"Okay class dismiss!" sabi ni Sir Anton sabay pasa paunahan ng aming mga papel. Hay salamat! nakaligtas din! Buti talaga gumana yung mga brain cells ko ngayon kahit papaano.
Agad kong inayos ang mga gamit ko at ngayo'y lalabas na kami. Last subject na namin to. At ang dapat kong gawin ngayon ay hanapin kung saan ko ba naipatak yung letter na yun!
Agad akong lumusob sa crowded place na mabaho, wala na akong pakialam kung maamoy ko ang naghalong putok at pawis ng mga kurimaw na to basta ang importante makarating ako sa Sta. Lucia Park. Doon lang ako dumaan kanina at siguradong naroon pa din yung letter na nahulog sa notebook ko kanina!
"Teka nga lang wag magsiksikan atat eh!" rinig ko pang reklamo nitong isang babaeng makapal ang liptint sa labi na animo'y sinubsob sa lupa sa sobrang pula hahahahaha. Napasiring na lang ako sa kanya.
"Saan na ba yun?" inikot ikot ko na ang buong park pero hindi ko pa rin mahanap yung letter. Ilang oras na akong nandito pero bakit hindi ko pa din makita? Hayst, siguro nadampot na yun ng isang pulubi!!! So ibig sabihin pulubi ang magiging boyfie ko? hell no. Isip isip isipppp. San ba talaga yun nagpatak.
Halos magmukha na akong tanga ditong kanina pang nakayuko at ini-inspeksyunan ang mga basurahan. Mamaya ang baho baho ko na. Nakita kong papalubog na ang araw so ibig sabihin malapit ng mag-gabi at yun ang tanda na KANINA PA AKONG NAGHAHANAP DITO!!!!
At naaalala ko hindi pa nga pala ako nakakapunta sa puntod ni Mama . Ma sorry kung nabigyan na naman kita ng sakit sa ulo. Pero okay lang yun quits na naman tayo.....
Tumayo na ako kakahanap at naglakad na lang papalayo, hindi ko na talaga yun makikita....
"Sigurado ka? Susuko ka na?" bigla akong naestatwa ng marinig kong parang may nagsalita sa likod ko. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya kaya nilingon ko na lang siya.Ang letter!
"B-Bakit na sayo i-ito?" jusq wag mautal Cataleya!!!!!
gusto kong itago mo ang liham na ito tanda ng wagas mong pag-ibig sa akin anak at hayaang ibigay mo 'to sa taong magiging komportable ikaw at mamahalin mo ng totoo. At sa oras na mabasa niya ang liham na ito maiintindihan niya ang misteryo ng aking buhay at ang totoong pagkatao mo. Doon mo malalaman ang pinakahihintay mong sagot
Napanganga naman ako. Seryoso? Sabi ni Mama ibigay ko daw????Pero ngayon hawak na ito ng isang matangkad, medyo maputi, matangos ang ilong at gwapong lalaking nasa harap ko ngayon. Hindi maaari. Nasuway ko si Mama.
"Alam ko namang gwapo ako at hindi mo na kailangan pang titigan ako ng ganyan." ngisi pa niya. At dahil dun natauhan naman ako. Kanina pa pala akong nakatitig sa kanya ng hindi ko namamalayan.
"Sa isip mo! Hindi ba pwedeng may malalim lang akong iniisip? Akin na nga yan!" akma ko ng kukunin yung letter pero biglang itinaas nitong lalaking ito ang liham sa ere dahilan para hindi ko maabot.
"Akin na yan! Hindi para sayo ang letter na yan!" naiirita kong sabi.
"Eh kung ganun, para kanino ito?" pang-aasar niyang sabi. Teka, nabasa niya ba yung letter?
"Akin na sabi eh!" at tinuhod ko yung ano sa pagitan ng dalawang binti niya at napayuko naman siya sa sakin at ngayon nakuha ko na din ang letter na kanina pa niyang hindi ibigay sa akin.
"Problem solved! Sa susunod kasi huwag ka ng makipaglaro sa akin....ha?" yumuko ako at ginulo gulo ko yung buhok nitong lalaking yukong yuko na sa sakin! yan kasi eh! bwahahahaha
Naglakad ako papalayo at sinigurado kong hindi na ako masusundan pa nung lalaking yun. At pumunta agad ako sa puntod ni Mama.
"Ma....Happy birthday po." umupo ako sa tabi ng puntod ni Mama at nagsindi ng kandila.
"Ma, alam mo ba muntik ko ng maiwala yung letter na ibinigay mo sa akin noon. Alam kong magagalit ka kapag tuluyan ko na yung naiwala at baka nangangamba na ako ngayon dahil baka hilahin mo na ang paa ko mamayang gabi!" inayos ayos ko pa yung gusot na letter.
