webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · Urbain
Pas assez d’évaluations
107 Chs

Chapter 49 - The Visit

CIUDAD MEDICAL...

Kinabukasan.

Mahigpit na nakayakap sa kanya ang kasintahan kaya't niyapos niya rin ito.

Nasa ganoon silang posisyon nang may kumatok.

Agad silang naghiwalay.

"Magandang hapon ho sir Gian."

Nagkatinginan silang dalawa.

"Kunwari wala kang alam."

"Oo pangako!"

"Pasok kayo."

Pumasok ang dalawang lalaki.

"Sir Gian, magandang hapon ho Ms. Ellah, magandang hapon ho nandito pala kayo."

"Magandang hapon din Mr. Valdez at Mr. Salazar," sagot niya sa dalawang bisita.

"Ms. Ellah, may dala nga pala kaming prutas tanggapin niyo ho. "

" Salamat "

Binalingan ng mga ito ang binata.

" Kumusta na ho kayo sir? "

" Medyo okay na, salamat. "

Umupo ang dalawa.

"Pasensiya na ho sir, ngayon lang kami nakadalaw. "

" Ayos lang ho, salamat sa pagpunta ninyo. "

Binalingan ng mga ito si Ellah.

"Ms. nag resign na ho kami, nagulat talaga kami sa ginawa ninyo."

"G-gano'n ba? Mabuti nakadalaw kayo."

"Ah, kasi nabalitaan ho namin ang nangyari. Sir, pagaling ho kayo agad."

"Salamat ho."

"Ms. Ellah, pasensiya na ho kung nag resign kami, medyo magulo na ho eh simula ng hindi kayo pumasok sa opisina nagkagulo na."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Ms. magulo na ho sa opisina, halos lahat nag reresign na at 'yong iba tinatanggal na."

Naipikit ng dalaga ang mga mata.

Tatlong araw ng wala siyang alam sa nangyayari dahil sa takot na baka magkamali siya uli.

"Pasensiya na ho sir, Ms. Ellah, pero naisip lang namin na dapat lang ninyong malaman kung ano na ang nangyayari. "

"Maraming salamat sa inyo. "

"Sir, Ms. Ellah, hindi na ho kami magtatagal, sir Gian, magpagaling ho kayo agad. "

"Sige ho, salamat. "

Umalis na ang dalawa.

Nanghihinang napaupo si Ellah.

"Hindi magtatagal papalitan ng mga hayop na 'yon si lolo. Pwede ko bang malaman kung sino ang mga hayop na 'yon!"

"Hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo sa ngayon natatakot akong madadamay ka. Kaya sana maiintindihan mo. "

"Naiintindihan ko. "

"Sasabihin ko kapag tayo na ang kikilos. "

"Salamat sa pagtitiwala mo sa akin. "

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo dahil sa pag-ibig mo. "

"Dati, wala akong kabalak-balak mag nobyo lalong lalo na ang mag-asawa pero ngayon, binabawi ko na. Dahil ngayon may gusto na akong mapapangasawa at kasama sa buhay. Nakakatiyak akong hindi ako magsisisi!"

Tinitigan siya ng binata.

"Nag po propose ka ba sa lagay na 'yan?"

"Sira!" kinurot niya nito ng pino sa braso.

Muli siyang niyakap ng nobyo.

"Bakit kahit hindi ka naliligo mabango ka pa rin?"

Humalakhak ang binata.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan. "

"Hindi nga, tapos kahit naka hospital ka ng suot ang gwapo mo pa rin. Nakakainis ka!" hinampas niya ito sa dibdib.

"Ngayon nasasabi mo na 'yan, dati sabi mo may itsura lang ako at mukhang tao. "

"Ewan ko ba, sa simula pa lang yata attracted na ako sa'yo eh. "

"Alam mo bang gano' n din ako? "

"Talaga?"

"Oo, sa totoo lang hindi tumulo ang laway ko sa'yo dahil nilunok ko. "

Natawa ang dalaga.

"Alam mo, natutuwa ako dahil kaya mo ng sabihin ang mga nasa loob mo, dati kasi hindi talaga kita naiintindihan eh. "

"Nahihiya kasi ako sa'yo. "

"Hmp! Pero ngayon hindi na, nagagawa mo na akong sigaw-sigawan, " may tampo sa boses ng dalaga.

