webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Général
Pas assez d’évaluations
45 Chs

Long Distance Relationship

MJ's POV

Bago umalis si Louie, eh sinigurado niya muna na magba-bonding kami. Like nung friday, pagkatapos ng baccalaureate eh niyaya niya ako kasama ang banda tsaka sina Carla at Ben na manood ng sine at magdinner na rin sa mall.

Tapos nung saturday naman, nagkaroon ng parang family bonding sa bahay namin siyempre inimbita na rin namin sina Ben at Carla since wala naman silang ginagawa. Sobrang saya nga namin non eh, lalo pa't biglang sumulpot si Kevin at hinarana si Carla at tinanong kung pwede daw ba niyang ligawan si Carla at aba ang loka, pinipigilan ang kilig pero pumayag rin naman.

At dumating na nga ang Sunday.. Kung kailan aalis na si Louie.. At bukas na nga ang graduation namin, pero wala siya.

"Oh, love? bakit naman ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Louie saakin

"Wala love, nalulungkot lang ako kasi aalis ka na at iiwan mo na talaga ako dito" Sabi ko sa kanya. Niyakap naman niya ako at kinantahan ng chorus ng isang kanta.

"And every moment waiting

Makes the day

Harder to get trough

Don't give up darlin',

the stars may be fallin'

I'm still coming for you

Hold on....." Kanta niya saakin habang hinahaplos yung buhok ko. I hugged him back and medyo naiiyak na ako. Tinignan niya naman ako at hinalikan sa labi. It was a long passionate kiss.

"I'll be back, Love. Promise. Babalik ako. No matter what will happen, Babalikan kita. " Sabi niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Niyakap niya ulit ako at hinalikan ako sa noo.

"I love you Love. Remember that always, magunaw man ang mundo, magka-amnesia man ako, tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita." Sabi niya.

"I know. At mahal na mahal rin kita. " Sabi ko. Hinalikan niya ulit ako sa labi at nagpaalam na saakin.

Nagbabye na ako sa kanya at ngumingiti. Right, babalik siya. Babalikan niya ako.

Monday.

Graduation day na namin, pero hindi ako gaano kasaya.

"Anak! I'm so proud of you! After all these years, finally, gagraduate ka na rin! " Sabi ni mama saakin sabay yakap saakin. Lumapit din si papa saamin at niyakap rin kami ni mama.

Pagkatapos ng madramang scenario at yakapan namin nila Mama at Papa, ay finally nagtungo na kami sa venue ng graduation namin..

Pagdating namin sa venue, nandoon na sina Carla at Ben.

"Babae! Congrats saatin! Finally, gagraduate na tayo! Huhuhuhu! " Sabi ni Carla sabay yakap saakin.

"Ang OA mo bakla ah! Pero seriously mga bakla, congrats saatin!" Sabi ni Ben at mangiyak-ngiyak pa. Inirapan naman siya ni Carla.

"Ang taray mo makasabi saakin ng OA ah, eh ikaw naman pala ang sing-OA ng make up mo diyan!" Sabi ni Carla. Inirapan din naman siya ni Ben.

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Oh? Ayos ka lang babae?" Tanong saakin ni Carla habang pumipila na. Nauna nang magmartsa ang mga Masteral Courses.

Sunod ang Education students.

"Ano ka ba! Di ka pa ba binati ni Louie?" Tanong saakin ni Ben. Umiling ako.

"Ayy ano ba naman yang boyfriend mo bakla?! Nakalimutan niya ba?! Nako-nako!" Sabi ni Ben. Magsasalita pa sana si Carla kaso nagmamartsa na yung mga nasa harap namin.

"Bakla, rumampa ng bongga ah? We deserve this!" Sabi ni Ben na excited magmartsa..

At nagmartsa na nga kami, yung iba masaya tipong nagiging emotional sila, pero ako? Hindi ko alam kung masaya ba ako or malungkot.

Pagkatapos ay nagsimula na nga ang ceremony, mula sa doxolody, pagkanta ng national anthem, opening message at pagdeklara ng official graduates ng president ng university. After nito, distribution na ng diplomas. Nauna pa rin ang mga Masteral Graduates pagkatapos ay kami.

"Lewis, MJ." Tawag saakin ng Dean. Umakyat na ako sa stage para kunin ang diploma.

"Congrats." Sabi ng Dean saakin at ngumiti.

"Thank you ma'am." Sabi ko at ngumiti rin sa kanya.

Pagkabalik ko sa upuan ko, biglang tinawag ang lalaking mahal na mahal ko.

"Mendez, Louie." Pero walang louie na umakyat. Kasi kahit anong iisipin ko, na baka may surprise na naman siya, at biglang susulpot dito pero wala. Kasi ang totoo nasa Canada na siya at isa pang problema ay ang time gap naming dalawa. Umaga dito sa pinas, gabi doon sa canada.

Nagbuntong hininga na lang ako at pumikit.

Long distance relationship sucks!

Kinagabihan, after ng graduation ceremony ay kumain lang kami sa labas.

"Oh, anak? Mukhang hindi ka ata masaya?" Tanong saakin ni Mama.

"Hmm. Hindi naman po sa ganon ma. Masaya naman po ako."

"Pero hindi ganon kasaya tama ba ako?" Sabi naman ni Papa.

"Siguro po." Biglang buntong hininga ko. Ngumiti naman si mama saakin

"Huwag kang mag-alala, tatawagan ka nun." Ngumiti lang ako ng malungkot at nagsimula na kaming kumain.

Umuwi na kami pagkatapos kumain

"Goodnight po ma and pa." Sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila at umakyat na ako sa kwarto ko. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, nagulat ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sabay ring ng cellphone ko. Sinagot ko naman ito.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Congratulations love! I'm so proud of you, though wala ako diyan, pero parang nandiyan na rin ako. Akala mo nakalimutan ko na nuh? Boyfriend mo kaya to. Nagustuhan mo ba yung ginawa nila Ben at Carla sa kwarto mo?" Masayang sabi niya. Ako naman ay naiiyak. I saw my room fully designed with balloons, cards, bouquet and chocolates, and may tarp pa na nakadikit na congratulations yung nakasulat.

"Love?" Sabi ni Louie.

"WAAAAHH! I HATE YOU! I HATE YOU! I THOUGHT NAKALIMUTAN MO NA SINCE KANINA KA PA HINDI TUMATAWAG OR NAGTETEXT MAN LANG! HUHUHU! I HATE Y----" I was cut of by him

"I love you.."

"..."

"Hey, I'm sorry na. Plano ko kasing surpresahin ka pero hindi ko naman inaakala na ganito yung mangyayari." Sabi niya.

"Ikaw talaga kahit kailan! Ang hilig mo sa mga ganito."

"Anything for you, love." Sabi niya. Nagusap kami ng nagusap. May business pala sila doon kaya imbis na magtake siya ng board exam, eh doon na lang daw siya magwowork. Hindi niya itutuloy ang pagiging guro.

"Goodnight love." He said to me. I smiled sweetly.

"Goodmorning love. " I said. And we both ended our call.

Though long distance relationship doesn't really worked out for some couples out there, but we will make sure that it'll work out for us. We will make sure it will...