"Pero hindi ko akalaing may magbabalik nitong letter sa akin kanina....alam mo ba Ma sa sobrang gwapo niya mapapanganga na lang ako. Kahit siguro ikaw yung narito ganun din yung mafe-feel mo. Yun nga lang, hindi ko alam kung nabasa na ba niya yung letter o hindi. Pero kung hindi, sana binasa talaga niya kasi parang gusto ko na agad siyang maging boyfriend eh!.....jowk!!!! Sorry Ma nagdadalaga na ata itong anak mo eh!" sabay tawa na parang tanga dito.
"Gusto mo talagang basahin ko iyan?" bigla akong nagkaroon ng mini heart attack ng marinig ko ang isang pamilyar na boses at agad itong nilingon. Tama nga, siya yung lalaking gwapo kanina! Teka, narinig niya ba yung lahat ng sinabi ko???! OMG!!! Baka isipin niyang gwapong gwapo ako sa kanya ang yabang pa naman niya! Napatakip ako ng bibig sa sobrang hiya.
"H-Hindi." mahina kong tugon.
"Gwapo pala talaga ako." bigla siyang humalakhak. ugh, sabi na nga ba eh! Narito siya para asarin na naman ako!
"H-Hindi noh! Ang yabang naman neto! Bakit ka ba narito ha? Sinusundan mo ba ako?" pag-iiba ko ng topic.
"Nakita lang kitang nagmamadali kaya sinundan kita dito....siya nga pala may kasalanan ka pa sa akin." tinaliman niya yung tingin niya sa akin. gosh! natuhod ko nga pala yung ano niya!
"Kasalanan mo din naman eh! Sinabi ko namang akin na yung letter pero mas lalo mo pang tinaas! Bagay lang iyan sa iyo!" sabi ko sabay tayo at pinamewangan siya bigla ko namang nakitang binaling niya ang tingin niya sa puntod ni Mama at biglang napabalik ng tingin sa akin pabalik sa puntod at parang nagtataka.
"Sino si Selena Lopez?" tanong niya. Teka kilala niya ba yung nanay ko? Bakit ganito siya makatingin?
"M-Mama ko siya...Bakit?" hinuhuli ko ang tingin niya.
"Ah wala naman. Akala ko may nanay ka pa eh." ano daw? nang-aasar pa ba siya?
"Eh nasaan naman ang Papa mo?"
"Wala. Patay na, nalunod sa tabo." mabilis kong sagot dahil doon napatawa naman siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tunay naman ah! Yun na lang yung ginagawa kong dahilan tutal hindi naman alam ni Tiya na may Papa ako at si Mama naman sinabing patay na daw si Papa.
"Ang harsh mo naman sa papa mo."
"Anong alam mo kay Papa? Siguro nga nabagok pa ang ulo non sa bowl eh! Sana talaga patay na siya kung nasaan man siya." bigla siyang umiwas ng tingin nung sinabi ko iyon.
"G-Galit ka ba sa Papa mo?" tumigil na siya sa pagtawa at umiwas ng tingin.
"H-Hindi naman. Galit ba ako kung hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya? Hindi diba..." biglang lumungkot yung boses ko. Mag-isa ko lang icecelebrate kasi yung birthday ni Mama ngayon eh.
"Ano 'yan? Birthday mo ngayon?" napalundag ako nung biglang sumaya ulit ang boses niyang nagtanong.
Tinuro niya yung dala kong maliit na Yema cake na palagi namang binibili namin ni Mama kapag may okasyon noong nabubuhay pa siya.
"Hindi ah! Kaya nga ako narito ngayon sa puntod ni Mama kasi nga birthday niya." at bigla naman akong nagulat ng hilahin niya ako palayo. Jusko, muntik na akong atakihin sa ginawa niyang yun. Bakit niya ba ako hinila? Pero wala na akong ibang ginawa kundi sumunod na lang sa kaniya at buti na lang tumigil na kami dito sa parke kung saan kami nagaway kanina at umupo sa isa sa mga bench dito.
"Teka nga lang! Bakit mo ba ako hinila kanina at dinala mo dito? close ba tayo ha?" tinanggal ko ang kamay niya sa wrist ko at pinagpagan ang palda ko.
"N-Nakakita kasi ako ng....." nanlaki ang mata niya kaya naman napatingin ako sa likod ko.
"Boo!" ginulat niya ako.
gago lang???? sobrang hingal na hingal ako tapos pag tinanong mo bakit niya ginawa yun aarteng parang may nakitang multo at ngayon gugulatin ako ng bongga??!!
