webnovel

University Series: Athena Louise Sarxel

Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrille Cameron Garcel, isang scholar pero hindi nerd. In fact ay marami ang nagkakagusto sa kanya at sya'y kilala rin sa SU. Pero focus si Xyzrille sa pag-aaral nya. Halos hindi nga sya updated sa mga bagong ganap sa paligid nya. What would happen if their world collide? Well, it can be a total chaos.

KillerInDuty · LGBT+
Pas assez d’évaluations
54 Chs

Chapter 46

Athena's PoV:

"Athena, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jared. I just nodded my head as an aswer to his question.

We're here now in our private room. They followed me noong nagwalk out ako kanina. Oh diba. Ang bongga.

Kung nagtatanong kayo kung bakit ako umalis kanina, naiinis ako. Naiirita ako sa nakikita ko. Nag-iinit ang ulo ko. Tss. Parang linta kung kumapit ang Shane na 'yon sa Babyloves ko.

'Nagbreak na kayo, remember? Ilang araw na ang lumipas, girl.' Pagkontra sa akin ng echusera kong utak.

Duh, you don't care. Hindi ka kasali rito paalala ko lang sayo. Che.

Oo nga pala, sa mga araw na nagdaan, parang ang lungkot at ang tamlay ko. Para bang may kulang sa akin. Hindi ko rin kasi sya nakita non dahil sa tingin ko ay 'yon ang nakakabuti sa akin at sa aming dalawa.

"Gusto mo bang ipasalvage namin ang Shane na 'yon?" Suggestion ni Ella. Nakataas-kilay pa sya. I giggled because of that. 

Oh well, I love that idea of her. I really do. But na-uh. parang ang sama naman namin if ever na gawin namin 'yon. Anyways, I don't care rin naman kung anong sasabihin ng iba. Pakielam ko sa kanila.

"Silly. Bakit mo naman naisip 'yon?" Natatawa kong tanong sa kanya. Masyado kaming maganda para gawin ang mga ganoong bagay. Nakakasira ng poise. Hindi dapat pinoproblema ang mga haliparot na katulad nya.

"Kasi nagseselos ka sa kanilang dalawa ni Xyzrielle." Nakangising sagot sa akin ni Ella. Napamaang naman ako dahil sa aking narinig. Maya-maya ay napailing ako.

Nahihibang na siguro sya. Nag-iimagine ng kung ano-ano ang loka. Hindi ko na pinatulan ang kanyang sinabi at nanahimik na lang sa isang tabi.

"Girl, admit it na kasi. You know, wala namang masama kung sabihin mo 'yung totoo sa amin eh. Atsaka, bakit ka naaapektuhan ng super sa kanila?" Conyong saad ni Stacey.

Pwede bang tahiin na lang ang bunganga nitong mga kaibigan ko at ng tumahimik? Ang iingay eh. Sumasabay pa sa init ng ulo ko. Tsk.

"Ano namang aaminin ko sa inyo?" Nakakunot-noo kong tanong. Wala akong kaide-ideya kung ano ang dapat kong isiwalat. Duh.

"Na may feelings ka na kay Xyzrielle." Sabat naman ni Jared. Oh damn. Pati ba naman sya ay sasama sa kanila.

"Ikaw din, Jared? Mygoodness! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala nga? As in, W-A-L-A. Capital na 'yan ah. Para damang-dama nyo." I said to them and rolled my eyes after that.

Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin? Hindi naman ako unli para ulit-ulitin ang sinasabi ko.

"Then bakit ang defensive mo?" Ella asked while smirking mischievously. They're pushing me into something.

"No, I'm not!" I answered quickly. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi. Aish.

"Eh bakit ganon ang reaction mo sa kanila?" Ang kulit talaga nito ni Stacey. Tsk. Saan ba 'to pinaglihi ng Mommy nya?

"Masakit sila sa mata. Ang panget tignan. Nakakairita. Mahiya naman sana sila. Public place pa man din 'yon tapos naglalandian sila." Marami pa sana akong idagdag kaso wag na. Tinamad na akong isa-isahin. Marami kasing reason.

Magtatanong pa sana sila when I shot them with my famous death glarez. I saw na itinikom na nila ang kanilang mga bibig na parang may zipper roon. Good. Mabuti naman at nagkakaintindihan kami.

Iniwan ko na sila roon at umakyat na lang sa second floor nitong room. Mayroong balcony doon at tanaw na tanaw ang quadrangle. Makapagrelax nga muna. I need some fresh air. Hindi na muna ako pumasok sa mga natitirang subject. I need to clear my mind. Parang wala ako sa mood these fast few days eh.

Napatingin ako sa mga students na naroroon. Iba-iba ang mga ginagawa nila. Napangisi ako nang makita na naroon pala si Shane The Snake. Mukhang may PE class sya ngayon at ang activity nila ay cheer dance. I intently eyed her from head to toe.

Ang unang-una mong mapapansin sa kanya ay ang ngiti nito. It's a bright smile to be exact. But for me, nakakairita 'yon. Bumaba ang aking tingin at napadako 'yon sa kanyang hinaharap. Malaki ang mga ito.

Wala sa sariling napatingin ako sa aking dibdib at ipagkumpara ang laki nila sa kanya. Okay, fine. Mas malaki ng kaunti ang sa kanya. Tsk. Nanalo sya sa part na 'yon against me.