"Hindi kasi gano'n lang ka simply ang nagawa mong kasalanan kaya pasensiya ka na. Natatakot lang ako para sa inyo ng lolo mo. "

"Gian thank you, I'm sorry and I love you. "

"Thank you, I'm sorry and I love you too. "

Kapwa lihim na napangiti ang magkasintahan.

Huling-huli sila ni Vince na magkayakap nang pumasok ito.

"Kumatok ka nga!" asik ni Gian.

Naghiwalay ang dalawa.

"Pasensiya na, pero pwede ko bang putulin muna ang landian niyo?"

"Ano?" wika ni Ellah.

"Lambingan pala. "

"Pare, kumusta ayos na ba?"

"Oo pare, ayos na, wala ka ng dapat alalahanin plantsado na ang lahat."

"Salamat pare, diyan talaga ako bilib sa'yo eh. "

"Ako pa! O, paano, balik muna ako sa trabaho, pagaling ka agad ha? "

"Sige pare. "

"Ms. Ellah, alagaan mong mabuti 'yan para malakas sa labanan!"

"Ha?"

"Gago! Umalis ka na nga!" singhal ni Gian.

Natatawang iniwan sila nito.

Maya-maya, sumeryoso ang dalawa at nagtitigan.

Hinalikan siya nito sa noo, sa pisngi at maging sa ilong.

"Masakit ba ang tama ng bala?"

"Siyempre, pero hindi mo naman 'yon mararamdaman agad, hindi mo nga mapapansin agad eh, magtataka ka na lang dumudugo na ang parte ng 'yong katawan."

"Yay! Gano' n?"

"Mararamdaman mo ang sakit kapag medyo tumagal na. "

" Gian I'm sorry. "

"Para saan?"

"Nang dahil sa akin napahamak ka. "

"Hindi naman ikaw ang may kasalanan, kasalanan ko dahil minahal kita."

Napabuntong hininga si Ellah.

Kasalanan niya alam niya 'yon dahil hinayaan niya pa ring mahalin siya ng binata kahit na tutol ang lolo niya.

Kinagabihan, hinayaan niyang matulog ang binata.

Nang biglang may kumatok sabay pasok.

"Hi Gian, kumusta ka na?"

nakangiti ang babae habang lumalapit sa kanyang kasintahan.

"Hailey, ikaw pala?"

Tinulungan niyang bumangon si Gian.

"Pasensiya ka na ngayon lang kita nadalaw kasi busy sa work eh. "

"Gano'n ba? Maupo ka muna. "

"Sige, " umupo ito sa tabi niya.

So ito nga 'yong malaking dibdib!

Sinipat niya ang suot ng babae.

Naka jacket ito pero halata pa rin ang laki.

Balakang nitong hindi rin patatalo sa laki!

Naka shorts din ang babae gaya niya.

Sinulyapan siya ni Gian.

"Ah, Ellah si Hailey office mate ko. "

Nilingon siya nito.

"Hailey, si Ellah girlfriend ko. "

Nagsukatan sila ng tingin.

"Hi, " hilaw ang ngiti ni Hailey.

"Hello, " taas-kilay si Ellah pero nakangiti din.

"By the way, pasalamat ka at nabaril ka Gian dahil kung hindi ikaw talaga ang mapipili para sa bagong mission. Balita ko kasi tinanggihan mo 'yong isa. "

"Well, tama, paki sabi kay sir pasensiya na. "

"Okay! Pero magpagaling ka naman agad, hindi pa kasi tapos ang task nating dalawa, ah, ikinukumusta ka nga pala ni sir. "

"Sige, pagsisikapan ko, salamat. "

Katahimikan.

Maya-maya tumayo ang babae. Inaasahan niyang magpapaalam na ito kaya makakahinga na siya ng maluwag.

"It's so hot in here, " walang kaabog-abog na hinubad nito ang suot na jacket.

Ano daw? Todo ang aircon! Hot?

Siguro sadyang makapal lang ang balat kasing kapal ng mukha!

Maghubad ba naman sa kanilang harapan?

Ngayon naka sleeveless na lang ito at low ang neckline kaya litaw ang cleavage ng mayabang na nakatayong suso!

Binalingan siya ng babae.

"Ikaw Ellah, nilalamig ka ba?"