"Aray naman, nakakailan ka na ah!" hinawakan niya yung pisngi niya. Nasampal ko sa sobrang gulat.
"Kanina ka pa din ha. Hindi naman kita kilala pero sobra ka na kung mang-asar!!" binigyan ko siya ng death stare at kinuha ko ang bag ko para ilagay itong letter na hawak ko sa loob at biglang nahagip ng peripheral vision ko yung palad niyang nakalahad sa ibabaw ng yema cake.
"Ano 'yan? Wala akong barya ngayon, umuwi ka na lang." naiirita kong tugon at napansin kong wala na palang araw pero marami paring tao dito sa park.
"Hindi...Diba hindi mo ako kilala? Ako si Travis Leonardo." aniya pero hindi ko pa din siya pinapansin. Balasiyadyan! Kanina pa niya akong binubwisit! "Fine, kung ayaw mong makipag-friends edi uuwi na lang ako." at dahil doon napaubo naman ako. Ano daw? Friends?? Seryoso ba siya o walang magawa sa buhay? Ang isang halata naman sa itsurang parang CEO ng isang kompanya ay makikipagkaibigan sa isang grade 10 sutdent na....ugh.
"Friends??? seryoso ka?? AHAHAHAHA!" para talaga siyang nagbibiro.
"Seryoso ako, Cataleya." tiningnan niya ako ng diretso sa mata at dahil doon napatigil ako sa pagtawa. P-Paano niya nalaman yung pangalan ko? ay oo nga pala siguro nabasa niya doon sa letter. At ng mahalata niyang parang nalilituhan ako bigla siyang ngumiti.
"Ano friends na tayo?" napatulala na lang ako sa mga ngiti niya. Hindi ko inakalang makikipag-kaibigan sa akin ang nilalang na halatang pinagpuyatan ng Diyos sa sobrang ganda ng mga mata, tangos ng ilong at halos perpekto ang lahat ng detalye sa mukha at nakaka-agaw rin ng pansin ang maliit niyang nunal sa ilalim ng ilong para tuloy kulangot kapag malayuan.
"Huy sabi ko kung friends na tayo! Kinakausap kita pero pangiti ngiti ka lang diyan!" nabuhayan ako ng bigla siyang nagsalita. gosh, nakatitig na pala ako ng ganun ka tagal sa kanyang mukha. Friends lang daw wag crush Cataleya ahhhhh. Baka lumaki lang lalo ang ulo nito kung patuloy mo pa'tong purihin haha!
"O-Oo naman!" inilagay ko ang mga kamay ko sa kamay niyang kanina pang nag-iintay na abutin ko yun.
Akala ko sa mga fantasy books ko lang mababasa itong may nakikipagkaibigan sa iyong gwapong gwapong prinsipe at di kinalaunan ay ikakasal din kayo gosh!
"Ayos ka lang ba? Bakit kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan? Crush mo na ba ako?" sambit niya at dahil doon napatigil ako sa pag-ngiti ko, sabi na nga ba eh!
"Tse! Hindi noh! Alam mo bang may crush akong sobrang gwapo na mas gwapo pa sayo kaya wag kang echos diyan!" siniringan ko siya.
"So gwapo nga ako?" tumawa siya.
"Dahil supportive friend ako sayo...Oo! Pero may limitasyon yun!" ako naman ang tumawa ng malakas at siya naman yung naasar.
"Nasaan na yung crush mong yun? " singit niya pa.
"Actually fictional character lang siya." naalala ko tuloy nung panahong binabasa ko pa lang yung story ni serialsleeper sa Wattpad na ang pamagat ay Stay Awake Agatha grabe! Sobrang iniyakan ko iyon at hinangad na magkaroon ng boyfriend na gaya ni Cooper na ginawa ang lahat makapiling lang si Agatha at hanggang sa huling sandali ng buhay nito ay umaasa pa din siyang mabubuhay si Agatha. Sana talaga may lalaking ganoon sa totoong buhay hindi yung puro pagpapa-cute lang ang alam, mangiiwan naman pala!
"So kung fictional, hindi totoo diba? Paano mo naman nasabing mas gwapo siya sa akin?" siya naman yung nang-aasar ngayon tss.
"Hindi nga totoo pero para sa akin totoo siya. Narito siya sa puso ko at mag-iintay na lang siguro ako sa taong mag-bibring kay Cooper into real life."
"Ang hopeless romantic mo naman..." saad pa niya.
"Sus! Kesa naman sa puro pagpapapogi ang alam mayabang naman! Eh ikaw ba, may girlfriend ka na?" pag-iiba ko ng topic.
"Wala. Hindi ko gusto ang mga babae." diretso siyang tumingin sa akin. Oh huwag mong sabihing galit ka din sakin kaya mo ako inaasar ng ganito?
