webnovel

The Present

TULALA. Tila walang ekspresyon ang mukhang nakatingin sa kung saang sulok ng kwarto, nakaupo sa gilid ng kanyang kama nang bigla may naalala. Walang pasabing biglang kumirot ang puso na tila kinukurot o tinutusok ng anumang bagay. Masakit. Bakit masakit? Tanong sa sarili. "Monica, think straight. FOCUS!" Huminga ng malalim na tila ito'y maiibsan. Pero lalong bumibigat. Naglalaro sa isip ang mga bagay -bagay na wala syang kontrol, hanggang sa tila nababasa ang kanyang pisngi at umiinit ang kanyang mata, di na mapigil ang daloy ng luha habang nakatulala. "Why?",tanong sa sarili ni Monica. Pero alam nya ang sagot. Alam na niya ang dahilan ng pagpatak ng kanyang luha, ang pagkirot ng kanyang puso na unti-unting dumudurog sa kanyang puso. Alam na alam niya kung bakit siya nasasaktan. Ngunit siya ay walang kontrol sa mga nagaganap, sa kanyang nararamdaman, sa mga mangyayari at sa magiging resulta nito. Sa bawat pagpatak ng luha nya ay tila lalong nanunumbalik ang mga nangyari, nagpapaalala ng mga sakit. Ah. Walang dapat sisihin kundi ang sarili. "Bakit ko hinayaang mangyari to? See? You knew but still...You're suffering now because you weren't thinking!" Paninisi sa sarili.

Dahan-dahan siyang humiga sa kanyang kama habang ibinato niya ang kanyang shoulder bag sa closet. Ang kanyang tahimik na pag-iyak ay nauwi sa hikbi at hindi pa halos nakakabihis ay tuluyan nang nakatulog sa higaan

Earlier that day...

"SSSH!" Matinding bulong ni Maine sa mga kaibigan. "Pota! Wag na wag kayong maingay kay Monica! We all know her too well. She'll act cool. Pretend as if it doesn't affect her pero she's too transparent! At kayo Chester and Rica, please, please, please shut the fuck up! Pasasabugin ko bunganga nyo if you give even a hint!" May pagbabanta sa tinig nito ngunit mahahalata ang pag-aalala para sa kaibigang si Monica. She is about to find out something bad. They knew that any other way around that somehow she will know it bit they are trying to protect her. She's been through a.

lot ayaw na nilang madagdagan ang kanyang nararamdaman. Just last year, her father lost his battle with diabetes. Monica is an only child. Her mom died of giving birth to her. At dahil diabetic ang kanyang ama, hadlang ito upang mabigyan sya ng maayos na pamumuhay. Kaagapay naman ng kanyang ama ang kanyang tiyahin sa pagpapalaki sa kanya kung kaya't naitaguyod sya ang kanyang pag-aaral. Nakapagtapos siya ng Education Major in ENGLISH. Siya ay matalino kung kaya't nakakuha siya ng scholarship sa kanilang lalawigan na malaking tulong sa kanyang pag-aaral. Pagkapasa ng Board exam ay nakapagturo agad siya sa isang Private school sa kanilang bayan. Ngunit hindi pa siya nagtatagal sa kanyang trabaho ay binawian agad ng buhay ang kanyang ama sa sakit nito.

Sariwa pa ang sakit ng pagkawala ng kanyang ama at tanging mga kaibigan lamang niya ang nahihingahan ng kanyang nararamdaman.

"Oh ayan na siya!" Tarantang nag-ayos ang magkakaibigang sina Maine,Chester, Rica at Adrian. Maine sipped her milktea while Chester started eating his cheesecake. Si Rica naman ay ngreretouch habang nagtawag ng waiter si Adrian. They all faked a smile while she was walking to them. She was wearing an off-shoulder, floral mini romper that swayed while she was walking. She chose to let her hair down to give a feminine touch to her mood today. They all greeted her enthusiastically which seemed weird to her so she smiled back with a frown on her face. Alam niya pag ganto ang mga kaibigan niya. So she started asking, "Anong meron?"

Maine was defensive, "Gaga!Hindi ba pwedeng namiss ka namin?" "Yeah! You need to lighten up! Syempre namiss ka namin." Rica added. "Kaya nga weird eh. Natatakot tuloy ako kasi for sure there's something going on. Ang hirap niyo kaya i-gather together and mind you ha, lagi akong nauuna pag may gala but this time ang aga niyo." Panghuhuli ni Monica. Honestly, she just wanted to tease them. She wouldn't want any bad news anyway.

Nagkatinginan ang magkakaibigan ngunit biglang dumating ang waiter. "'Nic,order na dami mo interpretation sa life friend kaya wla kang lovelife!" hirit ni Rica. She just wanted to crack a joke but it wasn't the right topic. Nanlamig siya nang marealize niya na hindi tama ung naibato niyang biro sa kaibigan. Napatingin lahat kay Rica na tila mamamatay sa sama ng tingin ng apat.

Monica suddenly felt shocked by Rica's remark. She also noticed the looks they gave her. Her friends' reactions meant alot but she didn't want to bring up "that" topic. No. Not again. So she tried calming herself when in fact she felt shaky already,as if any moment she would burst into tears. "Not today. Not today please." she asked herself pleading. So she turned to the waiter and ordered a hot chocolate and cream cheese cake.