I continued looking at her. All in all ay confident akong masasabi na sobrang laki ng lamang ko sa kanya.

She has some looks but I'm beyond perfection. Maganda ang kanyang katawan. May kurba ito ngunit alam kong I'm way more sexier than her. Ang lamang lang talaga nya sa akin ay ang kanyang dibdib. Isama mo na rin na mas malaki ang kanyang pang-upo kaysa sa akin.

Siguro kung pagtatabihin kaming dalawa ay literal na mas angat ako sa bitch na 'yun.

Napatawa naman ako sa aking naisip. Minsan ay umientra ang pagkajudger ko sa ibang tao. It's valid because I'm fabulous.

If ever man na papiliin si Xyzrielle kung sinong pipiliin nya sa aming dalawa ng Shane na 'yon, I'm sure na she will choose me.

Duh. Grasya na 'yung nasa harapan nya, tatanggihan nya pa?

_____//_____

Another boring day. Nakita ko na naman kung paano maglandian ang dalawang 'yon. I know na kilala nyo na kung sino sila. Tsk.

Bakit noong kami pa ni Xyzrielle, hindi naman kami ganto kaPDA? Akala ko ba ay magkaibigan lang sila. May magkaibigan bang 'Babe' ang tawagan sa isa't isa? Ano sila? Baboy? Ang corny ng endearment nila. Hmp.

And oh, may narealize din pala ako. Ang panget palang ngumiti ni Xyzrielle kapag hindi ako ang dahilan.

"May I have your attention class?" Pag-agaw ng pansin na tanong ni Sir Dela Cruz. Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Alam nyo naman na may yearly activity ang school na ito, right?" Naghiyawan ang lahat dahil parang nakakuha na sila ng hint kung ano ang sasabihin ni Sir. Ano bang nakakatuwa sa activity na 'yon?

"Quiet class! So ayun nga, balik tayo. It's an activity at gaganapin iyon sa Iba, Zambales. 3 days and 2 nights ang inyong stay doon. An activity that is mostly composed of team building para mahasa ang cooperation nyo sa iba. This Saturday na 'yon kaagad. Ang sasama ay may dagdag points."

Mas lalong napahiyaw ang lahat dahil sa kanyang huling sinabi. Nakapag-enjoy ka na, may grade pa. 'Yan ang sabi ng iba. I just rolled my eyes about that. It's not fun for me.

"Hey, sasama ka ba?" Tanong sa akin ng katabi kong si Ella.

"Nope. I rather stay at home and sleep than going to that activity." I simply said. Ganito naman ang ganap naming lahat. Yup, kaming apat ay hindi sumasama sa ganito.

"Okay. Ganoon na rin siguro ako." She said at ipinamalita na sa dalawa ang aming desisyon. Oh well, ang desisyon ng isa ay desisyon ng lahat sa amin.

Nagsimula na uling maglesson si Sir about sa kanyang subject. Hindi na ako nakinig pa dahil alam ko na kung ano man 'yon. Nag-aadvance reading ako eh.

Itinungo ko na lang ang aking ulo. Hindi nya ako sinisita bevause he knows na alam ko na ang lesson for today. And ayaw nya naman sigurong mawalan ng trabaho, right?

_____//_____

Inayos ko na ang mga gamit ko dahil 'yon na pala ang last subject namin for today. Maaga kaming pinadiscuss. Mayroon daw kasing faculty meeting ang mga teacher.

Ilalagay ko na sana ang notebook ko sa aking bag when suddenly, I heard something that caught my attention.

"Girl, sasama kaya si Ms. Athena?"

"Syempre hindi. Hindi naman sya sumasama sa mga ganito diba?"

"Oh wait. Balita ko kasi.. sasama si Xyzrielle, 'yung girlfriend nya kaya I thought, she will come too."

"Girl, huli ka na ata sa balita. Nagbreak na sila, matagal na. Atsaka, saan mo ba nakuha ang chismis na 'yan?"

"Girl, hindi 'to chismis. Legit 'to. Kakatext lang sa akin ng friend ko. Kaklase nya si Xyzrielle. Inaya raw kasi 'yun ni Ms. Shane."

"Waaahh! Ang swerte nya talagaa. Noong una ay si Athena, ngayon naman si Ms. Shane. Gusto ko rin sanang dumagdag kaso alam ko namang talo na ako."

Hindi ko na tinapos pa ang pakikinig at dumiretso na sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

Tsk. Gumagawa na ng paraan ang Shane the Snake na 'yon. Argh! Nakakaasar. Kung sa tingin nya ay makakascore sya kay Xyzrielle, nagkakamali sya.

"Guys, change of plan." Panimula ko sa kanila.

"Sasama na ako sa yearly activity." I announced. I saw that they're surprised. Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanilang labi.

"Alam naming narinig mo 'yong pinag-uusapan ng mga nasa likod mo." Ella said to me.

"Ano? Pweden paki-ulit? Hindi ko kasi narinig eh." Nakataas-kilay kong tanong sa kanya. Narinig ko naman 'yon ng tama at malinaw. Gusto ko lang na ulitin nya ang sinabi nta.

"Ha? Wala. Ang sabi ko, sasama rin kami. Kawawa ka naman kung mag-isa ka lang doon."

I just rolled my eyes. Oh well, I can't wait na magSaturday na.