webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Général
Pas assez d’évaluations
45 Chs

Confrontation

MJ's POV

"Best okay ka lang ba? Bat ang tahimik mo?" Tanong ni Carla saakin

"Oo bakla, may nangyari ba?" Pag-aalalang tanong saakin ni Ben.

I sighed.

"I saw my oh so called boyfriend kissing a b*tch in front of me. How was it like? It was a GOOD damn feeling. " I said sarcastically.

Nagulat ako nang bigla nila akong niyakap.

"Best, we're here for you lang ah." Carla comforted me.

"Oo nga bakla, nandito lang kami for you"

Nanonood kami ng movie ngayon, comedy siya. Although comedy tong movie na to, pero hindi ako natatawa. Hindi ako umiiyak.. Blanko lang ang expression ko.

Pagkatapos ng movie, nagyaya na silang dalawa na matulog na, pero sinabi ko lang na mauna na silang matulog since hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Nakahiga ako ngayon, habang yung dalawa kong kasama, mahimbing na yung tulog. Maya't-maya pa ay narinig ko na nagriring ang cellphone ko. Pagtingin ko kung sino yung tumatawag, si Louie. Simula nang mangyari yung kanina, walang tigil na sa kakatunog yung cellphone ko.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses niya na akong tinatawagan.. And I refused to answer any of his calls. What for? To explain?

Maybe I should let him explain his side, but not this time. My whole being isn't ready yet to accept all his reasons what ever that may be.

The next morning, naalimpungatan ako dahil ginigising ako ni Carla.

"Best, gising na. Magpeperform pa kayo sa school diba?" sabi niya.

"Oo at diba kakanta ka mamaya bakla? Kaya ano pang ginagawa mo dyan? Bangon na!" Sabi ni Ben. Oh well, nakalimutan ko na ngayon na pala kami magpeperform at kakanta nga pala ako mamaya.

Makaka-kanta ba ako nito mamaya? Eh hindi ko nga alam kung anong oras ako nakatulog kagabi or should I say na natulog ba ako?

Dahil parang hindi ako gustong tantanan ng dalawa, ay bumangon na ako. May mga damit ako dito sa kwarto ni Carla, since madalas dito ako natutulog.

I entered the bathroom and opened the shower. I felt wet as the shower touches my skin. I stayed there a lil'bit longer, at nagbihis na..

"Sa cafeteria na lang tayo kakain." Sabi ni Carla. Tumango kaming dalawa ni Ben though wala akong ganang kumain.

Sasakyan ko ang ginamit at ako ang nagdrive. After 10 minutes, nakarating rin kami sa school.. Malayo palang ay naaninag ko ang isang lalaki. At di nga ako nagkamali.

"Oh my, anong ginagawa niyan dyan?" Tanong ni Ben.

"Malamang may hinihintay" Sabi ni Carla sabay turo saakin.

"Anong gagawin mo bakla? Kakausapin mo na ba siya?" Tanong saakin ni Ben. Seriously, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Nothing..." I said out of nowhere. Bumaba na kami sa kotse at bigla akong nilapitan ni Louie.

"Love, can we talk?" Love?

But instead of answering him, I continued walking. Pero hinarang niya ang nilalakaran ko.

"Please.. Let's talk first..." Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Those almond eyes na nagpapaalala kung paano ako minahal ng taong to.

"Get out of my way." Cold na sabi ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya umaalis, kaya sa ibang daan ako dumaan. Naglalakad na ako pero bigla niya akong hinawakan sa braso at hinarap sa kanya

"Ano ba MJ? Ganito na lang ba tayo lagi?! Gusto kong ayusin tong relasyon natin pero hindi ko magawa dahil ayaw mo kong kausapin! Iniiwasan mo ko!" Parang naiinis siya, so siya pa?!

"So anong gusto mong gawin ko?! Kausapin ka na parang walang nangyari kahapon ah?!" Medyo tumaas na rin ang boses ko. Pansin ko na nasa likod lang sila Carla at Ben.

"I tried to call you last night pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, pati text ko! Alam ko nasaktan ka at galit ka sa akin pero gusto kong malaman mo na hindi ko yung ginusto, siguro naguluhan lang ako dahil ----" I cut him out dahil sa sinabi niya.

"Bakit sino ba siya ha, Louie? Sino ba siya sa buhay mo?" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil napapansin na ng mga estudyanteng dumadaan ang nangyayari saamin.

