webnovel

CHAPTER 6

Maagang bumangon si Thadeus at nagluto ng kanilang umagahan. Ala-sinko na ayon sa kaniyang orasan na nakasabit sa may tabi ng bintana. Usapan nila ni Kaerius na aagahan nila para maaga silang makakarating sa siyudad, tapos hahanapin nila ang tinutukoy nitong si Keyna.

Ngunit, paano niya kaya gigisingin ang lalaking mahimbing na mahimbing ang tulog?

"Siguro, napagod kahapon," wika na lang niya habang nagluluto ng itlog.

Sanay na si Thadeus sa gawaing bahay. Walong taong gulang pa lang siya ay tinuruan na siya ng kaniyang Ina kung paano kumilos sa bahay. Nang mamatay ito ng sampung taong gulang siya, siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay kasabay ng pangingisda kasama ang kaniyang Tatay.

Ngunit, kasabay din nang pagkawala ng kaniyang Nanay ay ang pagmamalupit ng kaniyang Tatay sa kaniya. Kung kaya't nung makita niyang nataob ni Kaerius ang sinasakyang bangka ng kaniyang ama, tila nabunutan siya ng tinik. Hindi na siya muli magkakaroon pa ng latay.

Malaya na siya. Sa wakas!

Nagpapasalamat siya kay Kaerius. Kahit hindi niya maintindihan ang pinagsasa-sabi nito minsan, ay natutuwa siya dahil nagkaroon siya ng kaibigan. Sinabi niya yon! (CHAPTER 5)

Ginising na niya si Kaerius at nagising din naman ito. Sinabi niya lang ang magic word na "Keyna" ay animo'y excited na excited talaga itong makita kung sino man yon.

Siya naman ay na-e-excite din, dahil makakarating na siya ng Siyudad.

"Ligo?" ulit ni Kaerius matapos nilang kumain. Sinabi kasi ni Thadeus na kailangan niyang maligo.

"Maligo. Maglilinis ka ng katawan mo, Kaerius. Hindi mo ba alam yon?"

Umiling ito. "Ligo. ako? Linis?"

Nakunot ang noo ng bata. "Ano ka ba talaga Kaerius?" hindi na niya maiwasang matanong. Hindi niya kasi alam kung may sapak ba sa ulo ito o baliw.

Bakit ka nagtiwala agad?

Binura na lang niya sa isipan ang kaniyang mga tanong.

"Kung gusto mo ay sabay na tayong maligo. Tuturuan kita paano maligo," sabi na lang niya at pumayag naman ito.

Ngunit, matapos nang pag-ligo nilang iyon, tila, ayaw na ulit iyong maulit ni Thadeus. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita.

Nagmadali na ang dalawa at saktong ala-sais ay nakasakay na sila ng bus. Halos isang oras ang byahe papunta sa bayan, kung kaya't maaari pa silang matulog o magpahinga.

Ngunit, paano nga pala sila makakatulog at makakapagpahinga kung ang mga babaeng nakasakay sa bus na naroon ay lahat ay nakatuon sa dako nila.

Hindi, sa dako ni Kaerius.

Hindi maiwasang mapabuga ng hangin ni Thadeus. "Lalandi," bulong niya.

Pero, parang walang pakealam si Kaerius dahil masaya lamang itong nakatuon sa labas. Tila, para itong batang punong-puno ng kuryosidad at tila natutuwa sa kaniyang mga nakikita.

"Ano. yon?" turo nito sa kalabaw na nasa palayan.

"Kalabaw," sagot ni Thadeus. "Hindi mo alam kung ano yon?" Hindi niya maiwasang tanong, "San ka ba nang-galing na planeta at hindi mo alam ang mga yan." Pansin niya kasing lahat ng makita nito ay tinuturo niya, tapos hindi nito alam kung ano ang mga ito.

Natuwid ng bahagya si Kaerius at umupo na lamang na mahusay. Hindi pa nga pala alam ng batang ito ang tunay niyang pagkatao. Baka mamaya ay maghinala na ito sa kaniya. Mas mabuting alam lang nito na may kapangyarihan siya, kesa malamang isa siyang Siren.

Alam niya kung paano kasuklaman ng mga tao ang mga katulad niyang Siren.

"Alam. Walang. Alam," sinabi na lamang niya.

Thadeus scoffs, "Okay lang yun, ano ka ba! Parehas lang naman tayo, e. Ako nga hindi nakatungtong ng anumang baitang."

Lumingon si Kaerius sa batang nakangiti ngayon.

"Sinabi ko naman sayo na tutulungan kita e. Susubukan ko na ring ipakilala sayo ang mga bagay na hindi mo alam." Animo'y matanda na ito at maraming kaalaman.

Kaerius smiles and taps Thadeus' head, "Salamat," tangi niyang nasabi.

"Wag ka munang magpasalamat. Hindi pa tayo nakakarating ng Bayan at hindi mo pa nakikita ang prinsesa mo, kaya easy ka lang diyan," tinapik nito ang kaniyang ilong. Pogi points ba.

Ginawa din ito ni Kaerius.

Natawa si Thadeus. "Kaya maraming babaeng nagkakagusto sayo e."

