webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
69 Chs

Quiz and Lunch (2)

Nag-antay ako ng ilang minuto pero wala akong reply na natanggap hanggang sa nairita na ako at tinawagan na siya. Mga ilang ring pa bago may sumagot at bago pa man ako makapagsalita, naunahan na niya ako, "Risa, matulog ka na." Sabay end ng call.

Napatingin na lang ako sa cellphone ko habang medyo nakakanga ang bibig dahil handa na akong magsalita. Itinapon ko na yung cellphone ko sa kama dahil alam kong hindi ko na makakausap ng tino si Stan. At kaya ako napadpad sa facebook pero hindi naman siya online pero bago ako mag-log out nagpost muna ako. You will pay for it @Stanley Ramirez >:))

Kaya kinabukasan, nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko siya sa classroom nila. Binati agad ako ni Aya pagkapasok ko ng room namin, "Risa, sorry na. Mag-eenjoy ka sa practice, promise."

Medyo nagtaka ako sa sinabi ni Aya at saka ko lang naalala na may kasalanan nga pala sila sa akin. Pinag-kaisahan nila ako. Hindi pa tumigil si Aya kahit naibaba ko na yung bag ko sa table ko. Naupo pa siya dun sa upuan sa harap ng table ko. "Please, Risa," sabi niya sa akin na may kasamang paawa effect gamit ang mga mata niya.

"Oo na, Aya," sagot ko sa kanya. Hindi naman talaga ako galit o tampo sa kanila. I might as well enjoy the whole deal because I'm basically trapped.

"Tarang pumunta sa kabila," alok ko kay Aya.

Tiningnan naman niya ako ng medyo nakakaloka. "At bakit mo naman gusto pumunta sa kabila?"

"Wala lang," sagot ko sabay shrug.

"Anong wala ka diy-"

"Risa, pahiram naman ako ng notes mo sa math," singit ni Dan kaya hindi natapos ni Aya yung sasabihin niya.

Kinuha ko naman kaagad yung notebook ko sa bag ko at inabot sa kanya. "Bakit? Anong meron?"

"May quiz tayo ah. Nakalimutan mo?"

Yun ang dahilan kung bakit nakatakas pa din si Stan sa akin noong umaga. Dumating din ang lunch sa wakas. Medyo malungkot ako ng konti dahil alam kong pasang awa lang ako dun sa quiz namin kanina at yun pa din ang topic namin hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Kaya nagulat ako ng nakarating na kami dun sa table na lagi naming pwesto.

"Oh, Stan, anong ginagawa mo dito? Ang aga niyo ata," tanong ko agad sa best friend ko na nakatalikod sa akin dahil nakaupo siya sa part na nakaharap sa court yard.

Sa totoo lang si Keith ang una kong nakita dahil siya yung nakaharap kaya ako nagulat. Kahapon kasi hindi naman sila ganitong kaaga at mas madalas talaga na kami ang nauuna. Ang isa pang dahilan kung bakit ako nagulat ay dahil kulang sila ng isa. Si Andy kasi laging inaantay nun si Aya kaya lagi din namin kasabay pag baba. Si Lance naman, hindi ko na kailangan hanapin yun, malamang kasama ni Ate.

Naupo na ako sa tabi niya kahit hindi pa niya ako sinasagot. Napatingin lang ako ng saglit kay Keith dahil siya yung nasa harap ni Stan. Mahirap iwasan ng tingin.

"Nasaan ang girlfriend mo Stan?" tanong ni Dan habang naupo na siya sa tabi ni Keith.

May inilapag na plato sa harap ko si Stan bago niya sinagot si Dan, "Sasabay daw muna siya sa mga kaibigan niya dahil may project pa daw silang kailangan tapusin."

"Ano 'to?" tinuro ko yung pagkain na nilagay ni Stan sa harap ko.

"Suhol?" nginitian lang niya ako saka inabutan ng kutsara at tinidor.

Tinanggap ko naman agad at napangiti na lang din ako. "Walang inumin?"

"Syempre meron," inabot naman niya sa akin ang isang baso ng malamig na orange juice.

"So hindi na galit si Risa?"

Napatigil ako bigla at napawi ang ngiti sa aking labi. Si Keith kasi ang nagtanong. Natahimik din yung iba ng saglit pero sinagot kaagad siya ni Dan, "Oo naman. Hindi kaya kaya ni Risa na tiisin tayo. At tsaka kay Ma'am Rodriguez na yan galit. Ang hirap kasi ng quiz niya kanina."

At kaya uli napabalik ang usapan sa quiz namin kanina pero hindi pa din ako umiimik hanggang sa nagsitayuan na yung iba para bumili ng pagkain. Ang naiwan na lang ay kaming tatlo dahil nakabili na din si Keith ng pagkain niya. Bumalik uli ang katahimikan sa table namin. Ang awkward tuloy. Wala pang nakain sa aming tatlo dahil inaantay namin yung iba.

Si Stan ang bumasag ng katahimikan, "'Wag mong sabihin na nahirapan ka din sa quiz sa math?"

"Nakapag-quiz na kayo?" tanong ko sa kanya. Bumalik na uli ang atensyon ko sa best friend ko.

"First subject namin kanina ang math," sagot ni Keith.

"Hindi ikaw ang tinanong ko," bigla kong sabi kay Keith. Medyo nagulat siya pero mas nagulat ako. Bigla akong napatakip ng bibig. Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko?

"Risa," simula ni Stan sa akin tapos lumapit pa siya ng konti at halos ibulong niya niyong sinasabi niya, "Ano ka ba? Umayos ka nga. Madalas mo ng makakasama si Keith ngayon."

Napatingin naman ako kay Keith. Ngumiti lang siya ng konti tapos umiwas na ako ng tingin. Kung hindi ko lang best friend si Stan kanina ko pa ibinuhos sa kanya yung orange juice na binigay niya sa akin. Alam ko naman na magiging parte na din ng pang araw-araw kong buhay sa school si Keith dahil lagi silang magkadigkit ni Stan kahit noong dati pa bago pa man mag-transfer ng ibang school si Keith. At hindi ko matatakasan yun forever.