"Bakit naman?"
"Masyado silang magulo. Ayoko ng maraming iniintindi." seryoso niyang sinabi na parang may pinagdadaanan siya.
"So sinasabi mong wala kang balak mag-girlfriend dahil sa sobrang babaw ng rason mong iyan?" humagalpak naman ako sa kakatawa.
"K--Kasi patuloy ko pa ding hinahanap yung babaeng matagal na akong iniintay pero hindi ko alam na kung sa pagbalik ko ay mainis lang siya sa akin at hindi ako maunawaan."
"Kung ganon dapat mong ipaunawa sa kanyang mabuti ang lahat ng bagay para hindi siya mainis sayo. Alam mo kasi kaming mga babae, ang tanging gusto lang namin ay malinaw na eksplenasyon pero kung malinaw na sa amin ang aming nakita hindi na namin kailangan iyon. Tama ka nga siguro, napakagulo naming mga babae." sabi ko naman.
"P-Pero nahanap ko na siya...." dagdag niya pa. "At sa tingin ko mauunawaan din niya ako." tumingin siya sa akin dahilan para umiwas ako ng tingin.
"Alam mo hindi ko akalaing magkakaroon ako ng kaibigang normal na gaya mo." tumingin siya sa isang ilaw sa malayo.
"Normal? bakit? puro ba abnormal ang mga kaibigan mo?"
"H-Hindi, hindi. I mean hindi sila kagaya mong namumuhay ng normal." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Malalaman mo din yan, sa susunod ipapakilala na kita sa kanila." ngumiti siya. Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting kaba doon sa ipapakilala niya ako. opps! huwag umasa Cataleya. Wala namang masama kung magpakilala sa kaniyang mga kaibigan diba.
Habang naglalakad pauwi nagulat ako ng makitang walang ilaw ang buong bahay at nakita kong nilolock ni Tiya Susana yung gate ng bahay namin. Bakit kaya? Agad akong tumakbo papalapit kay Tiya Susana.
"Tiya ano pong ginagawa niyo?" pinipigilan ko siya sa ginagawa niya.
"Ano ka ba?! Tumigil ka nga! Nagmamadali ako!" napatingin ako sa mga bagahe niyang dala-dala.
"Saan po kayo pupunta?"
"Cataleya, wag ka ng maraming tanong! Kailangan na nating umalis sa bahay na ito kung hindi tayo aalis dito na rin tayo mamamatay!" hindi ko pa rin maintindihan.
"Tiya, hindi ko po maaaring iwan ang bahay na ito. Iyon po ang bilin ni Mama sa akin!" napaiyak na ako.
"Mas importante ang mga buhay natin kesa sa bilin ni Selenang matagal ng patay! Gamitin mo nga yang kokote mo Cataleya!" dinikit niya yung daliri niya sa ulo ko at tinulak ito sabay tanggal ng mga kamay ko sa hawak niyang bagahe.
"Kung ayaw mong umalis dito ako na lang ang aalis dito. Bahala kang mamatay dito!" sigaw niya sabay bato sa akin ng susi ng bahay at naiwan ako ditong umiiyak.
Sobrang sakit pa din sa pakiramdam na wala lang halaga kay Tiya Susana ang pagkamatay ni Mama kahit pa kapatid niya ito. Kung hindi mahalaga sa kanya ang bahay na ito na hindi ko iniwan magmula nung namatay siya pwes sa akin sobrang mahalaga dahil dito ko lamang nararamdamang kasama ko si Mama!
Pinagmasdan ko siyang tumakbo papalayo at parang nagtatago.
May pinagtataguan ba siya?
S-Siguro may malaki na naman siyang utang na hindi niya kayang bayaran kaya isa lang ang paraan para takasan ito at hindi na siya hanapin.
"Pare tingnan mo, para namang walang tao dito." narinig kong may dalawang lalaking nag-uusap kaya agad naman akong napatago sa malaking poste sa harap ng bahay namin. Tama nga ang hinala ko! Nabaon na naman si Tiya sa utang niya at tandang tanda ko pa ang hitsura ng dalawang lalaking ito na nakita ko rin noon sa labas ng bahay namin at nagabot ng dalawang malaking bag na itim.
"Akyating mo na lang yung bahay, baka may manakaw pa tayo diyan." sabi pa nung isa sabay tawa. Hindi na ako nakapagtimpi pa at agad ng lumabas at binato silang dalawa.
"Pare si Susana!" sigaw pa nung isa. Natamaan ko naman yung isa ng bato sa may pisngi at dali-daling tumakbo palayo nagulat na lang ako ng biglang may malamig na kamay ang dumampi sa kamay ko at hinila ako sa may eskinita.