webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Général
Pas assez d’évaluations
45 Chs

First Day as Couple

Louie's POV

Magkahawak kamay kaming umuwi ni MJ. I mean, habang hinahatid ko siya sa bahay nila. Masayang-masaya ako dahil sa wakas, after 5 months, um-oo na rin siya saakin.

"Ah ano" Sabay naming sabi. Napatawa naman kami sa nangyari.

"Andito na bahay niyo. Pasok ka na." sabi ko na nakangiti.

"Sige. Ingat ka." Sabi niya.

"Ahh MJ" sabi ko.. Anong sasabihin mo Louie? Sira ulo ka talaga!

"Ano yun?" Sabi niya na nakangiti.

"Maraming salamat ulit dahil sinagot mo na ako. Sobrang saya ko ngayong araw." Sabi ko.

"You deserved it, Louie. You've worked hard for it, and dapat lang na sagutin kita kasi napatunayan mo na din naman yung worth mo eh." She said.

"Pa'no see you tomorrow?" Sabi ko.

"Hmm. Okay. Sige pasok na ako." Sabi niya.

Pumasok na nga siya loob ng kanilang bahay at ako naman ay masayang-masaya na umuwi.

Kinabukasan ay masayang-masaya akong pumasok. Tipong pakanta-kanta pa ako na pumasok sa music room.

"Aba iba yung ngiti natin ngayon ah!" Sabi ni Angelo

"Sinagot ka na ni MJ nuh?" Kevin

"Malamang pre, kakaiba yung ngiti niyan ngayon eh, halatang-halata na blooming! Hahahaha!" Marco

"Ulol. Manahimik nga kayo, oh anong balita?" Pag-iiba ko ng usapan kasi pustahan man, hanggang mamaya nila yan ako kukulitin para umamin na kami na.

"Ayun na nga, magpeperform na naman tayo. At kahapon lang kami sinabihan na next week na tayo magpeperform" Sabi ni Vince na halata mo sa boses na kinakabahan.

"Ahh." sabi ko na lang, pa'no ba naman, hanggang ngayon kasi di pa rin ako makapaniwala na kami na. Kami na ni MJ!

"Huy!" Sabay batok saakin ni Angelo

"Aray! Ang sakit nun ah!" Bwisit na Angelo to! Panira ng moment!

"Paano ba naman, prinoproblema na namin yung magiging performance natin next week habang ikaw dyan parang nagde-daydreaming pa ata!" Inis na sabi ni Kevin

"Umamin ka nga pre, sinagot ka na ni MJ nuh? Kaya ganyan ka kasaya ngayon." Tanong ni Marco saakin.

"Hmm. Oo" Sabi ko nang mahina. Tinignan ko naman yung mga expression ng mga mukha nila at lahat sila nakatulala with matching nakanganga pa, pero maya-maya pa ay,

"WOOHH! SA WAKAS! SINAGOT KA NA NIYA!" Sigaw ni Kevin

"I'M SO PROUD OF YOU. BINATANG-BINATA KA NA TALAGA!!" Sabi naman ni Angelo na parang mangiyak-ngiyak pa. Ang o-OA naman ng mga to!

Hindi ko na lang sila pinansin at dinial ang number ni MJ.

"Hello" sinagot niya agad

"Hello Goodmorning, Love. Papunta ka na bang school?" Malambing na tanong ko.

"Oo, papasok na ako ng gate. Bakit?"

"Wala. Namiss lang kita."

"PFFFFFTTTTT!" Tinignan ko naman yung mga mokong sa likod ko. Mga nagpipigil na tumawa. Mawalan sana kayo ng mga oxygen sa katawan ng matuluyan na kayo! Hahahaha

Narinig ko naman yung mahinang tawa niya, kinikilig to for sure.

"Sira ka talaga louie. Oh bakit ka nga napatawag?"

"Punta ka dito sa music room. Bye, love." Sabi ko saka binabaan na.

"ANG CHEESY NAMAN NI LOUIE GUYS. PFFFTTT HAHAHAHAHAHA!" Sabi ni Angelo sabay tawa ng malakas.

"Tigilan niyo nga ako, palibhasa kasi kayo mga torpe!" natigilan naman sila sa pagtawa at tinignan ako ng masama. This time ako naman yung tumawa. Karma's a bitch mga dude!.

Di nagtagal dumating na rin si MJ.

"Ohh, andito na pala yung prinsesa ng MAPANLAIT na prinsepe natin. " Sarkastikong sagot ni Angelo saakin.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni MJ.

"Don't mind them, Love. Nga pala, magpeperform daw tayo next week, nagaalala sila kasi wala pang napipiling kanta na pwede nating iperform. Ikaw ba may naisip ka?" Napaisip naman siya. Ang ganda niya kapag nagiisip, what more kung tumatawa to?

"Dahan-dahan naman sa kakatitig, bro. Matutunaw yan sigi ka." Banta naman ni Kevin

"May naisip na ako, pero baka di niyo magustuhan." Sabi niya.

"Sus, ikaw pa ba MJ? Eh prinsesa ka nitong prinsepeng hilaw eh. Kaya sigi na, sabihin mo na saamin kung anong kantang naisip mo" Marco said. Wait, Me? Prinsepeng Hilaw?!

Babatukan ko na sana si Marco nang biglang magsalita si MJ ukol sa naisip niyang kanta. Ngumiti naman ako kasi pagkarinig na pagkarinig ko sa napili niyang kanta, ay nagustuhan ko na agad to.

Sumang-ayon naman sila lahat sa naisip na kanta ni MJ, for a change din daw. Kaya ayun, pinagplanuhan na namin kung anong gagawin namin. Mula sa vocal arrangement up to the end ng performance namin, planado na.

Most of the time, panakaw-nakaw ako ng tingin sa babaeng katabi ko na mahal na mahal ko, at ganoon din siya saakin.

I can't wait to spend my days with her and create new wonderful memories..