"Joy's my 1st girlfriend." And it hits me. Napatango na lang ako sa sinabi niya at naglakad na. Pero hindi pa man din ako nakakalayo nang bigla niya na namang hablutin ang kamay ko

"Please MJ. Please, naguluhan lang talaga ako dahil na---" Hindi niya natuloy pa yung sasabihin niya dahil sinampal ko siya, wala na akong pakialam kahit pa makita ito ng mga estudyante. The pain is just hard to bear.

"WHAT DID YOU JUST SAY? NAGUGULUHAN KA? BAKIT LOUIE, BAKIT?! DATI BA NUNG WALA PA SIYA, MAHAL MO KO TAPOS NGAYON NA BIGLA SIYANG BUMALIK BIGLA KANG NAGULUHAN?!" Napatawa ako ng mapakla, unti-unti nang dumadaloy ang mga pesteng luha ko

"EH T*R*NT*DO KA PALA EH!! MAY KARELASYON KA LOUIE, MAY KARELASYON KA! HINDI KA DAPAT NAGUGULUHAN DAHIL NANDITO AKO! NANDITO AKO NA MAHAL NA MAHAL KA!" Sigaw ko sa kanya. Pinunasan ko muna yung mga luha ko na kanina pa tumutulo.

"WHY DID YOU COURT ME? WHY DID YOU LOVE ME? WHAT ARE THOSE SWEET WORDS, ROMANTIC ACTIONS AND SURPRISES OF YOURS, LOUIE? WHAT ARE THOSE?" Tanong ko sakanya

"Ahh, siguro dahil ginawa mo kong pampabuo sayo? To fill your boredom, ah? Or you just find me interesting dahil naiiba ako sa kanila? Na hindi ako palakibo, hindi ako ngumingiti, at nachallenge ka saakin ganon ba yun, Louie?" Tanong ko sa kanya, ngayon ay wala ng mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Galit. Galit ang nangingibabaw saakin ngayon. Umiiling siya sa mga sinabi ko sa kanya

"No, Love. It's not what you think. I got confused kasi bumalik si---" That's it!

"ANO BA NAMAN YAN, LOUIE! PWEDE BANG MAGPAKATOTOO KA NAMAN! NOT BECAUSE YOU'RE CONFUSED EH YOU CAN KISS YOUR 1ST LOVE! HINDI GANON LOUIE, HINDI GANON YUN. "

"If you'll ask me na kung sakaling bumalik yung tao mula sa nakaraan ko, Louie, alam mo kung anong mararamdaman ko? It's different from yours. Kasi hindi ako papasok sa isang relasyon knowing na hindi pa ako buo, na hindi pa ako handa. Ayokong maging unfair sa partner ko, na akala niya mahal ko siya, pero pag bumalik ang taong yun, eh maguguluhan ako kung mahal ko ba talaga siya or mahal ko parin ang taong yun." I smiled at him bitterly.

"Balikan mo na lang ako pag hindi ka na naguguluhan, Louie.. Yung handa ka nang mahalin ako ng BUO at walang bumabagabag sa isipan mo kasi ayaw kong dumating ang point na nagsasakitan na lang tayo, na naglolokohan na lang tayo at nag-gagamitan lang sa isa't-isa para ihilom yung kulang saatin. Ayaw ko nang ganoon, Louie. Siguro kailangan na muna natin palamigin ang sitwasyon natin ngayon."

"What are you trying to say, MJ? Are you breaking up with me?" he said na naguumpisa nang umiyak.

Umiling ako.

"No, we're not breaking up, but rather cooldown.." sabi ko

"No, Love, hindi ako papayag sa ganoon --"

"You should, Louie. It's the best thing for us, pwede kang sumama sa kanya at sa ganoong paraan malalaman mo kung may puwang pa ba talaga siya sa puso mo, pero pag wala na Louie, pag wala na, pwede mo ulit akong balikan kasi, kamartyran man pakinggan pero handa kitang tanggapin ulit. Atleast, buo ka na. Hindi ka na maguguluhan pa if ever na makita mo ulit siya at hindi mo hahanapin sa kanya ang wala saakin. Pero don't worry, hindi ako aalis sa banda. " Sabi ko sabay ngiti sa kanya at umalis na.

Masakit. Sobrang sakit para saakin ang makita siyang umiiyak, pero ito lang ang nakikita kong paraan para hindi kami magsakalan, or magkasakitan in the end. Kasi if ever na bumalik siya saakin, buong-buo na siya.

Kasi ayokong dumating yung oras na hindi siya masaya saakin. Na hindi niya pala talaga ako mahal. Ayaw ko nang ganoon, It's better this way..