Nakita kasi nitong naka jacket din siya.

Tumayo ang dalaga.

"Hindi naman, " naghubad din siya sa harapan mismo ni Gian!

At alam niyang parehas nilang nakitang napalunok ang binata.

Ngayon parehas na sila ng suot.

Sleeveless na, backless pa ang damit niya!

Ngayon parehas din silang nakatayo.

Nagsukatan ng titig ang dalawa.

Hindi siya patatalo kahit pa malaki ang dibdib nito!

"Okay, aalis na ako, bye Gian. "

Yumuko ito at idiniin ang dibdib sa binata saka ito humalik sa pisngi ng kanyang nobyo!

"Get well soon Gian. "

"Thanks. "

Nag-abot ang mga kilay ng dalaga sa sobrang lukot ng mukha niya.

Nilingon siya ng babae kaya hilaw siyang ngumiti.

"Good day Ellah, " anang babae bago umalis.

Paglabas ni Hailey hinarap niya ang nobyo.

"What was that?" amuse na tanong ni Gian.

"What?"

Humalukipkip ang dalaga sa sulok.

"Isuot mo na nga uli ang jacket mo. "

Tiningnan niya ang binata.

"Bakit? Nasusuka ka?"

"Hindi ah! Nakakatakam ka kaya. "

Hmp! Ang manyak umandar na naman!

Isinuot niya ang jacket.

"Nakakainis ang babaeng 'yon! Talaga bang dapat ipagmalaki ang dibdib niya?"

"Hindi niya 'yon ipinagmamalaki, dahil malaki lang talaga."

"Nakakainis! Kung bakit kasi maliit ang dibdib ko," bulong ng dalaga.

"Ano?"

"Wala, buti na lang hindi nagtagal ang babaeng 'yon, at saka may gagawin pa raw kayo? Huh! Wala bang ibang tao sa opisina niyo bakit ikaw lagi ang nakikita nila?"

"Malamang dahil magaling ako."

"Ang yabang mo!"

"Pwede rin na hihina sila kapag wala ako."

"Napakayabang mo talaga!"

"Wala akong ibang maisip eh, bakit nga ba?"

"Ang sabihin mo may gusto sa'yo ang babaeng 'yon!"

"Nagseselos ka ba?"

"Oo naman!"

"Talaga?" napangisi si Gian.

"Ah, I mean, kasi lagi kayong magkasama sa trabaho paano kung landiin ka niya at madala ka sa tukso?"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Sa'yo meron sa malaking dibdib na 'yon wala!"

"Tama na 'yan, halika nga dito. "

Dahang-dahang lumapit ang dalaga, hinila siya nito palapit at niyakap.

"Hindi pa ba sapat na itinaya ko ang buhay ko para sa'yo?"

"Hmp! Kahit kanino yata gagawin mo 'yon eh. "

"Hindi ah!"

"Bakit kay Vince nagawa mo?"

Huminga ng malalim ang binata at tumahimik.

Hinaplos-haplos nito ang buhok niya.

"Naalala mo 'yong sinabi ko sa'yong magkagipitan ay kailangang magsakripisyo?"

"Oo, bakit?"

"Si Vince ang isinakripisyo ko noon ng magipit ako, binaril ko siya dahil nakatingin sa akin ang boss ng kaaway. Para hindi mahalata ginawa ko 'yon. "

"Talaga bakit mo ginawa 'yon?"

Tumingin sa kawalan ang binata at inalala ang naturang pangyayari.

Nasa isang rest house sila ng target na naging amo niya sa loob ng isang taon. Ngayon ang pagplano nila paano hulihin ang target. Ngunit pumalpak ito at ngayon ay nabihag si Vince.

"Boss, nahuli na ang kalaban!"

Agad siyang kinabahan at lumingon.

Pinasok ng mga kasamahan niya ang kuta ng mga kalaban na kinaroroonan niya dahil sa ibinigay niyang impormasyon.

Ang negosyo ng mga ito ay smuggling ng armas.

Kumilos na siya dahil sa matibay na ebidensiyang hawak laban sa kalaban.

Isinagawa ang malaking raid sa hide out.

At nahuli ang isa sa mga kasamahan niya.

Kitang-kita niya ang lalaking halos hindi na makalakad sa tindi ng bugbog.

Nag-abot ang kanilang tingin.

