webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
69 Chs

Quiz and Lunch (1)

"Jared?" tanong ni Stan. Nakakunot ang noo niya at halos magkasalubong ang kanyang kilay. Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano.

"Oo," sagot ko sa kanya, "Hindi mo ba naalala? Siya yung kapatid ni Denise."

"Alam ko," sagot ni Stan na medyo padabog. Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy na lang uli kami sa paglalakad.

Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makarating na kami sa bahay. Hindi ko na tinanong si Stan dahil baka mag-away lang ulit kami kasi alam kong nagtatampo siya dahil tinanggihan ko na sunduin niya ako sa piano lessons ko. Hindi naman sa ayaw ko talagang hindi niya ako sunduin pero ayoko naman na darating sa punto na mamimili ulit si Stan sa aming dalawa at alam kong yung girlfriend niya ang pipiliin niya. Ayoko na maramdaman ulit yun, masakit.

Dahil alam ko din na hindi talaga ako makakatakas sa play, wala na akong choice kundi umattend ng practice kahit labag sa kalooban ko. At yung kay Jared, hindi naman totoo yun. Sinabi ko lang yun para tigilan na ako ni Stan. Para alam niya na kahit hindi niya ako sunduin, may susundo sa akin. Hindi niya kailangan mag-alala. At kahit gusto ko man, magpasundo kay Jared, busy siya sa school works. Hindi na nga kami madalas magka-text eh.

Nasa harap na kami ng bahay namin, papasok na sana ako ng gate ng biglang nagsalita si Stan. "Nanliligaw ba sayo yung Jared?"

"Huh?" napalingon agad ako sa best friend ko.

"Kasi siya ang date mo nung Christmas Ball tapos hinahatid ka pa niya," paliwanag ni Stan.

"Hindi nu," sagot ko naman agad sa kanya.

"Eh ano? Boyfriend mo na?"

Nanlaki ang mata ko at medyo napabuka ang bibig ko. Hindi ko inakala na ganun ang iniisip ni Stan.

"Hindi ko boyfriend si Jared. Mag-kaibigan lang kami," sagot ko kay Stan. Madiin ang pagkakasabi ko ng bawat salita. Kahit magaan ang loob ko kay Jared, hindi ko nakikita sa kanya na may gusto siya sa akin. At higit sa lahat, hindi ganoong klase ang pagka-gusto ko kay Jared. Oo, gwapo siya, mabait pero kuya lang din ang tingin ko sa kanya, an older brother that I never saw in Stan.

"Bat ka niya ihahatid?" tanong pa uli ni Stan. Nakapunot naman ako ng noo. Hindi ba siya titigil ng kakatanong?

"Kasi mag-kaibigan nga kami. Hindi ka ba naniniwala sa akin, Stanley?"

Napabuntong hininga siya. "Sige na, pumasok ka na sainyo."

Inabot niya sa akin yung kahon ng Brownies Unlimited. "Hindi ka papasok?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na,"sagot ni Stan, "Gabi na. Hinahanap na ako sa amin."

Tumango lang ako. "Hindi mo ba sasabihin sa akin kung anong nangyari sa girlfriend mo?"

"Risa," simula niya pero tinitigan ko lang siya at mukhang nakuha niya na hindi ako papayag na hindi niya sabihin. Nagpatuloy na siya, "Naihatid ko na siya sa kanila. Alam din niya na susunduin kita."

Tumigil siya at tinitigan ko siya na parang nag-aantay na magpaliwanag pa siya. Nagbuntong hininga uli siya, "Ano ba ang gusto mo pang malaman, Risa?"

"Pumayag siya?" tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi man lang nagselos? Come on, Stan. Hindi ako maniniwala sayo hangga't hindi ka nagpapaliwanag ng ayos."

"Fine," he grunted, "Pero hindi ba pwedeng bukas na lang? Gutom na ako."

"Edi dito ka na lang kumain. Ikwento mo sa akin habang kumakain tayo."

Lumapit sa akin si Stan at biglang hinalikan ako sa noo. Napa-atras ako ng konti dahil sa gulat. Hindi ko man naramdaman ang labi niya dahil sa bangs ko ito lumapat, hindi ko pa din inaasahan na gagawin ni Stan yun, ng best friend ko. Close kami pero hindi kami yung gumagawa ng ganung klase ng gestures. Hanggang yakap at akbay lang kami.

"Bukas na lang, sa lunch. Good night, Risa," sabi niya habang nakangiti ng konti tapos naglakad na uli siya palayo.

"Hoy! Stanley Ramirez! Akala mo ba makakatakas ka sa akin!" sigaw ko sa kanya nang napagtanto ko na ginawa niya lang yun para makatakas sa akin.

"Pumasok ka na Risa! Mapapagilatan ka na ni Tita!" sigaw niya pabalik sa akin pagkatapos niyang lumingon ng saglit at parang narinig siya ni mama dahil biglang nagbukas yung pinto ng bahay namin.

"Mari Alyssa! Kung kanina ka pa nandiyan, pumasok ka na at kumain."

Bago pa ako tuluyan pumasok sa aming bahay, nakita ko si Stan na dumila sa akin. Dumila na lang din ako sa kanya at kumaway. Wala talagang tatalo sa best friend ko. Pagkatapos ko kumain at gumawa ng assignments. Oo. Nagawa ako ng assignments. Mahirap kumopya araw-araw. Tinext ko si Stan. Kung akala niya makakalusot na siya, dun siya nagkakamali.