumalilis si Red palayo sa kaniya habang tatawa-tawa. He just made her distracted para maibuhos nito ang alcohol sa sugat niya. Kaya't nang hindi siya nakatingin rito, mabilis nitong binuhos ang alcohol sa kamay niya.

"It needs to be disinfected," sabi nitong tatawa-tawa. "Anu pa't naging arkitekto ka kung alcohol lang kinakatakutan mo pa!" panunukso pa nito sa kaniya.

Sa inis, binato ito ni Terrenz ng unan mula sa sofa. Mabilis na umiwas na lang si Red saka iiling-iling at natatawang iniwan na ang inis na inis na dalaga.