webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Général
Pas assez d’évaluations
45 Chs

True Feelings

Louie's POV

Napakahirap ang mahiwalay kay MJ. Nakakabaliw.

Kahapon habang kumakanta siya, damang-dama ko yung sakit at pait ng kanta niya. At lalo na yung patapos na yung kanta, parang wala akong nagawa kundi ang ngumiti nalang ng mapakla at puno ng sakit. That's what I can do right now ang tingnan siya sa malayo..

Rehearsals nila ngayon, hindi na ako nag-abala pang umattend ng rehearsals kasi hindi naman din ako makakaattend ng graduation. I'm flying to Japan on Sunday. And Thursday na ngayon kailangan maklaro na ang lahat kasi umaasa ako na bago man lang ako umalis ay magkabalikan kami. Sana lang.... Sana lang mangyari yun.

Tinawagan ako ni Joy kanina. Niyaya niya ako na magmall daw kami. Since wala naman akong magawa, um-oo ako. Paraan ko na rin to para malaman ko kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya or nabigla lang talaga ako sa existence niya that's why I got confused.

After 30 minutes, sinundo ko na siya sa kanilang bahay. Nasa labas lang ako ng gate nila nagantay.

After 10 minutes, lumabas na siya, Finally!

Pumasok siya sa kotse ko at hinalikan ako sa pisngi. Pero bakit parang hindi ako masaya?

"Are you okay?" Tanong niya saakin habang nagmamaneho ako.

"Yeah. " Simpleng sagot ko.

"You seems not." She whispered pero narinig ko pa rin. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdrive na lang.

After 15 minutes dahil hindi gaano katraffic ay nakarating na kami sa mall.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya saakin, I just shrugged my shoulders at her.

"Ikaw? Saan mo gusto?" Sabi ko sa kanila.

"Alam ko na! Sa Gamezone na lang tayo magpunta!" Sabi niya. Nanigas naman ako sa sinabi niya. Did she mention gamezone?

At hindi nga ako nagkamali. Sa gamezone kami nagpunta.

"Doon tayo louie!" Hila niya saakin papunta doon sa hinuhulugan ng token tapos susubukan mong makakuha ng stuffed toy.. Naalala ko bigla yung andito kami ni MJ. Natatandaan ko na hirap na hirap siya sa pagkuha ng stuffed toy kaya ako yung kumuha para sa kanya. Seeing her laugh that time makes me happy. Napaka-gandang panoorin that I can spend my whole life with her and stares at her beautiful smile every second of my life.

"LOUIE!!" Sigaw saakin ni Joy. Napatingin naman ako sa kanya

"I'VE BEEN CALLING YOU KANINA PA! PERO TULALA KA!" She's yelling at me unlike MJ. She never embarass me in front of people.

"Sorry, may iniisip lang ako." Pagdipensa ko, pansin ko rin na napapatingin na ang mga tao saamin.

"Fine! Hindi ko makuha yung stuffed toy na gusto ko, ikaw ng kumuha!" Demanding na sabi niya saakin.

Napabuntong-hininga na lang ako at sinunod ang gusto niya. Ibang-iba siya kumpara sa Joy na dati kong nakilala, marami ng nagbago sa kanya, parang hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

Pagkatapos kong kunin yung stuffed toy niya, ni hindi man lang ako pinasalamatan. Niyaya niya ako na maglunch na daw kami since it's almost lunch time na din naman.

"What's your order?" Tanong saakin ni Joy. Hindi ko alam kung anong oorderin ko kaya in-open ko yung menu. Hmm. Ang mahal naman dito, I'm sure hindi to magugustuhan ni MJ kasi ang mahal, she prefers to dine in fastfood chain unlike Joy. Ano ba tong iniisip ko?! Kasama ko si Joy pero kino-compare ko siya kay MJ!

"May I take your order Ma'am and Sir?" Rinig kong sabi ng waiter.

"I'll order first. Can I have one Clam Chowder, A white paste, and a roasted pears with espresso mascarpone cream." She ordered. Parang nawalan naman ako ng gana, the way she speak, the way she act, it's really different kay MJ.

"Will that be all Ma'am?" Tanong ng waiter.

"No. Have you decided what to order, Louie?" She asked me seductively. Seriously?

"I'll just have a grilled chicken and a soysauce and calamansi as its sauce and iced tea." Sabi ko doon sa waiter. Nagpaalam na ang waiter at umalis na siya. Pagtingin ko kay Joy, nakataas na ang kilay niya. Ano na naman ang problema nito?

"What?" I asked her calmly.

"Seriously? You ordered what? A grilled chicken and a soysauce and calamansi as your sauce to it? Is that even urgggh. Never mind!" She said while rolling her eyes.

"Why? Wala bang ganoon sa Canada?" Biglang tanong ko and take note, in a sarcastic way. Bahagya siyang nagulat sa tono ng boses ko.

"Well, wala. I usually eat -----" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang biglang matumba ang baso ng iced tea na inorder ko kanina at saktong nabuhusan siya pero kaunti lang naman. Pero ang hindi ko ineexpect ay kung anong magiging reaksyon niya,

"WHAT THE HELL?!!! ARE YOU BLIND?! LOOK WHAT YOU'VE DONE, STUPID!! URGGH! YOU RUINED MY DRESS! THIS DRESS COSTS A 6TH TIME OF YOUR SALARY HERE IN THIS RESTAURANT! URGGHH!" She yelled. Napapatingin na yung mga ibang customers dito sa restaurant, habang ang waiter naman ay walang tigil sa paghihingi ng sorry.

Hindi ko na nakayanan pang titigan na lang ang nangyayari at magbibingi-bingihan, tumayo ako at I tapped the waiter.

"Kuya, it's okay. No need to say sorry. You've done your part. Pasensya na po kayo. " Sabi ko doon sa waiter at ngumiti.

"What?! Are you out of your mind, louie?! How can you do that?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"You're the one who over-reacted here, Joy! Aksidente yung nangyari, at nagsorry na sayo ang waiter pero what did you do? You embarassed him! Pinahiya mo siya sa harap ng mga tao dito! And how can you even say that to him? It's not because you are fortune enough to have all these stuffs, like buying the most expensive fragrances, or what ever you want eh pwede mo nang diktahin ang isang tao na hindi naman niya sinasadya!" Pasensya na. Talagang hindi ko nalang talaga kayang hindi magsalita dito.

"Alam mo, siguro nga nagkamali ako na pinili pa rin kita over MJ na mahal na mahal ko, kasi akala ko, you're still the same, you're still the Joy that I once loved but I was wrong. You've turned into a badass bitch trying to manipulate all the people that surrounds you! I was wrong, really I am!" Nagbago naman bigla ang kanyang expression. I knew it! Lahat, pakitang tao lang! I was so stupid to believe in those seductive words of her!

"Wait, what are you trying to say now?" She said sounding uncomfortable.

"Can't you tell, Joy? I have done enough for you. I've done my part, and this is too much of your selfishness. I QUIT." I said to her at umalis na. Pero sinigurado ko muna na nakapagbayad ako sa inorder ko kanina though hindi ako nakakain.

I was wrong. Very wrong. I hurt the woman I truly loved! Sana hindi pa huli ang lahat.

Sana matanggap niya pa rin ako.

Sana, maibalik ko pa ang nasira na,

at sana....

Sana nalaman ko to noong una palang, para hindi kami nasasaktan ngayon ni MJ.