webnovel

Waiting for You (R18 Tagalog)

This is my first story! It’s an erotic, mystery, romance novel. If you are looking for something a bit different, this story might be for you. I hope you like it! Please leave your comments! Warning: This novel contains explicit description of sex. if you are below 18 years old or averse to this, this novel is not you. They fell in love that summer when her brother brought home his friends for a vacation. Lexie was swept off her feet akala nya she finally found her prince charming. Pero biglang nagbago ang lahat the minute Lucas went home. He was cold and distant. She was heart broken and swore she will never be gullible again. But they were fated to meet. "I just waited for you to grow up." But she has more fears than falling for Lucas.

Lily_Ella · Urbain
Pas assez d’évaluations
7 Chs

Chapter 1

Author's Note:

This novel contains explicit description of sex. If you are below 18 years old or you are averse to this, this novel is not for you.

And to those who would choose to read this story, I would love to hear your thoughts. Please leave a comment. Hope you enjoy it!!

.

.

.

"Huwag matigas ang ulo and huwag kang pasaway sa kuya mo when you get there." Paalala ng mama nya.

Hindi nya alam kung pang ilang beses ng sinabi ng mom nya yun. She is moving to Manila at doon sya magco-college. Hinihintay nilang matapos maikarga sa sasakyan ang kanyang mga gamit.

"We will be sending your allowance through your kuya."

"Ma, why not to me directly? Kaya ko naman pong mag budget." Sabay kapit sa braso ng mommy nya. Naglalambing.

"We will send it to you when we see how you do. And not because wala kami doon at baka hindi ka rin gaanong mabantayan ng kuya mo, it does not mean na pwede kang ng magpagabi or mag lamyerda sa kung saan." Never ending na ata ang pagpapa-alala ng mommy nya. But the smile just wouldn't leave her face.

"Hindi, Ma. Magpapaalam pa din ako sa 'yo." Sabay kiss sa magkabilang pisngi ng Mommy nya. She also hugged her tight. "Magpapaalam pa din ako kay Daddy." And she kissed and hugged her dad too. Lumapit na rin ang mommy nya sa kanilang dalawa and hugged them both.

Nangilid ang luha ng Mom nya. It's the first time that her baby daughter will be away.

"Esmeralda, para namang ang layo ng Manila. We can always visit." Biro naman ng daddy nya when he saw his wife na parang iiyak pa ata.

Inalis na din ng Mom nya ang pagkakayakap sa kanya and held onto her daddy's arms instead.

Her dad gave her a kiss on the forehead. "Mag iingat ka, anak. Don't forget your meals. Huwag magpupuyat dyan sa baking-baking na yan. And call us always."

"Yes, dad." Sagot nya naman. She looked at her mom who had her head sa braso ng Dad nya. Doon pa ata nagpunas ng luha. "Ma-mimiss ko kayo." Nangilid na din ang luha nya. Dali dali nyang kiniss din ang mom nya sa pisngi at sumakay na sa naghihintay na Everest.

Sinilip nya pa sa side mirror ang mga magulang nya habang papalayo na sila.

Her dad had his arms around her mom at mukhang umiyak na nga ng tuluyan ang mom nya. Hagud hagud sa likod ng daddy nya na parang pinapatahan.

Nalungkot din sya. Napansin nyang hindi din sya kaagad na kinakausap ng makulit na si Mang Jimmy, parang binibigyan sya ng space. Sunod-sunod syang napa buntong-hininga. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Habang tumatagal ang byahe, hindi nya na rin maiwasan imaginen how her life will be sa Manila. Nag simula sya ulit ma-excite.

"Kasama mo naman ang kuya mo. Hindi ka masyado ma hohome sick. Huwag mong kalimutan laging tawagan ang mommy and daddy mo." Sabi ni Mang Jimmy. Napansin sigurong okay na syang kausapin.

Para nya na ding tatay si Mang Jimmy. Nagtratrabaho din ang asawa nya sa kanila na taga luto at driver naman si Mang Jimmy. Since she started going to school, hatid-sundo nya na si Lexie.

"Opo, hindi ko po kakalimutan. Bibisitan ko din po si Ate Grace pag kabisado ko na ang Manila." tukoy ko naman sa kanilang anak na nakapag asawa na at naninirahan sa Manila.

Napangiti naman si Mang Jimmy. May kaya man ang pamilyang Valdez. Hindi nya minsan man naramdamang ibang tao sila sa mga ito.

"Magpahinga ka muna. Limang oras pa ang byahe natin kung papalarin na hindi tayo matraffic sa Edsa."

Her family hails from Benguet. Halos 40 minutes pa sila from Baguio. At Baguio to Manila normally takes 3-4 hours.

Maingat nyang nirecline ng kaunti ang car seat at nagpasyang umidlip muna. Hinugot nya ang dalang malapad na scarf sa bag at ikinumot iyon. Sinuot nya din ang shades para hindi sya masilaw sa araw. Dahil marahil sa hindi sya nakatulog kagabi sa excitement, madali syang nakatulog at parang feeling nya ngayon ata sya napagod.

Ilang ulit syang ginising ni Mang Jimmy para mag stop over for toilet breaks at pagkain sa daan. Pagka-balik sa sasakyan ay balik tulog din sya.