webnovel

Walang Tayo by Carmie Lopez

“Huwag mo akong pagtawanan dahil galit na galit ako sa ‘yo, lalo na sa sarili ko. Wala akong karapatang maramdaman lahat ng ito, pero ‘di ko mapigilan dahil mahal kita.” Sumasakit ang ulo ni Gianelli dahil sa kaibigan niyang si Bea. Wala kasi itong ginawa kundi ang ireto siya sa kung sino-sino. Nape-pressure ito dahil malapit na raw mag-gooodbye ang edad niya sa kalendaryo. Mas takot ang kaibigan niya na tumunda siyang mag-isa. Well, wala naman siyang pake… noong una, pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang pinsan ni Bea. Sweet, maalaga, gentleman, nasa binata na yata ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki kaya ipinagdasal niya sa kanyang kaarawan na sana ito ang ibigay ni Lord sa kanya. Ang problema, mukhang wala siyang mapapala sa binata. Malabong relasyon lang ang mayroon sila kaya bago pa siya tuluyang mahibang dito ay nagpasya siyang layuan ito. UNEDITED SPG

carmielopezmckay · Urbain
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Epilogue

HARMONY with SAJ, iyon ang pangalan ng restobar na itinayo ni Nathan kasama ang business partners na sina Samantha, Andrea, at Jeffrey. Naisip magpatayo ng restobar ni Nathan dahil kay Gia. Paborito kasing restaurant ng babae ang SAJ's kaya nagkaroon ng idea si Nathan na makipag-collaborate sa may-ari ng restaurant na nagkataon namang kilala ng kaibigan nitong si Andrea.

    Binenta ni Nathan ang condo unit nito sa kapatid ni Andrea kaya napabilis ang pagpapatayo ng restobar. Nagtiis itong tumira sa opisina nito sa Harmony para makatipid habang pinapatayo ang restobar. Inalok niyang sa kanya muna ito tumira pansamantla kaso ayaw ng binata. Gusto nitong ikasal muna sila bago sila magsama. Kung kailan naging official na magkasintahan sila ay saka ito naging good boy. Hindi sila naglo-love making. Gusto kasi nitong itama ang lahat nang mali nilang naumpisahan.

    "I love you, Gia," pasimpleng bulong nito sa taynga ng asawa.

    "I know and I love you."

    "I miss you," dagdag nito.

    "I know." Pilyang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Ako rin naman." Kinantalan niya ito ng halik sa labi.

    "Kung ganoon, tumakas na tayo."

    Natawa siya sa sinabi ng asawa. Ngayon sila ikinasal ni Nathan at sinabay 'yon sa grand opening ng HARMONY with SAJ. Doon na rin ang reception ng kasal nila.

    "Akala ko ba kaya mong magtiis?"

    "Ang tagal ko nang nagtiis," nakasimangot na wika nito. "Kasal na tayo kaya puwede na. Miss na miss na kita."

    Nilibot niya ang paningin sa paligid. "Wala bang makakapansin kung tatakas tayo?" Sabik na sabik na rin siya sa yakap at halik ni Nathan kaya gusto na rin niyang lisanin ang lugar na 'yon. "Baka hanapin nila tayo."

    "Hayaan na natin sila. Maiintindihan naman nila kung bakit bigla tayong mawawala." Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Tara na."

    Sumama siya sa asawa. Magkahawak-kamay nilang nilisan ang lugar. 

Salamat po sa pagbabasa. ❤️

FB Name: Carmie Lopez

W*ttp*d username: Carmie_Lopez

G00DN0VEL name: J.R. McKay

WAKAS