Mata sa mata.

Nakikita niya ang taglay nitong tapang.

"Ikaw na ang tumapos diyan, " Utos ng boss sa kanya bilang kanang-kamay nito.

Walang pag-alinlangang itinutok niya ang baril sa kasamahan subalit hindi man lang ito kumurap na para bang handa itong mamatay ng oras na 'yon.

"Do it now!"

Bilang pinagkakatiwalaan ng amo hindi niya dapat sirain ang tiwalang 'yon.

Binaril niya sa dibdib ang kasamahan.

Natumba ito.

"Tuluyan mo at malaki ang tsansang mabubuhay pa 'yan."

Hindi na siya kumilos pa, tumatagas na ang dugo nito sa dibdib.

Nagitla siya dahil ang mga tauhan ng kalaban ang tumutok ng baril dito habang nakapalibot sa kanyang kasamahan ngunit hindi man lang niya ito nakitaan ng takot.

"Karangalan kong mamatay alang-alang sa bayan."

"Ano pang hinihintay ninyo? Tapusin 'yan!"

Ipinikit nito ang mga mata kasabay ng kanyang desisyon.

"AHHHHHH!!!"

Lahat ng mga naroon ay pinagbabaril niya at lahat ay tinamaan subalit ang iba sa mga ito ay gumanti rin.

Sa dami ng umatake sa kanya imposibleng mabuhay pa siya.

Dumating ang kanilang back-up at nakaligtas sila.

"Sir! Sir Gian bakit niyo ginawa 'yon!"

"V-Vince, hindi ko matanggap na ako mismo ang magpapahamak sa'yo. Salamat at ligtas ka. Patawarin mo ako."

Nagdilim ang lahat sa kanya.

"Ang galing pala niya ano? Buti hindi gumanti si Vince sa'yo?"

"Hindi, dahil hindi ko makayang mapatay siya ng kalaban. Hindi ko naman siya intensyong patayin. Kinain ako ng kunsensiya nang makita kong tutuluyan na nila si Vince kaya inilantad ko na ang sarili ko at lumaban ng parehas kaya ako ang may pinakamaraming tama noon. At dahil doon naging matalik kaming magkaibigan. "

"Kaya napasok si lolo dahil tinulungan ka niya. Malaki ang utang na loob mo hindi ba?"

Tumango si Gian.

"Kaya kahit patayin ka na niya ayos lang sa'yo. "

"Hindi naman, hindi pa nga tayo matagal na nagsasama papayag ba akong mamatay agad. "

"Pero nagpabaril ka!"

"Sa mga oras na 'yon wala na akong ibang naisip kundi patunayan sa lolo mo na karapat-dapat ako sa' yo. Kung iyon lang ang tanging paraan tatanggapin ko."

"Hmp! Buti na lang buhay ka. "

"Binuhay ako ng pagmamahal

mo"

Napangiti ang dalaga.

"Alam mo bang hindi ako sadyang patayin ni Alex?"

"Ha?"

"Binaril niya ako sa parte kung saan hindi fatal kaya alam ko na wala siyang planong sundin ang lolo mo."

"Galit din ako sa kanya."

"Sinunod lang niya ang utos ng lolo mo."

"Kahit na! Binaril ka pa rin niya."

"Pasalamat na lang tayo at hindi mismo ang lolo mo ang bumaril sa akin dahil kung si don Jaime 'yon ay baka tinuluyan niya ako."

"Gano' n?"

"Kaya patawarin mo na si Alex."

"Ewan ko sa'yo Gian, napakabait mo kahit kanino na lang."

"Pang-iinsulto ba 'yan o pang kumplemento?"

"Hmp!" nagkibit-balikat ang dalaga.

"Huwag ka na makipaglapit sa Hailey na 'yon ha?"

"O ba' t nasali na naman si Hailey?"

"Ehh kasi ang bait mo sa kanya baka iniisip niya may ibig sabihin 'yon."

"Wala, alam naman niyang may mahal akong iba. Alam niyang hindi ko na siya magagawang mahalin dahil may nagmamay-ari na sa akin."

Napangiti ang dalaga.

' Kahit balutin pa ng malalaking dibdib ang mga babaeng 'yan, akin pa rin si Gian!'

Pagdating sa kanya, maliit ang dibdib nila!