At nagtawanan sila. Kahit hindi naman naintindihan iyon ni Kaerius.

~

Samantala, sa bahay ng mga Ferrer...

"A for Apple," ani ng babaeng tutor ni Keyna. Sinunod din naman ito ni Keyna. "Apple."

"Apple," bigkas ni Keyna.

"Very good!" the tutor praise. "This is how you write, A." Gumawa siya ng A na broken lines tapos pina-trace niya ito kay Keyna.

Nanonood naman sa malayo ang mag-asawang Ferrer kasama si Dr. Perges.

"She is doing well, I see," komento ni Dr. Perges. "Siguro mga isang buwan o dalawa, babalik din sa normal si Keyna." May kumpyansa nitong sabi.

Ngunit, kay Mrs. Ferrer mukhang imposible ang sinasabi nito. Dahil, nung siya mismo ang nag-turo sa anak, hirap na hirap siya kung paano ito sisimulan. Keyna is not even listening to her. Tapos, nang mag-recommend si Dr. Perges ng tutor sa kanila, ito ang anak niya, seryoso at nakikinig ng mahusay.

Paano naman nangyari yon? Winalang bahala na lang niya ulit.

"Sigurado ba kayo, Dr. Perges?" Mr. Ferrer. "Parang... p-parang ang bilis nun? Kung ang sinabi niyo ay magsisimula kami sa umpisa?"

Dr. Perges gulp at inayos ang salamin nito. "Peter, ang mga taong ito na ni-recommend ko sa inyo, they are the best of the best. Kung gusto niya nga e, isang linggo lang? Kaya nilang gawin yon."

Tumingin ng matulis si Mr. Ferrer sa doctor. "Are you even hearing yourself? Kahit sa batang nagsisimula palang mahihirapan siya. It takes time. It is a step by step process." He is referring to how they taught Keyna when she was just a kid.

May proseso kapag nais mong mag-turo. Hanggang sa kaya na niyang mag-isa.

Dr. Perges taps Mr. Ferrer's shoulder, "Maniwala lang kayo." Tinuon niya ang mga mata kay Keyna. His eyes turn red, pero bumalik din agad sa dati nitong kulay. "She'll be back."

~

Matapos ang isang oras, nakarating na nga sila Kaerius at Thadeus sa siyudad.

"Bayan!" sigaw ng kinduktor! "Bababa ng Bayan! Nandito na po tayo!"

"Kaerius," ginising niya ang naglalaway na si Kaerius. "Nandito na tayo!"

Agad namang namulat si Kaerius, tila bigla siyang ginanahan at nagmamadaling bumaba sa bus. Hindi na napansin ang mga babaeng nakatuon lang sa kaniya.

Napakamot si Thadeus, "Ako ang mag-dadala ng mga gamit na to?" Tukoy niya sa dalawang malalaking bag na dala niya. Napabuga siya ng hangin. Mabuti nalang, batak siya sa trabaho.

Madali na rin siyang bumaba.

"Keyna. Kilala?" nakahawak si Kaerius sa dalawang kamay ng babae. "Hanap. siya. Kaerius."

"Ang gwapo mo naman," sabi lang ng babae. Maraming babae ang biglang dumako sa kanila. Pinagkaguluhan siya ng mga ito.

"Ang gwapo."

"San ka nakatira?"

Maya-maya pa naramdaman ni Kaerius na hinila ang kaniyang tenga ni Thadeus.

"Pasensya na po! Hindi niya po kayo naiintindihan. Galing po siya sa ibang planeta kaya kung maaari, umalis na po kayo!" sigaw nito na pinapaalis ang mga babae at tinataboy ito, hanggang sa makapasok sila sa isang banyo.

"Ano ba yang ginagawa mo Kaerius? Kasama mo ako diba?" Pinadala niya dito ang isang bag. "Easy ka lang, malawak ang siyudad na to. Kaya kung ako sayo mag-iingat tayo, okay? Baka anong isipin nila sayo," dahan-dahan niyang pinaliwanag dito.

Tatango-tango naman si Kaerius.

"Ako na ang balahang magtatanong sa kanila. Okay?" Baka kasi hindi siya maintindihan ng mga taong pagtatanungan nila. Bumulong pa siya nang, "Kung hindi ka lang gwapo, napagtawanan kana diyan."

"Sige," maamo nitong sabi.

Tyaka sila lumabas ng banyo.

Ngunit, bago pa man sila tumuloy sa kanilang pakay patungo sa kanilang paghahanap. May pumigil sa kanila.

"Kaerius!" masiglang tawag nito na tila kilala ang lalaki.

Isa itong babae.

Mahaba ang kulay ginto nitong buhok; medyo matangkad siya at mapayat ngunit maganda ang hubog ng kaniyang pangangatawan; morena siya; maganda rin ito; matangos ang kaniyang ilong; ang kaniyang labi ay manipis at kulay pula; kapansin-pansin ang kaniyang mata – kulay berde.

Nagulat si Kaerius ng makita niya ang babae. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"Siya na ba ang hinahanap natin?" tanong ni Thadeus.

Niyakap ni Kaerius ang babae. "Satara!"